Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Pag-ibig at Pag-aaral

No description
by

carla mae castro

on 21 September 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Pag-ibig at Pag-aaral

Pag-ibig at Pag-aaral
Ano ang dapat mauna?

Choice 1
Lakambini (Charlene Kate):
Sa inyong lahat ako muna’y babati
Paksa natin, tanong ay napakarami
Pag-aaral ba talagay mas matindi
O pag-ibig halina’t makiintindi

Sa paksang ito kayo po ay sisigla
Aral o pagsinta ba ang mauuna?
Pag-uusapan po natin ‘yan ngaon na
‘Wag na po tayong magpatumpik-tumpik pa

Ang maglalaban, makikilala n’yo na
Sa aking kanan, may isang dalagita
Babaeng may delikadesa, s’ya si Alena
At edukasyon ang pinapanigan n’ya

Pag-aaral (Alena):
Mapagpalang araw madla na narito
Alena ang ngalan ng nasa harap n’yo
Ako nga ang s’yang magpapatotoo
Kung an pang dapat, layunin ng tao.

Isa ka mang pilosopo o doktor
Wala ring silbi kung wala ring maglilingkod
Sayo’y magmamahal at mag-aalaga
Kapag ikaw ay inutil na at matanda

Hindi pa bumula ang wikang Balagtas
Na sa kasukdul-sukdula’y hahamak
Sa lahat, sa ngalan ng pag-ibig.
Kahit sino man ay dito sasadlak

Pag-aaral:
Alam kong kailanma’y
Walang batas na bawal magmahal
At ang pag-ibig sa buhay ay darating
At masasabing kayo talaga ang huling magkapiling

Pag-ibig:
Ang mga wika mo’y nakakaalibadbad
Sa iyong damdamin ika’y talipantas!
Sa klase ay may psychology hindi ba?
Inaaral dito ang damdami’t pagsinta

Kabilang dito ang Florante at Laura
Ang Romeo and Juliet at Ibong Adarna
Kung ‘di mo ito alam, isa kang bobo
Isang tampalasa’t alibughang tao!
Walang mararating, prinsipyong madulas
Pagbubulakbol sa akin ay taliwas
Sinasabi ko’y pawang katotohanan
Salungatin mo ma’y di mo mapapalitan

Hindi ko sinasabing ‘wag nang mag-aral
Sa akin lamang ay ang pagmamahal
Huwag itapon sa pagkapropesyonal
At matawag ang sariling isang hangal

Lakambini:
Naku naman ako’y kinakabahan na
Mas uminit yata ang labanan nila
Ano ba talaga ang mas mahalaga?
Tayo na po at bumalik sa kanila

Oops! Brian/Alena kayo ay kumalma
Matalo man ay di dapat lumuha
Hinay-hinay lang sa mga sinasagot
At sa huli, baka kayo’y magpapang-abot

Bawat salita’y nyo may talinhaga
Kaya pati ako ay napapahanga
‘Wag kaligtaan kayo ay magkalaban
Hala! Sige, tuloy po ang balagtasan!

Pag-aaral:
Kung walang utak may iibig sa’yo
Anong dignidad ang maibibigay mo?
Di ko sinasabing wag sundin ang puso
at wag na wag sabihin sa ki’y hipokrito

Kung ikaw ay matalino at titulado
Masasabing mayroong iibig sa’yo
At wag sabihing boring ang pag-aaral
Dahil sa pag-ibig sa huli ay sampal

Lakambini:
At sa kaliwa, nandito po si Brian
Sa pag-ibig, siya ay naninindigan

Pag-ibig (Brian Lester):
Akong nakatindig sa inyong harapan
Ang pag-ibig na siyang aking ilalaban
Ibabandera’t ipangangalandakan
Ako si Brian! Pagsinta aking tangan.
Lakambini:
Pag-isipang mabuti ang papanigan
Atin na pong simulan ang balagtasan
Pag-aaral:
Ako’y sumasang-ayon sa pag-aaral
‘toy dapat unahin ng walang sagabal
‘Kaw na kalaban ko humanda-handa na
Mangangatwiran daw sa pag-ibig na sinta
Huwag makumpiyansa aking katunggali
Dahil mas tiyak ako ang magwawagi

Lakambini:
Umpisa pa lang, laba’y tumitindi na
Oops! Oops! Oops! Umpisa pa lang teka muna
Sino batalaga ang nakahihigit
Maigi siguro kung kayo’y umulit

