Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Pagtahi ng Gartered Shorts

No description
by

Christine Camasura

on 11 May 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Pagtahi ng Gartered Shorts

Pagtahi ng Gartered Shorts
Kahalagahan ng Shorts
Komportableng isuot sa bahay.

Simple, maluwang at madaling labhan.

Ibat-ibang desenyo at kulay ang makikita sa mga tindahan at maging sa pamilihan.

Babae o lalake man ay nagsusuot ng shorts sa mga pang-araw-araw na gawain sa bahay at sa kapaligiran at maging sa pamamasyal.

Mainam ang shorts na yari sa telang cotton dahil malamig ito sa balat, madaling sumipsip ng pawis at madaling labhan.


Mga Layunin sa Paggawa ng Gartered Shorts
Makabuo ng padron sa pamamagitan ng pagsunod sa mga panuto.
Magamit ang mga panukat nang wasto at maayos.
Maipakita ang wastong paglalatag at pag-aaspile ng padron sa tela.
Makatabas ng tela ng wasto at maayos.
Magamit ang kaalaman at kasanayan sa pananahi sa pagbubuo ng proyekto (Paggawa ng Gartered Shorts)
Makasunod sa mga panuto nang wasto at maayos.


(1) Pagkuha ng
By: Mrs. Joan G. Camasura
President Corazon C. Aquino Elementary School
Mga Hakbang sa Paggawa ng Shorts
Ang maayos na pagtatahi ng kasuotan ay nakasalalay sa wastong pagsukat ng bahagi ng katawan na kinakailangan. Kailangan din ang maayos na pagtatantiya ng lapad at haba ng telang kailangan. Ang sumusunod ay mga nagpapakita ng ibat ibang bahagi ng katawan na susukatan.


Gamitin ang medida sa pagsukat. Gamitin ang panukat na sentimetro kaysa pulgada dahil mas eksakto ang sukat na makukuha. Sa pagsukat dapat katamtaman ang higpit
at luwang. Karaniwang ipinapasok ang dalawang daliri sa loob ng medida kapag nakapaikot na ito sa bahagi ng katawan na susukatan.


TANDAAN!!
Mga Kailangang Sukat sa Paggawa ng Gartered Shorts
Balakang
-Ipaikot ang medida sa pinakamalaking bahagi ng balakang. Tiyaking maginhawa ang sukat, hindi mahigpit at hindi sobra ang luwang. Para matantiya, ipasok ang dalawang daliri sa pagitan ng balakang at medida upang makuha ang tamang luwang. Ang pangalawang balakang ay pitong pulgada mula sa baybang. Sukatin ang una at pangalawang bahagi.


Pundilyo
-Sa pagsukat ng pundilyo o punda, ilagay ang unang dulo ng medida sa may baywang. Lagyan ng ruler ang ilalim ng pundilyo. Basahin ang sukat ng medida mula baywang hanggang ruler.
Hita
-Ipaikot and medida sa bahagi ng hita na tumutugma sa tamang haba ng shorts. Karaniwan itong mga lima o higit pang pulgada mula sa tuhod.

Haba
-Ilagay ang dulo ng medida mula sa baywang pababa hanggang sa bahagi ng hita na tumutugma sa haba ng shorts.


Mga Kagamitan sa Paggawa ng Padron
Medida
Papel na Padron
Lapis
Tela
Ruler
Gunting
(2) Paggawa ng Padron
Ang wastong pag-aaspile ay mahalaga upang mailapat nang maayos ang padron sa tela. Mahalaga na hindi gumalaw ang padron kung ito ay minarkahan at ginugupit na. ang wastong paglalagay ng aspile ay malapit sa mga gilid ng padron. Mainam na maglagay muna ng aspile sa gitna ng padron upang maiwasan ang paggalaw at maging balanse ang lapat papunta sa lahat ng gilid.

