Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Ang Ikalawang Paglalakbay ni Rizal

No description
by

Michelle Lopez

on 3 October 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Ang Ikalawang Paglalakbay ni Rizal

ANG
PAGLALAKBAY
AT
PAGKAMATAY
NI
RIZAL

PILIPINAS
ANG PAGLALAKBAY NI RIZAL
Peberero 3, 1888
Sumakay si rizal ng barkong Zafiro patungo ng Hongkong.

Nakarating sa Amoy, China noong Pebrero 7,1888
Amoy, China
Pebrero 7,1888.
Nakarating sila sa Amoy, China.

Victoria Hotel - dito nanuluyan si Rizal sa pagdating sa Hongkong

Nakatagpo ni Rizal sa Hongkong si Jose Basa isang abogadong tumakas sa Marianas aat biktima ng terorismo ng Espanya ng 1872.
Pagbisita sa Macao
Kiu Kiang - ang barkong sinakyan ni Rizal at Basa patungo sa Macao noong Pebrero 18, 1888 at nakita niya dito si Jose Sainz de Varanda na sumusunod sa kanya.

Don Juan Francisco Lecaros - Pilipino na nakapag-asawa ng Portugess at sa kanyang bahay si Rizal ay nanuluyan habang sila ay nasa Macao.
Pebrero 28, 1888
Dumating si Rizal sa Yokohama at tumigil sa Grand Hotel.

Mula sa Yokohama nagtungo si Rizal sa Tokyo na siyang punong lunsod ng nasabing bansa.

Juan Perez Caballero - opisyal ng Espanya sa Tokyo na bumisita kaay Rizal sa hotel at inanyayahan si Rizal na manirahan sa gusali ng legasyon.
Tokyo, Japan
Tokyo, Japan
Napilitan si Rizal na mag-aral ng wikang nihongo at natutunan niya ito sa loob ng ilang araw lamang.

Sa kaniyang paninirahan sa legasyon ay naging matalik niyang kaibigan si Juan Perez Caballero at kanyang sinabi na ang diplomat ay isang bata, matalino, at mahusay na manunulat.
Si O-Sei-San
Si O-Sei-San ay anak ng isang samurai 23 at walang karanasan sa pag-ibig. Ang magkatulad nilang interes sa sining ang nagbigay daan sa kanilang pag-ibig.

Tinulungan ni O-Sei-San si Rizal sa maraming paraan ng higit sa isang katipan.

Pinili ni Rizal ang paglilingkod sa bayan kaysa sa pakasalan si O-Sei-San.

Naging tapat si O-Sei-San kay Jose Rizal nag-asawa lamang ito noong 1897 pagkatapos na bitayin si Rizal. Napangasawa ni O -Sei-San si Alfred Charlton na isang Ingles na isang guro ng kemistriya sa Tokyo.
Abril 13, 1888
Umalis si Rizal sa Yokohama patungo ng Amerika sakay ng barkong Belgic.

Sa kanyang paglalakbay sa Pasipiko ay nakatagpo ni Rizal sa barko ang mag-asawang Reinaldo Turner at Emma Jacson. Itinanong ng kanilang anak kung kilala niya si Richal na sumulat ng Noli Me Tangere . Sinabi niya sa mga bata na siya si Rizal.
Estados Unidos
Estados Unidos
Abril 28, 1888 - dumating ang barkong Belgic sa daungan ng lunsod ng San Francisco.

Tumuloy si Rizal sa Palace Hotel sa kanyang panahon ng pananatili sa San Francisco.

Mula sa San Francisco ay tinawid ni Rizal ang kalawakan ng Estados Unidos hanggang sa lunsod ng New York.
New York City
Narating ni Rizal ang New York noong Mayo 3, 1888 at kaniyang sinabi na ang lunsod ay isang napakalaking bayan.

Mula sa New York si Rizal ay sumakay ng barkong City of Rome na nagdala sa kanya patungo ng London.
Mayo 25, 1888
Dumating si Rizal sa London

Pansamantalang nanirahan si Rizal sa bahay ni Antonio Ma. Regidor na isang takas na Pilipino sa Marianas noong 1872 at nagtatrabaho bilang abogado sa London.

