Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

El Filibusterismo

No description
by

Raizza Kanille

on 12 February 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of El Filibusterismo

El Filibusterismo
Dr. Jose Rizal
Proyekto
sa
Filipino
Nilalaman:
II.
Mga Tauhan
III.
Buod ng bawat
kabanata
IV.

Pagpapakilala ng
mga miyembro ng grupo
at ambag nila
I.
Maikling kasaysayan
ElFilibusterismo
El Fili TV
(literal na "Ang Pilibusterismo") o
Ang Paghahari ng Kasakiman
pangalawang nobelang isinulat ni Rizal;buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na
Gomburza
o Gomez, Burgos, at Zamora.
karugtong o
sequel sa Noli Me Tangere
at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng hirap habang sinusulat ito at, tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila.
Sinimulan niya ang akda noong
Oktubre ng 1887
habang nagpapraktis ng medisina sa Calamba.
EL FILI

PENCIL
El Filibusterismo
Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at pinagbuti niya ang ilang mga kabanata.
Isang nagngangalang
Valentin Ventura
na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat noong
Setyembre 22, 1891
Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang naninirahan sa
Paris
,
Madrid
, at
Brussel
, at nakompleto niya ito noong
Marso 29, 1891
, sa
Biarritz
. Inilathala ito sa taon ring iyon sa
Gent
.
Mga
Tauhan
Nais kong pumarami
ang mga tagasunod
ko sa Twitter.
Simoun
Ang mayamang mag-aalahas,
na nakasalaming may kulay, na umano'y tagapayo
ng Kapitan Heneral ngunit siya ay si
Juan
Crisostomo Ibarra
na nagbalik upang maghiganti
sa kanyang mga kaaway.
BASILIO
Ang
mag-aaral ng medisina

at
kasintahan ni Juli

Mga
Mag-aaral
ISAGANI
Ang
makatang kasintahan ni Paulita
at
pamangkin ni Padre Florentino

JUANITO PELAEZ
ang
mag-aaral na kinagigiliwan
ng mga propesor
;
nabibilang sa kilalang angkang
may dugong Kastila

MAKARAIG
ang
mayamang mag-aaral
na masigasig
na nakikipaglaban para sa
pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila
ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan

SANDOVAL
ang
mag-aaral na Kastila
na sang-ayon
o panig sa ipinaglalaban ng mga kapwa
mag-aaral

TADEO
Ang
lalaking tamad na tamad mag-aral
; laging humihiling na magkaroon ng mahabang bakasyon

PECSON
PLACIDO PENITENTE
Isang mag-aaral ng
Bachiller en Artes sa Unibersidad ng Santo Tomas
; ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi
ng suliraning pampaaralan
Kabesang Andang
Ina
ni Placido Penitente; taga Batangas

Mga
Prayle
PADRE CAMORRA
ang mukhang artilyerong pari;
kura-paroko ng bayan ng Tiyani
PADRE FERNANDEZ
Ang Dominikong may malayang paninindigan.
Ang itinatangi ni Isagani sa lahat ng mga prayle.
PADRE SALVI
siya ang humalili kay Padre Damaso bilang kura sa bayan ng San Diego; inilarawan bilang may mahinang pangangatawan, sakitin, at tila palaging may iniisip.
isang
kanonigong prayle
; Siya ang matalik na kaibigan at tagapayo ni Kapitan Tiyago; paring
matangos ang ilong
PADRE SIBYLA
Agustinong prayle;
Bise-rektor
ng unibersidad
PADRE IRENE
PADRE FLORENTINO
paring Indio na amain ni Isagani; hindi ito mahilig makipaghalubilo sa ibang tao, hindi mapagmalaki, at walang bisyo.
KABESANG TALES
ang naghahangad ng karapatan
sa pagmamay-ari ng lupang sinasaka na
inaangkin ng mga prayle; tinawag na
Matanglawin
ang sarili at pinamunuan
ang pangkat ng mga tulisan
TANDANG SELO
kilala rin bilang Tata Selo; sandaling na-pipi nang mamasukan si Juli bilang utusan; ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo na si Tano
Telesforo Juan de Dios
TANO
tanging anak na lalaki ni Kabesang Tales; nag-guardia civil at ipinadala sa Carolinas
PADRE CLEMENTE
uldog ng korporasyon

na naninigngil ng buwis
JULIANA o JULI
anak ni Kabesang Tales
at katipan ni Basilio
LUCIA
pinakamatandang anak ni Kabesang Tales na nilagnat at namatay
BEN ZAYB
ang mamamahayag sa pahayagan na
laging may dagdag ang inuulat
DON CUSTODIO
Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo
ang kilala sa tawag na Buena Tinta; mahilig gumawa ng mga panukala
DONYA VICTORINA
ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita
DON TIBURCIO DE ESPADAÑA
asawa ni Donya Victorina na inalisan ang ginang upang magtago sa bahay-bakasyunan ni Padre Florentino
PAULITA GOMEZ
kasintahan ni Isagani ngunit
nagpakasal kay Juanito Pelaez
naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra; sinamahan si Juli sa kumbento
HERMANA BALI
HERMANA PENCHANG
ang mayaman at madasaling babae na
pinaglilingkuran ni Juli
QUIROGA
isang mangangalakal na Intsik na nais maging ng konsulado sa Pilipinas
GINOONG LEEDS
ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya
IMUTHIS
ang mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds
TIYO KIKO
matalik na kaibigan ni Camaroncocido
CAMARONCOCIDO
isang espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi dahil sa kanyang panlabas na anyo; may mala-sagang mukha kaya tinawag na Camaroncocido
GERTRUDE
Mga mang-aawit at nagtatanghal sa palabas:
SERPOLETTE
MR. JOUY
namamahala sa pagtatanghal ng samahan ng Operetang Pranses ng Les Cloches de Corneville
PART
PART
PART
isang
matabang estudyante
na madalas tumanggi sa lahat na pinagsasangayunan ng nakararami

Buod
ng bawat
Kabanata
KABANATA
Nagsimula ang El Filibusterismo
labintatlong taon
pagkatapos mamatay ni Elias at ng ina ni Basilio na si Sisa.

Isang umaga ng
Disyembre
, naglalakbay ang bapor papunta ng
Laguna
. Ang bapor ay may pagkakahalintulad sa pamahalaan ng Pilipinas: mayabang, mapang-api at madumi. Sa ibabaw ng kubyerta, nandito sila Donya Viktorina, Paulita Gomez, Padre Camorra, Padre Salvi, Padre Sibyla, Don Custodio, Ben Zayb at si Simoun.
Napag-usapan nila Ben Zayb, Padre Camorra, at Padre Salvi ang lawa at sa bagal ng paglakbay ng bapor.

Sumingit naman si Simoun at sinabing dapat maghukay ng bagong pagdadaluyan ng Ilog Pasig. Si Don Custodio naman ay nagsabing dapat mag-alaga ng mga itik dahil kunakain ng mga suso ang mga itik. Hindi ito naibigan ng nagmamagandang si Donya Viktorina.
KABANATA
Sa Kubertya
Sa Ilalim ng Kubyerta
Nahahati ang kubyerta sa dalawa — ang ibabaw at ilalim. Maihahalintulad din ito sa buhay — ang mataas at mababang antas ng buhay.
Ang mga nasa ilalim ng kubyerta ay ang mga mestizo, Indio, at mga Intsik. Nagtungo dito si Simoun.
Nandito din ang mga mag-aaral na si Isagani at si Basilio na kausap si Kapitan Basilio. Napag-usapan nila ang pagtatayo ng mga mag-aaral ng Akademya ng Wikang Kastila. Sinabi ni Kapitan Basilio na hindi ito magtatagumpay pero tutol ang dalawang mag-aaral dito
Dumating si Simoun at kinausap ang dalawa. Ipinakilala ni Basilio si Simoun kay Isagani. Sinabi ni Simoun na di na siya nakakadalaw sa San Diego dahil walang makabibili ng mga alahas niya dito.
Inanyaya niya na uminom ang dalawa ng serbesa pero ayaw ng dalawa dito. Nagtalo sila tungkol sa pagkahilig ng mga Pilipino sa serbesa dahil nga mabuti daw ito.

Si Padre Florentino ay nagmumuni muni sa kubyerta, naalala niya ang kaniyang pagkapari at ang kanyang dating minamahal.
KABANATA
Mga Alamat
Dinatnan ni Padre Florentino na nagtatawanan na mga nasa kubyerta. Nagdaraingan ang mga prayle sa pagkamulat ng mga Pilipino at pag-uusig sa mga bayarin sa simbahan. Dumating si Simoun. Sayang daw at di nakita ni Simoun ang mga dinaanan ng bapor. Kung wala raw alamat ay walang kuwenta sa kanya ang alinmang pook ayon kay Simoun. Isinalaysay ng kapitan ang alamat ng Malapad-na-bato. Ito raw ay banal sa mga katutubo noong una bilang tahanan ng mga espiritu. Nang panahanan daw ng mga tulisan ay nawala ang takot sa espiritu, nasalin sa mga tulisan.
Sinabi ng Kapitan na may isa pang alamat na ukol kay Donya Geronima. Si Padre Florentino ang nahingang magkuwento. May magkasintahan daw sa Espanya. Naging arsobispo sa Maynila ang lalaki. Nagbabalatkayo ang babae. Naparito at hinihiling sa arsobispo na sundin nito ang pangako pakasal sila. Iba ang naisip ng arsobispo. Itinira ang babae sa isang yungib na malapit sa Ilog Pasig.
Nagandahan si Ben Zayb sa alamat. Nainggit si Donya Victorina na ibig ding manirahan sa kuweba. Tinanong ni Simoun si Padre Salvi. Sa inyong palagay, hindi ba higit na mainam ay ilagay sa isang beateryo tulad ni Sta. Clara? Hindi raw siya makakahatol sa mga ginawa ng isang arsobispo, ayon kay padre Salvi. At upang mabago ang paksa ay isinalaysay ang alamat ni San Nicolas na nagligtas sa isang Intsik sa pagkamatay sa mga buwayang naging bato nang dasalan ng intsik ang santo.
Nang datnan nila ang lawa ay nagtanong si Ben Zayb sa Kapitan kung saan sa lawa napatay ang isang Guevarra, Navarra o Ibarra.

