Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Copy of Sa Pula, Sa Puti

Filipino Presentation
by

raysiel mativo

on 15 May 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Copy of Sa Pula, Sa Puti

Sa Pula, Sa Puti ni Buod Buod Sangkap ng Dula Gitna Wakas Simula Sa Pula,
Sa puti Panahon: Nagsimula ang pagsasalaysay ng iisahing yugtong dula sa paglalarawan ng karaniwang tanawin sa lalawigan. Sa pamamahay nina Kulas at Celing malapit sa sabungan, matatambad na nagsusulsi si Celing habang tulad ng nakagawian na'y nagpapausok mula sigarilyo si Kulas ng tinaling manok. Bagay na gustong pagselosan ng asawa. Kinamusta ni Kulas ang asawa at nanghingi ng perang pang-sabong. Pinagtalunan nila ang mga grasya o disgrasya ng pinaniniwalaan ni Kulas sa mga panaginip niya. Simula Si Celing at Kulas ay mag-asawang nakatira sa probinsya. Si Celing ay madalas nasa bahay lamang ngunit si Kulas ay hilig ang pagsasabong. Nakakailang talo na si Kulas kaya ayaw na siyang papuntahin sa sabungan ni Celing dahil mauubos daw ang kanilang pera. Nakipag-kasundo si Kulas kaya napapayag din si Celing. Matapos ang sabong, natalo si Kulas at siya ay napakalungkot. Hindi niya alam na lihim palang pumupusta si Celing sa kalaban para di sila mawalan ng pera. Masaya silang nagtawanan. Magluluto daw si Celing at nagimbita pa ng mga kaibigan. Tatlo sa mga manok ni Kulas ang iaadobo niya at talo ang sasabawan. Halata sa kilos at muka ni Kulas na hindi na muli siya mag-sasabong. CLG 5: Nung una ay Ahas na numero 8, at ngayon naman ay hinabol sya ng puting kalabaw. Pinagpipilitan nyang pilak ang ibig sabihin noon. Nangako si Kulas na titigil na sa pagsasabong oras na matalo sya ulit. Naisip ni Celing na walang saysay ang pagtatalo nila kaya’t binigyan niya nalang ng limang piso si Kulas.

Nagmamadali siyang tumungo sa sabungan at nakasalubong nya ang kaibigan ng asawa niya na si Sioning na papunta sa kanila. Agad inutusan ni Celing si Teban na magtungo sa sabungan at tumaya sa kalaban. Ipinaliwanag niya kay Sioning na nagtataka na ang kanyang ginawa. Nang matapos ang sulsada, tumakbo si Teban pauwi at iniabot kay Celing ang napanalunang pusta. Umalis sina Celing at Sioning upang bumili ng rasyong sabon kina Aling Kikay.
Nagkataong dumating si Castor, kaibigan ni Kulas. Inaya siyang mag sabong ulit. Tinuruan nya ng pandaraya at tumaya sa kalaban. Nanghingi sya ng dalawampung piso sa asawa pagdating nito. Malaki dahil kumpyansa syang matatalo ang kanyang manok. Nangako ulit sya. Tulad ng dati, nagpapusta ulit si Celing kay Teban sa kalaban. Pinayuhan siya ng kaibigan na huwag masyadong magtiwala pagdating sa pera. Dumating si Teban. Sinabi niyang natalo sila. Ibinawalang bahala niya ito dahil alam nyang panalo si Kulas. Nanlulumong dumating si Kulas. Natalo nanaman sya. Nagtanungan hanggang sa nabuking si Kulas sa kanyang ginawa. Ipinagpasalamat ni Celing na di na muli magsasabong ang asawa. Maghahanda daw sila at magiimbita ng mga kaibigan. Sinabi ni Celing na iluluto nya ang lahat ng alagang manok ni Kulas. Nagtawanan sila. Nakitawa narin maging si Kulas.
Maririnig na naman ang sigawan sa sabungan. Ngunit makikita sa kilos ni Kulas na hindi na muling magsasabong pa kailanman. 1. 2. 3. 4. 5. Tagpo: Kasalukuyan :Pook Lalawigan Isang karaniwang tahanan sa lalawigan. Ang pintuan sa likuran ay patungo sa labas; ang sa kanan ay patungo sa kusina. Gitna Wakas Nang umalis si Celing at Sioning papunta ksy Aling Kikay, bumisita si Castor sa bahay nila Kulas. Nang sya ay dumatin ,malungkot si Kulas dahil sa kanyang pagkatalo. Sinabi ni Castor ang dahilan kung paano siya kumikita sa sabungan. Tinuruan niya si Kulas kung paano mandaya. Pinapahina nila ang paa ng manok para sigurado itong matalo. Para naman si Kulas ay manalo gamit ang taktikong ito, pupusta siya ng palihim sa manok ng kalaban. Muling nagsabong si Kulas pagkatapos siyang yayain ni Castor. Para dumagdag ang kumpyansa kinailangan niyang mandaya ayon sa turo ng kaibigan niyang si Castor. Dahil sa kasiguradohan ni Kulas, Nanghingi siya ng mas mataas na halaga ng pera sa kanyang asawa na si Celing. Ipinatakbo ni Celing si Teban para makapag taya sa kalaban at makita ang naganap sa sabungan. Pagkabalik ni Teban kinuwento niya ang nangyari. Ayon sakanya natalo ang kalaban kay Kulas. Nagalala si Celing na baka maging kasanayan pa ulit ni Kulas ang pagsasabong dahil sa kanyang pagkapanalo. Ngunit ng umuwi si Kulas sa bahay nila walang makitang bakas ng kasiyahan si Celing kay Kulas. Nang tinanong ni Celing kung bakit siya malungkot ang sinagot ni Kulas ay dahil siya ay natalo sa sabong. III - Sto. Nino de Ternate
Rikki Madamba
Jehiah Delima
Dominique Neola
Jossana Sarno Francisco “Soc” A. Rodrigo



TAHANANTULADULAMAIKLING KWENTOSANAYSAYNOBELAmore...

DULA

Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood.



Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan.



Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na tinatawag na iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat ang tunay na dula ay yaong pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at batay sa isang iskrip.



Ang tagpo ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan.



Ang dula ay mayroon ding sangkap. Ito ay simula, gitna, at wakas.



Simula - mamamalas dito ang tagpuan, tauhan, at sulyap sa suliranin. Gitna - matatagpuan ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at ang kasukdulan. Wakas - matatagpuan naman dito ang kakalasan at ang kalutasan.



SANGKAP NG DULA

Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa dula

Tauhan – ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula

Sulyap sa suliranin – bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin; mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na isang suliranin ang isang dula

Saglit na kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning nararanasan

Tunggalian – ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit sa isa o patung-patong na tunggalian ang isang dula

Kasukdulan – climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o kaya’y sa pinakakasukdulan ang tunggalian

Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga tunggalian

Kalutasan – sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliranin at tunggalian sa panig ng mga manonood

ELEMENTO NG DULA

Iskrip o nakasulat na dula – ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip

Gumaganap o aktor – ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula

Tanghalan – anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan;tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase

Tagadirehe o direktor – ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip

Manonood – hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi ito napanood ng ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula’y maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o makanood







EKSENA AT TAGPO

Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang ang tagpo nama’y ang pagpapalit o ang iba’t ibang tagpuan na pinangyarihan ng mga pangyayari sa dula.

MGA DULA

Sa Pula sa Puti

ni Francisco "Soc" Rodrigo



Kulas: A…hem! E, kumusta ka ngayong umaga, Celing.

Celing: Mabuti naman, Kulas. Salamat at naalala mo akong kamustahin.

Kulas: Si Celing naman, bakit naman ganyan ang sagot mo sa akin?

Celing: Sapagkat pagkidlat ng mata mo sa umaga, wala ka ng iniisip kamustahin at himasin kundi ang iyong tinali. Tila mahal mo ang tinali mo kaysa sa akin.

Kulas: Ano ka ba naman, Celing, wala ng mas mahal pa sa akin sa buhay na ito kundi ang asawa.

(Ilalagay ang kamay sa balikat ni Celing).

Celing: Siya nga ba? Ngunit kung nakikita kong hinihimas mo ang iyong tinali, ibig ko ng kung minsang mainggit at magselos.

Kulas: Ngunit Celing, alam mo namang kaya ko lamang inaalagaang mabuti ang mga tinaling ito ay para sa atin din. Sila ang magdadala sa atin ng grasya.

Celing: Grasya ba o disgrasya, gaya ng karaniwang nangyayari?

Kulas: Huwag mo sanang ungkatin ang nakaraan. Oo, ako nga'y napagtalo noong mga nakaraang araw, sapagkat noon ay hindi pa ako bihasa sa pagpili at paghimas ng manok. Ngunit ngayon ay marami na akong natutuhan, mga bagong sistema.

Celing: At noong nakaraang Linggo, noong matalo ang iyong talisain, hindi mo pa ba alam ang mga bagong sistema.

Kulas: Iyon ay disgrasya lamang, Celing, makinig ka. Alam mo, kagabi ay nanaginip ako. Napanaginipan kong ako'y hinahabol ng isang kalabaw na puti. Kalabaw na puti, Celing!