Nakahanap ng isang bahay na matitirahan si Rizal sa London at may address na 37 Chalcot Crescent, Primrose Hill.
London, Inglatera
Inglatera
Pansamantalang nanirahan si Rizal sa bahay ni Antonio Ma. Regidor na isang takas na Pilipino sa Marianas noong 1872 at nagtatrabaho bilang abogado sa London.

Nakahanap ng isang bahay na matitirahan si Rizal sa London at may address na 37 Chalcot Crescent, Primrose Hill.

Ang may-ari ng nasabing bahay paupahan ay ang pamilyang Beckett na isang organista ng Katedral ng St. Paul.
Mga Balita sa Mula sa Pilipinas
Masamang Balita
Pag-uusig sa mga makabayang Pilipino na lumagda sa Manipestong laban sa mga Prayle na iniharap ni Doroteo Cortes. Ang manipesto ay nilagdaan ng 800 na Pilipino at isinulat ni Marcelo H. del Pilar na humihiling sa pagpapa-alis ng mga prayle sa Pilipinas.
Malubhang paninira nina Senador Salamanca at Vida sa Cortes ng Espanya laban sa Noli Me Tangere , gayundin ng mga manunulat na sina Wenceslao Retana at Pablo Feced sa mga pahayagang Espanyol.
Ang bayaw ni Rizal na si Manuel Hidalgo ay ipinatapon ni Gobernador Weyler ng walang anumang ginanap na paglilitis.
Dinakip ng mga Espanyol si Laureano Viado na kaibigan ni Rizal sa Maynila dahilan sa nahulihan ng mga Espanyol ng sipi ng Noli Me Tangere sa kanyang bahay.
Mga Balita sa Mula sa Pilipinas
Nabalitaan ni Rizal ang ginawang pagtatanggol ni Padre Vicente Garcia sa nobelang Noli Me Tangere laban sa pagbabatikos ng mga prayle.
Mga karansan ni Rizal sa Inglatera
Habang si Rizal ay nasa Inglatera, binisita din panandali ni Rizal ang Madrid at Barcelona upang alamin sa mga Pilipino ang kanilang ginagawang pagkilos para sa reporma sa Pilipinas. Sa unang pagkakataon ay nakita ni Rizal si Marcelo H. del Pilar at Mariano Ponce, ang dalawang higante ng kilusang propaganda.

Nagbalik si Rizal sa London noong Disyembre 24, 1888 at nagdaos ng Pasko at Bagong Taon sa tahanan ng mga Beckett . Nagpadala si Rizal ng regalo kay Blumentritt at Dr. Czepelak.
Gertrude Beckett
Anak na babae ng kanyang kasero sa London at tinawag niya ito sa palayaw na Getie. Naging malapit ang dalawa, dahilan sa tinutulungan ng dalaga si Rizal sa kanyang mga gawain tulad ng paghahalo ng pintura sa kanyang pagpipinta at paghahanda ng clay para sa kaniyang iskultura. Tinawag ni Getie si Rizal sa palayaw na Petie.

Ngunit bago pa man mabuo ang isang pag-ibig, si Rizal ay lumayo kay Gertrude Beckett dahilan sa kanyang mas mahalagang misyon sa buhay.
Marso 19, 1889
Nagpaalam si Rizal sa pamilyang Beckett at nilisan ang London patungo ng Paris.

Pumunta si Rizal sa Paris dahilan sa gaganapin noon ang Pandaigdig na Eksposisyon na darayuhin ng libu-libong mga tao mula sa iba't ibang panig ng mundo
Paris, Pransya
Paris, Pransya
Dahilan sa karamihan ng tao, si Rizal ay nahirapan na makahanap ng lugar na matitirahan at naging napakamahal pa ng kabayaran sa mga paupahang kuwarto.

Nagpalipat-lipat ng tirahan si Rizal hanggang makakita siya ng isang maliit na silid at nakasama niya dito ang dalawang Pilipino na sina Capitan Justo Trinidad na dating gobernadorcillo ng Santa Ana at Jose Albert na isang batang mag-aaral mula sa Maynila.
Pransya 1889
Mga karanasan ni Rizal sa Pransya
Sa mga malalayang oras si Rizal ay dumadalaw sa bahay ng mga pamilyang Pilipino na sina Pardo de Tavera, Ventura, Luna, at Bousted. Naging kaibigan niya ang tatlong magkapatid na Pardo de Tavera, na ang ama ay isa sa mga biktima ng kalupitan ng mga Espanyol noong 1872.