Itinuro ng Kapitan. Naghanap si Donya Victorina ng bakas ng pagkamatay ng tubig labingtatalong taon matapos mangyari iyon. Nakasama raw ng ama ang bangkay ng anak, ani Padre Sibyla. Iyon daw ang pinakamurang libing, ayon kay Ben Zayb. Nagtawanan ng iba! Si Simoun ay namumutla at walang kibo. Ipinalagay ng Kapitan na si Simoun ay nahilo dahil sa
paglalakabay.
KABANATA
Kabesang Tales
Si Tandang Selong umampon kay Basilio sa gubat ay matanda na. Ang ama ng dalagang si Lucia, si Kabesang Tales, na anak ni Tandang Selo, ay isa nang kabesa de baranggay. Yumaman ito dahil sa tiyaga. Nakisama muna sa isang namumuhunan sa bukid. Nang makaipon ng kaunti ay naghawaan ng gubat na nang ipagtanong niya ay walang may-ari, ar ginawa niyang tubuhan. Inisip niyang pag-aralin na sa kolehiyo si Huli upang mapantay kay Basilio na kasintahn nito. Nang ang bukid ay umunlad ito ay inangkin ng mga prayle. Pinabuwis si Kabesang Tales. Tinaasan nang tinaasan ang pabuwis. Di na nakaya ni Kabesang Tales. Nakipag-asunto sa mga prayle.
Matigas ang sabi ni Kabesang Tales. Ipinakita ng mga prayle ang kanilang titulo sa lupa. Wala. Naging kawali si Tano. Di ibinayad ng kapalit ang anak. Anya: Binungkal ko’t tinamnan ang lupang ito, namatay at nalibing dito ang aking asawa’t anak na dalaga (si Lucia) sa pagtulong sa akin kaya’t di ko maibibigay ang lupang ito kundi sa sino mang didilig muna rito ng kanyang dugo at maglilibing muna ng kanyang asawa’t mga anak. At anya pa rin ukol sa pagiging kawal ni Tano, ako’y bumabayad sa abogado. Kung mananalo ako sa asunto ay alam ko na ang aking gagawin upang siya’y mapabalik; nguni’t kung ako’y matalo, di ko na kailangan ang anak.
Tinanuran ni Kabesang Tales ang kanyang bukid. Lagi siyang may pasang baril. Di makapasok doon ang sino man dahil balita si Kabesang Tales sa pagbaril. Nagdala siya ng gulok. Balita sa arnis ang kabesa. Ipinagbawal ang gulok. Nagdala siya ng palakol. Si Kabesang Tales ay nahulog sa kamay ng mga tulisan at ipinatubos. Isinanla ni Huli ang kanyang mga hiyas liban sa isang locket o agnos na bigay sa kanya ni Basilio. Hindi rin nakasapat ang panubos. Ipinasyang mangutang kay Hermana Penchang at maglingkod dito bilang utusan. Noon ay bisperas ng Pasko. Kinabukasan. Araw ng Pasko ay maglilingkod na siyang alila. Masalimuot ang naging panaginip ni Huli nang gabing iyon.
KABANATA
Noche Buena ng Isang Kutsero
Gabi na’t inilalakad na ang prusisyong pang-noche buena nang dumating si Basilio sa San Diego. Naabala sila sa daan dahil nalimutan ng kutsero ang sedula nito at ito’y kinakailangang bugbugin muna ng mga guwardiya sibil.

Idinaan ang imahen ni Metusalem, ang pinaka-matandang taong nabuhay sa mundo. Kasunod na idinaan ang mga imahen ng tatlong Haring Mago. Nakapagpaalaala kay Sinang ang itim na Haring Melchor. Itinanong kay Basilio kung nakawala na ang kanang paa ni Bernardo Carpio na naipit sa kabundukan ng San Mateo. Kasunod sa prusisyon ang mga batang malulngkot sa pag-ilaw. Si San Jose naman. Kasunod naman ay mga batang may mga parol. Nasa dulo ng prusisyon ang Birhen.
Natapos ang prusisyon. Napuna ng mga sibil na walang ilaw an parol ng karitela. Pinarusahan uli ng mga sibil ang kutserong si Sinong. Naglakad na lamang si Basilio.

Tanging bahay ni Kap. Basilio ang tila masaya sa mga nadaraanan ni Basilio. May mga manok na pinapatay. Nasilip ni Basilio na ang Kapitan ay nakikipag-usap sa kura, sa alperes, at kay Simoun.. nagkakaunawaan na tayo, G. Simuon, ani Kapitan Basilio, Tutungo tayo sa Tiani upang tingnan ang inyong mga alahas. Nagbilin ng isang kairel sa relo ang alperes. Isang pares na hikaw naman ang ipinakikibili ng kura.
Nasabi ni Basilio sa sarili na si Simuon ay may kasindak-sindak na pagkatao. Ang lahat ay nakapaghahanap-buhay sa bayang ito maliban sa amin
Sa bahay ni Kap. Tiyago ay iginagalang si Basilio, lalo na ng matandang utusan, nang makitang tumistis ng isang maysakit si Basilio na parang walang ano man.

Ibinigay ng mga utusan ang mga ulat. Mga kalabaw na namatay, mga katulong na napipiit at namatay ang matandang nagtatanod sa gubat. Nanghinayang si Basilio nang mabatid na sa katandaan namatay ang matanda.. Ibig niyang makatistis ng tao. Ang huling balita’y ukol sa pagkadukot ng mga tulisan kay Kab. Tales. Di nakakain ng hapunan si Basilio.

KABANATA
Si Basilio
Nang tumutunog ang mga batingaw ng noche buena si Basilio ay palihim na nagtungo sa gubat. Paliit ang buwan. Kaya’t paaninaw na tinungo ni Basilio ang libing ng kanyang ina. Ipinagdasal ang kaluluwa ng ina at gunita ng nakaraang may 13 taon.

Namatayan ang kanyang ina. May dumating na lalaking sugatan. Pinahakot siya ng kahoy na ipansusunog sa bangkay ng ina at ng sugatang lalaki. May dumating pang isang lalaki. Tumulong ito sa pagtatalsakan ng kahoy at
paglilibing sa kanyang ina.

Umalis siya sa gubat. Lumuwas ng Maynila. Maysakit at gulanit ang damit. Ninais nang pasagasa sa mga karuwahe dahil sa hirap at gutom. Natagpuan niya sina Kap. Tiyago na katatpos dalhin sa beateryo si Maria Clara. Kinuha siyang katulong o utusan. Ping-aral sa
Letran
. Unang taon: wala siyang nabibigkas kundi ang pangalan niya at ang salitang
adsum
o narito po. Minaliit siya dahil sa luma at gulanit na suot. Gayunman ay lagi siyang nagsasaulo ng leksiyon. At nang matuos niyang sa tatlo o apat na raan sa kanyang klase ay may 40 lamang ang nagtatanong di na sumama ang loob niya. Nang magsulit, natugon niya ang tanong sa kanya at ang marka niya para sa unang taon ay aprobado. Ang siyam niyang kasamahan sa pagsusulit ay nangag-ulit na lahat.
Ikatlong taon. Naisipan ng professor na Dominiko ang pagtanong kay Basilio na akala niya’y tanga upang magpatawa sa klase. Natugon ni Basilio ang tanong. Parang loro siya sa pagsagot. Noo’y di na tinanong si Basilio. Bakit pa tatanugin ito’y di naman nakapag-papatawa sa klase? Nawalan ng sigla sa pag-aaral si Basilio. Nguni’t isang professor niya ang nasiyahang tumanggap ng hamon ng mga kadete sa isang pasyalan at nagyakag ng mga estudyante niya na inilaban niya sa mga kadete sable laban sa baston. Namayani si Basilio sa labanan. Nakilala ng professor. Nang magtapos: sobresaliente at may mga medalya pa.
Muhi si Kap. Tiyago sa mga prayle mula nang magmongha si Maria Clara. Pinalipat si Basilio sa Ateneo Municipal. Malaki ang natutuhan ni Basilio. Nagsulit siya sa pagkabatsilyer. Ipinagmalaki siya ng kanyang mga profesor. Nakasulit siya at kumuha ng medisina. Pagkatapos, naging matiyaga at masigasig sa pag-aaral si Basilio. Kaya di pa man nakakatapos ay nakapanggamot na siya. At huling taon na ng pag-aaral ni Basilio. Pagkatapos niya’y pakaksal na sila ni Huli.
KABANATA
Si Simoun
Malapit sa puntod na pinanggalingan ni Basilio may nakita siyang di kakilalang lalaki sa malayo at yun ay si Simoun. Naghuhukay ang alahero, walang suot na salaming asul kaya naman nagbago ang anyo nito. Kinilabutan si Basilio dahil alam niyang ito rin ang di kilalang lalaki na humukay ng paglilibingan ng kanyang ina labintatlong taon na ang nakalipas, higit na matanda nga lamang ngayon, may puti na ang buhok, maybigote at balbas ngunit iyon parin ang mga mata nito at ang mapanglaw na mukha.

Naisip niya na samakatuwid na ang namatay o naglaho na tagapagmana ng lupaing ito ay walang iba kundi ang alaherong si Simoun—napagtagpi-tagpi na ni Basilio na si Simoun nga si Crisostomo Ibarra.
Nilapitan niya ito at tinanong kung may matutulong siya. Sa pagkagitla ni Simoun, tinanong niya si basilio kung alam ba niya kung sino siya at sumagot si Basilio na isa raw siya sa mga taong itinuturing niyang banal sapagkat 13 years ago tumulong ito sa kanya sa paglilibing ng kanyang ina. Sumagot si Simoun na taglay ni Basilio ang lihim na maaaring makasira sa kanyang mga balak.
Istorya ni Simoun
:

Siya nga ang may sakit at kalunos-lunos na nagtungo rito 13 years ang nakalipas upang mag-ukol ng huling pagpapahalaga sa isang dakilang kaluluwa na maringal na yumakap sa kamatayan alang-alang sa kanya. Sinawi ng isang pusakal na sistema, naglagalag si Simoun sa iba’t ibang part ng mundo upang magpayaman at maisakatuparan ang kanyang mga balak. Nagbalik siya upang wakasan ang sistemang ito sa pamamagitan ng lalong pagpapadali sa pagkabulok nito.
KABANATA
Masayang Pasko!
Hindi naghimala ang birhen. Di nagbigay ng karagdagang salaping kailangan ni Huli. Natuloy si Huli sa pagpapaupa kay Hermana Penchang. (Iyon ay araw ng Pasko). Sa sama ng loob ay napipi si Tandang Selo.
KABANATA
Si Pilato
Pinag-usapan sa bayan ang nangyari kay Tandang Selo at kung sino ang may kasalanan sa ipinagkagayon ng matanda.

Ang alperes o tenyente ng guardia sibil? Ano raw ang kasalanan niya? Kaya lamang daw niya sinamsam ang mga sandata ay utos sa kanya iyon, hindi upang bigyan ng pagkakataon ang mga tulisan upang madukot si Kabesang Tales. At di raw niya kasalanan kung di man matagpuan si Kabesang Tales.

Ang asenderong bagong gumagawa ng lupa ni Kabesang Tales? Paano raw niya isusuplong ang pagdadala ni Kabesang Tales ng armas e kung tingnan siya’y parang pinipili ang pinakamabuting patamaan sa kanya. Kung namalagi raw si Kabesang Tales sa bahay ay di sana nadukot ng mga
tulisan.
Si Hermana Penchang na bagong panginoon ni Huli? Ang may sala raw ay si Tandang Selo na rin na may kasalanan dahil di marunong magdasal at di nagturo ng wastong pagdarasal sa mga kaanak na tulad ng ginagawa niya ngayon kay Huli na tinuturuan niya ng dasal at pinababasa niya ng aklat na. Tandang Basyong Makunat. Nang mabalitaang tutubusin ni Basilio ang kasintahan ay nagsabing si Basilio ay isang demonyong nag-aanyong estudyante na ibig magpahamak sa kaluluwa ng dalaga.

Nakauwi si Kabesang Tales sa tulong ng salaping napagbilhan ng mga alahas ni Huli at nautang ng dalaga kay Hermana Penchang. Nabatid niyang iba na ang gumagawa ng kanyang lupa, nagpaupang utusan si Huli, pipi ang amang si Tangdang Selo, at pinaalis siya sa kanyang bahay, sa atas ng hukuman at sa katuwaan ng mga kura at gugmawa ng lupa. Si Kabesang Tales ay naupo sa isang tabi at nanatiling walang kibo.
KABANATA
Kayamanan at Kagustuhan
Sa bahay ni Kabesang Tales nakipanuluyan si Simoun. Ito’y nasa pagitan ng San Diego at Tiyani. Nagdarahop si Kabesang Tales ngunit dala nang lahat ni Simoun ang pagkain at ibang kailangan at dalawang kaban ng mga alahas.

