Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Komposisyong Personal

No description
by

Geralyn Guinto

on 26 April 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Komposisyong Personal

Ang dyornal ay isang talaan ng mga karanasan, repleksyon, nadarama, at kung anu-ano pa ng isang indibidwal.

Sa iba, ito ay nagsisilbing instrumento para usisain o kausapin ang sarili. Ngunit para sa lahat ng manunulat, ang pagsusulat sa dyornal ay isang mabisang pagsasanay sa malikhaing pagsulat.
I. Dyornal, Kahulugan at Kalikasan
III. Mga Ideyang Maitatala sa Dyornal
* Kumuha ng mga salita sa aklat, dyaryo, magasin, liham, bilbord o sa kung saan-saan. Maaaring itala lamang ang mga salita o kung magagawa'y magsulat ng tungkol sa isa o ilang salitang iyong natala.

*Maaaring magtala sa dyornal ng mga pahayag, paglalarawan o mga tanong na pumapasok sa isipan.

*Maaaring magtala ng mga entris sa dyornal ng patula. Hindi kailangang maging malikhain o kahanga-hanga ang tula. Maaari ngang mga litanya lamang ang itala, basta may mga taludturan at tugmaan.
IV. Ang Pagsulat ng Dyornal
*Walang sinusunod na anumang pisikal na kaanyuan ang dyornal.
*Hindi rin kailangang may natapos na digri upang makapagdyornal.
*Kahit saan o kahit anong oras, pwede ring magsulat ng dyornal.
*Wala ring kailangang prikwensi sa pagsulat.
*Hindi rin kailangang maging kronolohikal ang mga tala sa dyornal.
*Wala ring sukat na dapat sundin.
*Wala ring kailangang istilo.
II. Sampung Dahilan ng Pagtatago ng Dyornal
a. Isang
travelog
Upang maging makahulugan ang pagbibiyahe sa iba't ibang lugar
b. Talaan ng mga panaginip
Kung itatala raw natin ang ating mga panaginip, gamit ang sikolohiya ay masusuri natin ang tagong kahulugan ng mga iyon
c. Isang lagbuk
Sa dyornal, maaaring isulat ang
draft
ng mga sulat para kanino man ito
d. Isang aklat ng kaisipan
Para maidokumento ang mga kapaki-pakinabang na gawain
e. Kwaderno sa pagpaplano
Para sa isang proyekto, bisnes, o anumang praktikal na gawain

Geralyn B. Guinto
Mc Daniel O. Villaranda
Komposisyong Personal
Mga akdang pansarili na ang paksa ay ang may-akda mismo.
V. Ang Dyornal Ayon sa Ilang mga Manunulat
"All writers are observers, fascinated with human goings-on, but journal writers are a special breed. I think, suspicious of their own memories, like tourist taking snapshots of everything they see. They're different from diarists, of course- diarists seem, as a whole, fascinated with their own lives; journal-keepers are snoops, fascinated with everyone else's life.
VI. Mga Halimbawa ng Entris sa Dyornal
Agosto 26, 2008
Nais kong ilabas ang aking natatagong galit sa pamamagitan ng pagsusulat. Sa paraang ito, mababawasan ang aking nararamdaman at makakalma ko ang aking sarili.
Allison J. Taberna
Hulyo 26, 2010
Ngayon ay isang mahalagang kaganapan para sa aking ate. Ikakasal na siya! Excited ang buong pamilya at ang lahat ay nagsiuwi sa aming probinsya para maging bahagi ng araw na ito.
Leslie M. Orola
Pebrero 2, 2012
hindi ko nais malimutang
quote
na nabasa ko ngayong araw:
"Either write something worth reading or do something worth writing."
-Benjamin Franklin
Sam Ruiz
Oktubre 17, 2009
Lord, salamat.
Salamat sa aking pamilya at sa walang hanggang blessings na binibigay niyo sa amin. Salamat sa buhay na ito na iniaalay ko sa Inyo. Patuloy po sana kayong maging tanglaw sa aming mga buhay. Salamat po. Amen.
Carmen delos Santos
Enero 2, 2004
Mga plano ngayong linggo:
Mag
work-out
, maglakad imbes na sumakay sa jeep, umiwas sa
softdrinks
, magligpit sa bahay, mag
garage sale
, bumisita kay Mama
Stephanie R. Manalastas
Ika-8 ng Abril, 2014
Ang buhay ng isang
call center
agent ay hindi biro. Magdamag kang gising at nagtatrabaho habang ang mga mahal mo sa buhay ay himbing na himbing sa pagtulog. Hindi rin biro ang kausapin ang iba’t ibang klase ng tao sa wikang hindi mo masyadong kabisado. Kadalasan, ang isang
call center agent
pa ang napagbubuntungan ng galit ng mga banyagang mamimili. Pero kahit ganon pa man ay may kasayahan ding naidudulot ang pagtatrabaho sa isang
call center
tulad ng pagkakaroon ng desenteng trabaho at maayos na sahod.