Itinayo ni Rizal sa Paris ang Samahang Kidlat na binubuo ng kanyang mga kababayang Pilipino. Ang samahan ay panandalian lamang at naglalayon na paglalapitin ang mga Pilipino sa Paris upang higit silang masiyahan sa panonood ng eksposisyon.

Itinatag ni Rizal ang samahang Los Indios Bravos at pinalitan nito ang Samahang Kidlat . Nangako ang mga kasapi nito ng pagsisikap sa katalinuhan at pagpapalakas katawan upang magtamo ng paghanga ng dayuhan.
Iba pang Mga Ginawa sa Paris
Binalak ni Rizal na itayo ang samahan ng mga Filipinolohista sa Paris ngunit hindi ito naisakatuparan.
Ipananukala ni Rizal ang pagtatayo ng isang makabagong kolehiyo ng mga Pilipino sa Hongkong na ang layunin ay magsanay at magturo ng mga anak ng mga mabubuting pamilyang Pilipino.
Nagdaos ng kapaskuhan si Rizal sa Paris at pagkatapos ng Bagong Taon ay saglit na dumalaw sa London upang tingnan ang katumpakan ng kanyang anotasyon Sucesos de las Islas Filipinas at dalawin si Gertrude Beckett.
Mga Dahilan ni Rizal sa Pag-alis sa Paris
a.Ang napakamahal na halaga ng bilihin dahilan sa karamihan ng mga taong dumalo sa Pandaigdig na Eksposisyon sa paris.
b.Ang masayang kapaligiran ng Paris ay umaagaw ng kanyang atensiyon sa mga gawaing pampanitikan. Ang pangangailangan niya na isulat ang El Filibusterismo .
Belgium
Brussels, Belgium
Mula sa Brussels si Rizal ay nagtungo sa Ghent na isang lunsod pamantyasan ng Belgium.
Mula pa sa Calamba ay sinimulan na ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo at natapos ang huling kabanata sa Biarritz.Naninirahan si Rizal sa Ghent dahilan sa mga sumusunod:
a. Mura ang halaga ng pagpapalimbag sa Ghent
b. Makaligtas sa pang-aakit ni Petite Sussane Jacoby
El Filibusterismo
Sa pagdating ni Rizal sa Ghent ay naghanap siya ng pinakamurang bahay palimbagan para sa kanyang nobelang El Filibusterismo at kanyang natagpuan ang palimbagang F. MEYER-VAN LOO PRESS sa daang Viaanderen na handang maglathala ng nobela sa pamamagitan ng pagbabayad ng hulugan. Isisnanla ni Rizal ang kanyang mga alahas upang maging paunang bayad sa palimbagan.

Habang nasa palimbagan si Rizal ay naubusan siya ng pera at ang pagpapalimbag sa El Filibusterismo ay napahinto sa kalagitnaan.

