Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

pokus ng pandiwa

No description
by

analou diva

on 13 January 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of pokus ng pandiwa

Pokus ng Pandiwa Naipakikita sa pamamagitan ng pokus ang kaugnayan ng paksa sa pandiwa kung tagagganap, tagatanggap, sanhi, pinaglalaanan, ginaganapan o kagamitan ang paksa. Ang pokus ay ang pinakapaksa ng pangungusap. Maaaring maging: 1) aktor, 2)gol, 3) lokatib, 4) kosatib, 5) instrument, 6) diresksyunal, at 7) benepektib. 1. Aktor Pokus

Nasa aktor pokus kapag ang paksa ang tagaganap ng kilos ng pandiwa sa pangungusap. May mga panlaping ginagamit gaya ng : um, mag-, maka-, mang at ilang ma-.

Halimbawa:
*Sumungkit ng mga atis ang mga mag-aaral.
*Nagdala ng radyo si Trixy.
*Mangunguha si Chris ng maraming prutas. 2. Gol Pokus

Nasa gol pokus kapag ang paksa ang siyang tagatanggap ng kilos na ipinahahayag ng pandiwa at may layon tagaganap. Ang mga panlaping ginagamit sa pokus na ito ay i-, in, -an/-han, ma-, ipa. Pinangungunahan ng marker na ng/ni ang aktor o ang kahalili nitong mga panghalip.


Halimbawa:

*Kinuha ni Joe ang susi.
*Binali ng bata ang lapis.
*Binasa ng pulis ang pahayagan. 3. Lokatib Pokus

Nasa lokatib pokus kapag ang tinutukoy ay ang pook na pinagganapan ng kilos. Ang mga panlaping ginagamit ay -an/-han, pag- -an/-han, -an/-han, pang... -an/-han.

Halimbawa;

*Pinaghukayan ni Pedro ang kanilang bakuran.
*Pinaglutuan ng kakanin ang bagong kawali.
*Napagtamnan ni joe ang mga malalaking paso. 4. Kosatib Pokus

Kapag tinutukoy ang kadahilanan ng kilos sa pangungusap. Ang panlaping ginagamit ay i-, ika- at ikapag- Pinangungunahan ng ng/ni ang aktor o panghalili rito.

Halimbawa:

*Iniluha niya ang pag-alis mo.
*Ikinainis nila ang pagsisinungaling mo.
*Ikinagalit ko ang iyong pagtataksil. 5. Instrumental Pokus

Nasa instrumental pokus kapag ang paksa ay ang kagamitang ginagamit sa pagkilos ng pandiwa sa pangungusap. Ang panlaping ginagamit ay ipang- at pinangungunahan ng ng/ni ang aktor.

Halimbawa:

*Ipinangguhit ng bata ang lapis na iyan.
*Pinuntahan ni Ging-ging ang bagong twalya.
*Ipinanghiwa ni Abie ng sibuyas ang kutsilyo. 6. Direksyunal Pokus

Kapag tinutukoy ang direksyon o tatanggap ng kilos sa pangungusap. Ang mga panlaping ginagamit sa ganitong pokus -an/-han, at pinangungunahan ng ng/ni marker ang aktor o mga panghalili nito.

Halimbawa :

*Pinasyalan namin ang Banaue Rice Terraces.
*Pinuntahan ng mga pulis ang kanilang bahay.
*Tinabihan niya ang kanyang kaibigan. 7. Benepaktibo Pokus

Nasa benepaktibo pokus kapag ang paksa ay pinaglalaanan o di-tuwirang layon ng kilos ng pandiwa. Ang mga panlaping ginagamit sa ganitong pokus ay i-, ipang-, at ipag-. Pinangungunahan ng ng/ni ang marker ng aktor.

Halimbawa;

*Ikinuha ng inumin ng katulong ang panauhin.
*Ipinaghugas ni Ana ng pinggan ng bata.
*Ipinagluto ng ina ng masarap na ulam ang maysakit.
Full transcript