Celing: E ano kung puti?

Kulas: Ang pilak ay puti, samakatwid ang ibig sabihin ay pilak. At ako'y hinahabol…Hinahabol ako ng pilak…ng kuwarta!

Celing: Ngunit ngayon ay wala nang kuwartang pilak.

Kulas: Mayroon pa, nakabaon lang. kaya walang duda, Celing. Bigyan mo lamang ako ng limang piso ngayon ay walang salang magkakuwarta tayo.

Celing: Ngunit, Kulas, hindi ka pa ba nadadala sa mga panaginip mong iyan? Noong isang buwan, nanaginip ka ng ahas na numero 8. Ang pintakasi noon ay nation sa a-8 ng Pebrero at sabi mo'y kuwarta na ngunit natalo ka ng anim na piso.

Kulas: Oo nga, ngunit ang batayan ko ngayon ay hindi lamang panaginip. Pinag-aralan kong mabuti ang kaliskis at ang tainga ng manok na ito. Ito'y walang pagkatalo, Celing. Ipinapangako ko sa iyo, walang sala tayo ay mananalo.

Celing: Kulas, natatandaan mo bang ganyan-ganyan din ang sabi mo sa akin noong isang Linggo tungkol sa manok mong talisain? At ano ang nangyari? Nagkaulam tayo ng pakang na manok.

Kulas: Sinabi ko nang iyon ay disgrasya!

(Maririnig uli ang sigawan sa sabungan. Maiinip si Kulas).

Sige na, Celing. Ito na lamang. Pag natalo pa ang manok na ito, hindi na ako magsasabong.

Celing: Totoong-totoo?

Kulas: Totoo. Sige na, madali ka at nagsusultada na. sige na, may katrato ako sa susunod na sultada. Pag hindi ako dumating ay kahiya-hiya.

(Titingnan ni Celing ang pagkakabalisa ni Kulas at maisip na walang saysay ang pakikipagtalo pa, iiling-iling na dudukot ng salapi sa kanyang bulsa).

Celing: O, Buweno, kung sa bagay, ay tatago lamang ako ng pera. O, heto. Huwag mo sana akong sisihan kung mauubos ang kaunting pinagbilhan ng ating palay.

Kulas:

(Kukunin ang salapi)

Huwag kang mag-alala, Celing, ito'y kuwarta na. seguradong-segurado! O, Buweno, diyan ka muna.

(Magmamadaling lalabas si Kulas, ngunit masasalubong si Sioning sa may pintuan.)

Sioning: Kumusta ka, Kulas?

Kulas:

(Nagmamadali)

Kumusta…e…eh…Sioning didispensahin mo ako. Ako lang ay nagmamadali. Eh…este…nandiyan si Celing! Heto si Sioning. Buwena-diyan ka na.

(Lalabas si Kulas).

Sioning: Celing, ano ba ang nangyayari sa iyong asawa? Tila pupunta sa sunog.

Celing: Ay, Sioning, masahol pa sa sunog ang pupuntahan. Pupunta na naman sa sabungan.

Sioning: Celing, talaga bang…

Celing: Sandali lang ha, Sioning.

(Sisigaw sa gawing kusina).

Teban! Teban! Teban!

Teban:

(Masunurin ngunit may kahinaan ang ulo).

Ano po iyon Aling Celing?

Celing:

(Kukuha ng limang piso sa bulsa at ibibigay kay Tebang).

O heto, Teban, limang piso…Nagpunta na naman ang amo mo sa sabungan. Madali, ipusta mo ito. Madali ka at baka mahuli!

Teban:

(Nagmamadaling itinulak ni Celing sa labas).

Sioning: Ipusta ang limang piso! Ano ba ito, Celing, ikaw man ba'y naging sabungera na rin?

Celing: Si Sioning naman. Hindi ako sabungera! Ngunit sa tuwing magsasabong si Kulas ay pumupusta rin ako.

Sioning: A…Hindi ka sabungera, ngunit pumupusta ka lamang sa sabong? Hoy, Celing, ano ba ang pinagsasabi mo?

Celing: O, Buweno, Sioning, maupo ka't ipaliliwanag ko sa iyo. Ngunit huwag mo namang ipaalam kaninuman.

Sioning: Oo, huwag kang mag-alala sa akin.

Celing: Alam mo, Sioning, ako'y pumupusta sa sabong upang huwag kaming matalo.

Sioning: Ah, pumupusta ka sa sabong upang huwag kayong matalo. Celing pinaglalaruan mo yata ako.

Celing: Hindi. Alam mo'y marami kaming nawawalang kuwarta sa kasasabong ni Kulas. Nag-aalaala akong darating ang araw na magdidildil na lamang kami ng asin. Pinilit kong siya'y pigilin. Ngunit madalas kaming magkagalit. Upang huwag kaming magkagalit at huwag maubos ang aming kuwarta, ay umisip ako ng paraan. May isang buwan na ngayon, na tuwing pupusta si Kulas sa kaniyang manok ay pinupusta ko si Teban sa sabungan upang pumusta sa manok na kalaban.

Sioning:

(May kahinaan din ang ulo).

Sa anong dahilan?

Celing: Puwes, kung matalo ang manok ni Kulas ay nanalo ako. At kung ako nama'y matalo at nanalo si Kulas, kaya't anuman ang mangyari ay hindi nababawasan ang aming kuwarta.Sioning. A siya nga. Siya nga pala naman.

(Mag-uumpisang Maririnig ang sigawan buhat sa sabungan).

Celing: Hayan, nagsusultada na marahil. Naku, sumasakit ang ulo ko sa sigawang iyan.

Sioning: Ikaw kasi, eh. Sukat ka bang pumili ng bahay sa tapat ng sabungan.

Celing: Ano bang ako ang pumili ng bahay na ito. Ang gusto kong bahay ay sa tabi ng simbahan, ngunit ang gusto ni Kulas ay sa tabi ng sabungan.

Sioning:

(Lalong lalakas ang sigawan).

Ah, siya nga pala, Celing naparito ako upang ibalita sa iyo na dumating na ang rasyon ng sabon sa tindahan ni Aling Kikay. Baka tayo maubusan.

Celing: Hindi, siyempre ipagtitira tayo ni Aling Kikay. Sayang lamang ang pagkukumare namin.

(Dudungaw)

O heto na nga si Teban. Tumatakbo.

(Papasok si Teban na may hawak na dalawang lilimahin).

Teban:

(Tuwang-tuwa)

Nanalo tayo, Aling Celing, nanalo tayo!

(Ibibigay ang salapi kay Aling Celing. Agad-agad namang itatago ito.)

Celing: Mabuti Teban, o magpunta ka na sa kusina. Baka dumating na si Kulas ay mahalaga ang ating ginagawa.

(Magmamadaling lalabas si Teban).

Sioning: O, Buweno, lumakad na tayo, Celing.

(Kukunin ni Celing ang tapis niyang nakasampay sa isang silya. Aalis na sila. Papasok si Kulas na tila walang kasigla-sigla).

Celing: Ano ba, Kulas, tila hindi ka inabutan ng kalabaw na puti.

Kulas:

(Mainit ang ulo)

Huwag mo ngang banggitin iyan. Talagang ako'y malas. Celing, uyo'y disgrasya kamang. Ang aking manok ay nananalo hanggang sa huling sandali. Talagang wala akong suwerte!

Celing: Iyan ang hirap sa sugal, Kulas, walang pinaghahawakan kundi suwerte!

Kulas: Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na ang sabong! Ni ayaw ko nang Makita ang anino ng sabungang iyan.

Celing: Nawa'y magkatotoo na sana iyan, Kulas.

Kulas: Oo, Celing, ipinapangako ko sa iyo, hindi na ako magsasabong kailanman.

Celing: Buweno, magpalamig ka muna ng ulo. Pupunta lang kami kay Kumareng Kikay upang bumili ng sabon.

(Lalabas sina Celing at Sioning. Sisindihan ang natitirang kalahati ng sigarilyo, hihithit at pagkatapos ay ihahagis sa sahig at papadyakan. Pupunta sa isang silya at uupong may kalumbayan.)

Castor: Hoy, Kulas kumusta na?

Kulas: Ay, Castor…at lagi na lamang akong natatalo. Talagang ako'y malas! Akalain mo bang kanina'y natalo pa ako? Tingnan mo lang,

Castor. Noong magsagupaan ang mga manok ay lumundag agad ang manok ko at pinalo nang pailalim ang kalaban. Nagbuwelta pareho, at naggirian na parang buksingero. Biglang sabay na lumundag at nagsugapaan (nagsagupaan?) sa hangin. Palo diyan, palo dini ang ginawa ng aking manok. Madalas tamaan ang kalaban, ngunit namortalan. Sige ang batalya nila sa hangin, at tumaas ang balahibo. Unang lumagapak ang kalaban., patihaya. Lundag ang aking manok. Walang sugat at patayo, ngunit alam mo kung saan lumagpak?

Castor: O saan?

Kulas: Sa tari ng kalaban. Talagang ayaw ko na ng sabong.

Castor: Bakit naman? Wala pa namang maraming natatalo sa iyo.

Kulas: Ano bang walang marami? Halos, tutong na laang ang natitira sa aming natitipon.

