Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

PANANALIKSIK SA FILIPINO 2

No description
by

sam sta teresa

on 12 March 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of PANANALIKSIK SA FILIPINO 2

II. Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral:
A. Literatura:
Binatikos ng Simbahang Katoliko ang bagong primetime teleserye ng GMA-7, ang My Husband’s Lover.
–Joyce Jimenez (Hunyo 25,2013)
Ang naturang show na pinagbibidahan nina Dennis Trillo, Carla Abellana, at Tom Rodriguez, ang kauna-unahang programa sa telebisyon na tumatalakay sa relasyon ng dalawang lalaki o ng dalawang bakla. Gumaganap si Tom Rodriguez bilang lalaking may asawa (Carla Abellana) at mga anak, ngunit may pagmamahal din sa dating karelasyon na ginagampanan ni Dennis Trillo. Ayon sa artikulong lumabas sa rappler.com ngayong araw, Hunyo 25, sinabi ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Youth (CBCP-ECY) executive secretary Fr. Kunegundo Garganta na kailangan pag-aralan mabuti ng mga writer ang tema ng mga ginagawa nilang palabas. Kailangan daw maging sensitibo ang mga television network sa bansa sa mga ipinapalabas nilang programa, lalo na ang magiging epekto nito sa kabataan. Ani Fr. Garaganta, “Malaking pag-aaral ang dapat na gawin sa mga bagong teleserye tulad ng My Husband’s Lover. “Na sana maisaalang-alang na nasa isang bansa tayo na mayroong kultura na pinapahalagahan ang usaping moral o mga bagay na saklaw ng moralidad “Ito ang dapat na isaalang-alang ng mga gumagawa ng teleserye.
Pasasalamat:

Sa aming ginawang pananaliksik, marami kaming nais pasalamatan na nakatulong ng malaki upang ang pananaliksik na ito ay maisagawa namin ng maayos at matagumpay. Una sa lahat, nais naming pasalamatan ang Dakilang Lumikha sa paggabay sa amin at pagpapanatiling ligtas sa mga panahong isinasagawa namin ang pananaliksik na ito. Pangalawa, sa aming mga magulang na laging nariyan at walang sawang sumusuporta sa amin. Maraming salamat din sa mga guro at tagapamahala sa Mataas na Paaralan ng San Francisco sa pagtanggap sa amin at pagpayag na isagawa namin ang aming pananaliksik sa inyong mga mag-aaral bilang mga respondent. Higit sa lahat salamat sa aming propesor sa Filipino 02 na si Ginoong Malabanan sa pag gabay sa amin at walang sawang pagsagot sa aming mga katanungan hanggang sa matapos naming ang pananaliksik na ito.

Kabanata I – Introduksyon
B. Kahalagahan ng Pag-aaral:

Ang kahalagahan ng pananaliksik na ito ay upang imulat ang mga kabataan sa panahon ngayon na kahit ano pa mang impluwensya ang maidulot ng mga teleseryeng napapanood natin sa telebisyon ay hindi nangangahulugan na ito ay mabuti o nararapat na tularan. Tandaan na maraming aspeto ang isinasaalang-alang bago maaprubahan ang mga palabas na kagaya nito, ano man ito mahalaga pa rin na kailangan ng wastong patnubay ng mga magulang sa kanilang panonood. Binubukasan rin ng pananaliksik na ito ang kaisipan ng mga kabataan sa realidad ng mundo. Realidad na bagamat ang pakiki-apid o pag-agaw ng asawa ng iba ay totoong nagaganap bagamat mananatiling ito ay hindi tama sa paningin ng Diyos at ng sambayanan. Magsisilbing paalala ang pananaliksik na ito sa kanilang pagtanda na ang pamilya ay dapat pinahahalagahan at iniingatan. Higit sa lahat ang kahalagahan ng pananaliksik na ito ay maipabatid sa bawat isa, lalo na sa mga kabataan na matutong pumili ng mga palabas na yayakapin o maging kritikal na manonood.