Ipingmalaki ni Simoun ang kanyang rebolber kay Kabesang Tales. Nagdatingan ang mga mamimili ng alahas. Si Kapitan Basilio, ang anak na si Sinang at asawa nito, Si Hermana Penchang mamimili ng isang singsing na brilyante para sa birhen ng Antipolo. Binuksan ni Simoun ang dalawang maleta ng alahas. Mga alahas na may iba’t ibang uri, ayos, at kasaysayan
Napatingin si Kabesang Tales sa mga alahas ni Simoun. Naisisp niyang parang sa tulong ng kayamanang iyon ay tinutudyo siya ni Simoun, nilalait ang kanyang kapahamakan. Sa bisperas pa naman ng araw ng kanyang pag-alis sa bahay niyang iyon isa lamang pinakamaliit sa mga brilyanteng iyon ay sapat nang pantubos kay Huli at makapagbigay ng kapanatagan sa matanda na niyang ama. Wala namimili isa man sa mga nagsitawad sa mga luma
ang makasaysayang alahas ni Simoun.


Inilibas ni Simoun ang mga bagong hiyas. Dito namili sina Sinang at iba pa. Siya raw ay namimili rin ng alahas, ani si Simoun. Tinanong si Kabesang Tales kung may may ipabibili. Iminungkahi ni Sinang ang kuwintas. Tinawaran agad ni Simoun ng makilalang iyon nga ang kuwintas ng kasintahang nagmongha. Limandaang piso. O ipagpalit ng Kabesa sa alin mang hiyas na maibigan niya. Nag-isip si Kabesang Tales. Ani Hermana Penchang ay di dapat ipagbili iyon dahil minabitu pa ni Huli ang paalila kaysa ipagbili iyon. Isinangguni raw muna ni Kabesang Tales sa anak ang bagay na iyon. Tumango
si Simoun.


Ngunit nang nasa labas na ng bahay ay natanaw ni Kabesang Tales ang prayle at ang bagong gumagawa ng lupa. Nangagtawanan pa iyon ng makita si Kabesang Tales. Tulad niya ay isang lalaking nakita ang kanyang asawa na kasama ang ibang lalaki at pumasok sa isang silid at nangagtatatwanang inaglahi ang kanyang pagkalalaki. Bumalik ng bahay si kabesang Tales. Sinabi kay Simoun na di niya nakausap ang anak.
Kinabukasan, wala si Kabesang Tales. Gayundin ang rebolber ng mag-aalahas-wala sa kaluban at ang naroroon ay isang sulat at kuwintas ni Maria Clara. Humingi ng paumanhin si Kabesang Tales sa pagkakahuha ng baril na kailangan daw niya sa pagsapi niya sa mgas tulisan. Pinagbilinan si Simoun na mag-ingat sa paglakad sapagkat pagnahulog ang mag-aalahas sa kamay ng mga tulisan ay mapapahamak ito. Ani Simoun-sa wakas ay natagpuan ko ang taong aking kailangan: Pangahas ngunit mabuti nga ito-marunong tumupad sa mga pangko.
Dinakip ng mg a guwardiya sibil si Tandang Selo. Natutuwa si Simoun. Tatlo ang pinatay ni Kabesang Tales ng gabing iyon. Ang prayle, ang lalaking gumagawa sa lupa, at ang asawa nito ay nagkaroon ng madugong pagkamatay-putol ang leeg at puno ng lupa ang bibig. Sa tabi ng bangkay ng babae ay may papel na kinasusulatan ng Tales na isinulat ng daliring isinawsaw sa dugo.
Saglit na Chika
Sa iyong palagay, naka-ilang syota
ang ating
pambansang bayani na
si Dr. Jose Rizal?
a.)
lima
lang
naman eh
b.)
parang
labing-tatlo
ata?
c.)
ewan
sa sobrang dami
di na mabilang
ang tamang sagot ay . . .
WALA SA PAGPIPILIAN!!!1
HAHAHJAJAJAJAJEJEJEJ
Mayroong
SIYAM
na babae na na-ugnay kay Jose Rizal. Sila ay sina:
Leonor
Valenzuela
Consuelo
Ortiga
O Sei San
Gertrude
Beckett
Nellie
Boustead
Suzanne
Jacoby
Josephine
Bracken
Segunda
Katigbak
Leonor
Rivera
KABANATA
Placido Penitente
Malungkot na patungo sa Unibersidad ng Santo Tomas si Placido Penitente sapagkat ibig na niyang tumigil ng pag-aaral tulad ng nasabi na niya sa 2 sulat niya sa ina. Pinakiusapan nga lamang siya ng ina na kahit batsilyer sa artes ay matapos niya.Nasa ikaapat na taon na siya.

Ang paghahangad ni Placido na magtigil ng pag-aaral ay palaisipan sa kanyang mga kababayang taga Tanawan. Siya ang pinakamatalino sa bantog na paaralan ni Padre Valerio roon. Hindi naman siya sugarol, walang kasintahang magyayayang pakasal, at laban sa mga aral ng Tandang Basyong Makunat, masalapi.
Nagulat pa si Placido nang makapasok na siya sa Magallanes (dating Sto.Domingo) at siya’y tapikin ni Juanito Palaez sa balikat. Si Palaez ay mapaghangin at paborito ng mga guro. Anak ng mestisong Kastila. Mayaman. May pagkakuba.

Kinumusta ni Juanito ang bakasyon ni Placido. Pagkatapos ay ibinalita ang pagbabakasyon niya sa Tiyani, kasama si Padre Camorra. Nangharana raw sila ng magagandang babae. Wala raw bahay na hindi nila napanhik. At may ibinulong kay Placido na ikinamangha tila ng huli. Tanga raw si Basilio sa pagkakaroon ng katipang tulad ni Huli. Pero susuko rin daw si Huli kay Padre Camorra.

Nagtanong ng leksyon si Palaez kay Penitente sapagkat noonh lamang papasok ang kuba. Pulos walang pasok noong nakaraang mga araw. May kaarawan ng guro, may pista ng santo, mayroong umambon.

Ang leksyon daw nila ay ukol sa mga salamin. Niyaya ni Pelaez si Penitente na maglakwatsa. Tumutol ang huli. Nagpatuloy sila ng paglakad. May naalala si Pelaez. Nang hingi ng abuloy para sa monumento ng isang paring Dominiko. Nagbigay si Placido para magtigil na si Pelaez at alam din ng Batangueno na nakatutulong ang gayong mga abuloy sa pagpasa ng estudyante. Malapit na sila sa Unibersidad. Naroon si isagani na nakikipagtalo ukol sa aralin. Ang ibang estudyante ay naniningin ng magagandang dalagang nagsisimba. Namutla at namula sa lugod si Isagani nang magkulusan ang mga mag-aaral at magtinginan sa isang bagong dating na victoria o karuwahe. Nakita niya si Paulita Gomez, ang kanyang katipan, na kasama si Donya Victorina. Si Donya Victorina ay ngumiti kay Juanito Pelaez. Si Tadeo na kaya lamang pumasok sa paaralan ay upang alamin kung may pasok at kung mayroon ay aalis at magdadahilang maysakit ngunit nakapapasa, sa anong himala ay napasunod kay Paulita sa simbahan.
Nagpasukan na sa paaralan ang mga estudyante. Nguni’t may tumawag kay Placido. Pinalagda si placido sa kasulatang tutol sa balak na paaralan ni Macaraig. Hindi lumagda si Placido. Walang panahong basahin ang kasulatan. Nalaala niya ang isang amain na nawalan ng mga pag-aari nang lumagda sa isang kasulatang di binasa. Nguni’t sa matagal na pagpipilitan ay nahuli sa klase si Placido Petinente. Pumasok parin si Placido. Hindi na patiyad. Pinatunog pa ang takong ng sapatos. Inakala niyang ang pagkakahuli niya ay pagkakataon na upang siya’y mapuna at makilala ng kanyang guro. Sila’y may mahigit na 150 sa klase. At siya nga’y napuna ng guro na lihim na nagbanta. Bastos magbabayad ka sa akin.
KABANATA
Ang Klase sa Pisika
KABANATA
Los Baños
Nangaso ang heneral sa Busu-buso kaalakbay ang mga kawal, prayle, opisyal at kawani ng pamahalaan. Walang silang nahuli sapagkat natatakot ang mga hayop sa dala nilang isang banda ng musko. Ikinatuwa ito ng heneral sapagkat hindi nahalata ang kaniyang kawalan ng kaalaman sa pangangaso.
Nagbalik na lamang sila sabahay-bakasyunan at naglaro ng baraha. Kusang nagpatalo sina Padre Irene at Padre Sibyla sapagkat may silang hilingin sa heneral. Maraming mungkahi ang nagpagpasiyahan at mayroon din namang hindi katulad ng kahilingan ng mga kabataan na pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila.
Maraming paring salungat sa balak na ito sapagkat ayon sa kanila, kapag ang mga kabataan ay natuto, mangangatuwiran sila. Sa sandaling masuri nila ang mga aklat at kautusan, kakalabanin nila ang pamahalaan at simbahan. Napagpasiyahan din na palayain si Tandang Selo sa pakiusap ni Padre Camorra.
Isang silid na taluhaba ang silid ng klase. Ang upuan ay parang hagdan na tatlong baytang at nakapaligid sa 3 panig ng silid. Sa isang dulo ng silid ay ang hapag ng guro na sa likod ay ang pisarang may nakasulat na Viva! na naroon mula pa nang unang araw ng pasukan sa taong iyon. Walang palamuti ano man ang mga dingding na bato.
May mga kasangkapan sa pisika nguni’t ito ay nakasusi sa isang aparador na may salamin at kung gamitin man ay ipinakikita lamang sa klase mula sa malayo tulad ng Santisimo ng Pare. Iyon ay ipinakikita lamang sa mga dayuhan upang di masabi ng mga ito na nahuhuli ang UST sa ibang bansa sa kahusayan sa pagtuturo at kaya lamang di natututo ang mga Pilipino ay dahil katutubo
ang walang-katalinuhan.
Ang guro, si Padre Millon ay isang batang Dominikong napabantog sa pilosopiya sa Kolehiyo ng San Juan de Letran. Iyon ang una niyang pagtuturo ng pisika.

Unang tinanong sa klase ang isang antukin. Parang ponograpo itong tumugon ng isang isinaulong leksiyon na ukol sa salamin, bahagi nito, kauriang bubog o kalaing. Pinatigil ng guro ang estudyante. Pinilosopiya ang musika. Kung kalaing, metal at bubog daw ang salamin ano raw uri ang kahoy na may makintab na barnis o marmol na binuling maigi? Di tinugon ng estudyante ang tanong. Ipinagpatuloy ang isinaulong aralin na parang plakang natigil at muling pinaandar sa ponograpo. Pinatigil uli ang estudyante, muling tinanong sa sampay bakod na kastila.
Binulungan ito ni Pelaez. Mali ang idinikta. Sinunod nito. Natawa pati ang guro matapos insultuhin ang estudyante. Binigyan uli ng tanong sa bahagi ng salamin. Kung ano ang ibabaw ay siyang salamin, bale wala ang harapan; ang mahalaga’y ang nasa likuran. Di ba? Nalito ang estudyante. Lahat ay sumesenyas na sumang-ayon na siya at nadiktahan siya ni Pelaez nang Concedo, Padre, (sang-ayon Padre). Iyon ang itinugon ng estudyante.

Tanong uli ng prayle: Kung katkatin ang asoge sa likod at palitan ng bibingka, ano mayroon?

Bulong ni Pelaez: Bibingka!