Castor: Ngunit hindi tamang katwiran ang huwag ka nang magsabong.

Kulas: Ano bang hindi tama?

Castor: Sapagkat pag hindi ka na nagsabong ay Talagang patuluyan nang perdida ang kuwartang natalo sa iyo. Samantalang kung ikaw ay magsasabong pa maaaring makabawi!

Kulas: Hindi Castor, lalo lang akong mababaon. Tama si Celing. Ang sugal ay suwerte-suwerte lamang, at masama ang aking suwerte.

Castor: Ano bang suwerte-suwerte? Iyan ay hindi totoo. Tingnan mo ako, Kulas, ako'u hindi natatalo sa sabong.

Kulas: Mano nga lang magtigil ka Castor. Kung hindi sana nakikita na ang lahat ng manok mo ay laging nakabitin kung iuwi.

Castor: Ito si Kulas, nabastos ka na nga pala sa huwego. Oo, natatalo nga ang aking manok ngunit nananalo ako sa pustahan!

Kulas: Ngunit paano iyan?

Castor: Taong ito…pumupusta ako, hindi sa aking manok, kundi sa kalaban.

Kulas: Eh, kung magkataong ang manok mo ang manalo?

Castor: Hindi maaaring manalo ang aking manok. Ginagawan ko ng paraan.

Kulas: Hoy, Castor, maano nga lang huwag mo akong biruin. Masama ang ulo ko ngayon.

Castor: Ano bang biro ang sinasabi mo? Ito'y totoo. At kung di lamang kita kaibigan, ay hindi ko sasabihin sa iyo.

Kulas: Ngunit, Castor, paano mangyayari iyan?

Castor: Talaga bang gusto mo malaman?

Kulas: Aba, oo. Sige na.

Castor: O, Buweno, kunin mo ang isa sa iyong mga tinali at ipapaliwanag ko sa iyo.

Kulas: Kahit ba alin sa aking tinali?

Castor: Oo, kahit alin, sige, kunin mo.

(Lalabas si Kulas patungo sa kusina. Babalik na may dalang tinali.)

Kulas:

(Ibibigay ang tinali kay Castor).

O heto, Castor.

Castor: Ngayon, kumuha ng isang karayom.

Kulas: Karayom?

Castor: Oo, karayom. Iyong ipinanahi!

Kulas: Ah…

(Pupunta sa kahong kunalalagyan ng panahi ni Celing at kukuha ng isang karayom.)

O heto ang karayom.

Castor:

(Hawak ang tinali sa kaliwa at ang karayom sa kanan.)

O halika rito at magmasid ka. Ang lahat ng manok ay may litid sa paa na kapag iyong dinuro ay hihina ang paa. Tingnan mo…

(Anyong duduruin ni Castro ang hita ng tinali.)

Hayan!

(Ibababa ang tinali.)

Tingnan mo. Matuwid pang lumakad ang tinaling iyan. Walang sinumang makahahalata sa ating ginawa, ngunit mahina na ang paang ating dinuro, at ang manok na iyan ay hindi makapapalo.

Kulas: Samakatuwid ay hindi na nga maaaring manalo ang manok na iyan…Siguradong matatalo.

Castor: Natural, ngayon, ang dapat na lamang gawin ay magpunta sa sabungan…ilaban ang manok na iyan…at pumunta nang palihim sa kalaban.

Kulas: Siya nga pala. Magaling na paraan!

Castor: Nakita mo na? Ang hirap sa iyo ay hindi mo ginagamit ang ulo mo.

Kulas:

(Balisa)

Ngunit, Castor, hindi ba iya'y pandaraya?

Castor: Oo, pandaraya…ngunit po Diyos! Sino bang tao ang nagkakuwarta sa sugal na hindi gum,agamit ng daya? At bukod diyan, ay marami nang kuwartang natalo sa iyo. Ito'y gagawin mo lamang upang makabawi. Ano ang sama niyan?

Kulas: Siya nga, Castor, kung sa bagay, malaki na ang natatalo sa akin.

Castor: At akala mo kay, sa mga pagkatalo mong iyan ay hindi ka dinaya.

Kulas: Kung sa bagay…

Castor: Nakita mo na. Hindi ka mandaraya, Kulas. Gaganti ka lamang.

Kulas: Siya nga, may katwiran ka.

Castor: O…eh…ano pa ang inaantay mo? Tayo na.

Kulas: Este…Castor…eh…hintayin lamang natin si Celing, ang aking asawa.

Castor: Bakit, ano pa ang kailangan?

Kulas: Alam mo na ang aking asawa ang may hawak ng supot sa bahay na ito.

Castor: Naku, itong si Kulas! Talunan na sa sabungan ay dehado pa sa bahay…Buweno, hintayin mo siya, ngunit laki-lakihan mo ang iyong hihingin, ha? At nang makaitpak tayo ng malaki-laki.

Kulas: Oo…Este…Castor…

Castor: O, ano na naman?

Kulas: Eh…malapit na segurong dumating si Celing…alam mo'y ayaw kong Makita ka niya rito. Huwag ka sanang magagalit kung maaari lang ay umalis ka na.

Castor:

(Tatawa)

Oo…aalis na ako. Mabuti nga at nang makahanap na ako ng kareto ng manok mo. Sumunod ka agad, ha? Pagdating mo roon malalaban agad iyan.

Kulas: Buweno, diyan ka na. Laki-lakihan mo lang ang tipak ha?

(Lalabas si Castor. Ngingiti si Kulas, hihimas-himasin ang kanyang tinali, at hahangaan ang nadurong hita ng tinali. Papasok sina Celing at Sioning.)

Celing: Ano ba yan, Kulas? At akala ko ba'y Isinusumpa mo na ang sabungan?

Kulas:

(Lulundag na palapit.)

Celing, ngayon na lamang. Walang salang tayo ay makababawi.

Celing: Naku, itong si Kulas, parang presyo ng asukal. Oras-oras ay nagbabago.

Kulas: Celing Talagang ngayon na lamang! Pag natalo pa ako ay patayin mo na ang lahat ng aking tinali. Ipinangangako ko sa iyo.

Celing: Ngunit baka pangako na naman ng napapako.

Kulas: Hindi, Celing! Hayan si Sioning, siya ang testigo.

Sioning:

(Kikindatan si Celing)

Siya nga naman. Celing, bigyan mo na, ako ang testigo.

Celing: O buweno, ngunit tandaan mo, ito na lamang ha?

Kulas: Oo, Celing, itaga mo sa bato!

Celing: Magkano ba ang kailangan mo?

Kulas: Eh…dalawampung piso lamang.

Celing: Dalawampung piso?

Sioning: Susmaryosep!

Kulas: Oo, Celing. Dalawampung piso, upang tayo ay makabawi.

(Mag-aatubili si Celing).

Sioning: Sige na, Celing. Tutal ito naman ay kahuli-hulihan.

Celing: O buweno, heto.

(Bibigyan ng dalawampung piso si Kulas. Kukunin ang salapi sa baul)

Kulas:

(Kukunin ang salapi)

Ay, salamat sa iyo, Celing. Ito'y kuwarta na. Hindi ka magsisisi. O buweno, diyan na muna kayo, hane?

(Magmamadaling lalabas si Kulas na dala ang kanyang tinali).

Celing:

(Susundan ng tingin si Kulas hanggang nasa malayo na)

Teban! Teban!

Sioning: Teban, madali ka!

(Papasok si Teban buhat sa kusina)

Teban: Opo, opo, Aling Celing.

Celing: O heta ang pera. Nasa sabungan na naman ang iyong amo.

Sioning: Madali ka. Teban, ipusta mo iyan sa manok ng kalaban.

Teban:

(Magugulat sa dami ng salapi).

Dalawampung piso ito a…

Celing: Oo, dalawampung piso. Sige, madali ka na.

Teban:

(Hindi maintindihan)

ito ba'y itotodo ko?

Sioning: Oo, todo.

Teban: Opo, naku! Malaking halaga ito…

(lalabas si Teban).

Celing: Ikaw naman, Sioning, bakit inayunan mo pa si Kulas?

Sioning: Hindi bale. Tutal, wala naman kayo sa pagkatalo.

Celing: Kung sa bagay. Ngunit hindi lamang ang kuwarta ang aking ipinagdaramdam.

Sioning: Eh ano pa?

Celing: Ang iba pang masasamang bunga ng bisyo…Sioning, alam mo namang ang bisyo ay nagbubuntot. Karaniwang kasama ng bisyo a ng pandaraya, pagnanakaw…at kung anu-ano pa.

Sioning: Ngunit nangako naman si Kulas na ito na ang huli.

Celing: Oo nga, ngunit isulat mo sa tubig ang pangakong iyan.

(Lalong lalakas ang sigawan)

Sioning: Ang hirap sa iyo, Celing, e…hindi mo tigasan ang loob mo. Tingnan mo ako. Noong ang aking asawa ay hindi makatkat sa monte, pinuntahan ko siya isang araw sa kanilang klub at sa harap ng lahat minura ko siya mula ulo hanggang talampakan. E, di mula noo'y hindi na siya nakalitaw sa klub.