Sa ganitong kagipitan ay halos kanyang itapon ang manuskrito ng El Filibusterimo sa apoy.
Hongkong, China
Hongkong, China
Dumating si Rizal sa Hongkong ng Nobeyembre 20, 1891 at sinalubong ng mga kaibigan at dito ay nanirahan sa 5 D' Aguilar Street No. 2 Rednaxola Terrace. Sa nasabi ding tirahan si Rizal ay nagbukas ng isang klinika.
Bago magpasko ng 1891 dumating sa Hongkong ang kanyang ama at bayaw na si Silvestre Ubaldo. Sumunod na rin ang kanyang ina, Lucia, Josefa, at Trinidad.
Nakasama na muli ni Rizal ang kanyang pamilya sa kapaskuhan sa ibang bansa.
Hunyo 26, 1892
Nagbalik si Rizal sa Maynila kasama ng kanyang kapatid na si Lucia at tumigil sa Hotel de Oriente.
Sa hapon ng nasabing araw nagtungo si Rizal sa Malacanang upang makipagkita sa gobernador heneral ngunit pinabalik siya ng gabi at nakausap si Despujol.
Binisita niya ang kanyang kapatid na si Narcisa at si Neneng.
Kinabukasan, sumakay si Rizal ng tren at dinalaw ang kanyang mga kaibigan sa Malolos, Bulacan; San Fernando, Pampanga; Tarlac, Tarlac; at Bacolor, Pampanga. Ang kanyang mga paglalakbay ay sinusundan ng mga Espanyol at mga bahay na kanyang binisita pagkatapos ng ilang araw ay sinalakay ng mga kawal Espanyol.
Sa mga sumunod na araw ay muling nakipagkita si Rizal kay Despujol.
Hulyo 3, itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina sa bahay ni Doroteo Ongjungco sa Kalye Ylaya, tondo Maynila.
Ang pagpupulong ay dinaluhan ng mga sumusunod:
a. Pedro Serano Laktaw
b. Domingo Franco
c. Jose Ramos
d. Ambrosio Salvador
e. Bonifacio Arevalo
f. Agustin de la Rosa
g. Moises Salvador
h. Luis Villareal
i. Faustino Villaruel
j. Mariano Crisostomo
k. Numeriano Adriatico
l. Estanislao Legaspi
m. Teodoro Plata
n. Andres Bonifacio
o. Juan Zulueta
Hulyo 6, 1892
Sa isang pakikipag-usap ni Rizal kay Despujol ay inaresto siya sa dahilan sa bintang na pagdadala ng mga polyetong kontra-simbahan.

Ipinakulong si Rizal at mahigpit na pinababantayan sa Fort Santiago.

Sumunod na araw inilabas ang kautusan na ipatapon si Rizal sa Dapitan.

Dinala si Rizal sa Dapitan sa pamamagitan ng barkong Cebu.
PAGKAMATAY NI RIZAL
Dapitan
Hulyo 15, 1892 - nakarating si Rizal sa Dapitan at ipinagkaloob kay Kapitan Ricardo Carnicero ang komandante ng hukbong Espanyol sa lugar.
Dala ni Rizal ang sulat ni Padre Pablo Pastells na superior ng mga Jesuita para kay Padre Antonio Obach ang paring Jesuita sa Dapitan. Ang sulat ay naglalaman ng mga kondisyon upang si Rizal ay makatira sa kumbento.
Pansamantalang nanirahan si Rizal sa kuwartel na pinamumunuan ni Kapitan Carcinero na kanyang naging kaibigan.
Dapitan 1891
Mga Proyektong Pangkomunidad sa Dapitan
Paglilinis ng mga latian upang mawala ang malaria
b. Paglalagay ng pailaw sa lansangan ng Dapitan
c. Pagpapaganda ng liwasan at ang paglalagay ng mapa ng Mindanao sa plasa.
1. Ang malaking panahon ni Rizal ay ginamit din niya sa pagtuturo ng mga kabataan sa Dapitan. Tinuruan niya ang mga ito ng mga aralin sa wika, heograpiya, kasaysayan, matematika, gawaing industriyal at iba pa. Ang oras ay mula alas 2:00 hanggang 4:00 ng hapon.
2. Mga ambag ni Rizal sa Agham sa Dapitan
a. Pinasok ni Rizal ang mga kagubatan at baybay dagat ng Dapitan para sa paghahanap ng
mga specimen upang ipadala niya sa mga museo ng Europa.
b. Nakapag-ipon siya ng 346 na uri ng mga kabibi.
c. Natagpuan niya ang species ng Draco rizali Apogonia rizali at Rhacophorus rizali.
Josephine Bracken
Dumating si Josephine Bracken (edad 17) sa Dapitan upang samahan ang kanyang ama-amahan na si George Tauffer upang mapagamot kay Rizal. Dala nila ang isang tarheta ni Julio Llorente.
c. Nagmahalan sina Rizal at Josephine at nagbalak na magpakasal ngunit ayaw silang ikasal ni Padre Obach ng walang permiso ng arsobispo ng Cebu.
d. Umalis si Tauffer sa Maynila at naiwan si Josephine sa Dapitan upang makisama kay Rizal.
e. Sa unang bahagi ng 1896, nakunan si Josephine sa kanilang anak ni Rizal.
Huling paglalakbay ni Rizal
Nagboluntaryo si Rizal upang maglingkod sa hukbong Espanyol bilang isang seruhano sa Cuba. Ang kanyang kahilingan ay tinugon naman ni Gob. Hen. Ramon Blanco na sumagot sa kanyang sulat noong Hulyo 1896 na nagsasabi ng pagsang-ayon sa kanyang plano.