Tinawag ng propesor si Pelaez. Tumayo ang tinawag. Napabubulong ito kay Placido. Sa katatapak sa paa ni Penitente ay napasigaw sa sakit ang tagadikta. Siya ang tinatanong ng propesor matapos na siya’y murahin at taguring espiritu sastre. Sinasabi ng aklat na ang mga salaming kalaing ay binubuo ng tanso o ng iba pang kalaing, totoo o hindi? tanong ng guro.

Ganyan ang sabi ng aklat, Padre, tugon ni Placido.

Ang salaming bubog ay binubuo ng isang patag na bubog na ang magkabilang mukha ay pinakintab ng maigi at ang isang mukha ay kinulapuan ng tinggang puti, tama?

Iyan ang sabi ng aklat,Padre?

Ang tinggang puti ba ay kalaing?

Sabi po ng aklat.

Ergo (samakatuwid), ang salaming bubog na may merkuryo, isang kalaing, ay salaming bubog-kalaing. Paano mo maipaliliwanag, espiritu sastre?

Nalito si Placido. Inulan ng mura si Placido. Nagtawanan ang klase. Itinanong ang pangalan ni Placido. Napalatak na patuya ang kura. Anito: Placido Penitente lalong angkop ang Placido suplado. Lalapatan kita ng penitencia. Hinanap sa mahabang talaan ang pangalan ni Placido. A labinlimang pagliban! I*sa lang at aalisin ka na sa klase.
Napatindig si Placido. Aapat daw ang liban niya at ikalima ang pagkahuli niya. Himig intsik na nanuya ang guro. Bihira akong bumasa ng talaan kaya’t sa bawat isang huli ay limang liban ang inilalagay ko. Makaikatlo kitang nahuli kaya’t labinlima. Kung ang limang liban mong inamin ang susundin ko, may utang ka pang 10. At bibigyan kita ng masamang marka sa masamang sagot mo ngayon.

Ngunit Padre, hindi dapat na ang isang wala sa klase ay makabigkas ng mali sa aralin, tanong ni Placido.

"A... pilosopong metapisiko! Hindi mo ba alam na maaaring ang lumiban sa klaseng iyon, saan man siya naroon, ay di rin nakaalam ng aralin? Pilisopastro!"
panunuya pa ng Pari.
Nagpanting ang tainga ni Placido. Tama na, Padre. Maaring markahan ninyo ako nang ano mang marka nguni’t wala kayong karapatang umaglahi sa akin! Inyo na ang inyong klase! At ang estudyante ay umalis nang walang paalam .

Natigagal ang klase. Di nila akalaing magawa iyon ni Placido. Nagsermon ang pari. Nagsuwail daw si Placido sa mga tumataguyod sa paaralan ng kastila. Nagmura si Padre Millon hanggang sa tumugtog ang kampanilya. Naglabasan ang may 234 na estudyanteng di pumapasok nang walang nalaman at lumabas nang sa gayon ding kalagayan.
KABANATA
Ang Tirahan ng Mag-aaral
Malaki ang bahay na tinitirahan ng estudyanteng si Makaraig. Maluwag ang bahay na ito at puro binata ang nakatira na pawang nangangasera. Iba-iba ang kanilang edad at pag-uugali.

Si Makaraig ay isang mayamang mag-aaral ng abogasya at pinuno ng kilusan ukol sa isyu sa Akademya ng wikang kastila. Ang pangunahing estudyante na sina Isagani, Sandoval, Pecson at Pelaez ay inimbitahan ni Makaraig upang pag-usapan ang kanilang pakay. Mananalig sina Isagani at Sandoval na pagbibigyan hiling, samantalang nag-aalinlangan si Pecson. Si Sandoval ay larawan ng mga kastilang may malasakit at pagpapahalaga sa mga Pilipino
May dalang magandang balita si Makaraig. Ibinalita nila na si Padre Irene ay ang nagtatanggol sa kanila laban sa mga sumalungat sa kanilang adhikain. Kailangan ng grupo ang pagkiling ni Don Custodio, isa sa mga kataas-taasang lipon ng paaralan sa kanilang panig. Dalawang paraan ang kanilang naisipupang pumanig sa kanila si Don Custodio, si G. Pasta isang manananggol at si Pepay na isang mananayaw na matalik na kaibigan ni Don Custodio. Napagkaisahan ng lahat na piliin ang manananggol upang maging marangal ang kapamaraanan.
Si Ginoong Pasta ay isang bantog na manananggol. Sinadya ito ni Isagani upang pakiusapan na kung maari ay mamagitan ng sang-ayon sa kanila kung sakaling sumangguni si Don Custodio. Ngunit nabigo siya dahil nagpasiya ang abogado na huwag nakialam dahil maselan ang usapan. Marami na siyang pag-aari kaya’t kailangang kumilos nang ayon sa batas. Ang ganting katwiran ni Isagani ay lubos na hinangaan ng abogado dahil sa katalinuhan at katayugan ng pag-iisip nito.
KABANATA
Si Ginoong Pasta
KABANATA
Mga Kapighatian ng Isang Instik
Si Quiroga, isang negosyanteng Intsik na naghahangad magkaroon ng konsulado ang kanyang bansa ay naghandog ng isang hapunan. Dinaluhan ito ng mga tanyag na panauhin, mga kilalang mangangalakal, mga prayle, mga militar, mga kawani ng pamahalaan, gayun din ang kanilang mga suki.

Dumating si Simoun at nang singilin niya si Quiroga sa utang na siyam na libong piso, sinabi nitong nalulugi siya. Inalok ni Simoun na bawasan ng dalawang libong piso ang utang ni Quiroga kung papaya gang intsik na itago sa kanilang bodega ang mga armas na dumating. Hindi raw dapat mangamba ang Intsik, sapagkat ang mga baril ay unti-unting ililipat sa ibang bahay na pagkatapos ay gaagawan ng pagsisiyasat at marami ang mabibilango. Siya ay lalakad sa mga mapipiit upang kumita. Napilitang sumang-ayon si Quiroga. Ang pangkat ni Don Custodio ay nag-uusap tungkol sa komisyong ipapadala sa India para pag-aralan ang paggawa ng sapatos para sa mga sundalo.Sa pulutong ng mga pari, ay pinag-uusapan nila ay tungkol sa ulong nagsasalita sa may perya sa Quiapo na pinamamahalaan ni Mr. Leeds.
KABANATA
Ang Perya sa Quiapo
Maganda ang gabi. Ang perya’y punong-puno ng panonoorin at manonood. Ang 12 galing sa bahay ni Quiroga ay patungo sa kubol ni Mr. Leeds. Tuwang-tuwa si Padre Camorra sa dami ng magagandang dalagang nakikita lalo na nang makasalubong si Paulita na kasama nina Isagani at Donya Victorina. Punyales! Kailan pa ako magiging kura sa Quiapo, anang makamundong prayle at kinurot sa tiyan si Ben Zayb. Si Isagani nama’y inis sa bawa’t tumititig kay Paulita.
May pinasok na tindahan ng mga tau-tauhang kahoy ang pangkat nina Padre Camorra. Naghawigan sila-sila. Ang isa raw ay kahawig ni Zayb. Kahawig daw ni Padre Camorra ang isa. Marami ang lilok na anyong Prayle.
May isang kuwadrong tanso ng babaing pisak ang mata, gula-gulanit ang damit, nakalupasay at namimirinsa at namimirinsa ng lumang damit. Ayon kay Padre Camorra ay isang hanggal ang umisip ng larawang iyon. Sumagot si Ben Zayb na iyon ay ayon sa pamagat: La Prenza Filipina o prinsang ginagamit sa Pilipinas. Isa namang kuwadro ay naglalarawan ng isang lalaking nakagapos ang mga kamay at tinuturuan ng mga guwardiya sibil. Pamagat Ang Bayan na Akaba . Pinagtawanan din nila ito.
May nakitang larawan na kahawig ni Simoun. Hinanap nila ang mag-aalahas. Wala ito. Ayon kay Padre Camorra’y natakot na baka pagbayarin nila sa pagpasok sa paglabas ni Mr. Leeds. Ani Ben Zayb naman: Baka natakot na matuklasan natin ang lihim ng kanyang kaibigan si Mr. Leeds. Makikita ninyo’t ang lahat ay sa salamin lamang.
KABANATA
Mga Kadayaan
Sinalubong ni Mr. Leeds ang mga panauhin sa kanyang perya. Bago nagsimula ang palabas, nagsiyasat si Ben Zayk upang Makita ang salamin sa kanyang inaasahang matagpuan, ngunit wala siyang nakita.

Pumasok si Mr. Leeds sa isang pinto at may dalang kahong kahoy sa kanyang pagbabalik. Ipinaliwanag niya na ito ay natagpuan naiya sa isang libingang nasa-piramid ni Khufu, isang Paraon ng Ehipto. Ang kahon ay may lamang abo at kapirasong papiro na kinasusulatan ng dalawang salita. Sa pamamagitan ngpagbigkas ngunang salita ang abo ay nabubuhay at nakakausapang isang ulo at pagbanggit ng ikalawang salita ito ay babalik sa dating kinalalagyan nito.
Bumigkas ng isang salita si Mr. Leeds, lumabas ang isang ulo at sinsbi nitong siya si Imuthis. Siya ay umuwi sa sariling bayan pagkatapos ng pag-aaral at mahabang paglalakbay. Sa kanyang pagdaraan sa Babilonia ay nabati niya ang isang lihim na hindi ang tunay na Sumerdis ang namamahala doon kundi si Gautama, isang magnanakaw ng kapangyarihan at namamahala sa tulong ng pandaraya. Sa katakutang isumbong siya kay Cambises ay binalak ang ikakasawi ni Imuthus sa tulong ng mga saserdoteng Taga-Ehipto na siyang nakapangyayari noon sa kanilang bayan. Siya ayumibig sa isang anak ng pari at naging kaagaw niya rito ang pari sa Abidos. Nagpanukala ang pari ng kaguluhan at siya ang sinangkalan. Isinakdal siya at napiit, tumakas at napatay. Ayon sa ulo siya ay nabuhay muli upang ihayag ang gayong kataksilan. Titig na titig kay Padre Salvi ang
espinghe habang nagsasalita ito. Dahil sa takot hinimatay ang prayle.
Kinabukasan nagpalabas ng utos ang gobernador na nagbabawal sa palabas ngunit wala na si Mr. Leeds, nagtungo ito sa
Hongkong
dala ang kanyang lihim.
KABANATA
Paglisan (Ang Mitsa)
Lumabas sa klase si Placido Penitente. Hindi na siya ang dating mapagtimpi. Galit na galit siya. Nais niyang gumawa ng isang libo't isang paghihiganti. Parang ibinubulong ng kanyang budhi: Placido Penitente, ipakilala mong ikaw ay may karangalan, na ikaw ay matapang at maginoo. Taga-Batangas ka na ang paglait ay hinuhugasan ng dugo.
Nakitang nagdaan ang isang sasakyang kinalulunanan nina Padre Sibyla at Don Custodio. Nais niyang habulin ang kura at ihagis sa ilog.

Napadaan sa Escolta. May naraanang dalawang Agustino sa pinto ng basar ni Quiroga. Ibig pag-uundayan ng suntok. Nagpigil. May naraanang dalawang kadete na nakikipag-usp sa isang kawani. Sinagasa niya ito. Tumabi ang mga kadete. Inaalihan ng hamok si Placido.