Celing: Ngunit natatandaan mo ba Sioning na ikaw nama'y hindi nakalabas ng bahay nang may limang araw, hindi ba dahil sa nangingitim ang buong mukha mo?

Sioning: Oo nga, ngunit iyon ay sandali lamang. Pagkaraan niyon ay esta bien, tsokolate na naman kami.

Celing: Hindi ko yata magagawa iyon. Magaan pa sa akin ang magtiis lamang.

(Agad huhupa ang sigawan).

Sioning: Ayan, tila tapos na ang sultada. Sino kaya ang nanalo?

Celing: Malalaman natin pagdating ni Teban. Siya'y umuwi agad, upang huwag silang mag-abot ni Kulas.

Sioning: Celing, mag-iingat ka naman sa pagtitiwala ng pera kay Teban.

Celing: Huwag mong alalahanin si Teban. Siya'y mapagkakatiwalaan.

Sioning: Siya nga, ngunit tandaan mong ang kuwarta ay Mainit kapag nasa palad na ng tao.

Celing: Huwag kang mag-alala…

(Papasok si Teban)

Teban:

(Walang sigla)

Aling Celing, natalo po tao.

Celing: A, natalo. O hindi bale. Tutal nanalo naman si Kulas. Buweno, Teban, magpunta ka na sa kusina at baka dumating ang iyong amo.

(Lalabas si Teban)

Sioning: Talagang magaan ang paraan mong iyan, Celing.

Celing:

(Nalulungkot)

Siya nga.

Sioning: O, Celing bakit ka malungkot?

Celing: Dahil sa nanalo si Kulas.

Sioning: O, e ano ngayon. Kay nanalo si Kulas, kay manalo ka, hindi naman mababawasan ang iyong kuwarta. At ikaw pa rin lamang ang maghahawak ng supot.

Celing: Oo nga, ngunit ang alaala ko'y…Ngayong manalo si Kulas, lalo siyang maninikit sa sabungan.

(Papasok si Kulas na nalulumbay).

Kulas: Ay, Celing, Talagang napakasama ng aking suwerte! Hindi na ako magsasabong kailanman.

Sioning: Ha?

Celing: Ano kamo?

Kulas: Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na!

Celing: Ngunit, Kulas hindi ba't nanalo ka?

Kulas: Hindi, natalo na naman ako! At natodas ang dalawampung piso!

Celing:

(May hinala)

Kulas, huwag mo sana akong ululin. Alam kong nanalo ka.

Kulas: Sino ba ang may sabi sa iyong ako'y nanalo? Bakit ba ako nakinig sa buwisit na si Castor.

Celing: Kulas, hindi mo ako makukuha sa drama. Isauli mo rito ang dalawampung piso.

Kulas: Diyos na maawain, saan ako kukuha?

Celing:

(Lalo pang maghihinala)

Teka, baka kaya ikaw Kulas, ay mayroon nang kulasisi…at ipinatuka ang dalawampung piso.

Kulas: Celing, ano bang kaululan ito? Isinusumpa kong natalo ang dalawampung piso. Sino baga ang nagkwento sa iyo na ako'y nanalo.

Celing: Si Teban. Nanggaling siya sa sabungan.

Sioning:

(Magliliwanag ang mukha)

A teka, Celing, baka si Teban ang kumupit ng kuwarta.

Celing: Siya nga pala.

Sioning: Sinabi ko na sa iyo, huwag kang masyadong magtitiwala.

(Pupunta si Celing sa pintuan ng kusina).

Celing: Teban! Teban!

(Lalabas si Teban)

Teban: Ano po iyon?

Celing: Teban, hindi ko akalain na ikaw ay magnanakaw.

Teban: Magnanakaw? Ako? Bakit po?

Celing: At bakit pala? Isauli mo rito ang pera.

Teban: Alin pong pera?

Celing: Ang dalawampung pisong dala mo sa sabungan kanina.

Teban: Aba e, natalo po, e.

Celing: Sinungaling! Ano bang natalo! Kung natalo ka, nanalo sana si Kulas. Ngunit natalo sa Kulas, samakatuwid nanalo ka.

Teban:

(Hindi maintindihan)

Ha? Ano po? Kung ako'y natalo…ay…

Kulas: 'Tay kayo. Tila gumugulo ang salitaan. Teban, ikaw ba'y pumusta sa sabong kanina?

Teban: Opo.

Kulas: Saan ka nagnakaw ng kuwarta?

Teban: Kay Aling Celing po.

Kulas: Ha? Nagnakaw ka kay Aling Celing?

Teban: E…hindi po. Pinapusta po ako ni Aling Celing.

Kulas: A, ganoon! Hoy, Celing pinipigilan mo ako sa pagsabong, ha? Ikaw pala'y sabungerang pailalim.

Sioning: Hindi, Kulas, pumupusta lamang si Celing sa kalaban ng manok mo.

Kulas:

(kay Celing)

A…at ako pala'y kinakalaban mo pa, ha?

Celing: Huwag kang magalit, Kulas. Ako'y pumupusta sa manok na kalaban para kahit ikaw ay manalo o matalo ay hindi tayo

awawalan.

Kulas: Samakatuwid, kahit pala manalo ang aking manok ay bale wala rin.

Sioning: Siya nga at kahit naman matalo ay bale mayroon din.

Kulas: E, sayang lamang ang kahihimas at kabubuga ko ng usok sa manok. Ako pala'y parang ulol na…

Celing: Teka muna. Ang liwanagin muna natin ay ang dalawampung piso. Teban, saan mo dinala ang pera?

Kulas: Celing, ako man ay natalo sa pinupustahan sapagkat sa manok ng kalaban din ako pumusta.

Sioning: Naku, at lalong nag-block out.

Celing:

(Kay Kulas)

Pumusta ka sa kalaban ng manok mo?

Kulas: Oo, alam mo'y pinilayan ko ang aking tinali upang seguradong matalo at pumusta ako sa manok ng kalaban. Ngunit, kabibitiw pa lamang ay tumakbo na ang diyaskeng manok ng kalaban at nanalo ang aking manok.

Celing: A…gusto mong maniyope? Ikaw ngayon ang matitiyope

(Tatawa)

Kulas: Aba, at nagtawa pa.

Sioning: Siyanga. Bakit ka nagtatawa, Celing?

Celing:

(Tumatawa pa)

Sapagkat ako'y tuwang-tuwa, Sioning, dito ka maghapunan mamayang gabi. At anyayahon mo sina Kumareng Kikay at ang iba pang kaibigan. Ako'y maghahanda.

Kulas: Ha! Maghahanda?

Celing: Oo, Teban, ihanda mo ang mga palayok, ha? At hiramin mo ang kaserola ni Ate Nena.

Teban: Opo, opo.

(Lalabas sa pintuan ng kusina)

Kulas: Ngunit paano tayo maghahanda? Ngayon lang ay natalunan tayo ng mahigpit apatnapung piso.

Celing: Hindi bale. Ibig kong ipagdiwang ang iyong huling paalam sa sabungan.

Kulas: Huling paalam?

Celing: Oo, sapagkat ikaw ay nangako at nanumpa at bukod diyan hindi na tayo kailangang bumili pa ng ulam.

Kulas: Bakit?



Celing: Mayroon pang anim na tinali sa kulungan. Aadobohin ko ang tatlo at ang tatlo ay sasabawan.

(Tatawa sina Sioning at Celing. Hindi tatawa si Kulas ngunit pagkailang saglit ay tatawa rin siya. Mag-uumpisa na naman ang sigawan sa sabungan ngunit makikita sa kilos ni Kulas na kailanman ay hindi na siya magsasabong.

Ito Pala Ang Inyo

ni Frederico b. Sebastian

Part 1



Clary: sabik na sabik na akong makarating sa bahay bert.



Bert: totoo ba yan?



Clary: oo naman. Ang hangin sa lalawigan ay tunay na nakakaakit.



Bert: masaya ako dahil nasisiyahan ka mahal ko.



Clary: Nais ko na talagang makarating Bert sa ating paraiso!!!(papasok na sa maralitang bahay)



Clary: Ito pala ang sinasabi mong bahay Bert.



Bert: Oo mahal ko.



*tumitingin tingin pagkatapos umupo sa bangko ito ay bumagsak



Clary: Aray ko pohhh!!!!



Bert:Nasaktan ka ba mahal?



Clary:Nasaktan!?hello??!bumagsak kaya ako dahil sa upuan na yan!Hindi mo man lang sinabi na bulok na pala yan.(galit na galit)



Bert: (aamuhin si Clary) Wag ka nang magalit.(I mamasahe ang binti ng babae) Matagal na kasi ako hindi nakakauwi dito mahal.



*ngingiti na si Clary at babangon



Clary: ito pala ang sinasabi mong paraiso. Kita mo pala ang mga bituin kahit araw na araw.



Bert: oo nga. At ang sofa namin ay matigas lamang.



*tatawa ang dalawa



Clary: Bert….wala ka na bang damit maliban pa diyan?



Bert:Ano naman ang masama sa suot ko, mahal kong Claring?



Clary: (nagalit) Baket noong dumadalaw ka pa sa amin ang ayos ng iyong suot? And by the way haven’t I told you call me Clary.



