Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Pag-aaral (Alena):
Mapagpalang araw madla na narito
Alena ang ngalan ng nasa harap n’yo
Ako nga ang s’yang magpapatotoo
Kung an pang dapat, layunin ng tao.
Pag-ibig (Brian Lester):
Akong nakatindig sa inyong harapan
Ang pag-ibig na siyang aking ilalaban
Ibabandera’t ipangangalandakan
Ako si Brian! Pagsinta aking tangan.
Pag-aaral:
Ako’y sumasang-ayon sa pag-aaral
‘toy dapat unahin ng walang sagabal
‘Kaw na kalaban ko humanda-handa na
Mangangatwiran daw sa pag-ibig na sinta
Huwag makumpiyansa aking katunggali
Dahil mas tiyak ako ang magwawagi
Pag-aaral:
Ngayon kinakailanga’y talino
Sabi nila aral muna bago puso
Nang sa gayo’y walang kalawang ang utak
Puso’y malaman, pag-ibig di mawasak
Pano malaman tunay na kahulugan Pag-ibig na tumatakbo sa isipan
Kung walang dunong, di maiintindihan
Pag-ibig na syang unang inaaralan
Kung ikaw ay walang pinag-aralan
Saan mapupunta ang kinabukasan?
Walang masama kung puso ang pinag-usapan
Sabi nila darating at darating yan
Kung ang inspirasyon ang s’yang hanap natin
Ating pamilya ang pagtuunan ng pansin
Dito sa laban, pakatatandaan sana
Sa panahong ‘to anong mas paiiralin pa?
Pag-ibig:
Puso sa buhay ay dapat na mauna
Dahil nang mamulat ang ‘yong mga mata
Nagisnan na ang pagmamahal ng ina
Kaya habang maaga’y pairalin na
Paghirang sa’king buhay ay pipiliin
Wala mang talino ay iibig pa rin
Sangkatutak man ang tumutol sa akin
Ako’y mananaig at lalaban pa din
Sinong pilosopo’ng tutol sa pag-ibig
At sinong henyong di riyan sasapit
Sa pag-ibig man ay talino’y makitid
At sa isipa’y pagsinta ay matarik
Sa pag-ibig buhay nati’y umaagos
Dahil rin dito tayo’y nalikha ng D’yos
Kaya marapat lang na ako’y panigan
Na siyang liyag na ‘king pinaninindigan
Pag-aaral:
Hangga’t tayong lahat ay may mga puso
Di mawawala ang salitang pag-ibig
Alam nating lahat tayo’y sasapit d’yan
At ating gagawin ay maghintay pa rin
Atin din naming nababalitaan
Na kay daming insidenteng kaganapan
Dulot ng hindi pagkakaintindihan
Sanhi ng di alam ang pagmamahalan
Di kailangan ang makitid na utak
Kung pag-ibig na ang pinag-usapan
Dahil pano nga kayo magmamahalan?
Kung di alam ang tunay na kahulugan
‘Kaw na kalaban kong panig sa pag-ibig
Sa iyo nga na ang puso’y nananaig
Ngunit utak pa rin ang magtuturo
Kung ano talaga susundin ng puso
Pag-ibig:
Kung ‘di magmalinis, ika’y umibig din
Kaya ano’ng yong isusumbat sa akin?
Kaya ang isang henyo’y ano ang tarik?
Kung sa kanya’y wala at walang iibig?
Sa pag-ibig di kaylangan ng propesyon,
Thesis, Lisensya at Board Examination.
Kung ikaw lamang ay hindi iibig
Mag-aaral lamang at ligaya’y waglit
Pag-aaral:
Lalaki, kung walang pinag-aralan may iibig sa’yo?
Kung meron may sa edukasyon maisasabay mo
Bakit din na lang ibign ang pamilya
Na s’yang obligadong mahalin natin muna
Di ko sinasabi na bawal umibig
At mas lalong magiging matandang dalaga
Sa sinabi mong di kaylangan ang propesyon
Ako’y sadyang di sasang-ayon doon
Dahil kung talagang mahal ang isang tao
Iisipin ang kinabukasan nito
At maski pinturahan mo ang kalawang
Sa likod nito hindi matatagal
Pag-ibig:
Ang mga wika mo’y nakakaalibadbad
Sa iyong damdamin ika’y talipantas!
Sa klase ay may psychology hindi ba?
Inaaral dito ang damdami’t pagsinta
Kabilang dito ang Florante at Laura
Ang Romeo and Juliet at Ibong Adarna
Kung ‘di mo ito alam, isa kang bobo
Isang tampalasa’t alibughang tao!
Walang mararating, prinsipyong madulas
Pagbubulakbol sa akin ay taliwas
Sinasabi ko’y pawang katotohanan
Salungatin mo ma’y di mo mapapalitan
Hindi ko sinasabing ‘wag nang mag-aral
Sa akin lamang ay ang pagmamahal
Huwag itapon sa pagkapropesyonal
At matawag ang sariling isang hangal
Pag-aaral:
Sa pag-aaral kaylanaga’y papel at bolpen
Di sasabayan ng tsokolate’t rosas
Kung wala kang prinsipyo walang iibig
At wika ko ba’y pawing kasinungalingan?