Inakala na ni Placidong wala na siyang pagkakataong mag-aral. Aniya sa sarili. Hindi raw kami marunong maghiganti. Dumating na sana ang lintik at nang makita nila.
Naratnan ni Placido sa bahay na kanyang tinutuluyan ang kanyang ina si Kabesang Andang. Kararating nito mula sa Batangas. Sinabi ni Placido na di na siya mag-aaral. Naghinagpis ang ina. Nakiusap sa anak. Nagpaalam si Placido sa ina. Ginala nito ang Sibakong, Tundo, San Nicolas, Sto. Kristo. Mainit pa ang ulo. Nguni`t nakaramdam ng gutom. Naisipang umuwi. Inakalang wala na sa bahay ina`t nagtungo na sa kapitbahay upang makipangginggi. Mali siya. Naroon pa ang ina. Naghihintay.

Ipinakiusap daw ni Kabesang Andang sa prokurador ng Agustino na iayos ang suliranin ni Placido sa nakagalit na Dominiko. Ayaw ni Placido. Tatalon daw muna siya sa ilog Pasig o magtutulisan bago mag-aral na muli. Nagsermon uli ang ina ukol sa pagtitiis. Di na kumain muna, muling umalis ang binata. Nagtungo sa daungan ng mga bapor. Inisip niyang magtungo sa Hongkong, magpayaman at kalabanin ang mga prayle.
Ginabi siya sa paggagala. Walang natagpuang kaibigan. Napatungo siya sa perya. Nakita niya si Simoun. Sinabi niya dito ang nangyari sa kanya at ang hangad niyang pasa- Hongkong. Napatulog siya sa mag-aalaha.

Isinama ni Simoun si Placido sa kanyang karuwahe. Pag-karaan ng pagtakbo ipinatigil ang sasakyan. Bumaba sina Simoun at Placido. Nakita nina Placido sina Isagani at Paulita na namamasyal. Nainggit si Placido. Kinainisan sina Simoun at Isagani. Anya: Sa ganyan lamang mapapakinabangan. Nagpatuloy ng paglalakad sina Simoun at Placido hanggang sapitin nila ang isang bahay na munti pagawaan ng mga pulbura na pinangangasiwaan ng dating guro sa San Diego. Inatasan si Simoun na pakipagkitaan ng guro ang tenyente at ang kabo ng mga militar, gayundin si Kabesang Tales. Nagtanong ang guro sa di pa nila kahandaan. Ani Simoun: sapat na sina Kabesang Tales, ang mga naging kabinero at isang rehinameyento ng mga kawal. Kung ipagpapaliban ay baka patay na si Maria Clara. Tumalima ang dating guro.
Dalawang oras na nag-usap sa bahay ni Simoun ang magaalahas at ang binata bago umuwi sa kaserahan si Placido.

Nang mapag-isa ang mag-aalahas ay nagtalo ang loob ni Simoun. Sinurot siya ng budhi dahil bahagi siya ng kabulukang nais niyang puksain. Waring nakita niya ang anyo ng kanyang ama at ng kay Elias na tumututol sa kanyang ginawa. Ngunit umiling siya. Kung ako`y tumulad sa inyo ay patay na ako, aniya. Gumawa ako ng masama upang mabigyang daan ang mabuti. Nilalagnat noon si simoun.

Kinabukasan ay buong bait na nakikinig si Placido sa nangangaral na ina. Hindi tumututol sa mungkahi nito. Ipinayo na lamang sa ina na bumalik na sa lalawigan kaagad dahil kung malaman daw ng prokurador na naroon si Kabesang Andang ay hihingian pa ito ng regalo at pamisa.
KABANATA
Ang Nagpasiya
Ang usapin ukol sa akademya ng salitang kastila ay nasa mga kamay ni Don Custodio, na siyang pinagkatiwalaan lumutas sa suliraning ito.

Si Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo ay kilalang tanyag sabahagi ng lipunan sa Maynila at tinaguriang “Buena Tinta”. Siya ay nakapag-asawa ng isang mayaman at sa pamamagitan ng yaman ng asawa, nakapagnegosyosiya kahit kulang sa kaalaman sa mga tungkuling kanyang hinahawakan siya ay pinupuri dahil siya ay masipag.
Nang bumalik siya sa Espanya walang pumansin sa kanya dahil sa kakulangan niya sa pinag-aralan, kaya walapang isang taon nagbalik na siya sa Pilipinas at nagmagaling sa mga Pilipino sa kanyang kunwaring magandang karanasan sa Madrid.

Lumagay siya parang amo’t tagapagtanggol, ngunit siyay naniniwalang may ipinanganak upang mag-utos at ang iba’y upang sumunod. Ang Pilipino’y ipinanganak upang maging utusan, kaya’t kailangang pagsabihang lagi na ang mga ito’y sa gayon lamang ukol.

Sa loob ng labing limang araw, si Don Custodio ay bumuo ng pasiya ukol sa kasulatan at handa na niya itong ipaalam sa lahat.
KABANATA
Mga Ayos Maynila
Ang Les Cloches de Corneville ay may pagtatanghal nang gabing iyon sa teatro de Variedades. Ubos kaagad ang tiket, at mahabang-mahaba ang pila ng nagsipasok.

Isang Kastila ang tanging walang bahala sa pagpasok sa dulaan. Ito’y si Camarroncocido na anyong pulubi o palaboy. May lumapit sa kanya na isang kayumangging lalaki na matanda at may amerikanang mahaba’t hanggang tuhod. Siya’y si Tiyo Kiko. Iisa ang kanilang hanapbuhay: pagdidikit ng mga paskil.
Ang palabas ay humati sa Maynila. Mayroong nagsitutol dito bilang masagwa at laban sa moralidad, tulad nina Don Custodio at ng mga prayle na naglabas ng pastoral tungkol dito. Mayroon namang nagtanggol dito, tulad ng mga pinuno ng hukbo at mga marino, ang kawani, at maraming matataas na tao. Tutol din dito ang mga babaing may asawa o kasintahan. At ang mga wala nama’y sang-ayon sa opera. Naging malaki at malaganap ang bulung-bulungan at kasamang nababanggit ang Kapitan Heneral, si Simoun, si Quiroga at mga artista.


Nang makaalis si Tiyo Kiko ay napansin ni Camarroncocido na isang kagawad ng hukbo ang kumausap sa mga di-kilalang tao na apat o lima sa bawat pulutong. Pagkatapos, ang kagawad ay lumapit sa karwahe at masiglang nakipag-usap sa taong sakay niyon na si Simoun. May narinig ang palaboy na Kastila, “Ang hudyat ay isang putok.” at umalis na ang karwahe.

Sa labas ng dulaan ay naroon si Tadeo at isang kababayang baguhan sa lungsod. Niloloko ni Tadeo ang kababayang walang alam sa pagsasasbi ng mga kahanga-hangang kasinungalingan. Maraming mga taong nagdaraan ang sinasabi ni Tadeo na mga kaibiga’t kakilala niyang malalaking tao kahit di totoo. Dumating sina Paulita Gomez at ang tiyang si Donya Victorina.
Nakilala ni Tadeo si Padre Irene dahil sa pambihira nitong ilong kahit na ito’y nagbalatkayo. Dumating din si Don Custodio.

Nang makita ni Tadeo na dumating sina Makaraig, Pecson, Sandoval at Isagani ay lumapit ito at bumati sa apat. May sobrang tiket ang mga ito dahil di sumama sa kanila si Basilio kaya inanyayahan si Tadeo.

Maikling
Kasaysayan
Chika
na
naman
Sa tingin mo,
gaano katangkad
si Dr. Jose Rizal?
a.)
kasing-tangkad ni
VHONG NAVARRO
5'10
"
b.)
kasing-tangkad ni

c.)

kasing-tangkad ni
CHARICE
PEMPENGCO
4'11"
CEDRIC LEE
5'4"
Ang tamang sagot ay . . .
Maliit man ang ating pambansang bayani, siya ay matinik naman sa mga babae.
KABANATA
Ang Palabas
Maingay sa dulaan. Dahil wala pa ang Kapitan Heneral, kahit lampas na sa takdang oras ay hindi pa nagsisimula ang palabas. Habang nagiintay ang lahat, si Don Primitivo ay naagawan pa ng upuan. Ang mga tanod ay di makapangahas magpaalis sa nasa upuan ni Don Primitivo dahil sa ito ay isang mataas na tao sa pamahalaan.

Tumugtog na ang marcha real o ang hudyot sa pagdating ng Kapitan Heneral. Si Pepay na handog ni Makaraig kay Don Custodio ay nasa isang palko. Katapat ito ng palko ng mga estudyante.

Masaya si Pepay. Masaya rin ang mga estudyante pati si Pecson. Si Isagani lang ang hindi dahil nakita niya sa dulaan si Paulita na kasama ni Pelaez na kanyang karibal.

Nagsimula na ang dula. Nang lumabas si Serpolette, isang miyembro ng dula, ay may biglang pumalakpak. Nakilala ito ni Tadeo na si Padre Irene na pinag-espiya ni Padre Salvi. Kakilala pala siya ni Serpolette sa Europa pa.

Si Juanito’y nagpapanggap na maalam ng Pranses na di naman nalalayo sa Español. Kapag nagtawa ang mga tao’y nakikitawa
siya.
Kapag nagsiungol o nagsiubo, napapailing siya. Humanga sa kanya si Donya Victorina at hinangad pakasalan pag-namatay na si Don Tiburcio.
Napag-usapan din ang di pagsipot ni Simoun sa dulaan.

Dumating si Makaraig na malungkot mula kay Pepay. Napasiyahan na raw ang tungkol sa paaralan ayon kay Padre Irene. Sinang-ayunan ang paaralan ngunit ito’y ipaiilalim sa Unibersidad ng Sto. Tomas, sa pamamahala ng mga Dominikano. At dahil doon, pinayuhan pa sila ni Padre Irene na ipagdiwang ito sa isang pansiterya.

KABANATA
Isang Bangkay
Nang ikapito ng gabing iyon, ay makalawang umalis at dumating si Simoun sa bahay na may iba’t ibang taong kasama. Nakita siya ni Makaraig nang mag-iikawalo sa may daang Ospital, malapit sa kumbento ng Sta. Clara. Nakita siya ni Camarroncocido sa may dulaan nang mag-iikasiyam na may kausap na tila estudyante.

Si Basilio ay hindi rin nanonood. Hindi na nag-sasama sa mga kamag-aaral mula nang tubusin si Huli sa pagkakaalila. Pinag-aralan din niyang mabuti ang pagpapagaling kay Kapitan Tiyago na lumalala ang kondisyon.

Ang pagbabawas sa paghitit ni Kapitan Tiyago ay isinasagawa ni Basilio ngunit kung nasa lalawigan o nasa paaralan siya’y may nagbibigay ng labis na apyan sa matanda. Si Simoun at si Padre Irene lang naman ang dumadalawa dito.

Sa pagaaral ni Basilio ay dumating si Simoun na mula nang magkita sila sa San Diego ay noon lamang sila nagkaharap. Kinumusta ni Simoun ang maysakit.

Inanyayahan ni Simoun si Basilio na sumama sa mangyayaring himagsikan dahil ang hindi kasali dito ay ituturing na kaaway at papatayin. Inatasan ni Simoun si Basilio na itakas si Maria Clara mula sa kumbento ni Sta. Clara habang nagkakagulo ang buong lungsod.

Sinabi ni Basilio na huli na ang lahat dahil noong hapon din na iyon ay namatay na si Maria Clara. Litong-lito na patakbong nanaog ng bahay si Simoun.