Bert: ayaw mo bang Claro na lang?(tatawa)



Clary: its not Claro its Claryyyyy!(lalayo kay bert at tatalikuran ito)



Bert: (yayakapin patalikod si Clary) sige Clary. Bakit nga pala tayo naguusap ng ganito,kakasal pa lamang natin ah?



Clary: Oo nga.



Bert: Sige na, magbihis ka na muna.



Clary: saan ako magbibihis?



Bert: Aba saan pa e di dito. Wala naman taong makakakita sayo kundi…ako lang(titingin sa manonood tapos tataas-taas ang kilay)



Clary: Dito?!(titingin sa nanonood)



Bert: Alam mo mahal ko, dito sa probinsya lalo na sa katulad kong mahirap wala ka ng makikita pang room kundi ito lang.



Clary: mamayang gabi na lang ako magbibihis.(magdadabog)



Bert: Ikaw ang bahala. Pero ang gabi sa amin ay tunay na gabi?



Clary: Huh?



Bert: walang electrisidad dito, mahal ko.



Clary: OMG! Di na talaga ako makakapag bihis!!! Sa Maynila na nga lang ako magbibihis.



Bert: (tatawa)



Clary: (iirap) At saka asan pala ang ating bed?



Bert: wala tayng katre mahal ko….



Clary: Ano?! San Tayo matutulog?



Bert: sa sahig mahal ko.



Clary: Sa ganda kong ito matutulog ako sa sahig?



Bert: masanay ka na…sapagkat mahirap lang ak….



Clary: tama na! wala na akong magagawa!!!samahan mo na lang ako sa banyo at maliligo muna ako.



Part 2



Alberto: Wag ka na maligo Clary. Malamig ang panahon at hindi ka pa masyado sanay ditto.



Clary: Bakit pati paliligo ko ay iyong pinapakialaman?At bakit ako magsasanay maligo, hindi ba ako naliligo?



Alberto: Hindi sa hindi ka naliligo. Iba kase ang banyo mo sa maynila sa banyo namin. Hindi ka nga makapagpalit dahil sa hiya ang pagliligo pa kaya sa batalan.



Clary: Sige na…..Mr. Alibi



Bert: (sa sarili) ang hirap pala magkaasawq lalo na ang tulad ni Clary na laki sa Maynila at mayaman. At ano kaya ang mangyayari kung malaman niya na ako ay may mga anak….



*bumalik na galling sa batalan si Clary



Clary: Bert! Hindi ako pwedeng maligo doon….wala man lang harang yung…



Bert: batalan, mahal



Clary: at bert wala pa akong nakikitang gripo. Saan kayo kumukuha dito ng tubig?



Bert: kumukuha kami ng tubig sa poso mga kalahiting kilometro lang naman mula rito. Kung maliligo ka, sabihin mo na para ako ay maguumpisa ng maglakad.



Clary: Wag na, bert! sa maynila na lang ako maliligo.



Bert: Sa maynila ka na rin maliligo at doon ka rin magbibihis?



Clary: oo.at asan dito yung….



Bert: Ano?



Clary: yung kasilyas.



Bert: wala kami. Karamihan sa amin ay wala pang toilet, lalo na ang mga mahihirap na tulad ko. At hindi pa kase nakakarating ang sibilisasyon sa amin e.



Clary: ano?! Ano ang gingamit niyo?



Bert: nakikita mo ba yun?(tuturo sa kabilang direksyon)



Clary: yung kawayan?



Bert: oo, yun ang kasilyas naming.



Clarita: what?! Sukdulan na ang mga pagsubok mo sa akin bert! Dito mo ba ako ititira?! Akala ko ba may sarili tayong paraiso at mamumuhay tayo ng parang si Adan at si Eba!!!? Ano ang nangyari sa sinabi mo???



*magugulat na lang si Clary may pumasok na matanda



Bert: (gulat) Tiya Isyang!!!



Tiya Isyang: Berto!(nakakunot ang noo)



* ang mga bata ay pupunta kay bert



Mga bata: tatay!tatay! tatay! wala ka bang pasalubong sa amin?(with a cute face)



* gulat na gulat si clary(nakatingin lang sa nakikita niyang pangyayari)



Bert: tiya isyang siya ay si clary ang aking asawa , Clary ang aking tiya at aking mga….



Clary: Anak! Walang hiya ka, hindi ka nagsabi sa akin ng buong katotohanan.



Uuwi na lang ako sa maynila. Doon may banyo, toilet, bed, rooms at higit sa lahat walang mga makukulit na bata ang manggugulo sa akin.



*umalis si Clary at hinabol naman siya ni bert at nahawakan sa kamay



Bert: Hindi ka maaring umalis na wala ako.



……(nag iiyakan ang mga anak)



Aling Isyang: Tumahimik kayo! Tinamaan kayo ng lintik.

Walang Sugat

ni Severino Reyes



Unang Bahagi



1 Tagpo



(Tanggapan ng bahay ni Julia. Si Julia at ang mga bordador Musika)







Koro: Ang karayom kung iduro

Ang daliri'y natitibo,

Kapag namali ng duro

Burda nama'y lumiliko



Julia: Anong dikit, anong inam

Ng panyong binuburdahan,

Tatlong letrang nag-agapay

Na kay Tenyong na pangalan.

Koro: Ang karayom kung itirik

Tumitimo hanggang dibdib

Julia: Piyesta niya'y kung sumipot

Panyong ito'y iaabot,

Kalakip ang puso't loob,

Ng kaniyang tunay na lingkod.

Si Tenyong ay mabibighani

Sa rikit ng pagkagawa

Mga kulay na sutla,

Asul, puti at pula.

Panyo't dito ka sa dibdib,

Sabihin sa aking ibig

Na ako'y nagpapahatid

Isang matunog na halik.

Koro: Ang karayom kung iduro

Ang daliri'y natitibo.

Hoy tingnan ninyo si Julia

Pati panyo'y sinisinta.

Kapag panyo ng ibig

Tinatapos ng pilit

Nang huwag daw mapulaan

Ng binatang pagbibigyan



Ang panyo pa'y sasamahan

Ng mainam na pagmamahal.



At ang magandang pag-ibig

Kapag namugad sa dibdib

Nalilimutan ang sakit

Tuwa ang gumigiit.

Mga irog natin naman

Sila'y pawang paghandugan

Mga panyong mainam

Iburda ang kanilang pangalan.

Julia: Piyesta niya'y kung sumipot

Panyong ito'y iaabot

Kalakip ang puso't loob

Ng kaniyang tunay na lingkod.

Koro: Nang huwag daw mapulaan

Ng binatang pagbibigyan

Ang panyo pa'y sasamahan

Ng mainam na pagmamahal.

Salitain

Julia: Ligpitin na ninyo ang mga bastidor at kayo'y mangagsayaw na.

(Papasok ang magsisikanta). (Lalabas si Tenyong).



II TAGPO

(Tenyong at Julia…)



Tenyong: Julia, tingnan ko ang binuburdahan mo…

Julia: Huwag na Tenyong, huwag mo nang tingnan, masama ang pagkakayari, nakakahiya.

Tenyong: Isang silip lamang, hindi ko na hihipuin, ganoon lang?… ay…

Julia: Sa ibang araw, pagkatapos na, oo, ipakikita ko sa iyo.

Tenyong: (Tangan si Julia sa kamay) Ang daliri bang ito na hubog kandila, na anaki'y nilalik na

maputing garing. Ay may yayariin kayang hindi mainam? Hala na, tingnan ko lamang.

Julia: Huwag mo na akong tuyain, pangit nga ang mga daliri ko.

Tenyong: (Nagtatampo) Ay!…

Julia: Bakit Tenyong, napagod ka ba? (Hindi sasagot). Masama ka palang mapagod.

Tenyong: Masakit sa iyo!

Julia: (Sarili) Nagalit tuloy! Tenyong, Tenyong… (sarili) Nalulunod pala ito sa isang tabong

tubig!

Tenyong: Ay!

Julia: (Sarili) Anong lalim ng buntong hininga! (Biglang ihahagis ni Julia ang bastidor).

(Sarili) Lalo ko pang pagagalitin.



Tenyong: (Pupulutin ang bastidor at dala). Julia, Julia ko. (Luluhod) Patawarin mo ako; Hindi na

ako nagagalit…

Julia: Masakit sa aking magalit ka at hindi. Laking bagay!

Tenyong: Lumalaganap sa dibdib ko ang masaganang tuwa, narito at nakikita ko na minarapat

mong ilimbag sa panyong ito ang pangalan ko.

Julia: Hindi ah, nagkakamali ka, hindi ukol sa iyo ang panyong iyan…

Tenyong: Sinungaling! At kaninong pangalan ito? A. Antonio N. Narciso, at F. ay Flores.

Julia: Namamali ka, hindi mo pangalan iyan.

Tenyong: Hindi pala akin at kanino nga?

Julia: Sa Among! Iya'y iaalay ko sa kanya ngayong kaarawan ng pasko.

Tenyong: Kung sa among man o sa demonyo, bakit ang letra'y A, N, at F?

Julia: Oo nga sapagkat ang A, ay Among, ang N, Natin at ang F ay Frayle.

