Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

NMT K.58-60

No description
by

Skylar Owens

on 27 February 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of NMT K.58-60

Minnelle Maguyon Noli Me Tangere
Kabanata 58-60 TALASALITAAN: MAHALAGANG PAHAYAG: 1.Niobe- Simbolo ng pagmamahal at pagdurusa ng ina sa Mitolohiya.
2.Te Deum- Awit na ginagamit sa pagpapasalamat sa Diyos
3.Tertulya- sa orihinal, "Tertulia" at ibig sabihin ay 'cocktails' sa ingles
4.Criollo- mestisong anak ng Espanyol at ng ibang lahi.
5.Gato Encerrado- literal na ibig sabihin, "nakatagong pusa." 1.Padre Salvi – Nakilahok sa pagpupulong ngunit siya’y umalis kaagad sapagkat hindi siya makapagtagal sa mga parusang ginagawa kay Tarsilo.(Kab. 58)
2.Tarsilo Alasigan – kapatid ni Bruno. Siya ay tinorture hanggang sa kamatayan dahil ayaw niya aminin na kasangkot si Ibarra.(Kab. 58)
3.Ang alferez- namuno sa kanilang pagpupulong. Nagtanong kay Tarsilo tungkol kay Ibarra. (Kab. 58)
4.Dona Consolacion – ang direktorsilyo. (Kab. 58)
5.Crisostomo Ibarra- ang pinagbintangang sinumpa. (Kab. 59)
6.Aling Doray, Kapitana Maria, Kapitan Tinay – sinisigawan at binabato si Ibarra sapagkat naniniwalang siya’y may pakana lahat.(Kab. 59)
7.Pilosopo Tasio- nakitang patay sa susunod na araw. (Kab. 59)
8.Kapitan Tinong- Nagalit kay Ibarra. Siya ay naimbita sa Fuerza de Santiago na matulog kasama ang ilang mayayaman at tanyag na tao. (Kab. 60)
9.Kapitana Tinchang- Asawa ni Kapitan Tinong. Nagsabing binabalak niyang ihandog ang kaniyang paglilingkod laban sa mga manghihimagsik sakali man siya ay naging lalaki. (Kab. 59)
10.Don Primitivo- Pinsan ng magasawa. Hiningin siya ng payo ni Tinchang dahil inaakala nila matalino siya. (Kab. 59) Tauhan (*58-60*) Balisa ang mga sibil na nasa kwartel. Naroroon ang alperes, direktorsillo, Donya Consolation at nag kapitan na halatang malungkot. Bago mag-ikasiyam dumating ang kura at wala sa loob na naitanong niya sa alperes sina Ibarra at Don Filipo. Kasunod niya ang isang parag batang umiiyak at duguan ang salawal. Hinarap sa kura ang dalawang tanging buhay na nabihag ng mga sibil. Tarsilo Alasigan ang tunay na pangalan ni Tarsilo. Pilit siyang tinatanong kung kaalam si Ibarra sa nasabing paglusob. Ngunit, iginigiit din niyang walang kamalay-malay si Ibarra sapagkat ang ginawa ay upang ipaghiganti ang kanilang ama. Dahil dito, iniutos ng alperes na dalhin si Tarsilo sa limang bangkay, ito ay umiling. Nakita niya ang kanyang kapatid na si Bruno sa tadtad ng saksak, si Pedro na asawa ni Sisa at ang kay Lucas na may tali pang Lubid sa leeg. Dahil sa patuloy itong walang imik kahit sa sunod-sunod ang pagtatanong sa kanya. Nagpuyos sa galit ang alperes. Iniutos na paluin ng yantok si Tarsilo hanggang saito’y maging duguan.Hindi mapakanta si Tarsilo, kaya ito ay ibinalik sa bulwagan. Nadatnan niya ang isang bilanggo ring nagpapalahaw sa iyak at tumatawag sa mga santo. Ipinasino kay Tarsilo ang dinatnan. Sinabi niyang nuong lamang niyua nakita. Dahil dito, muli siyang pinalo hanggang sa mabalot ng dugo ang buong katawan. Hindi nakayanan ng kura ang gayong tanawin kaya lumabas siya sa bulwagan na namumutla. Nakita ng kura ang kapatid nina Bruno at Tarsilo, humahalinghing at nanananghoy ng malakas. Hiningi na lamang ni Tarsilo na madaliin ang kanyang kamatayan. Walang makuhang anumang impormasyon at di mapaamin si Tarsilo kaya ito ay itinimba sa isang balong napakasangsang at napakarumi. Hindi niya natagalan ang pagpapahirap hanggang sa takasan siya ng hininga sa gayong uri ng kalupitan. Ang pangalan diumano ng bilanggong ito ay Andong luko-luko at kaya napapunta sa patyo ay upang magbawass sapagkat pinapakain ng bulok ng biyenan nito. Inaantok ang alperes sa naging sagot ng bilanggo, kaya iniutos itong ipasok na muli sa karsel. Mahalagang Pangyayari (*Kab. 58*) Tuliro at balisa ang mga pamilya ng mga bilanggo. Nakakapaso ang sikat ng araw, ngunit ang mga babae ay ayaw umalis. Palakad-lakad umiiyak ang mag-ina ni Don Filipo. Inusal-usal naman ni Kapitana Tinay ang pangalan ng kanyang anak na si Antonio. Si Kapitana Maria naman ay pasilip-silip sa rehas upang tignan ang kambal niyang anak. Ang biyenan ni