Nilisan ni Rizal noong Hunyo 31, 1896 sakay ng barkong Espana kasama nina Josephine, Narcisa, at pamangking si Angelica.

Habang nasa barko si Rizal ay sumiklab ang himagsikang Pilipino laban sa mga Espanyol. Nalaman ni Rizal ang pagsiklab ng himagsikan sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga pahayagan sa barko.

Sa petsang Agosto 30, 1896 natanggap ni Rizal ang isang sukat ni Blanco na nag-eendorso sa kanya sa Ministro ng Digma.

Inilipat si Rizal ng Setyembre 2, 1896 sa barkong Isla de Panay na maglalayag na patungong Barcelona.
Ang barkong Isla de Panay ay dumaan ng Singapore, pansamantalang bumaba si Rizal sa Singapore at pinayuhan siya ni Don Manuel Camus na isang Pilipinong naninirahan na samantalahin na ang pagkakataon upang makatakas. Hindi ito sinunod ni Rizal.

Habang si Rizal ay naglalakbay patungo ng Espanya ay lihim na nagpapadala ng telegrama si Blanco sa Ministerio ng Digmaan na si Rizal ang utak ng himagsikan.
Setyembre 28, 1896 - narinig ni Rizal ang bali-balitang siya ay aarestuhin pagdating sa Barcelona.
Setyembre 30, 1896 - ipinaalam kay Rizal ni Kapitan Alemany ang kautusan na siya (Rizal) ay idedetine sa loob ng kanyang kabina hanggang hindi nakakabalik sa Maynila.
Oktubre 3, 1896 - nakarating ang barkong Isla de Panay sa Barcelona at ipinadala sa Munjuich Castle na noon ay pinamumunuan ni General Eulogio Despujol . Oktubre 6, 1896 - inilabas si Rizal ng kulungan para ibalik sa Maynila sakay ng barkong Colon.
Paglilitis kay Rizal
Sa Barkong Colon si Rizal ay binigyan ng isang kabuna at nasa ilalim ng mahigpit na pagbabantay.
Nalaman niya sa isang opisyal na siya ang sinisisi ng mga Espanyol ukol sa nagaganap na madugong himagsikan sa Pilipinas.
Kinumpiska ng mga Espanyol ang talaarawan ni Rizal.
Sa pagdating ng barkong Colon sa Singapore ay sinikap ni Dr. Antonio Regidor at Sixto Lopez sa pamamagitan ng isang abogadong Ingles na si Attorney Fort na bigyan si Rizal ng habeas corpus ngunit hindi ito naipagkaloob sa dahilang ang barkong Colon ay nasa ilalim ng bandila ng Espanya.
Pinili ni Rizal ang pangalan ni Tinyente Luis Taviel de Andrade bilang abogado sa gaganaping paglilitis sa kanya.
Nagsimula ang paglilitis kay Rizal noong Disyembre 26, 1896 at sa nasabi ding araw ay nagpasiya ang hukuman na bitayin si Rizal sa pamamagitan ng pagbaril.
Noong Disyembre 28, 1896 nilagdaan ni Gobernador Heneral Camilo Polaviela ang kautusan ng pagbaril kay Jose Rizal.
Sa pagdating ni Rizal sa Bagumbayan mas maraming bilang ng mga tao ang naghihintay upang saksihan ang gagawing pagbitay kay Rizal.

Nagpaalam si Rizal kay Luis Taviel de Andrade . Pinulsuhan siya ni Dr. Castillo isang manggagamot ng hukbong Espanyol at humanga sa normal na tibok ng pulso nito.

Alas 7:00 ng umaga - binaril si Rizal sa Bagumbayan.
Pagkatapos ng barilin ng firing squad isang opisyal ng hukbo ang lumapit sa kanyang katawan at binaril na malapitan sa puso. Upang tiyakin na patay na ito.

Pagkatapos ng pagbitay, ang bangkay ni Rizal ay inilibing sa sementeryo ng Paco.
SALAMAT PO!
Full transcript