Tenyong: Among Nating Frayle, laking kaalipustaan! Huwag mo akong aglahiin ng tungkol sa

mga taong iyan at madaling magpanting ang tainga ko.

Julia: Nakaganti na ako! (Dudukutin ni Tenyong sa kanyang bulsa ang posporo at

magkikiskis ng maraming butil at nag-aalab na magsasalita).

Tenyong: Julia, magsabi ka ng katotohanan, para sa kura nga ba? Kapag hindi ko sinilaban, ay…

sinungaling ako… mangusap ka. Susulsulan ko na? (Anyo nang sisilaban).

Musika No. 2

Julia: Huwag mong silaban ang tunay mong pangalan.

Tenyong: Sa pagkakasabi mong sa kurang sukaban nagising ang galit at di mapigilan.

Julia: Hindi maghahandog sa lahi ni Satan, ang panyong iyan ay talagang iyo, sampu ng

nagburdang si Juliang iniirog mo.

Tenyong: Salamat, salamat, Juliang poon ko.

Julia: Oh, Tenyong ng puso, Oh, Tenyong ng buhay ko.

Tenyong: Pag-iibigan ta'y kahimanawari lumawig na tunay at di mapawi paglingap mo sa akin

kusang mamalagi huwag malimutan sa tuwi-tuwi…

Tenyong: Julia ko'y tuparin adhikain natin.

Julia: Tayo'y dumulog sa paa ng altar.

Tenyong: Asahan mo.

Sabay: Di mumunting tuwa dito'y dumadalaw, ano pa't wari di na mamamatay sa piling mo oh!

(Tenyong) niyaring buhay (Julia) maalaalang may kabilang buhay…

(Lalabas si Juana).



III TAGPO

(Tenyong, Julia, at Juana mamaya'y Lukas)

Salitain

Juana: Julia, Julia, saan mo inilagay ang baro kong makato? (Nagulat si Julia at si Tenyong)

(Lalabas si Lukas)

Lukas: Mamang Tenyong, Mamang Tenyong…!

Tenyong: Napaano ka, Lukas?

Lukas: Dinakip po ang Tatang mo ng Boluntaryo ng Santa Maria.

Tenyong: Diyata dinakip si Tatang?

Lukas: Opo





Tenyong: Saan kaya dinala?

Lukas: Sa Bulakan daw po dadalhin.

Tenyong: Tiya, ako po'y paparoon muna't susundan si Tatang.

Juana: Hintay ka sandali at kami'y sasama. Julia, magtapis ka… (Magsisipasok sina Juana,

Julia, at Lukas).

Tenyong: Oh, mundong sinungaling! Sa bawat sandaling ligayang tinatamo ng dibdib, ay

tinutunungan kapagdaka ng matinding dusa! Magdaraya ka! Ang tuwang idinudulot

mo sa amin ay maitutulad sa bango ng bulaklak, na sa sandaling oras ay kusang

lumilipas.

(Telong Maikli)

Kalye



IV TAGPO

(Musika)

Koro at Lukas

Lukas: Tayo na't ating dalawin mga tagarito sa atin.

Koro: Dalhan sila ng makakain at bihisan ay gayundin.

Isang Babae: Naubos na ang lalaki.

Lahat ng Babae: Lahat na'y hinuhuli mga babae kami.

Lukas: Marami pang lalaki.

Lahat ng lalaki:Huwag malumbay… kami nasasa bahay at nakahandang tunay, laan sa lahat ng

bagay…

Lahat ng Babae: (Sasalitain) Mga lalaking walang damdam, kaming mga babae'y pabayaan, di namin

kayo kailangan.

Isang Lalaki: Makikita ko si Tatang.

Isang Lalaki: Kaka ko'y gayundin naman.

Isang Babae: Asawa'y paroroonan.

Isang Babae: Anak ko'y nang matingnan.

Lahat. Tayo na't sumakay sa tren bumili pa ng bibilhin at sa kanila'y dalhin masarap na

pagkain.

Mga Babae: Tayo na, tayo na.

Lahat: Sumakay na sa tren.

Mga Lalaki: Doon sa estasyon.

Lahat: Ating hihintuin. (Papasok lahat)

(Itataas ang telong maikli)



V TAGPO

(Bilangguan sa Bulakan, patyo ng Gobyerno, maraming mga bilanggong nakatali sa mga rehas).

SALITAIN

Relihiyoso 1.0: Ah, si Kapitan Luis! Ito tagaroon sa amin; maraming tao ito…

Marcelo: Mason po yata, among







Relihiyoso 1.0:Kung hindi man mason, marahil filibustero, sapagka't kung siya sumulat maraming K,

cabayo K.

Marcelo: Hindi po ako kabayo, among!

Relihiyoso 1.0:Hindi ko sinasabing kabayo ikaw, kundi, kung isulat niya ang kabayo may K, na lahat

ng C pinapalitan ng K. Masamang tao iyan, mabuti mamatay siya.

Relihiyoso 2.0:Marcelo, si Kapitan Piton, si Kapitan Miguel, at ang Juez de Paz, ay daragdagan ng

rasyon.

Marcelo: Hindi sila makakain eh!

Relihiyoso 1.0:Hindi man, ang rasyon na sinasabi ko sa iyo na dagdagan, ay ang pagkain, hindi, ano

sa akin kundi sila kumain? Mabuti nga mamatay silang lahat. Ang rasyon na sinasabi

ko sa iyo ay ang palo, maraming palo ang kailangan.

Marcelo: Opo, among, hirap na po ang mga katawan nila at nakaaawa po namang magsidaing;

isang linggo na pong paluan ito, at isang linggo po namang walang tulog sila!

Relihiyoso 2.0:Loko ito! Anong awa-awa? Nayon wala awa-awa, duro que duro awa-awa? Ilan kaban

an rasyon? Ang rasyon nan palo, ha!

Marcelo: Dati po'y tatlong kaban at maikatlo sa isang araw na tinutuluyan, ngayon po'y lima ng

kaban, at makalima po isang araw.

Relihiyoso 2.0:Samakatuwid ay limang beses 25, at makalimang 125, ay huston 526 (binibilang sa

daliri). Kakaunti pa! (bibigyan si Marcelo ng kuwalta at tabako).

Marcelo: Salamat po, among!

Relihiyoso 1.0:Kahapon ilan ang namatay?

Marcelo: Wala po sana, datapwa't nang mag-uumaga po ay pito lamang.

Relihiyoso 1.0:Bakit ganoon? (gulat)

Marcelo: Dahil po, si Kapitan Inggo ay pinagsaulan ng hininga.

Relihiyoso 1.0:Si Kapitan Inggo pinagsaulan ng hininga! Narito si Kapitana Putin, at ibig daw makita

si Kapitan Inggo na asawa niya. Kung ganoon ay hindi mamamatay si Kapitan Inggo.

Marcelo: Mamamatay pong walang pagsala: wala na pong laman ang dalawang pigi sa

kapapalo, at ang dalawang braso po'y litaw na ang mga buto, nagitgit sa

pagkakagapos.

Relihiyoso 1.0:May buhay-pusa si Kapitan Inggo! Saan naroroon ngayon?

Marcelo: Nariyan po sa kabilang silid, at tinutuluyan uli ng limang kaban.

Relihiyoso 1.0:Mabuti, mabuti, Marcelo huwag mong kalilimutan, na si Kapitan Inggo ay araw-araw

papaluin at ibibilad at buhusan ng tubig ang ilong, at huwag bibigyan ng mabuting

tulugan, ha?

Marcelo: Opo, among.

(Sa mga kasama niya) Companeros, habeis traido el dinero para el Gobernador?

Relihiyoso 2,3,4:Si, si, hemos traido.

Relihiyoso 1.0:Marcelo, dalhin dito si Kapitan Inggo.

Marcelo: Hindi po makalakad, eh!

Relihiyoso 1.0: Dalhin dito pati ang papag.

Relihiyoso 2.0: Tonto.

Tadeo: Bakit ka mumurahin?

Juana: Kumusta po naman kayo, among?

P. Teban: Masama, Juana, talaga yatang itong pagkabuhay namin ay lagi na lamang sa hirap,

noong araw kami ay walang inaasahan kundi kaunting sweldo dahil sa kami'y alipin

ng mga prayle, ngayon nga, kung sa bagay ay kami na ang namamahala, wala naman

kaming kinikita; wala nang pamisa, mga patay at hindi na dinadapit; ngayon

napaglirip na ang mga kabanalang ginawa ng mga tao noong araw ay pawang

pakunwari at pakitang-tao lamang alinsunod sa malaking takot sa mga prayle.

Juana: Totoo po ba ang sabi mo.

P. Teban: Kaya, Juana, di-malayong kaming mga klerigo ay mauwi sa pagsasaka, tantuin niyong

kaming mga pari ay hindi mabubuhay sa panay na hangin.

Juana: Bakit dami mo pong mga pinakaing mga pamangking dalaga?

P. Teban: Siya nga, ulilang inaampon ko.

Miguel: Ay! Aling Julia… ay…ma…ma… malapit na po…

Julia: Alin po ang malapit na?

Miguel: Ang…ang…ang…

Julia: (Sarili) Ano kaya ang ibig sabihin nito?