Ika-15 ng Marso, 2014
Sa wakas! Naipanalo rin ng Ateneo de Manila University Women’s Volleyball Team and kanilang kauna-unahang kampiyonato sa UAAP. Ang Finals Game 4 ang pinakamatindi at pinaka-nakakatuwang laro ng volleyball sa pambansang telebisyon. Hindi man ako tagahanga ng ADMU WVT pero masaya ako para sa kanila dahil makikita naman na pinaghandaan at pinaghirapan talaga nila ang laban na iyon. Kahit hindi man nanalo ang paborito kong kupunan ay okey lang dahil ibinigay din naman ng mga De La Salle Lady Archers and kanilang lahat sa larong iyon.


Ika-2 ng Pebrero, 2014
Isa sa mga pangarap ko sa buhay ay puntahan o libutin ang lahat na Disney Theme Parks sa buong mundo. Gusto kong makapunta dahil ang Disneyland ay binansagang “The Happiest Place on Earth”. Nais kong maranasan kung gaano kasaya ang makapasyal sa lugar na iyon. At gagawin ko ang lahat, makamit lang ang aking munting pangarap.


Ika-12 ng Enero, 2014
Kahapon ay aking unang araw sa pag OJT sa Dumaguete City Hall. Na destino ako mag duty sa opisina nang Sangguniang Panglungod . Maayos naman ang kanilang pag tanggap sa akin doon. itinuro nila sa akin kung paano at kung ano ang mga Gawain sa kanilang opisina. Ipinakilala ako sa mga staff o miyembro ng kanilang opisna simula sa head hanggang sa may pinaka mababa na posisyon. Wala muna ako masyado nagging trabaho kahapon kasi sabi nila pagmasdan ko lang daw muna kung paano sila mag trabaho.

Ika-2 ng mayo,2013
Dear Summer,
Sana maging mabuti ka sa akin ngayon na bakasyon. Sana ma enjoy ko ang king bakasyon pagkatapos nang aking summer class. Alam ko na kaunti lang ang aking oras at panahon na masulit ang bakasyon kasi malapit na naman ang enrollment para sa susunod na semester. Pipilitin kong ma enjoy ang mga araw na magkasama tayo at susulitin ito.

f. Batayan/Paraan ng malikhaing gawain
Ginagawang aktibo ng dyornal ang pagkamalikhain ng mga alagad ng sining
g. Imbentaryong eklektik
Maaari ring ipunin sa dyornal ang mga paboritong sawikain, mga kliping sa dyaryo at iba pa
h. Tagatago ng koleksyon
Maaari ring maglagay ng anumang kinatutuwaang koleksyon sa dyornal
i. Memoir
Talaan ng mga mahahalagang pangyayari sa isang tao
j. Isang uri ng pakikipag-usap sa sarili
Paraan ng pagtatapat o pangungumpisal sa sarili
Full transcript