KABANATA
Mga Pangarap
Mag-uusap sina Isagani at Paulita. Handang-handa na si Isagani na iabgsak ang kanyang galit noong nakaraang gabi. Ang dahilan naman ni Paulita kaya sumama siya kay Juanito ay para Makita si Isagani.

Nagkapalitan sila ng mga pagtanaw sa kinabukasan. Nais ni Isagani na sa nayon manirahan dahil bago raw niya makita si Paulita ay iyon ang kanyang kaligayahan. Ngunit ayaw ni Paulita doon dahil ayaw niyang dumaan sa mga bundok. Ang gusto niya ay paglalakbay gamit ang tren.

Tinanong siya ni Donya Victorina kung nakita na ba niya ang asawa nito. Na ipinagkaila naman ng binata na alam niya dahil sa lugar ni Padre Florentino nagtatago si Don Tiburcio. Nagtanong pa ang donya kung ano’t pakasal siya kay Pelaez. Ang pilyong Isagani naman ay namuri pa sa kinaiinisan niyang kamagaral. Pinagbigyan ng donya ang pamangkin at binatang kausap. Kung matutuloy ng naman si Paulita kay Isagani, magiging sarili niya si Juanito.
KABANATA
Idinaos ang piging ng mga estudyante sa Panciteria Macanista de Buen Gusto. Labing–apat sila, hindi kasama si Basilio.
Matatalim ang mga salita ng mga estudyante.
Inihandog nila ang pansit-langlang kay Don Custodio. Ang sopas ay tinaguriang sopas ng panukala; lumpiang intsik ay inalay kay Padre Irene ; ang torta’y inukol sa prayle . Tumutol si Tadeo. Kahabag-habag daw na inihambing ang alimasag sa mga prayle; ang pansit gisado ay inukol sa pamahalaan at sa bayan. May ibig din mag-alay ng pansit kay Quiroga at Simoun.

Pinapagtalumpati si Tadeo. Nahilingan din ng talumpati si Pecson. Inatake ni Pecson ang mga prayle. Mula raw sa kamusmusan hanggang sa libingan ay prayle ang kasama natin.

May nakakita sa utusan ni Padre Sibyla, ang biserektor sa Unibersidad. Sumakay ito sa karwahe ni Simoun. Nagtiktik ito sa mga estudyante.

KABANATA
Mga Paskin
Maagang gumising si Basilio upang magtungo sa ospital. Uutang siya kay Makaraig ng perang gagastusin. Ang naipon niya ay naipanubos na kay Huli.
Sa tapat ng San Juan de Letran ay may nagtanong sa kanya ukol sa pagbabangon. Marami raw nadadamay na mga estudyante ayon sa nagbabalita. Nagpatuloy sa paglalakad si Basilio.

Nakasalubong niya ang isang doktor na malapit ang loob sa kanya. Itinanong kung nasa piging ng mga estudyante si Basilio at sinabing mabuti raw at wala. Nang malamang kasapi si Basilio sa kapisanan ay pinayuhan nito ang binata na umuwi na’t sirain niya ang lahat ng kasulatang magdadawit sa kanya. Nabanggit ni Basilio si Simoun. Wala raw kinalaman ito dahil nahihiga ang mag-aalahas dahil sa sinugatan ng kung sino.
Itinanong ni Basilio kung may kasangkot na tulisan. Wala raw panay raw mga estudyante. Nagkatagpo raw sa unibersidad ng mga paskil o mga paskin na mapanghimagsik.

Pinaghinalaan ni Basilio na may kinalaman si Simoun sa mga paskil.

Nakita niya si Sandoval at tinawag. Ngunit ito’y naging bingi sa mga tawag niya. Tuwang-tuwa si Tadeo dahil wala na raw klase. Ibibilanggo raw lahat ang kasama sa kapisanan ng mga estudyante.

Si Pelaez naman ay parang baliw na paulit-ulit ang pagsasabi, “Wala akong kinalaman, wala akong kinalaman”. Mabilis na tumakbo si Juanito nang makita ang isang tanod na palapit sa kanila.
Natanaw ni Basilio si Isagani na nagtatalumpati. Tumalikod si Basilio, di siya sang-ayon sa sinabi ng kaibigan. Tutungo siya kay Makaraig upang mangutang. Di niya alintana ang mahiwagang senyas ng mga kalapit bahay ni Makaraig.

Napaharap siya sa dalawang tanod na beterana. Nagkatinginan ang dalawang tanod.
Dumating si Makaraig at ang kabo at dalawang kawal. Dinakip din si Basilio dahil sinabi niyang kaibigan niya si Makaraig.

KABANATA
Ang Prayle at ang Pilipino
Si Isagani ay ipinatawag ni Padre Fernandez na labis na iginagalang ng binata.

Ayon sa pari narinig nito si Isagani na nagtatalumpati. Itinatanong ng kura kung kasama si Isagani sa hapunan. Pinuri rin ang pagkakaroon ni Isagani ng paninindigan . Patuloy na nagsalita ang pari. May mga dalawang libong estudyante na raw ang naturuan niya o sinikap niyang turuang mabuti at karamiha’y pumupula at lumalalos sa mga prayle nguni’t walang makapagsalita nang tapatan o harapan.

Ayon kay Isagani ay di kasalanan iyon na kabataan na pag nagsalita laban sa maykapangyarihan ay kaagad nang sinasabing pilibustero.
Sinabi ng prayle na di niya inuusig si Isagani at malaya itong nakapagsasalita ng anuman sa kanyang klase. Sa halip ay paborito pa niya si Isagani.

“Ang karunungan ay hindi ipinagkakaloob kundi sa karapat-dapat lamang,” anang Pari. “Ipagkaloob iyan sa mga walang tibay ng loob at kapos sa wastong asal ay taliwas sa layunin niyon”.

Tinutulan ito ni Isagani. Hindi raw totoo iyon. “Kung ano kami ay kayo ang may gawa.”

Nakilala ni Padre Fernandez ang kanyang kagipitan. Noon lamang siya nakaranas niyon—pagkatalo sa isang estudyanteng Pilipino lamang.

KABANATA
Pagkatakot
Ipinangalandakan ni Ben Zayb sa El Grito na tama siya sa madalas niyang sabihing nakasasama sa Pilipinas ang pagtuturo sa kabataan. Ito’y pinatunayan ng mga paskil.

Naging takot ang lahat mula sa Heneral hanggang sa mga intsik. Ang mga prayle ay di nakasipot sa basar ni Quiroga. Ang intsik man ay nag-ayos ng tindahan na madaling maisasara kung sakali. Inisip ni Quiroga na magtungo kay Simoun at isangguni kung panahon na upang gamitin ang mga baril at pulbura’t bala na ipinatago nito sa kanya. Ngunit di niya nakausap si Simoun. Ipinasabi lamang na huwag galawin ni Quiroga ang anuman sa kinalalagyan.

Nagtungo si Quiroga kay Don Custodio upang isangguni kung dapat sandatahan ng intsik ang sariling tahanan. Ayaw ring tumanggap si Don Custodio ng sinuman. Umuwi ,nahiga at nagdahilang maysakit.

Kinahapunan ay kumalat pa ang balitang may panayam ang mga estudyante at mga tulisan sa San Mateo; niyari daw ang balak na paglusob sa lungsod sa isang Pansiterya; may bapor pandigma daw ang mga Aleman sa look, katulong ng mga estudyante; may mga estudyante pa aw na nagtungo sa Malakanyang upang magpahayag ng pagkamaka-Kastila ngunit nahulihan sila ng armas kaya’t pinagpipit; naligtas daw ang Heneral dahil noo’y nakikipanayam sa mga puno ng orden sa Pilipinas.

May nagpanukalang magpabaril kaagad ng isang dosenang pilibusterilyo upang matigil ang gulo.
Kina Kapitan Tiyago, dumating si Padre Irene at nagbabalita ng kung anu-anong mga nakatatakot. Nanginig sa takot ang matanda, nakadilat ang mata na napakapit sa kura. Patay na. Nasindak ang kura at tumakbo. Nakahawak sa kanya ang patay na nakaladkad niya hanggang sa gitna ng silid.

Kinagabihan may mga pagkakamali at patayan na naganap.

Sa isang tindahan, si Tadeo ay napabalitaan raw na binaril. Si Isagani naman ay kusa pa raw na nagpadakip.

Sa tirahan nina Placido Penitente, hindi naniniwala ang platero sa mga paskil. Gawa lang daw iyon ni Padre Salvi. Ayon naman sa isa’y si Quiroga ang may gawa.
May narinig silang mga yabag. Natigil ang usapan kay Quiroga. Kunwari ay binanggit ng isa si San Pascual Bailon. Ang dumating ay si Placido kasama ang manggagawa ng kuwitis o pulbura.

Hindi raw nakausap ni Placido ang tatlumpung bilanggo. Na ayon sa manggagawa ng pulbura ay magpupugutan ng ulo sa gabing iyon.

Nang gabing iyon ay pinalitan ang mga tanod sa pinto ng siyudad. Ipinalit ay mga artilyerong Kastila. Kinabukasan ay nakatagpo sa Luneta, malapit sa pinto, ng bangkay ng isang dalagitang kayumanggi. Halos hubad. Nakita man iyon ni Ben Zayb ay di na nabalita.

KABANATA
Mga Huling Salata Kay Kapitan Tiyago
Marangal ang libing ni Kapitan Tiyago. Si Padre Irene ang hinirang na tagapamahala at tagapagpatupad ng testamento ng kapitan. Paghahati-hatiin ang kanyang kayaman sa Sta. Clara, sa Papa, sa Arsobispo, at sa mga orden. P20.00 ang itinira para pangmatrikula ng mga estudyante mahihirap. Inalis ni Kapitan Tiyago ang P25.00 pamana kay basilio dahil sa kawalang-utang na loob. Ngunit isinauli ni Padre Irene at siya raw ang magpapaluwal sa sariling bulsa.
Sa burol ni Kapitan Tiyago, marami ang usap-usapan ukol sa kanya. Nakita raw ng mga mongha ang nagliliwag na kaluluwa ni Kapitan Tiyago.
May nagsabi namang hahamunin ni Kapitan Tiyago ng sabong si San Pedro. Pero paano magkakamatayan o magkakatalo mag manok na kaluluwa? Ayon kay Pilosopo Primotivo, di magkakatalo sapagkat ang pagkatalo’y kaugnay ng sama ng loob ay walang puwang sa langit.

Lumang damit ang ipinasuot ni Padre Irene dahil hindi raw mahalaga sa langit ang damit.

Maraming kamanyang ang sinunog at gayundin ang iwinisik na agua bendita.

Si Donya Patrocinio na matandang kaagaw ni Kapitan Tiyago sa pagkabanal ay nagnais mamatay na kinabukasan upang malibing siya ng lalong dakila at kahanga-hanga.

KABANATA
Juli
Nabalita sa San Diego ang pagkamatay ni Kapitan Tiyago at ang pagkadakip kay Basilio. Maari raw ipatapon o patayin ang binata.

Si Hermana Bali ang nagbalita kay Huli ng tungkol kay Basilio na naging dahilan ng pagkahimatay ni Huli.

Naisip ni Huli na tulungan si Basilio sa pamamagitan ng paghingi ng tulong kay Padre Camorra. Siya din ang tumulong dati kay Tandang Selo para makalaya. Ngunit nang pasalamatan siya ni Huli, ito’y hindi nasiyahan at humingi pa ng “pagpapakasakit”. Kaya mula noo’y iniwasan na ito ni Huli.