Tadeo: Miguel, tayo na't nagkayari na kami ng kaniyang ina.

Miguel: Ay…salamat (tuwang-tuwa.)

Julia: (Sarili) Ipinagkayari na pala ako ni Inang?

Tadeo: Ano ba ang sinabi mo?

Miguel: Sinabi ko pong… ay Julia! Ay! Aling Julia! Ay, Julia ko!

Tadeo: Wala ka nang nasabi kundi pulos na "ay"? Hindi ka nagpahayag ng pagsinta mo?

Miguel: Sinabi ko pong malapit na…

Tadeo: Malapit na ang alin?

Miguel: Itinatanong nga po sa akin kung alin ang malapit na eh, hindi ko po nasagutan…

Tadeo: Napakadungo ka! Ay Ige, tayo na't baka ka pa mahalata…

Relihiyoso 1.0: Kapitan Putin, mana dalaw, parito kayo.

(Magsisilabas ang mga dalaw).



VI TAGPO

(Mga Relihiyoso, Putin, Juana, Julia, Tenyong, at mga dalaw, babae at lalaki).

Salitain

Relihiyoso 1.0: Kapitana Putin, ngayon makikita ma na ang tao mo, dadalhin dito, at sinabi ko

sa Alkalde na huwag nang paluin, huwag nang ibibilad at ipagbilin ko na bibigyan na

ng mabuting tulugan…

Putin: Salamat po, among.

Relihiyoso 1.0: Kami ay aakyat muna sandali sa Gobernador at sasabihin naming pawalan,

lahat ang mga bilanggo,kaawa-awa naman sila.

Putin: Opo, among, mano na nga po… Salamat po, among.

(Magsisihalik ng kamay, si Tenyong ay hindi at ang mga ibang lalaki).

Relihiyoso 1.0: (Sa mga kasama) Despues de ver el Gobernador… a Manila, cogemeros el tren

la Estacion de Guiguinto, es necesario deciral General que empiece ya a fusilar a los

ricos e ilustrados de la provincia, porque esto va mal.

Relihiyoso 2.0: Ya lo creo que va mal.

Los 3: Si, si a fusilar, a fusilar.

(Papasok ang mga pare).



VII TAGPO





(Sila rin, wala na lamang ang mga relihiyoso)

Salitain

Putin: Tenyong, kaysama mong bata, bakit ka hindi humalik ng kamay sa among?

Tenyong: Inang, ang mga kamay pong… namamatay ng kapwa ay hindi dapat hagkan, huwag

pong maniniwalang sasabihin niya sa Gobernador na si Tatang ay pawalan, bagkus pa

ngang ipagbibiling patayin na ngang tuluyan. (Sarili) Kung nababatid lamang ng mga

ito ang pinag-usapan ng apat na lilo! Nakalulunos ang kamangmangan!

(Ipapasok si Kapitang Inggo na nakadapa sa isang papag na makitid).

Putin: Inggo ko!

Tenyong: Tatang!

Julia: Kaawa-awa naman!

Tenyong: Mahabaging Langit!

Musika

Tenyong: Ang dalawang braso'y gitgit na ang laman, naglabas ang mga buto sa mga tinalian,

lipos na ng sugat ang buong katawan, nakahahambal! Ay! Ang anyo ni Amang! Ang

lahat ng ito'y gawa ng pari na sa Pilipinas siyang naghahari lalang ni Lucifer sa

demonyong lahi kay Satang malupit nakikiugali…Ah, kapag namatay ka, oh, ama

kong ibig, asahan mo po at igaganting pilit kahit na ano ang aking masapit, sa ulo ng

prayle isa sa kikitil.

Salitain

Tenyong: Tatang, ikaw po'y ititihaya ko nang hindi mangalay…

Inggo: Huwag na… anak ko… hindi na maari… luray luray na ang katawan… Tayo'y

maghihiwalay na walang pagsala! Bunso ko, huwag mong pababayaan ang Inang mo!

Putin, ay Putin… Juana-Julia… kayo na lamang ang inaasahan kong kakalinga sa

kanila… Ang kaluluwa ko'y inihain ko na ka'y Bathala.

Adyos mga kaputol ng dibdib! Adyos mga kababayan! Ako'y inyong patawarin…

Naluoy na yata ang puso ng mga Kastila.

Tenyong: Diyos na may kapangyarihan! Ano't inyong ipinagkaloob ang ganitong hirap? (Dito

lamang ang pasok ng kantang "Ang dalawang braso'y…)

Musika No.2

Tenyong: Ang dalawang braso'y gitgit na ang laman, naglabas ang buto sa mga tinalian,

lipos na ng sugat ang buong katawan, nakahahambal, ay! Ang anyo ni Amang! Ang

lahat ng ito'y gawa ng pari na sa Pilipinas siyang naghahari, lalang ni Lucifer sa

demonyong lahi kay satang malupit nakikiugali. Ah! Kapag namatay ka, oh, ama kong

ibig, asahan mo po't igaganting pilit kahit na ano ang aking masapit sa ulo ng prayle,

isa sa kikitil.

Julia: Taya ang loob ko at binabanta-banta mga taong iya'y tadtarin man yata lahat

ng niyang laman, buto sampung taba, di makababayad sa utang na madla.

(Mga Babae at Lalaki)

Di na kinahabagan kahit kaunti man, pariseos ay daig magpahirap.

Tenyong: Oo't di matingnan puso ko'y sinusubhan sa ginawa kay Amang ng mga taong

hunghang…ang awa'y nilimot sa kalupitan…

Lalaki't Babae: Wari mukha nang bangkay…

Tenyong: Inang, masdan mo po… at masama ang lagay ni Tatang, Inang, tingnan mo't

naghihingalo… Tatang, tatang…

Putin: Inggo ko…Inggo…

Tenyong: Patay na!

(Mangagsisihagulgol ng iyak)

Telong Maikli



VIII TAGPO

(Sila ring lahat, wala lamang si Kapitang Inggo, ang Alkalde, at mga bilanggong nangakagapos).

Salitain

Putin: Tenyong, hindi yata ako makasasapit sa atin! Julia, nangangatal ang buong

katawan ko! Nagsisikip ang aking dibdib! Ang sakit ay tagos hanggang likod! Ay,

Tenyong, hindi ako makahinga! Ang puso ko'y parang pinipitpit sa palihang bakal!

(Si Putin ay mapapahandusay).

Tenyong: Langit na mataas!

(Papasok lahat)



IX TAGPO

(Tenyong at mga kasamang lalaki, mamaya'y si Julia).

Salitain

Tenyong: Mga kasama, magsikuha ng gulok, at ang may rebolber ay dalhin.

Isa: Ako'y mayroong iniingatan.

Isa pa: Ako ma'y mayroon din.

Tenyong: Tayo na sa estasyon ng Guiguinto.

Isa: Nalalaman mo bang sila'y mangasisilulan?

Tenyong: Oo, walang pagsala, narinig ko ang salitaan nila, at nabatid ko tuloy na sasabihin daw

nila sa Heneral na tayo'y pagbabarilin na.

Isa: Mga tampalasan.

Isa pa: Walang patawad!

(Nang mangagsiayon, si Tenyong ay nakahuli sa paglakad, sa lalabas si Julia).

Julia: Tenyong, Tenyong!

Tenyong: Julia!

Julia: Diyata't matitiis, na Ina'y lisanin mo sa kahapis-hapis na anyo? Di ba nalalaman mong

sa kaniya'y walang ibang makaaaliw kundi ikaw, at sa may damdam niyang puso, ay

walang lunas kundi ikaw na bugtong na anak? Bakit mo siya papanawan?

Tenyong: Julia, tunay ang sinabi mo; datapwa't sa sarili mong loob, di ba si Inang ay

kakalingain mong parang tunay na ina; alang-alang sa paglingap mo sa akin? Sa

bagay, na ito, ano ang ipag-aalaala ko?

Julia: Oo nga, Tenyong, ngunit hindi kaila sa iyo na ang maililingap ng isang lalaking

kamukha mo ay di maititingin ng isang babaing gaya ko. Tenyong, huwag kang

umalis!

Tenyong: Julia, hindi maaari ang ako ay di pasa-parang; ako ay hinihintay ng mga kapatid, Julia,

tumutugtog na ang oras ng pananawagan ng naaaping Ina, sa pinto ng nagpaubayang

anak; ang Ina natin ay nangangailangan ng tunay nating pagdamay; dito sa dibdib ko'y

tumitimo ang nakalulunos niyang himutok, ang nakapanlulumo niyang daing: "Mga

anak ko," anya, "ngayo'y kapanahunang ako'y ibangon na ninyo sa pagkalugami.

Oras na, Julia ko, ng paglaot sa matibay na tanikalang mahigit sa tatlong daang taong

sinasangayad; hindi dapat tulutang… mga iaanak natin ay magising pa sa kalagimlagim na kaalipin.

Julia: Wala akong maitututol, tanggapin na lamang ang huling tagubilin! (Huhubarin ang

garantilyang may medalyita; tangnan at isusuot kay Tenyong ang garantilya.) Ang

larawang ito'y aking isasabit sa tapat ng puso'y huwag iwawaglit at sa mga digma,

kung siya'y masambit ipagtanggol ka sa mga panganib. Kung saka-sakaling irog ko'y

masaktan, pahatid ka agad sa aking kandungan. Ang mga sugat mo'y aking huhugasan

ng masaganang luhang sa mata'y nunukal.