Di ko sinsasabing bawal ang umibig
Di ko sinasabing ‘di to pairalin
Sinasabi ko’y to muna ang aralin
Nang sa gayon ang puso ay hindi mangmang
Di ko sinasalungat ating aralin
Florante’t Laura, Romeo, Juliet at Adarna
Hindi ba’t pinag-aralan muna nila
Inunawa’t sinuri tsaka pinakita
Pagiging propesyonal ay mahalaga
Pagkat iniisip kinabukasang sinta
Tsaka natin malaman, kahulugan
Ang sigaw ng puso mong pagmamahalan
Pag-ibig:
Ako’y isang ehemplo ng mag-aaral
Na umiibig subalit nagsisikap
Ako rin ay isa lamang sa patunay
Sa halip na naliligaw ay umunlad
Kung ‘di pagbigyan ang kundiman ng puso
Pagsisisi ang matatamo sa dulo
Sa’yo at sayo’y aking ipapanuto
Sa buhay ay wag masyadong hipokrito
Minsan lang sa pagkabata ay dadanas
Na ‘di maibabalik sa anong sikap
Ikaw ma’y matalino at titulado
Ngunit wala naming iibig sa iyo
Walang kalawang na hindi natatanggal
Pinturahan ng panibagong kulay.
Kung pag-aaral lamang ito ay boring
Umibig na lamang kaysa magpasaring
Pag-aaral:
Kung walang utak may iibig sa’yo
Anong dignidad ang maibibigay mo?
Di ko sinasabing wag sundin ang puso
at wag na wag sabihin sa ki’y hipokrito
Kung ikaw ay matalino at titulado
Masasabing mayroong iibig sa’yo
At wag sabihing boring ang pag-aaral
Dahil sa pag-ibig sa huli ay sampal
Pag-ibig:
Mainam ang mag-aral at suminta
Sabay mangangarap, sabay liligaya
Tagumpay ay magkasamang maaabot
At sa dulo ng lahat: ANG PAGTATAPOS
‘Di ba’t kay sarap kung pakikinggan?
Walang iwanan, magkasamang tutunghay.
Ang matapos maglakbay sa karunungan
Na nilakad ng sabay at hawak-kamay
Pag-aaral:
Mas mainam ang mag-aral ng mag-isa
Kaysa dalawa, dalawa rin ang problema
Kailangan pa bang magkasama sa paglakbay?
Pano kung madapa siya, madadapa rin iyong buhay
Ba’t di nalang magkaroon sariling tulay
Kayswa maglakbay ng sabay at hawak-kamay
Pag-aaral:
Alam kong kailanma’y
Walang batas na bawal magmahal
At ang pag-ibig sa buhay ay darating
At masasabing kayo talaga ang huling magkapiling
Pag-ibig:
Ikaw ay edukada, sosyalista
May narating grand’yosa at glamorosa!
Magaling may wala naming kapareha
Walang lumigaw at tatandang dalaga.
Pag-aaral:
Kung ako ay edukada sosyalista at glamorosa
May iibig sa’kin sinta
Kapag magaling mayroon at mayroong kapareha
At wag sasabihing tatandang dalaga
Pag-ibig:
Kung madadapa lang rin ang aking liyag
Aking itatayo sa pagkalupaypay.
Di hahayaang masubsob aking hirang
Na nagtayo sa’ming liwasang-pangarap
Pag-aaral:
Hoy Shrek na brown
Wag masyadong atribida
Oh, ako’y nagtataka,
Nagsasalita ang halimaw sa banga
Pag-ibig:
Ay sus Mariano Garapon!
Di ka yata nila pinakain ng isang taon
Aling payat kapit-kapit din at baka liparin ka ng hangin
Careful ka lang sa daanan, baka buto mo’y magkalasan
Pag-aaral:
Kael? Samuel? Ikaw ba yan? O Peruha at Anito ng Saragnayan
Juan Dela Cruz kailangan kita, may aswang dito yata.
Madlang people, hindi ba kayo nabigla?
Nakawala ang tsongo na to, halina’t ibalik natin sa zoo.
Pag-ibig:
Nako, Mariang kulambo! Mahabag ka naman!!
Bakit may kalansay na nakatayo sa’king harapan?
Buto’t balat, dilat ang mata,
Ako’y nagtatanong ba’t nabuhay ka pa
Isa ka mang pilosopo o doktor
Wala ring silbi kung wala ring maglilingkod
Sayo’y magmamahal at mag-aalaga
Kapag ikaw ay inutil na at matanda
Hindi pa bumula ang wikang Balagtas
Na sa kasukdul-sukdula’y hahamak
Sa lahat, sa ngalan ng pag-ibig.
Kahit sino man ay dito sasadlak
Pag-ibig:
Dignidad ay di na dapat pag-aralan
Dahil yan ay taglay no’ng una pa lamang
Ano nga ba ang iyong maisasampal?
Sa mga taong nangangarap ng sabay?
Ang pag-ibig sa iyong katipan
Kaylanma’y di dapat na pinaghihintay
Walang masamang dalawa’y magkasabay
Di rin problema kapag nagmamahalan.