Ipinayo ni Hermana Bali na magtanong sila sa tribunal. Ngunit ang tagasulat ay walang nagawa o naipayo kundi tumungo sila sa hukom pamayapa. At ang naging payo ng hukom ay tumungo sila kay Padre Camorra.
Hindi kumibo si Huli. Ayaw ni Huli na magtuloy sila sa kumbento

Nanaog ang dalawa. Nang nasa daan na’y ayaw na naman ni Huli.

Binangungot si Huli nang gabing iyon. Nakita nya ang kanyang ama at si Basilio na naghihingalo.

Kinahapunan ng sumunod ng araw ay kumalat ang balitang may mga binaril na sa mga estudyante. Ipinasiya ni Huli na kinabukasan uli ay magsasadya na siya sa kumbento, mangyari na ang mangyari.
Sa wakas ay dumating ang balita mula sa Maynila na si Basilio na lamang ang nabibilanggo. Nakalaya ng lahat ang kasamahan. Ipatatapon na raw sa Carolinas si Basilio. At dahil doon, pumunta na si Huli kay Padre Camorra.

Kinagabihan ay naging usap-usapan ang nangyari kay Huli nang hapong iyon. Tumalon sa bintana ng kumbento at patay na dinampot sa batong nakabunton sa ibaba. Si Hermana Bali ay patakbong bumaba sa pinto ng kumbento at nilibot ang daan at nagsisigaw.

KABANATA
Ang Mataas na Kawani

Hindi man lamang nabalita sa mga pahayagan ang nangyari kay Huli. Unang nakalaya sa mga estudyante ay si Makaraig, at ang pinaka huli ay si Isagani. Ang tanging hindi pa nakakalaya ay si Basilio.

Ipinagtanggol ng Mataas na Kawani si Basilio. Mabuting bata raw ito na malapit na magtapos sa kursong medisina.
Si Basilio ay pinagbintangan ng Heneral na gumamit ng bawal na aklat sa medisina. Nagkaroon ng hindi magandang usapan ang Mataas na Kawani at ang Heneral.

Makaraan ang dalawang oras ay nagbitiw sa tungkulin ang Kawani at nagsabing siya’y uuwi sa Espanya lulan ng kasunod na bapor.

KABANATA
Mga Ibinunga ng mga Paskin
Dahil sa mga nangyayari sa mga estudyante ang maraming magulang ay din na nagpaaral ng mga anak.
Si Tadeo, ay sinunog ang kanyang mga aklat. Si Pelaez ay napatali sa negosyo ng ama. Napasa-Europa si Makaraig. Si Isagani’y sa aklat lamang ni Padre Fernandez nakasulit. Si Sandoval ay nakapasa dahil sa kahusayang magtalumpati. Si Basilio lamang ang di nakakuha ng pagsusulit dahil nasa bilangguan pa sya. Doon niya nabatid ang pagkawala ni Tandang Selo sa tulong ni Senong na kutsero na tanging dumadalaw sa kanya.

Si Simoun ay mabuti na at magdaraos ng isang pista bago umalis sa bayan.

Madalas si Simoun sa tindahan ng mga Pelaez. Pagkatapos ng ilang lingo, nabalitaang si Paulita ay ikakasal na kay Juanito.

Hinintay-hintay ng buong Maynila ang piging sa kasal ng dalawa dahil si Simoun daw ang mamamahala. Ito’y gaganapin dalawang araw bago umalis ang Heneral. Ang mga taga-Maynila ay nakipag-agawan sa pakikipagkilala kay Simoun upang sila’y anyayahan sa piging.

KABANATA
Ang Huling Matuwid
Naging abala si Simoun sa pag-aayos ng kanyang mga alahas at armas. Sasabay na siya sa pag-alis ng Kapitan Heneral, na ayaw pahabain ang panunungkulan dahil natatakot sa sasabihin ng mga tao. Ayaw daw diumano magpaiwan ni Simoun dahil wala na ang suhay. Ibinilin niya sa kanyang tauhan na papasukin na lang ang binatang si Basilio dahil ito ay inaasahan niyang dumating. Si Simoun ay lalong tumigas at lumungkot ang mukha, lumalim ang kunot sa pagitan ng kilay at palagi na lamang nakayuko. Naawa siya sa sarili niya, pero nung Makita niya si Basilio, mas higit pa pala itong nakakaawa, humpak na ang pisngi, gusot ang damit at gulo-gulo ang buhok. Para daw itong bangkay na nabuhay sa sindak. Nagsalita si Basilio na siya ay isang masamang anak at kapatid, kailangan niyang gumanti, kahit na ibig sabihin nito ay krimen sa krimen, o dahas sa dahas. Utang niya diumano kay Simoun ang kanyang paglaya, at gusto niya ng makisapi para sa pagsiklab ng himagsikan. Si Simoun pala nung mga panahong ito ay nawalan na ng pag-asa na ipagpatuloy ang himagsikan, pero dahil sa paglapit ni Basilio tila ito ay nabuhayan ng loob. Ayon sa kanya hindi pa huli ang lahat, maganda ang kombinasyon nilang dalawa dahil si Simoun ang mamahala sa itaas samantalang si Basilio naman sa ibaba. Pinakita ni Simoun ang isang napakagandang lampara at nilapag sa mesa, namangha si Basilio sa ganda nito.
Sunod na binuksan ni Simoun ang aparador at kinuha ang isang bote. Nang mabasa ni Basilio ang nakasulat sa labas ng bote bigla itong napaurong at sinabing ang laman ng bote ay nitro glycerine. Kinuwento ni Simoun ang tungkol sa plano niya. Ilalagay niya ang Lampara sa gitana ng isang mesa na sinadya niya pa. Sa loob naman ng lampara nakalagay ang nitro glycerine. Ang bahay na gaganapan ng pagdiriwang ay nalagyan na ng maraming pulbura para walang maisasalba sa naturang pagsabog. Sinagot ni Basilio si Simoun na di na daw niya kailangan ang kanyang tulong kasi buo na ang kanyang plano. Tugon naman ni Simoun na may iba siyang misyon na ibibigay kay Basilio. Sa pagputok ng lampara pumunta siya sa bodega ni Quiroga at kunin ang mga nakatagong mga armas dun. Si Basilio ang inatasan niyang mamuno sa pamimigay ng mga baril sa mga tao. Sinabi ni Simoun na isali at isama ang lahat ng kalalakihan, ang tatanggi ay papatayin, dahil magsusupling lang din ito ng duwag na lahi. Tinukoy niya din na sa pagputok ng lampara ay sabay na susugod pababa ng bundok ang grupo ni Tales. Kaya daw hindi nagtagumpay ang unang balak ng himagsikan sapagkat kulang daw ito ng pagpaplano at koordinasyon, pero ngayon na may tiyak na silang signus sa pagsimula ng himagsikan tiyak na ito ay magtatagumpay
KABANATA
Ang Kasal
Ika-8 ng gabi, nasa daan si Basilio. Makikituloy sana siya kina Isagani ngunit hindi umuwi ang kaibigan sa buong araw na iyon. Sinalat ni Basilio ang kanyang rebolber at mga bala. Naalala niya ang babala ni Simoun na siya ay lumayo sa daang Anloague.

Ang bahay ni Kapitan Tiyago ay nasa daang iyon. Sa bahay na iyon idaraos ang piging sa kasal nina Paulita at Juanito. Nakita niyang dumating ang sasakyan ng bagong kasal.

Nakita niyang dumating si Simoun.
Nagtungo si Basilio sa Anloague. Doon ang tungo halos ng lahat, sa bahay ni Kapitan Tiyago. Ang Kapitan Heneral ang ninong at dadalo sa hapunan, dala ang isang tanging ilawang handog naman ni Simoun.

Inayos ng mabuti at ginawang magara ang bahay.

KABANATA
Ang Piging
Ikapito ng gabi nang magsisimulang dumating ang mga bisita.

Dumating ang bagong kasal na kasama si Donya Victoria. Gustong pumunta ni Don Timoteo sa palikuran ngunit di siya makaalis dahil wala pa ang Heneral.

Nang dumating na ang Heneral, nawala ang nararamdaman ni Don Timoteo.

Si Basilio ay nasa harap ng bahay at pinapanood ang mga nagdaratingan. Naawa siya sa mga inakala niyang mga walang malay na mamamatay roon at naiisip na bigyan niya ang mga ito ng babala. Ngunit nang dumating ang sasakyan nina Padre Salvi at Padre Irene, nagbago ang kanyang iniisip.

Ako’y may utang na loob sa kanya; sa kanila’y wala. Siya ang humukay ng libingan ng aking ina na pinatay nila. Ako’y nagpakabuti; pinagsikapan kong magpatawad, ano ang ginawa sa akin, nasabi ni Basilio.

Nakita niya si Simoun, dala ang ilawan. Si Simoun ay parang nag-aalinlangan sa pagpanhik sa hagdan.

Namayani na naman ang kabutihang-loob ni Basilio. Nais niyang sabihin ang mangyayari sa mga tao sa loob ng bahay, ngunit hinadlangan siya ng mga tanod dahil sa marusing niyang anyo. Namutla si Simoun nang makita si Basilio na iniwan ng tanod-pinto upang magpugay sa mag-aalahas. Matigas ang mukha ni Simoun na tumuloy sa sasakyan at nag-utos. Sa Eskolta. Matulin!

Mabilis ding lumayo si Basilio, ngunit may nakita siyang isang lalaking tatanaw-tanaw sa bahay. Si Isagani! Niyaya niya itong lumayo ngunit siya ay marahang itinulak nito. Nagpilit pa rin si Basilio ngunit ayaw pa rin ni Isagani. Ipinaliwanag ni Basilio ang tungkol sa ilawan. Hinila niya si Isagani ngunit tumutol pa rin ito.

Nakita ni Isagani na nagtungo sa kainan ang mga tao at naisip niyang sasabog ang bahay kasama si Paulita. Mabilis siyang nagpasiya.

Sa loob ay mayroong umiikot na papel na may nakasulat na:
MANE THECEL PARES

JUAN CRISOSTOMO IBARRA

Sabi ni Don Custodio, isa raw biro iyon dahil patay na si Ibarra. Nang makita ni Padre Salvi ang sulat sa papel ay namutla ito. Sinabi nitong iyon nga ang lagda ni Ibarra.

Nagkatinginang takot na takot ang lahat. Tatawag sana ng mga kawal ang Kapitan Heneral ngunit walang nakita kundi mga utusang hindi niya kilala. Magpapatuloy tayo sa pagkain, aniya. Huwag intindihin ang isang pagbibiro.

Ngunit nagsalita si Don Custodio, sa palagay niya ang kahulugan ng sulat ay papatayin silang lahat.

Sabi ni Don Custodio, isa raw biro iyon dahil patay na si Ibarra. Nang makita ni Padre Salvi ang sulat sa papel ay namutla ito. Sinabi nitong iyon nga ang lagda ni Ibarra.

Nagkatinginang takot na takot ang lahat. Tatawag sana ng mga kawal ang Kapitan Heneral ngunit walang nakita kundi mga utusang hindi niya kilala. Magpapatuloy tayo sa pagkain, aniya. Huwag intindihin ang isang pagbibiro.

Ngunit nagsalita si Don Custodio, sa palagay niya ang kahulugan ng sulat ay papatayin silang lahat.

KABANATA
Mga Kagipitan ni Ben Zayb

Mula sa bahay ni Kapitan Tiyago ay patakbong tinungo ni Ben Zayb ang kanyang tanggapan upang isulat ang pangyayari. Pinalabas niyang bayani ang Kapitan Heneral, sina Padre Irene, Don Custodio at Padre Salvi. Ang lathalain ay isa ring paghahangad ng mabuting pagyao at paglalakbay ng Heneral.