Ipinasa nina:
Lider: Salado,Rizza Mae C.
Mga Myembro:
Arquero, Josephine
Leano, Jamima
Lee, Shanin
Sta. Iglesia, Rachel
Sta. Teresa, Sam Claudette

Ipinasa kay:
Ginoong Joel Costa Malabanan

PANANALIKSIK SA FILIPINO 2
Epekto ng mga Teleseryeng May Temang Pagkasira ng Pamilya o Pagsasama ng Mag-asawa sa Isandaang Mag-aaral na may Edad Labing-tatlo Hanggang Labing-anim sa Mataas na Paaralan ng San Francisco

Abstrak
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang mga nagiging epekto ng mga teleseryeng may temang pagkasira ng pamilya o pagsasama ng mag-asawa sa isandaang mag-aaral na may edad labing-tatlo hanggang labing-anim sa Mataas na Paaralan ng San Francisco. Ang ginamit naming metodolohiya ay ang paraan ng paglalarawan kung saan kami ay naghanda ng mga “questionnaires” na siyang sasagot sa aming mga katanungan na pisagutan namin sa mga mag-aaral na nagsilbing mga respondent. Sa huli, natuklasan namin na tunay na napakalaki ng epekto ng mga teleserye sa buhay ng mga tao lalong higit dahil halos lahat ay nakapapanood ng mga ito na umaabot na ang epekto nito sa paraan ng pag-iisip at paggawa ng mga desisyon sa buhay ng mga kabataan sa kasalukuyan. Ang pagkahumaling sa mga teleserye ay nagkakaroon ng epekto sa aspetong moral man o pisikal ng mga kabataan. At ang pinaka-hindi kaaya-ayang epekto nito ay ito ay nagiging balakid na sa kanilang pag-aaral.
Kabanata I – Introduksyon
C.Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral:

Upang maisagawa ang aming pananaliksik, kami ay nagpunta sa Mataas na Paaralan ng San Francisco sa Quezon City kung saan kami ay nagsagawa ng sarbey sa isandaang mag-aaral na may edad labing-tatlo hanggang labing-anim. Ang pinaka sentro ng aming pananaliksik ay ang mga sumusunod na teleserye: ”My Husband’s Lover” at “Temptation of Wife”na parehas na ipinalabas sa GMA at dalawa sa mga pinakapumatok na teleserye lalong higit sa mga kabataan ngunit nagbigay din kami ng pagkakataon sa mga respondent na maglagay ng teleserye na talaga naman sinubaybayan nila o kasalukuyang sinusubaybayan bukod sa mga ito. Ang tatlong pinaka inalam namin ay ang mga nagiging epekto ng mga teleseryeng ito sa aspetong pisikal nila, sa kanilang mga paniniwalang moral at kung ano ang nagiging epekto ng panonood ng mga teleseryeng ito sa kanilang pag-aaral.

. Narito ang mga paraan upang maiwasan ang negatibong epekto ng sobrang panonood ng TV:
• Limitahan ang oras ng panonood sa telebisyon. Maaring tanggalin ang TV sa kwarto ng mga bata. Huwag hayaang nakasindi ang TV kapag kumakain sa hapag-kainan. Huwag hayaang manood ang bata habang gumagawa ng assignment o homework. Gawing isang pribilehiyo ang panonood ng telebisyon.
• Maging magandang halimbawa bilang mga magulang. Kontrolin din ang sarili sa sobrang panonood ng telebisyon.
• Subukang manood ng TV tuwing weekends lamang. Marami tayong magagawa na mas importanteng aktibidad kung tuwing Sabado at Linggo lamang ang panonood ng TV. Pwedeng pagtuonan ng pansin ang sports activities, mga trabahong kailangang tapusin, paglalaro, at marami pang iba.
• Sundin ang payo ng MTRCB. Gumawa ang Movie and Television Review and Classification Board ng mga age-group rating tools para sa mga programa sa telebisyon na laging pinapalabas pagkatapos ng patalastas.
• Mag-preview ng pelikula kung manonood ng DVD/VCD. Siguraduhin na ang papanoorin ay naangkop sa mga bata.
• Manood kasama ang anak. Kung hindi maiwasang iwanan ang bata sa kahabaan ng programa, mahalaga na binabalik-balikan ito upang malaman ang tono at angkop ng pinapanood na programa. Makipag-usap sa bata habang nanonood upang maipaliwanag sa kanya ang pinapanood. Kung may eksena na sa tingin ninyo ay hindi nababagay na mapanood, pwedeng ilipat ang channel o switch off ang TV at explain sa bata nang mabuti kung bakit hindi pwedeng panoorin ang eksena.
Malaki ang parte ng magulang sa pagbibigay gabay sa mga bata sa panonood ng telebisyon. Hikayatin ang mga anak na makipag-ugnayan sa inyo. Pag-usapan ang mga positive behaviour katulad ng pakikipagkaibigan, at malasakit sa kapwa. Talakayin din ang family values at iugnay sa pinapanood na programa.
*mula sa http://www.headlinegl.com/tamang-panonood-ng-telebisyon-sa-kabataan/

