Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

ANG MGA EPEKTO NG MASS MEDIA AT SOCIAL NETWORKING SITES SA

No description
by

Zy Gariando

on 16 March 2015

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of ANG MGA EPEKTO NG MASS MEDIA AT SOCIAL NETWORKING SITES SA

ANG MGA EPEKTO NG MASS MEDIA AT SOCIAL NETWORKING SITES SA PAGHUBOG NG INTERES NG MGA MAG-AARAL SA MGA BALITANG NAPAPANAHON
ABSTRAKTO
REKOMENDASYON
Batay sa mga resulta at konklusyon ng pag-aaral na ito, iminumungkahi ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:
1. Sa mga kabataan at mag-aaral, aming inrerekomenda na maging bukas ang isipan ng mga kabataan sa mga mabuti at masamang epekto ng mass media.
2. Sa iba pang mananaliksik, aming inererekomenda na ipagpatuloy ang pagsasagawa ng pag-aaral tungkol sa usaping ito upang makapagdagdag ng kaalaman sa mga mag-aaral at pagsagot sa mga suliranin ukol sa panananaliksik na ito.

Thank you!
Ang aming pag-aaral ay naglalayong malaman ang mga epekto ng mass media sa paghubog ng interes ng mga magaaral ng Pamantasan ng Silangan ng Kalookan sa mga balitang napapanahon. Ang aming pananaliksik ay maaaring maging gabay sa mga mag-aaral ukol sa paggamit ng mass media upang malaman ang mga balitang napapanahon.



PANIMULA
Sa modernong panahon, malaki ang naging gampapanin ng mass media at social networking sites sa pagakalat ng balita hinuhubog nito ang interest at hilig ng mga kabataan ng mga mag aaral.
Ayon sa mga pag aaral karamihan sa oras ng mga mag aaralay ginugugol lamang sa social networking sites at mass media tulad ng Facebook, Twitter, Google, Myspace, Instagram, Viber, Tv, at Radyo. Malaki ang naging epekto nito sa mga mag aaral dahil sa mas namumulat ang mga mag aaral sa kaniyang paligid ngaigigng mas aktibo ang mga mag aaral sa pagbibigay ng kanilang mga opinyon at saloobin sa madla.
Ang riserts na ito ay nagpapakita ng ilan sa mga mabuti at masamang epekto ng mass media sa paghubog ng interes ng mag-aaral sa mga balitang napapanahon.

Nilalayon ng pag-aaral na ito na mabigyan ng karagdagang kaalaaman ang mga mag-aaral at kabataan ukol sa mass media. Sa mga kaalaman na maaaring maging epekto, malalaman ng estudyante kung paano nakokonek ang sariling buhay nila sa buhay na pwede magkaroon o mayroon na sila sa kasalukuyan.

KABANATA I

SULIRANIN AT SANDIGAN NG PAG-AARAL
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
1. Ano ang demograpikong propayl ng mg mag-aaral na respondente batay sa mga sumusunod:
1.1 edad
1.2 kasarian
1.3 kurso; at
1.4 uri ng mass media na kinaiinteresan
2. Paano nakakatulong ang mass media sa pagsasagap ng balita ng mga mag- aaral?
3. Ano ang mga mabuti at masamang epekto ng mass media sa buhay ng isang mag-aaral?


KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK
Ang balita ay maraming mukha ito ay maaring masakit, masaya, nakakadiri, nakakatakam, nakakaasar, nakakaaliw, nakakangawit, nakakapagpahinga, nakakasakit ng ulo, nakakapanlumo, nakakasigla, nakakapagpagaling, at marami pang iba isang tanong lamang naiiwan sa atin dapat ba tayong makinig o magbasa ng balita? Maari nating sabihin na ang sagot sa tanong na ito ay masyadong simple at kitang kita ito ay oo dahil sa balita natin kasi malalaman ang daloy ng buhay tulad ng kung may pasok bukas, kung walang masasakyan mamaya, kung kasya pa ang sweldo mo sa gagastusin mo, kung kailan ilalabas ang pelikulang gusto mo, kung nagkahiwalay na ba yung crush mo at yung nobyo nya, kung ligtas bang dumaan sa daraanan mo, kung may sasabog sa pupuntahan mo, kung ano na ginagawa ng pangulo, kung end of the world na ba, kung kailangan mong magdala ng payong, at kung anu-ano pang bagay na makakaapekto sa ating pang araw-araw ng buhay. Ito rin ay nagpapayaman ng talasalitaan, nagbibigay ito ng dagdag na karunungan. Nagpapalawak ito ng kaalaman tungkol sa nangyayari sa paligid, nagpapabatid ito sa takbo ng panahon at kalagayan, nagpapatalas ito ngkakayahang mangatwiran sa batay sa mga tiyak na kaalaman.
PAGLALAHAD NG HAYPOTESIS
Karamihan sa mga mag aaral ay gumugugol ng maraming oras sa mass media at social networking na nakakaapekto sa kanilang pag aaral. Malaki ang naitutulong social networking sites at mass media sa pag papakalap ng balita.
SAKLAW AT DELIMITASYON NG PAG-AARAL
Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa “Epekto ng Mass Media sa paghubog ng interes ng mga mag-aaral sa balitang napapanahon”. Saklaw nito ang mga mag-aaaral sa Pamantasan ng Silangan- Caloocan mula sa ika-una hanggang ika-apat na taon sa kasalukuyang semestre. Sa kahit ano mang kursong kanilang kinabibilangan, sa kahit anong edad at kasarian. Nililimitahan naman ng pag-aaral na ito ang bilang ng respondent sa tatlumpung (30) mag-aaaral lamang. Isinasama na rin ang mga mag-aaral na kabilang sa kursong COMMUNICATION sa kahit anong antas, edad, at kasarian. Naniniwala ang mga mananaliksik na masasagot ng pag-aaral na ito ang mga katanungan at makapigbigay impormasyon para sa mga mananaliksik na may katulad na paksa sa hinaharap. Ito rin ay magsisilbing ambag sa larangan ng pananaliksik patungkol sa komunikasyon sa Pamantasan ng Silangan.
PARADIGM NG PAG-AARAL
BATAYAN
PROSESO
KINALABASAN
Edad
Kasarian
Kurso
Uri ng
mass media
na
kinaiinteresan
Kuwalitatibong
Pamamaraan