Ngunit ang kanyang isinulat ay ibinalik sa kanya ng pahayagan. Ipinagbawal ng Heneral ang pagbanggit ng ano mang tungkol sa pangyayari.

Dumating ang balita mula sa Pasig. Nilusob daw ng maraming tulisan ang bahay-pahingahan ng mga prayle at nakatangay ng may dalawang libong piso. Malubha ang isang prayle at dalawang utusan. Gumalaw ang guni-guni ni Ben Zayb.

Nagtungo siya sa Pasig at natagpuan niyang ang nasugatan ay si Padre Camorra. May isang maliit na sugat sa kamay at may pasa sa ulo. Tatlo raw ang mga magnanakaw at limampung piso lang ang kanilang nanakaw. Ayon kay Ben Zayb ay hindi tama ang salaysay ni Padre Camorra.

May nadakip sa mga tulisan. Sila raw ay inanyayahang sumama sa pangkat nina Matanglawin upang sumalakay sa kumbento at mga bahay ng mayayaman. Pangungunahan sila ng isang Kastila na mataas, kayumanggi, puti ang buhok at kaibigan ng Kapitan Heneral. Ang hudyat daw ay isang malakas na putok ngunit hindi naman ito nangyari. Inakala ng mga tulisan na sila ay nilinlang at nagsiurong ang ilan. Ang iba naman ay nagsibalik sa bundok. Balak nilang maghiganti sa Kastila na makalawa nang lumoko sa kanila.

Ayaw paniwalaan ng mga tulisan na si Simoun ang pinuno nila ayon sa paglalarawang ginawa. Ngunit si Simoun ay di matagpuan sa bahay niya na puno ng bala at pulbura. Si Don Custodio ay naghanda ng laban kay Simoun.



KABANATA
Nabatid din ng madla, sa likod ng pagpigil sa balita, ang mga pagbabangon at mga supot ng pulbura . Ito ang naging paksa ng usapan ng lahat, palihim nga lamang. Si Chichoy, payat na platero, ay nagdala ng hikaw para kay Paulita nang tinatanggal na ang mga palamuti at mga hapag sa bahay ni Kapitan Tiyago. Nakita niya ang suput-supot na pulbura sa ilalim ng mesa, sa silong, sa bubungan, sa likod ng mga upuan.

Ayon daw kay G. Pasta ay iisa ang maaring gumawa ng gayon, isang kaaway ni Don Timoteo o kaagaw ni Juanito.

Naroon sa bahay ng mga platero si Isagani.

Nagpatuloy si Chichoy, dumating daw ang mga sibil at walang mapagbintangan. Si Don Timoteo lamang daw at si Simoun ang nangasiwa sa pag-aayos ng bahay na iyon.

Naghulaan kung sino ang pinaghihinulaan. Mga prayle, si Quiroga, si Makaraig. At ayon sa ilang kawani, si Simoun na siyang pinagtakahan ng lahat.

Naalala ni Momoy, isang dumalo sa piging, ang pagalis ni Simoun sa bahay bago magsimula ang hapunan.

Si Simoun daw ay nawawala, patuloy ni Chichoy. Kasalukuyang ito’y pinaghahanap ng mga sibil.
Naalala uli ni Momoy ang pagkakaagaw sa ilawan ni Simoun na nuo’y namamatayan ng ningas. Nagpatuloy si Chichoy, tinataya raw ng mga may kapangyarihan na ang ilawan ay siyang magpapasiklab sa pulbura.

KABANATA
Kasawian
Buong Luzon halos ang nilaganapan ni Matanglawin sa kanyang panunulisan. Ngayon ay sa Batangas, bukas ay sa Kabite, di maglilipat-araw ay sa Tayabas, pagkatapos ay sa Panggasinan o sa Albay. Laging naliligtasan ni Matanglawin ang mga habol sa kanya.
May anim o pitong magsasaka ang dinakip ng mga sibil matapos ang isang pagsalakay ni Kabesang Tales. Abut-siko at kabit-kabit ang gapos ng mga ito na inilakad nang tanghaling tapat sa kainitan ng Mayo walang sombrero at nakayapak.
Kung may isang nabubuwal sa hapo at gutom ay hinahagupit silang lahat. At ang nabuwal ay makakaladkad sa kanilang pagtakbo.

Ngunit may isang sibil na tutol sa gayong pagmamalupit. Nang di makatiis ay sumisigaw na rin ito sa mapagparusa, “Hoy, Mautang, bayaan mo silang magsilakad nang payapa!”
“Nagpakikilalang bago ka nga lamang Carolino”, patuya pang tugon ni Mautang.
Isang putok ang narinig. Gumulong-gulong si Mautang hawak ang dibdib na nilabasan ng dugo.
Isang putok pa at ang kabo naman ang tinamaan sa bisig at namaluktot sa sakit.
Itinuro ng kabo ang mga bilanggo at ang mga bihag ay pinagbabaril. Saka pa lamang lumaban ng putukan sa mga nasa batuhan sa bundok. Ang mga nasa batuhan ay tinayang may tatatlong riple lamang. Lumusob ang mga sibil.


“Hala, Carolino! Nahan ang mabuti mong pagpapatama!” pasigaw na wika ng kabo.
Isang lalaki ang biglang lumitaw sa ibabaw ng isang talampas na nagwawasiwas ng baril.
Patuloy na may isinisigaw ang lalaki.
Natigilan si Carolino, parang nakilala niya iyon. Tinutukan siya ng baril ng kabo. Na inuutusan siyang barilin ang lalaki. Gumulong at nawala sa talampas ang lalaki. May isinigaw ito at natulig si Carolino.

Lumusob ang mga sibil. Isa pang lalaki ang lumitaw, iniamba ang sibat. Pinaputukan siya ng mga kawal.
Ang unang umabot sa kaitaasan ay may dinatnang matandang lalaking naghihingalo at binayuneta. Di man lamang kumurap ang matanda na nakatingin kay Carolino habang nakaturo ang daliri sa likod ng talampas.
Nagulat at putlang-putla si Carolino. Nakilala niyang ang matanda’y si Tandang Selo.

KABANATA
Katapusan
Malungkot na tumugtog ng kanyang armonyum si Padre Florentino. Kaaalis lang ni Don Tiburcio de Espadana na nag-akalang siya ang Kastilang tinutukoy sa telegrama na darakpin daw sa gabing iyon. Inakala niya na siya’y natunton na ni Donya Victorina.

Ang totoo, si Simoun ang Kastilang tinutukoy sa telegrama. Sugatang dumating doon si Simoun may dalawang araw na ang nakararaan. Hindi pa nakabalita ang pari ng nangyari sa Maynila. Inakala nito na dahil wala na ang Kapitan Heneral ay may nagtangkang maghiganti kay Simoun.
Si Simoun ay tumangging magpagamot sa mediko sa kabesera maliban kay Don Tiburcio.

Tumigil sa pagtugtog si Padre Florentino. Iniisip ng pari ang kahulugan ng pakutyang ngiti ni Simoun nang malaman ang laman ng telegrama. At darakpin na lamang nang patay o buhay ay nakukuha pang ngumiti nang pakutya.

Di pinansin ni Simoun ang pakisuyo ni Padre Florentino may dalawang buwan ang nakalilipas upang tulungang makalaya si Isagani sa bilangguan. Si Simoun ang gumawa ng mga kaparaanan upang mapadali ang pagaasawa ni Paulita kay Juanito na lubos na ipinagdamdam ni Isagani at ikinalalayo nito sa mga kapwa tao. Nilimot ni Padre Florentino ang lahat. Wala siyang inisip kundi ang pagliligtas kay Simoun.

Pumasok si Padre Florentino sa silid ni Simoun. Waring isang lihim na sakit ang tinitiis ng mag-aalahas.

Nalaman ng pari na uminom ng lason si Simoun.

At tinangka nito na ihanap ng lunas si Simoun. Pasigaw na sinabi ng mag-aalahas na huwag na silang mag-aksaya ng panahon dahil mamatay siyang dala niya ang kanyang lihim.
Ipinagtapat ni Simoun ang tunay niyang pangalan. Isinalaysay ni Simoun ang kanyang buhay. Labintatlong taon siya sa Europa, nagbalik siyang puno ng pangarap at pag-asa. Pinatawad ang mga nagkasala sa kanyang ama, pabayaan lamang siyang mabuhay nang payapa. Ngunit mahiwagang mga kamay ang nagtulak sa kanya sa isang kaguluhang gawa-gawa at ang lahat ay nawala sa kanya. Tinangka niyang maghiganti.
Nangibang bansa siya dala ang bahagi ng kayamanan ng kanyang magulang at siya’y nangalakal. Nakilahok siya sa himagsikan sa Kuba at doon nakilala ang kapitan heneral na noon ay kumandante pa lamang. Pinautang niya ito at naging kaibigan matalik dahil sa kawalanghiyaan ng kapitan na si Simoun ang nakaalam.
Mahaba ang pagtatapat ni Simoun at gabi na nang matapos. Inihingi ng tawad ng pari ang mga pagkukulang ni Simoun. Mahinahong nagtanong si Simoun kung bakit hindi siya tinulungan ng Diyos sa kanyang layunin at ang sagot ng pari ay dahil masama ang kanyang pamamaraan.

Pinisil ni Simoun ang kamay ng pari. Naghari ang katahimikan. Dalawang pisil pa at nagbuntunghininga si Simoun. Higit na mahabang katahimikan.

Nangilid ang luha sa mga mata ng pari at binitawan ang kamay ni Simoun. May kumatok na utusang nagtanong kung magsisindi na ng ilawan. Lumuhod at nanalangin si Padre Florentino nang malaman nito na patay na si Simoun.


Tinawag ang mga utusan, pinaluhod at pinagdasal. Umalis sa silid si Padre Florentino, kinuha ang takbang bakal ni Simoun. Dinala ito sa talampas na laging inuupuan ni Isagani upang tignan ang kalaliman ng dagat. Doon ay inihagis ng pari ang mga takba ng brilyante at alahas ni Simoun.

WAKAS
PEBRERO
2014
Part
Pagpapakilala
ng
mga
miyembro
at
ambag
kanilang
#
THROWBACK
miyerkules
#
tchrjoann
ganda
#
damingchika
ALWAYS
J
Jeneane
Salazar
Huwaran sa kanyang kadakilaan
sa pagbubuod ng ika-dalawampu hanggang tatlumpu't siyam na kabanatang El Filibusterismo
Tiniis ang gutom at uhaw matapos lamang ang pagbubuod.
Krizia
Arranz
Nag-alay ng pawis at mahabang panahon
sa pag-scan ng mga larawan sa libro ng El Filbusterismo.
Nag-batak ng buto sa pagbitbit ng
speaker mula bahay niya hanggang paaralan.
CENSORED
Sean
Magdamit
Buong tapang niyang sinuong ang panganib sa masukal na kagubatan ng kanilang tahanan makahanap lamang ng kanyang lumang litrato.
Halos mamilipit ang mga daliri sa pagod ng pagta-type ng buod ng kabanata 1-10.
Raizza
Rabasol
Muntik nang lumuwa ang mata (literal) sa apat na araw na pagharap sa kompyuter upang pagsamasamahin at ayusin ang buong presentasyon.
Nagkaroon ng isang sako ng eyebags at napanisan na ng laway (literal ulet) sa paggawa ng proyektong ito.
Jericho
San
Diego
Tiniyaga ang pagbubuod ng kabanata 11-19 at naglagay ng sound effects.
DON TIMOTEO PELAEZ
Full transcript