Kabanata I – Introduksyon

A. Paglalahad ng mga Suliranin:

Ang mga kabataan ang karaniwang sumusubaybay ng mga palabas sa telebisyon, sa ngayon ay napapanahon ang mga teleseryeng may temang pagkasira ng pagsasama ng mag-asawa o ng isang buong pamilya. Narito ang mga suliraning kaakibat nito:
• Ano-ano ang mga nagiging epektong pisikal sa mga kabataan ng palagiang panonood nila ng mga teleserye?
• Nakakaapekto ba sa kanilang mga paniniwalang moral ang panonood ng mga teleseryeng may ganitong tema?
• Ano-ano ang mga nagiging epekto nito sa kanilang pag-aaral?

Kabanata I – Introduksyon
D.Depinisyon ng mga Katawagan:
Teleserye - Ang teleserye ay galling sa dalawang salita na,” tele” mula sa pinaikling salita ng telebisyon at serye na ibig sabihin ay ang tagalong ng “series”.Tinatawag din ito teledrama.
GMA (Greater Manila Area) - isa sa mga nangungunang istasyong pangkomersyal sa Pilipinas.
Aspetong pisikal - ito ay ang pagpapahalaga sa pisikal na anyo o ng katawan.
Aspetong moral - ito ay ang pagmamasid ng mabuti kung ano ang tama o mali sa ginagawa.
Bida - kadalasang inaapi ng mga kontrabida sa mga teleserye pero laging nagwawagi sa huli
Kontrabida - kadalasang mayaman at laging nakakagawa ng paraan para maging sawi o masalimuot ang buhay ng bida sa mga teleserye .

http://www.abs-cbn.com/
http://www.gmanetwork.com/
http://tawidnewsmag.com/2007/11/mga-pananaw-sa-mga-apat-na-aspeto-ng-buhay/

E. Batayang Konseptwal:
Samantala, tinugunan naman ng Malacañang ang panawagan na ito ng Simbahang Katoliko sa mga TV network. Ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang sangay ng pamahalaan na namamahala sa ganitong mga isyu. Kaya naman bago pa ipalabas ang My Husband’s Lover ay dumaan na ito sa MTRCB para sa isang screening. Pinahintulutan ng ahensiya na maipalabas ang teleserye, ngunit binigyan ito ng Strong Parental Guidance (SPG) rating. Nangangahulugan na kailangang subaybayang maigi ng mga magulanang kanilang mga anak sa panonood ng naturang programa. Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, kung sakali mang makatanggap ng reklamo ang MTRCBtungkol sa naturang show ay agad naman nila itong aaksyunan. Aniya, “Alam niyo po, madali—mabilis pong gumalaw ang MTRCB lalo po pag nakaka-receive po sila ng mga complaints from parents. “So ini-encourage na lang po natin yung mga magulang, kapag meron po kayong nakita na sa inyong pakiramdam ay hindi po angkop doon sa ibinigay na rating ay i-report po natin agad sa MTRCB.”
*mula sa http://www.pep.ph/news/39232/cbcp-scrutinizes-my-husbandrsquos-lover-says-tv-networks-should-be-sensitive-about-the-theme-of-the-shows-they-air

II. Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral:
B. Pag-aaral:
Tamang panonood ng telebisyon sa kabataan (posted on September 25, 2013 at 12:01am)
by Michelle M. Pelayo, M.D.
Ang panonood ng telebisyon ay isang karaniwang aktibidad na maaring magbigay ng impluwensiya sa mga kabataan. Maraming mga magulang ang hinahayaang manood ng telebisyon ang kanilang mga anak dahil sa maraming kadahilanan. May mga bata na umaabot sa tatlo hanggang apat na oras sa kakapanood ng TV kada araw. Kung susumahin ito hanggang sa kanilang high school graduation, lilitaw na mas marami pang oras ang ginugol sa panonood kasya sa pag-aaral sa silid-aralan. Sa kabila nito, marami pa rin sa mga magulang ng makabagong panahon ang pumapayag na manood ang mga anak ng TV, lalo na ang mga working parent sa pag-aakalang maari itong maging substitute babysitter. Oo nga naman, kung busy kasi si baby sa TV, maraming trabaho ang matatapos ni mommy. Kung ang dahilan ng magulang ay upang hindi mainip si baby, baka hindi nila nalalaman na ang pagkainip ang magbubukas sa kaisipan ng bata upang maging malikhain, at maging independente. Maari kasing harangin ng TV-watching ang natural na proseso ng pagiging creative ng isang bata. Kung maiistorbo ito, maaring magresulta sa pagiging dependent sa telebisyon at posibleng umuwi sa addiction sa panonood. Base sa pag-aaral, ang unang dalawang taon simula ng pagsilang ay kritikal para sa development ng ating utak
Imbes na natural na matuto ang anak sa paglalaro, pag-interact sa magulang at iba pang social development, maaaring mag-iba o maistorbo ang proseso dahil sa TV at iba pang electronic media. Sa mga oras na inuubos dahil lamang sa panonood ng TV, tinatanggal ang mas mahahalagang gawain katulad ng pagbabasa ng libro, mga gawaing bahay, pag-ehersisyo at oras sa pamilya. Dagdag pa rito, ang mga batang madalas na nanonood sa telebisyon ay mas malaki ang tsansa na maging overweight o obese, problemado sa pagtulog, at mas mababa ang grades sa eskwelahan. Hindi naman maitatanggi na marami ring magagandang makukuha sa panonood ng telebisyon lalo na kung ito ay kontrolado o in moderation. Ang mga interactive video games, tablets, at internet, kagaya ng TV ay maganda ring paraan ng edukasyon sa mga bata. Ngunit ang sobra sa panonood ay mayroong masamang epekto.
III. Mga Pamamaraang Ginamit:
Tinatalakay dito ang mga makabagong tema ng mga teleseryang ipinapalabas ngayon sa halos lahat ng mga istasyon ng telebisyon at ang kanilang mga nagiging epekto sa aspetong pisikal.moral at sa pag-aaral ng mga kabataang taga-subaybay. Sa pananaliksik na ito kami ay gumamit ng pamamaraan ng paglalarawan kung saan kami ay naghanda ng mga sarbey forms kung saan nakasaad ang mga katanungang sasagot sa aming pananaliksik, ang mga “questionnaire” na ito ay may anyong may mga pagpipilian kung saan lalagyan na lamang ng respondent ng tsek ang kanyang kasagutan sa bawat katanungang nakalagay batay sa kanyang sariling pagtataya.


