Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

ARALIN 2: Pagsibol ng Nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asy

No description
by

Kyla Angelou Capa

on 13 August 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of ARALIN 2: Pagsibol ng Nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asy

ARALIN 2: Pagsibol ng Nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya
Bal Gangadhar Tilak
Nanguna si
Bal Gangadhar Tilak
, isang militanteng nasyonalista, sa kilusang naglalayong wa na ang pamamahala ng British sa India.
Jawaharlal Nehru
Tagapagmana ng Mahatma Gandhi. Siya ay nagsilbi bilang ang unang kalakasan ministro ng Indya mula 1947 hanggang 1964.
Introduksyon
Ang mapang-abuso at mapaniil na pamamahala ng mga imperyalistang bansa ang isa sa mga naging sahi ng pagsibol ng kakaibang damdamin sa mga katutubo na ipaglaban nila ang karapatan sa kanilang sariling bansa. Bagaman nagkaroon ng pagbabago sa kanilang buhay higit lalo sa kalagyang pangkabuhayan, unti-unting sumibol sa damdamin ng mga katutubo na ipaglaban ang kanilang kalayaan sa mga mananakop. Nanaig sa kanila ang pagmamahal sa sariling bansa na pinamamahalaan ng mga dayuhang mananakop. Unti-unting sumibol sa mga bansang Asyano ang nasyonalismo, ang pagpapahalaga sa bansang pagkakakilanlan at pagmamahal sa bayan. Nasyonalismo ang nagtulak sa mga Asyanong lumaban para matamo ang kalayaan. Naniniwala sina Hans Kohn at Louis Snyder, mga kilalang manunulat sa politika, na ang nasyonalismo ay isang kalagayang pangkaisipan at kamalayan tungo sa pagkakaisa ng mga tao. Ayon naman kay Teodoro Agoncillo, tanyag na mananalaysay na Pilipino, isang ideolohiyang mapaglaya ang nasyonalismo na umusbong at umunlad bilang reaksyon laban sa kolonyalismo at imperyalismo.3
Pagsibol at pag-unlad ng Nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya
Sa simula, naghangad lamang ng pagbabago ang mga katutubo. Nais nilang magkaroon ng representasyon sa pamamahala sa kanilang bansa. Ngunit hindi ito ibinigay sa kanila kaya hinangad na nila ang kanilang kalayaan. Ang Panahon ng Pagkamulat ay naging sanhi rin upang mamulat ang mga bansang nasakop sa karapatan nila at sa kalayaang dati ay kanilang tinatamasa nang hindi pa sila nasasakop ng mga bansang imperyalista. Umusbong ang kanilang pagmamahal at pagmamalasakit sa kanilang sariling bansa. Nalinang ang damdaming makabayan ng mga Asyano dahil narin sa paghihirap at di magandang karanasan nila sa ilalim ng pamamahalang kolonyal. Ipinamalas nila ito sa iba't-ibang paraan.
Mahatma Mohandas Karamchand Gandhi
Siya ang namuno sa moderatong nasyonalismo at tinawag siyang "Ama ng Kalayaan ng India."
Mohandas Gandhi
Noong 1919, sinumulan ni Gandhi ang kilusan para sa sariling pamamahala sa pamamagitan ng mapayapang paraan ng pakikibaka, pagpapaunlad ng sariling produkto at pagtatanggal sa pinakamababang uri ng caste. Hinikayat rin niya ang mga hindu na magwelga batay sa simulain ng Satyagraha o pagpapakita ng mahinahon at hindi marahas na di-pagsunod sa lahat ng nais na ipatupad ng pamahalaang British.Ipinag-utos niya ang di pagtangkilik ng mga produkto ng British na dinadala sa bansa. Ipinag-utos din niya na ang damit na kanilang susuotin ay yari lamang sa tela na kanila mismong hinabi. Kanya ring pinanawagan ang di pagbayad ng buwis. Maraming naging taga sunod sa Gandhi. Simple ang naging pamamaraan niya ng panghikayat ng mga tagasunod. Paulit-ulit lamang niyang hinihikayat ang mga Hindu sa ipagmalaki ang kanilang sariling kultura.
Nasyonalismo sa India
Unti-unting nagkaroon ng progreso ang nasyonalismo India sa huling bahagi ng ika-19 na dantaon. Ang pamamalakad ng mga british ay hindi nagustuhan ng mga Hindu kaya tinutulan nila ang mga batas na ipinatupad ng mga British sa bansa. Binuhay nila ang mga katutubong kaugalian at tradon na binago ng mga British. Hindi matanggap ng mga Hindu ang mabale wala ang kanilang kulturang kinagisnan. Naghangad ang mga Hindu na magkaroon ng malawak na partisipasyon sa pamamahala ng bansa at sa halip na pagbigyan sila sa kanilang kahilingan, ipininagpatuloy pa ng mananakop ang mapaniil na pamamahala. Ang pangyayaring ito ang nagbigay daan upang palaganapinang isang kilusang rebolusyonaryo laban sa mga British.
Winika nga ni Nehru, "Ibinalik niya ang ating lakas at pagpapahalaga sa ating pagkakakilanlan." Napiit si Gandhi dahil sa kilusang ito. Nguni't nagising niya ang damdamin ng maraming Hindu at maging mga ibang Asyano na maaaring ipaglaban ang karapatan sa pamamagitan ng mahinahong paraan.
Sa huling bahagi ng ika-19 na dantaon, umusbong ang diwa ng nasyonalismo sa Bengal, isang rehiyon sa subkontinente ng India. Gumanap ang Bengal ng isang pangunahing papel sa kilusan para sa kalayaan ng India. Doon nabuo ang grupong rebolusyonaryo na nagtangkang patalsikin ang mga British sa India.
Sa gitna ng paglaban para sa kalayaan, umigting ang tensyon sa pagitan ng mga hindu at mga muslim. Hindi sila nagtitiwala sa pamahalaang Hindu, tulad ng di nila pagtitiwala sa pamahalaang British. Dahil pinahina ng Great Britain ng digmaang pandaigdig, ipangako nito ang kalyaan ng India. Noong 1947, nagtamo ng kalayaan ang mga teritoryong British sa India matapos silang hatiin sa Union of India at Dominion of Pakistan. Sumiklab ang kaguluhan ng mga Sikh, Hindu at Muslim sa Pnjab at Bengal at kumalat ito sa ibang bahagi ng India. Mga 500,000 ang namatay sa kaguluhan. Sa panahong ito rin nakita ang isa sa mga pinakamalalaking migrasyon sa modernong kasaysayan. Mga 12 milyong Hindu, Sikh at Muslim ang naglipatan sa mga bagong likhang bansa ng India at Pakistan. Noong 1971, humiwalay ang East Pakistan sa Pakistan at tinawag itong Bangladesh.
Noong Nobyemre 26, 1949, napagtibay ang Saligang Batas ng India at nagkabisa ito noong Enero 26, 1950. Ang Parlyamentaryong uri ng pamahalaan ng India ay itinatag din sa araw na ito. Naging matatag na republika ang India sa pamumuhay ni Nehru. Kinondena niya ang sandatang nukleyar, ang imperyalismo at diskriminasyon.
Pandit Jawaharlal Nehru
Ang unang naging punong minstro ng India.
Manipestasyon ng Nasyonalismo
Full transcript