Pagsarbey

Natukoy kung ano ang pinakaiinteresang mass
media ng mga mag-aaral at
kabataan sa kasalukuyan
at ang pinakamalaking
epekto nito sa mga
balitang napapanahon.
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ayon naman kina Boyd at Ellison (2007), ang social networking sites ay mga serbisyong web-based na nagbibigay sa mga indibiwal para bumuo ng isang pampublikong profile,ang tawag sa impormasyong pormal na binibigay kapag nagrerehistro (ayon sa www.gartner.com)

Ang social networking ay isang istrakturang sosyal na gawa sa mga nodes o sa mas madaling salita, mga indibidwal na konektado ng isa o maraming tema tulad ng kaugalian, ideya, pagkakaibigan, hilig, at sexual na relasyon. Dianne P. Pimentel (2009)

Ang midyang pangmasa (Ingles: mass media) ay mga midyang katulad ng radyo, internet, o iba pang mga bagay na nakakaabot sa maraming mga tao. Nalikha ang kataga o pariralang ito noong dekada ng 1920 dahil sa pagdating ng mga pambansang mga lambat-lambat o network ng radyo, mga pahayagan at mga magasin ang pangsirkulasyon sa masa o balana, bagaman umiiral na ang midyang pangmasa (tulad ng mga aklat at mga manuskrito) noong mga daang taon bago pa naging pangkaraniwan ang katawagan. Wikipedia (2014)
KABANATA III

METODOLOHIYA O PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK
KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
KABANATA V

BUOD, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
KONKLUSYON
Samakatuwid, ito ay patitibayin na maganda ang nagiging epekto ng mass media at social networking sites sa mga magaaral dahil sila ay nakakauha ng balita sa mabilis at komportableng paraan dahil sa internet. Marami din sakanila ang tiwala sa kanilang mga ‘’source’’ na pinagkukuhaan. Palagi silang may alam sa mga napapanahong balita
BUOD

Ang pag-aaral na ito ay aming ginawa upang malaman kung paano nakakaapekto ng mass media at social networking sites sa mga pagaaral ng Unibersidad ng Silangan. Ipinapakita na marami ang nagsabi na sila ay sumasan-ayon na maganda ang naidudulot ng mass media at social networking sites sa pag sagap ng mga napapanahong balita ngayon. Maraming lubos na sumasang-ayon na palagi silang may alam sa mga napapanahong balita dahil sa mass media at social networking sites.

PARAAN NG PANANALIKSIK
Nagsaliksik ang mga mag aaral sa ibat ibang search engines at library para sa mga datos. Kumuha ng 30 (tatlumpung) respondente sa Pamantasan ng Silangan sa Kaloocan. Pinasagaot ang mga mag aaral ng kolehiyo ng
survey questionnaire
ukol sa mass media at social networking site.
MGA POKUS NG PAG-AARAL
Ang pag aaral ay nakapokus lamang sa mga kolehiyo ng Pamantasan ng Silangan ng Lungsod ng Kalookan. Ang pokus din ng pag aaral ay malaman ang epekto ng mass media ang mabuti at di magandang epekto nito sa mga mag aaral sa kanilang interes sa mga balitang napapanahon.
MGA INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK

Ang pag-aaral ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang mga mananaliksik ay gumawa na sarbey-kwestyoner, kung saan ay aming malalaman ang mga kasagutan na aming kailangan patungkol sa aming paksa.
TRITMENT NG MGA DATOS
Ang mga datos ay masusing binilang at inenecode upang makita ang porsyento ng bawat iskor sa mga katanungan. Muli din binalikan ang mga questionnaire upang masiguro na walang naiwang blangko sa mga katanungan.
Full transcript