Tenyong: Sa Diyos nananalig.

Julia: Puso ko'y dinadalaw ng malaking hapis.

Tenyong: Huwag mamanglaw. Huwag ipagdusa ang aking pagpanaw.

Julia: Mangungulimlim na ang sa matang ilaw.

Tenyong: Ang ulap Julia ko'y di mananatili. Darating na ibig, ang pagluluwalhati.

Julia: Tenyong na poon ko'y kahimanawari. Magliwayway uli't dilim ay mapawi.

Tenyong: Huwag nang matakot, huwag nang mangamba. Ako'y tutupad lang ng aking panata sa

pakikianib sa mga kasama. Aming tutubusin, naaliping Ina. Ikaw irog ko'y aking

itatago sa loob ng dibdib, sa tabi ng puso. Nang hindi malubos ang pagkasiphayo sa

mga sakuna, ikaw'y kalaguyo. (Titigil) Yayao na ako!

Julia: Ako'y lilisanin? Balot yaring puso ng matinding lumbay, bumalik ka agad nang di

ikamatay.

Tenyong: Juliang aking sinta!

Julia: Oh, Tenyong ng buhay!

Tenyong: (Anyong aalis) (Sarili) Kaawa-awa! (Tuluyang aalis).

Julia: (Biglang lilingon Te…! Yumao na! (papasok)



X TAGPO

(Tugtuging nagpapakilala ng damdamin. Pagdating ng bahaging masaya ay maririnig ang sigawan sa

loob. Mga prayle at mga kasama ni Tenyong at si Tenyong.)

Sa loob.

Mga lahi ni Lucifer! Magsisi na kayo't oras na ninyo! Ikaw ang pumatay sa ama ko - Perdon!

Walang utang-na-di pinagbabayaran! (Hagaran at mapapatay ang mga prayle, isa ang mabibitin na sasama sa

tren).

Telon



Wakas ng Unang Bahagi



Ikalawang Bahagi





I TAGPO

(Bahay ni Julia)

Julia at Juana

Salitain

Juana: Julia, igayak ang loob mo; ngayon ay paparito si Miguel at ang kanyang ama, sila'y

pagpapakitaan ng mainam.

Julia: Kung pumarito po sila, ay di kausapin mo po!

Juana: Bakit ba ganyan ang sagot mo?

Julia: Wala po!

Juana: Hindi naman pangit, lipi ng mabubuting tao, bugtong na anak at nakaririwasa, ano pa

ang hangarin mo?

Julia: Ako po, Inang ko, ay hindi naghahangad ng mga kabutihang tinuran mo, ang

hinahangad ko po ay…

Juana: Ay ano? Duluhan mo, sabihin mo at nang matalastas ko.

Julia: Ang tanggapin pong mahinusay ng puso ko.

Juana: (Natatawa) Julia, ako'y natatawa lamang sa iyo, ikaw ay bata pa nga - anong pusupuso ang sinasabi mo? Totoo nga't noong unang dako, kapag may lalaking

mangingibig ay tinatanggap ng mga mata at tinutuloy dito (hihipuin ang noo) dito sa

isip at di na sa puso; at kung ano ang pasya ng isip ay siyang paiiralin: ang puso sa

panahong ito ay hindi na gumaganap ng maganda niyang katungkulan, siya'y

nagpapahingala'y na…

Julia: Nakasisindak, Inang ko, ang mga pangungusap mo!

Juana: Siyang tunay!

Julia: Ako po'y makasunod sa masamang kalakaran ng panahon, dito po ako makatatakwil

sa tapat na udyok ng aking puso.

Juana: Julia, tila wari… may kinalulugdan ka nang iba.

Julia: Wala po!

Juana: Kung wala ay bakit sumusuway sa aking iniaalok? Nalaman mo na, ang kagalingan

mong sarili ang aking ninanais. Ang wika ko baga, ay bukas-makalawa'y mag-aasawa

ka rin lamang…ay kung mapasa-moro, mapasa-Kristiyano na!

Julia: (Sarili) Moro yata si Tenyong!



II TAGPO

(Julia at Monica)

Salitain

Julia: Monicaaaaaaaaaa, Monicaaaaaaaaaa.

Monica: (Sa loob) Pooo!

Julia: Halika (Lalabas si Monica)

Pumaroon ka kay Kulas, sabihin mong hinihintay ko siya; madali ka…

Monica: Opo (Papasok)



III TAGPO 16

(Julia, mamaya'y Miguel, Tadeo, Pari, Teban, at Juana)

Musika

Dalit ni Julia

Oh, Tenyong niyaring dibdib,

Diyata' ako'y natiis

Na hindi mo na sinilip

Sa ganitong pagkahapis.

Ay! Magdumali ka't daluhan,

Tubusin sa kapanganiban,

Huwag mo akong bayaang

Mapasa ibang kandungan.

Halika, tenyong, halika,

At baka di na abutin

Si Julia'y humihinga pa…

Papanaw, walang pagsala!

At kung patay na abutin

Itong iyong nalimutan

Ang bangkay ay dalhin na lamang

Sa malapit na libingan.

Huling samo, oh Tenyong,

Kung iyo nang maibaon

Sa malungkot na pantiyon,

Dalawin minsan man isang taon.

Salitain

P. Teban: (Pumalakpak) Mabuti ang dalit mo Julia…datapwa't napakalumbay lamang…

Julia: (gulat) Patawarin po ninyo at hindi ko nalalamang kayo'y nangagsirating…kahiyahiya po.

P. Teban: Hindi; hindi kahiya-hiya, mainam ang dalit mo. Ang Inang mo?

Julia: Nariyan po sa labas: tatawagin ko po (Papasok).

P. Teban: Magandang bata si Julia, at mukhang lalabas na mabuting asawa… Marunong kang

pumili, Miguel.

Tadeo: Ako, among, ang mabuting mamili, si Miguel po'y hindi maalam makiusap. (Lalabas

si Juana).

Juana: Aba, narito pala ang among! Mano po, among!

P. Teban: Ah, Juana, ano ang buhay-buhay?

Juana: Mabuti po, among.

Tadeo: (Kay Miguel) Lapitan mo.

Miguel: Baka po ako murahin ah! 17

May manliligaw si Julia na Miguel ang pangalan. Mayaman at bugtong na anak ngunit dungo.

Payo ni Aling Juana:"Ang pag-ibig ay tinatanggap ng mata at itinutuloy sa isip at di sa puso" Tutol si

Julia kay Miguel. Ngunit ipinagkayari siya ng ina sa ama ni Miguel. Hindi alam ni Juana ang ukol sa

anak at pamangking si Tenyong. Nagpadala ng liham si Julia kay Tenyong sa tulong ni Lukas.

Si Tenyong ay kapitan ng mga naghihimagsik. Walang takot sa labanan. Natagpuan ni Lukas

ang kuta nina Tenyong. Ibinigay ang sulat ng dalaga. Isinasaad sa sulat ang pagkamatay ng inang si

Kapitana Putin at ang araw ng kasal niya kay Miguel. Sasagutin na sana ni Tenyong ang sulat ngunit

nagkaroon ng labanan.



Ikatlong Bahagi

Sinabi ni Lukas kay Julia ang dahilan nang di pagtugon ni Tenyong sa liham. Nagbilin

lamang ito na uuwi sa araw ng kasal. Minsan habang nanliligaw si Miguel kay Julia ay si Tenyong

naman ang nasa isip ng dalagang ayaw makipag-usap sa manliligaw kahit kagalitan ng ina. Si Tadeo

na ama ni Miguel ay nanliligaw naman kay Juana, na ina ni Julia.

Kinabukasa'y ikakasal na si Julia kay Miguel. Nagpapatulong si Julia kay Lukas na tumakas

upang pumunta kay Tenyong. Ngunit di alam ni Lukas kung nasaan na sina Tenyong kaya walang

nalalabi kay Julia kungdi ang magpakasal o magpatiwakal.

Pinayuhan ni Lukas si Julia na kapag itatanong na ng pari kung iniibig nito si Miguel ay

buong lakas nitong isigaw ang "Hindi po!". Ngunit tumutol ang dalaga dahil mamamatay naman sa

sama ng loob ang kanyang ina.

Sa simbahan, ikakasal na si Julia kay Miguel nang dumating si Tenyong na sugatan.

Ipinatawag ng Heneral ng mga Katipunero ang pari para makapangumpisal si Tenyong.

Kinumpisal ng kura si Tenyong. Ipinahayag ng kura ang huling hiling ng binata - na sila ni

Julia ay makasal. Galit man si Juana ay pumayag ito. Maging si Tadeo ay pumayag na rin sa huling

kahilingan ng mamamatay. Gayun din si Miguel. Matapos ang kasal, bumangon si Tenyong.

Napasigaw si Miguel ng "Walang Sugat". Gayundin ang isinigaw ng lahat.

Gawa-gawa lamang ng Heneral at ni Tenyong ang lahat.







konti_na_lang.mp3

Download File

Create a free website with
Full transcript