Lakambini:
Umpisa pa lang, laba’y tumitindi na
Oops! Oops! Oops! Umpisa pa lang teka muna
Sino batalaga ang nakahihigit
Maigi siguro kung kayo’y umulit

Pag-aaral:
Ngayon kinakailanga’y talino
Sabi nila aral muna bago puso
Nang sa gayo’y walang kalawang ang utak
Puso’y malaman, pag-ibig di mawasak

Pano malaman tunay na kahulugan Pag-ibig na tumatakbo sa isipan
Kung walang dunong, di maiintindihan
Pag-ibig na syang unang inaaralan
Kung ikaw ay walang pinag-aralan
Saan mapupunta ang kinabukasan?
Walang masama kung puso ang pinag-usapan
Sabi nila darating at darating yan

Kung ang inspirasyon ang s’yang hanap natin
Ating pamilya ang pagtuunan ng pansin
Dito sa laban, pakatatandaan sana
Sa panahong ‘to anong mas paiiralin pa?

Pag-ibig:
Puso sa buhay ay dapat na mauna
Dahil nang mamulat ang ‘yong mga mata
Nagisnan na ang pagmamahal ng ina
Kaya habang maaga’y pairalin na

Paghirang sa’king buhay ay pipiliin
Wala mang talino ay iibig pa rin
Sangkatutak man ang tumutol sa akin
Ako’y mananaig at lalaban pa din


Sinong pilosopo’ng tutol sa pag-ibig
At sinong henyong di riyan sasapit
Sa pag-ibig man ay talino’y makitid
At sa isipa’y pagsinta ay matarik

Sa pag-ibig buhay nati’y umaagos
Dahil rin dito tayo’y nalikha ng D’yos
Kaya marapat lang na ako’y panigan
Na siyang liyag na ‘king pinaninindigan
Pag-aaral:
Hangga’t tayong lahat ay may mga puso
Di mawawala ang salitang pag-ibig
Alam nating lahat tayo’y sasapit d’yan
At ating gagawin ay maghintay pa rin

Atin din naming nababalitaan
Na kay daming insidenteng kaganapan
Dulot ng hindi pagkakaintindihan
Sanhi ng di alam ang pagmamahalan

Di kailangan ang makitid na utak
Kung pag-ibig na ang pinag-usapan
Dahil pano nga kayo magmamahalan?
Kung di alam ang tunay na kahulugan

‘Kaw na kalaban kong panig sa pag-ibig
Sa iyo nga na ang puso’y nananaig
Ngunit utak pa rin ang magtuturo
Kung ano talaga susundin ng puso
Pag-ibig:
Kung ‘di magmalinis, ika’y umibig din
Kaya ano’ng yong isusumbat sa akin?
Kaya ang isang henyo’y ano ang tarik?
Kung sa kanya’y wala at walang iibig?

Sa pag-ibig di kaylangan ng propesyon,
Thesis, Lisensya at Board Examination.
Kung ikaw lamang ay hindi iibig
Mag-aaral lamang at ligaya’y waglit
Lakambini:
Mukhang ang laba’y mas lalong iinit
Sandali ako po muna’y sisingit
Sa inyong dalawa, ako papagitna
Hayaan po munang ako’y magsalita

At muli si Alena po ay bigyang daan
Nang marinig ang kanyang pangangatwiran

Pag-aaral:
Lalaki, kung walang pinag-aralan may iibig sa’yo?
Kung meron may sa edukasyon maisasabay mo
Bakit din na lang ibign ang pamilya
Na s’yang obligadong mahalin natin muna

Di ko sinasabi na bawal umibig
At mas lalong magiging matandang dalaga
Sa sinabi mong di kaylangan ang propesyon
Ako’y sadyang di sasang-ayon doon

Dahil kung talagang mahal ang isang tao
Iisipin ang kinabukasan nito
At maski pinturahan mo ang kalawang
Sa likod nito hindi matatagal
Lakambini:
Hayan nanaman babanat na si Brian
Buksan ang tenga’t siya’y ating pakinggan
Pag-aaral:
Sa pag-aaral kaylanaga’y papel at bolpen
Di sasabayan ng tsokolate’t rosas
Kung wala kang prinsipyo walang iibig
At wika ko ba’y pawing kasinungalingan?

