Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

UGALING PILIPINO

No description
by

realyn pascua

on 24 November 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of UGALING PILIPINO

MGA KAUGALING PILIPINO
MAY TAKOT SA DIYOS
Isang magandang katangian ng mga Pilipino ang pagtitiwala sa Panginoon. Karamihan sa kanilang mga mag-anak ay matapat sa pananampalataya. Naniniwala silang may isang Panginoong pumapatnubay sa lahat ng kanilang gawain. Batid din nilang tumutulong Siya sa mga taong tumutulong sa kanilang sarili.
MAGALANG
Isang magandang pag-uugali ng mga Pilipino ang paghalik sa kamay o pisngi at pagmamano sa matatanda. Isang paraan ito ng paggalang. Karaniwang ginagawa ito ng mga bata matapos magdasal ng orasyon, pagkagaling sa simbahan, bago umalis ng bahay, kapag may dumadating o bumisitang kamag-anak o matanda, at kapag nakita at nasalubong nila ang kanilang ninong at ninang.
BAYANIHAN
Ang karaniwang tawagan sa pagtutulungang ito ay bayanihan. Tumatawag ang magkakapit-bahay ng bayanihan kapag may malaking gawain isasagawa sa maikling panahon. Nagtutulungan ang bawa't isa upang maging magaan ang isang mahirap na gawain. Kalimitang ginagawa ito tuwing panahon ng pagtatanim at pag-aani at sa paglilipat ng isang bahay sa ibang lugar.
Karamihan sa mga mag-anak na Pilipino ay may maganda at malapit na pagsasama-sama. Nagtutulungan ang bawat kasapi sa pagsasagawa ng mga gawaing-bahay. Madalas dumadalaw sa magulang ang nag-asawang anak kapag ito'y naninirahan sa ibang lugar. Nagsasama-sama pa ang mag-anak tuwing may "family reunion" kung Pasko at iba pang pagdiriwang o okasyon. Iyan ang nagpapakita kung paano nagkakaisa ang mga mag-anak na Pilipino.
MALUGOD NA PAGTANGGAP NG BISITA
Ang ating pagpapahalaga sa ating kapwa ay nakikita rin sa ating mabuting pagtanggap sa mga bisita. Ibig nating masiyahan sila.

Pinapakain natin sila ng meryenda o anumang pagkaing ating naihahanda. Kung sila'y galing sa malayong lugar, inaanyayahan natin silang matulog sa ating tahanan. Minsan, nagpapadala pa tayo ng mga regalo o pabaon bago sila umalis.
UTANG NA LOOB
Ang Utang na Loob, ay isang utang ng tao sa taong tumulong sa kanya sa mgapagsubok na kanyang dinaanan. May mga kasabihan nga na: Ang hindi lumingon sa pinanggalinganay hindi makararating sa paroroonan.
MATULUNGIN
Ito ay isang birtud sa edukasyong pagpapahalaga na dapat nating taglayin, dahil ito ay likas sa ating mga Pilipino. Ang pagtulong sa kapwa ay maaring masuklian ng mas mabuti pa sa'ting ginawa lalo na kung kapiling mo ang Diyos. Ang pagiging matulungin ay hindi lamang maipapakita sa paggawa kundi rin sa pagsasalita.
MASAYAHIN
Ang maging masaya ay pangkaraniwan, ito ay nagtuturo sa atin na lalong maging masigla at makipag-ugnayan sa bawa’t isa. Ito rin ay naipapakita kung ano ang iyong iniisip, kung ano ang iyong binibigkas, at kung ano ang iyong ginagawa ay magkaugma.
MALAPIT SA PAMILYA
MGA IBA PANG KAUGALIANG PILIPINO
Pakikisama
Ang pakikisama ay ang kaugaliang Pilipino na nagnanais magkaroon ng maganda atmabuting pakikitungo sa iba.

Delikadesa
Isang ugali na nagpapakita kung kailan dapat na ang isang tao ay kumilos sa tama at nasa lugar.

Palabra de Honor
“May isang salita" Isang kaugalian ng mga Pilipino na kailangan tuparin ang mga sinabi nitong mga salita o pangako sa iba at hindi paiba iba ng opinyon.

Pagpapahalaga sa Damdamin
Ito ay tinaguriang pagsasaalang-alang ng saloobin ng iba.P inahahalagahan ng mga Pilipino ang damdamin ng kanyang kapwa at sinisigurong hangga’t maaari ay hindi niya ito masaktan



MARAMING SALAMAT PO.
Full transcript