IV. Paglalahad at Pagtalakay ng Pagsusuri:

Sa isinagawa naming pagsasaliksik gamit ang mga questionnaire sa isandaang mag-aaral na may edad labing-tatlo hanggang labing-anim sa Mataas na Paaralan ng San Francisco inalam muna namin ang kasalukuyang kalagayan ng kanilang mga pamilya at lumabas na ang pinakamaraming sagot ay ang masaya at buo dahil 79 ang sumagot nito samantalang may 18 ang magkahiwalay ang magulang at 3 lamang ang nagsabing miserable ang kanilang pamilya. Sa tanong naman na kung gaano sila kapamilyar sa mga teleserye pinakamarami rin ang nagsabing sila ay palaging nanonood at wala naman kahit isang nagsabing wala silang ideya sa mga teleserye. Nang aming tanungin kung ano ang pinakasinubaybayan nilang mga teleserye pinakamarami ang nagsagot ng “Temptation of Wife”, sinundan ng iba pang mga teleserye dahil binigyan namin ng pagkakataon ang mga respondent na magsulat ng iba pang mga teleserye na pinanood o pinanonood nila ngayon at huli ang “My Husbands Lover”. Nang amin naman silang tanungin kung naaapektuhan ba sila ng mga eksenang hiwalayan at pagsasakitan sa mga teleseryeng kanilang napapanood 52 ang nagsabing minsan kapag ang eksena ay nangyari sa kanila mismo o sa kanilang kakilala na siyang pinakamalaki. Sa tanong naman na sa paanong paraan sila naaapektuhan ng mga teleseryeng napapanood nila kapansin-pansin na bawat paraan ng pagkaapekto sa bawat aspetong nakasaad ay may mga naglagay ng tsek, wala kahit isa ang nakatanggap ng wala o zero. Narito ang talaan ng resulta ng aming isinagawang sarbey.
V. Paglalagom,Kongklusyon at Rekomendasyon
A. Paglalagom:
Sa kasalukuyan na halos lahat na ng mga kabahayan ay mayroong telebisyon at lahat ay nakapapanood ng mga teleserye na ang karaniwang tema sa panahon ngayon ay ang pagkasira ng pamilya o pagsasama ng mag-asawa napatunayan ng aming pananaliksik na mayroong malaking epekto ang panonood ng mga ito sa mga kabataan at hindi lamang sa mga mababaw na aspeto tulad ng paggaya sa pananamit ng mga iniidolo nilang mga bida o paraan ng pagsasalita ng mga kontrabida kundi nakakaapekto na ito sa mas malalim na paraan tulad na lamang sa kung paano sila mag-isip at gumawa ng mga desisyon sa buhay. Naaapektuhan din nito ang kanilang pisikal na katayuan dahil narin sa napapabayaan na nila ang kanilang sariling kalusugan, at pati narin ang kanilang mga paniniwalang moral. At pinakahuli, napatunayan din namin na ang panonood ng mga ganitong uri ng teleserye ay nagiging hadlang sakanilang pag-aaral.

V. Paglalagom,Kongklusyon at Rekomendasyon
B.Kongklusyon:
Sa pangkalahatan, dati ay iniisip natin na ang simpleng pagsubaybay sa mga teleseryeng may temang pagkasira ng pamilya o pagsasama ng mag-asawa ay wala namang nagiging epekto ngunit ngayon natuklasan namin na mayroon pala itong napakalaking epekto lalong higit sa mga kabataang manonood. Naaapektuhan nito hindi lamang ang mga simpleng bagay tungkol sa kanila kundi pati narin ang kanilang isipan at damdamin sa malalim na paraan. Maging ang kanilang mga prinsipyo o paniniwala sa buhay ay talaga namang naaapektuhan ng mga napapanood nilang mga teleseryeng may ganitong mga tema at ang kanilang pag-aaral mismo ay nalalagay sa panganib dahil narin sa pagkawala ng kanilang konsentrasyon at pokus.

V. Paglalagom,Kongklusyon at Rekomendasyon
C.Rekomendasyon:
Hindi na natin maitatanggi na ang panonood ng mga teleserye ay bahagi na ng ating pang-araw-araw na pamumuhay. Nararapat lamang na maging kritikal tayong mga manonood lalong higit ang mga kabataan na siyang isa sa mga pinaka-naapektuhan ng mga ito. Dapat nating malaman at maintindihan na hindi lahat ngating napapanood ay tama, nararapat lamang na tignan natin ang mga programang ito bilang mga realidad sa buhay na dapat na kapulutan ng aral tungo sa ikabubuti natin at hindi tungo sa pagkapahamak.
Full transcript