Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Roma

No description
by

Tasjana Arellano

on 11 November 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Roma

ROMA
Sinasabi na ang tanging daan upang maunawaan ang kasalukuyan, para sa ikagaganda ng kinabukasan ay sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw sa nakaraan. Ang pagsilip sa mahaba at masalimuot na kasaysayan ng bawat nilalang sa daigdig na ito ang makapagpapaliwanag sa lahat ng pangyayaring dumadatal sa ating buhay dito sa mundo.
Roma
LOKASYON AT HEOGRAPIYA
Matatagpuan ang lungsod ng Rome sa tangway ng Italy. Hugis bota ang tangway na napapaligiran ng mga sumusunod:

Dagat Adriatiko - Silangan
Mediteraneo - Timog
Tyrrhenian - Kanluran

Ang pangalan ay hinango sa Italus na ang kahulugan ay bota – isang peninsula na may hugis bota na umaagos sa dagat Mediterano

Nasa pagitan ng Silangan at Kanluran

Pangunahing ilog:
1. Arno
2. Tiber
3. Liris
4. Volturous

Bundok ng Alps
sa hilaga na natural na pananggalang sa mga dayuhan

H
indi malamig ang klima kung taglamig at di rin mainit kung tag-init

M
ay matabang lupang sakahan at sapat ang ulan sa mga magsasaka

ANG SIMULA NG ROME
Ayon sa alamat, itinatag ang lungsod ng Rome ng kambal na sina Romulus at Remus. Sila ay anak ng diyos na si Mars at ng diyosang si Aphrodite. Sa pampang ng Ilog Tiber, itinapon ng kanilang tiyuhin na si Amulius ang kambal upang mamatay. Ngunit napadpad sa pampang ang isang inahing lobo (she-wolf) na umampon at nag-alaga sa kambal. Kalaunan, kinupkop ang kambal ng isang pastol. Sa paglaki nina Remus at Romulus, napagkasunduan nilang magtayo ng isang lungsod sa tabi ng Ilog Tiber. Gayunman, nagtalo ang kambal kung sino ang nararapat mamuno sa bagong tatag na lungsod at sa huli ay napatay ni Romulus si Remus. Naging Hari si Romulus at isinunod sa pangalan niya ang lungsod.
ROMA
Nagsimula sa pagsilang na anak ni Mars at Rhea na sina Rimus at Romulus na inilagaan ng isang she-wolf nang ipatapon sa Tiber.
Ayon sa alamat ito ay itinatag ni Romulus.
"City on the seven hills"
Itinatag ang lungsod na ito sa may 7 burol sa may Ilog Tiber.
SINAUNANG TAO
LATIN
Buhat sa tribo ng mga Indo-Europeo na unang nakarating sa Latium timog ng Ilog Tiber

Latin ang kanilang ginagamit na salita

Gumagamit sila ng mga sandatang yari sa tanso

Nagtatag ng mga lungsod-estado na ayon sa kasaysayan ay pinag-isa sa pamamagitan ng pederasyon na tinatawag na Liga ng Latia, sa pangunguna ng lungsod ng Alba Logna

ETRUSCAN

Lumikas mula sa Crete upang umiwas sa pananakop ng Gresya

Unang nanirahan sa Etruria (na ngayon ay Tuscany) sa hilagang bahagi ng Laium

Mas mataas ang antas ng kanilang kabihasnan kaysa sa Latin
nagtatag sila ng mga istablisimento na yari sa bato

Nagtatag sila ng mga istablisimento na yari sa bato

GAUL

Bumaba buhat sa Alps at nanirahan sa lambak ng Po

Mababangis at mapandigma na gumagamit ng sibat na may tulis sa magkabilang dulo

SINAUNANG LIPUNAN
Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga Romano, may ilang nag-aalaga ng hayop

Kakaunti ang mayayaman at kakaunti rin ang mahirap, lahat halos ay pantay-pantay

Mag-anak ang yunit ng lipunan ng mga Romano

Sumasamba sa mga ninuno -
politeismo

Ang mga diyos ng mga Rome
ROMA SA PAMUMUNO NG MGA ETRUSCAN
Alamat ni Remus at Romulus

Mas maunlad ang pamumuhay ng mga Etruscan kaysa sa mga sinaunang Romano

Lucius Junius Brutus – isang Romano na namuno upang itaboy at lumaya mula sa mga Etruscan

Haring Larquinus Superbus – huling hari ng mga Etruscan

ROMA NANG MAGING REPUBLIKA
Pagkatapos maitaboy ni Lucius Junius Brutus ang mga Etruscan, itinatag niya ang Republika

Mula sa pamumuno ng mga hari, ang mga Romano ay naghalal ng dalawang konsul – mga pinunong may kapangyarihan ng isang hari at nanunungkulan lamang ng isang taon

Sa panahon ng kagipitan at kaguluhan, nagtatalaga ng isang pinuno o diktador na ang kapangyarihan ay hanggang anim na buwan lamang at ang kanyang kapangyarihan ay mas mataas pa sa konsul

Ang republika ay hindi isang demokratikong pamahalaan dahil ito ay para lamang sa mga patrician o mayayaman – ang mga konsul, diktador at ang lahat ng kasapi ng senado ay pawang mga patrician

Ang mga mahihrap na kasapi ng asembleya na binubuo ng mga mandirigma ay pawang mga plebian

Ang asembleya ay walang kapangyarihang politikal

Hindi maaaring maging mag-asawa ang mga patrician at plebian

PAGTUTUNGGALI NG MGA PLEBIAN AT PATRICIAN
Sa pamamagitan ng pagmamartsa ginawa ng mga plebian ang kanilang unang paghihimagsik patungo sa Banal na Bundok at doon binalak nilang magtayo ng sariling lungsod

Dahil sa takot ng mga Patrician, sinuyo nila ang mga Plebians at binigyan ng mga sumusunod na prebilehiyo:

1. Pagkaltas ng dating utang

2. Pagpapalaya sa mga alipin ng pagkakautang

3. Paghalala ng dalawang mahistradong Plebian na tintawag na tribunes na ang kanilang karapatan lamang ang pinagtatanggol – ito ay may karapatang hadlangan ang senado na maaaring makakasama sa kanila

-Labing Dalawang Batas –

Kauna-unahang batas na naisulat sa Roma, na naging dahilan ng pagkakaron ng karagdagang karapatan sa mga Plebeians gaya ng:

1. Maaari nang makapag-asawa ng patrician
2. Maaari nang mahalal na konsul
3. Maaaring maging kasapi ng senado
Full transcript