Andong ay nanduroon din at walang gatol na ipinagsasabi na kaya raw hinuli si Andong ng mga sibil ay dahil sa bago nitong salawal. May isang babae naman ang halos mangiyak-ngiyak na nagsabing si Ibarra ang may pakana at kasalanan ng lahat. Ang paaralan din daw ay isang pakana para makagawa ng isang kuta si Ibarra. Mag-iikalawa ng hapon ng dumating ang isang kariton na hila ang isang baka. Tinangka ng mga kaanak ng mga bilanggo na sirain at kalagan ang mga hayop na humihila sa kariton pero ipinagbawalan sila ni Kapitana Maria dahil mahihirapan ang mga kaanak nila sa papunta sa bilangguan. Unang lumabas si Don Filipo, na nakuha pang ngumiti at batiin ang asawang si Doray. Umiyak ng sobrang lakas ang ina ni Antonio nang ito’y sumunod na lumabas. Si Andong naman ay naiyak nang makita ang sanhi ng kanyang pagkakakulong. Si Albano na seminarista ay nakagapos ng maigi, tulad ng kambal na anak ni Kapitana Maria. Huling lumabas si Crisostomo Ibarra na di nakagapos ngunit nasa pagitan nga dalawang kawal. Nagalit ang mga tao nang makitang di man lang nakagapos si Ibarra at ito’y nagpagapos ito abot siko sa kawal sa tabi nito. Si Ibarra lamang ang walang pamilyang umiiyak para sa kanya, at ito’y pinagbabato. Tila walang nais dumamay kay Ibarra. Pati si Sinang ay Pinagbawalan ng kanyang ama na lumuha. Mula naman sa mataas na lugar ay nagmamasid si Pilosopo Tasyo. Dahil siya’y mahina na, di nito masundan ang papalayong kariton na sinasakyan ng bilanggo. Nang mawala sa kanyang paningin ang kariton, ito’y umuwi. Nakita kinabukasan ng isang pastol si Pilosopo Tasyo na patay na sa may pintuan ng kanyang bahay. Mahalagang Pangyayari (*Kab. 59*) -"Nahulog sa balon ang tuwa ko." Mahalagang Pangyayari (*Kab. 60*) Ang ginawang paglusob ng mga naapi o sawimpalad ay nakarating at napalathala sa mga diyaryo sa Maynila. Iba rin ang balitang nagmula sa kumbento. Sa isang bahay naman sa Tundo, hindi mapakali si Kapitan Tinong dahil minsan ito ay nagpakita ito ng kagandahang loob kay Ibarra. Panay ang sisi dito ng asawang si Kapitana Tinchang. Ang kanilang dalawang anak na dalaga ay sa isang tabi lamang at di umiimik. Nasabi pa ni Tinchang na kung siya ay naging lalaki lamang, siya raw ay pupunta kaagad sa Kapitan-Heneral at ihahandog ang mapaglilinkod laban sa mga naghihimagsik. Kaunti na lang at magagalit na nang husto si Tinong sa asawa nang dumating ang kanilang pinsang si Don Primitivo. Siya ay hinihingan ni Tinchang ng payo sapagkat marunong itong mangatwiran. Sinabi ni Don Primitivo na dapat napakilala si Tinong kay Ibarra pagkat ang mga mabubuti raw ay napaparusahan dahil sa mga masasama. Kaya’t walang ibang nalalabing paraan kundi ang gumawa ng huling habilin si Tinong. Nawalan ng malay ng di oras si Tinong. Nang bumalik ang kanyang ulirat, dalawang payo ang ibinigay ni Don Primitivo: (1) magbigay sila ng regalo sa heneral ng kahit anong alahas at idahilan na ito ay pamasko at (2) sunuging lahat ng mga kasilulatan na maaaring makapagpahamak kay Tinong, na katulad ng ginawang pagsunong ni Ibarra sa kanyang mga kasulatan. Boto silang lahat sa payo. *Sa Kabilang Dako...* Sa isang pagtitipon sa Intramuros na dinaluhan ng mga dalaga, mga asawa at mga anak ng kawani ang tema ng kanilang pag-uusap ay ang tungkol din sa naganap na pag-aalsa. Ayon sa isang lalaking komang galit na galit daw ang heneral kay Ibarra sapagkat naging napakabuti pa nito sa binata. Sinabi naman ng isang ginang na talagang walang utang na loob ang mga indiyo kaya’t di dapat silang ituring na mga tunay na tao. Kahit na araw ang itatayong paaralan ay isang pakana lamang sapagkat ang tunay na layunin ni Ibarra ay gawin lamang itong kuta na gagamitin niya sa kanyang pansariling pangangailangan. Sumabad naman ang isa pang babae at ipinaliwanag na is Tinchang daw ay nagregalo ng isang singsing na puno ng brilyante sa heneral. Napalingon ang lalaking komang at tiniyak kung totoo ang balita. Nagdahilan ang pingkok at nanaog na ng bahay.pamahalaan sa pamamagitan ng mga kawal. Ang imbitasyon ay tungkol sa pagtulog ng ilang mayayaman at tanyag na tao sa Fuerza de Santiago na may bantay pa. Si Kapitan Tinong ay kasama sa mga inimbita.
Full transcript