Di ko sinsasabing bawal ang umibig
Di ko sinasabing ‘di to pairalin
Sinasabi ko’y to muna ang aralin
Nang sa gayon ang puso ay hindi mangmang
Di ko sinasalungat ating aralin
Florante’t Laura, Romeo, Juliet at Adarna
Hindi ba’t pinag-aralan muna nila
Inunawa’t sinuri tsaka pinakita

Pagiging propesyonal ay mahalaga
Pagkat iniisip kinabukasang sinta
Tsaka natin malaman, kahulugan
Ang sigaw ng puso mong pagmamahalan
Pag-ibig:
Ako’y isang ehemplo ng mag-aaral
Na umiibig subalit nagsisikap
Ako rin ay isa lamang sa patunay
Sa halip na naliligaw ay umunlad

Kung ‘di pagbigyan ang kundiman ng puso
Pagsisisi ang matatamo sa dulo
Sa’yo at sayo’y aking ipapanuto
Sa buhay ay wag masyadong hipokrito
Minsan lang sa pagkabata ay dadanas
Na ‘di maibabalik sa anong sikap
Ikaw ma’y matalino at titulado
Ngunit wala naming iibig sa iyo

Walang kalawang na hindi natatanggal
Pinturahan ng panibagong kulay.
Kung pag-aaral lamang ito ay boring
Umibig na lamang kaysa magpasaring
Pag-ibig:
Mainam ang mag-aral at suminta
Sabay mangangarap, sabay liligaya
Tagumpay ay magkasamang maaabot
At sa dulo ng lahat: ANG PAGTATAPOS

‘Di ba’t kay sarap kung pakikinggan?
Walang iwanan, magkasamang tutunghay.
Ang matapos maglakbay sa karunungan
Na nilakad ng sabay at hawak-kamay
Pag-aaral:
Mas mainam ang mag-aral ng mag-isa
Kaysa dalawa, dalawa rin ang problema

Kailangan pa bang magkasama sa paglakbay?
Pano kung madapa siya, madadapa rin iyong buhay
Ba’t di nalang magkaroon sariling tulay
Kayswa maglakbay ng sabay at hawak-kamay
Pag-ibig:
Dignidad ay di na dapat pag-aralan
Dahil yan ay taglay no’ng una pa lamang
Ano nga ba ang iyong maisasampal?
Sa mga taong nangangarap ng sabay?

Ang pag-ibig sa iyong katipan
Kaylanma’y di dapat na pinaghihintay
Walang masamang dalawa’y magkasabay
Di rin problema kapag nagmamahalan.

Pag-ibig:
Ikaw ay edukada, sosyalista
May narating grand’yosa at glamorosa!
Magaling may wala naming kapareha
Walang lumigaw at tatandang dalaga.
Pag-aaral:
Kung ako ay edukada sosyalista at glamorosa
May iibig sa’kin sinta
Kapag magaling mayroon at mayroong kapareha
At wag sasabihing tatandang dalaga
Pag-ibig:
Kung madadapa lang rin ang aking liyag
Aking itatayo sa pagkalupaypay.
Di hahayaang masubsob aking hirang
Na nagtayo sa’ming liwasang-pangarap
Pag-aaral:
Hoy Shrek na brown
Wag masyadong atribida
Oh, ako’y nagtataka,
Nagsasalita ang halimaw sa banga
Pag-ibig:
Ay sus Mariano Garapon!
Di ka yata nila pinakain ng isang taon
Aling payat kapit-kapit din at baka liparin ka ng hangin
Careful ka lang sa daanan, baka buto mo’y magkalasan
Pag-aaral:
Kael? Samuel? Ikaw ba yan? O Peruha at Anito ng Saragnayan
Juan Dela Cruz kailangan kita, may aswang dito yata.
Madlang people, hindi ba kayo nabigla?
Nakawala ang tsongo na to, halina’t ibalik natin sa zoo.
Pag-ibig:
Nako, Mariang kulambo! Mahabag ka naman!!
Bakit may kalansay na nakatayo sa’king harapan?
Buto’t balat, dilat ang mata,
Ako’y nagtatanong ba’t nabuhay ka pa
Lakambini:
Ang tunggalia’y tila magpapanuntok
Tila rin bombing atomikong sasabog!
Sino ba sa kanila ang mas matindi?
Palakpak n’yo ang siyang magsasab

Sino ba ang kay Alena pumapanig?
Maaari bang pumalakpak nang siya’y panalunin?
Sino rin ang kay Brian ay bumibilib?
Kayo’y manindiga’t panalunin ang kaanib.
Talagang napakagaling ng dalawa
Ngunit si _____ ang malakas sa madla.
Walang mintis ang kanan man o kaliwa
Ito’y di maikakaila

Aking isasarado ang entabladong sunog
Sa gitna ng lahat ng pagpapasabog
Maraming salamat sa mga nakinig!
Tapos na ang laban ng talas ng bibig.
Full transcript