(3) Paglapat ng Padron sa Tela
(4) Paglilipat ng Marka sa Tela
Sa paglilipat ng marka mula sa padron papunta sa tela, gumamit ng tailors chalk o tracing wheel. Sundan muna ang hugis ng padron. Markahan palibot. Tingnan kung ang lahat ng dapat markahan ay nagawa na.


(5) Paggupit ng Tela
Ang matagumpay na paggupit ng tela ay nangangailangan ng maayos na pamamaraan. Narito ang ilang paalala:

a. Gumamit ng matalim na paris ng gunting.

b. Ilatag ang tela kasama ng padron sa isang pantay na mesa upang madali ang paggupit. Mainam din na umikot sa mesa upang hindi na ginagalaw ang tela habang ginugupit.

c. Ilagay ang kamay malapit sa bahaging ginugupitan upang hindi gumalaw ang tela.

d. Sundan mabuti ang mga guhit ang mga guhit o marka. Huwag lalagpas dito.


Paraan sa Paggawa ng Padron
A - ang itaas na sulok at starting point

Gumuhit ng pahalang

AB – haba ng shorts
AC – sukat ng pundilyo
CD – ¼ sukat ng balakang
D – gumuhit ng paitaas
DE – 3 sm. (5 sm.para sa malaki )

Kunin ang hugis ng pundilyo / tiro sa pamamagitan ng French curve

BF – kalahati ng sukat ng hita
BB1 - 3 sm. para sa tupi
B1F1 - kalahati ng sukat ng hita + 1 sm.
EF – guhitan ng palihis na linya na nagdudugtong sa E F at F1.
 


HARAP NA PARTE:
LIKOD NA PARTE:
A - ang itaas na sulok at starting point

Gumuhit ng pahalang

AB – haba ng shorts
AC – sukat ng pundilyo
CD – ¼ sukat ng balakang
D – gumuhit ng paitaas
DE – 3 sm. (6 sm.para sa malaki )

Kunin ang hugis ng pundilyo / tiro sa pamamagitan ng French curve

BF – kalahati ng sukat ng hita
BB1 - 3 sm. para sa tupi
B1F1 - kalahati ng sukat ng hita + 2 sm.
EF – guhitan ng palihis na linya na nagdudugtong sa E F at F1.

(6) Pagtahi ng Shorts
Mga Hakbang sa Pananahi ng Gartered Shorts
Unang Hakbang

Itupi ng kalahating sentimetro ang mga gilid at tahiin upang hindi maghimulmol. Tandaan na ang tupi ay papasok sa kabaligtaran ng tela.

Pangalawang Hakbang

Pagpalapatin ang pundilyo o tiro ng harap at likod. Lagyan ng aspile at ihilbana. Tingnan kung maayos ang pagkalapat bago tahiin sa makina.

Pangatlong Hakbang

Tahiin sa makina ang pundilyo o tiro. Sundan ang hilbana. Alisin ito pagkatapos ng tahi sa makina.


Pang-apat na Hakbang

Tahiin ang lupi sa baywang . Ilupi ng tatlong sentimetro ang gilid. Ihilbana. Tahiin ang gilid sa makina. Mag- iwan ng dalawa at kalahating sentimetro para sa pasukan ng garter.


Pang-limang Hakbang

Tahiin ang lupi sa laylayan ng shorts. Itupi ng dalawat kalahating sentemetro. Ihilbana at pag- katapos ay tahiin sa makina.
Pang-anim na Hakbang

Isuksok ang garter sa baybang . Sukatin ang garter na kasing haba ng sukat ng baywang o maiksi ng dalawa o apat na sentimetro . Lipit sa hairpin o safety pin ang isang dulo ng garter at pagkatapos ay ipasok sa puwang ng baywang , hanggang makarating sa puwang na pinasukan . Tahiin sa makina ang dalawang dulo ng garter. Tahiin ang puwang na pinagpasukan ng garter.


Thank you!!
sukat ng
katawan
Full transcript