Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Copy of Mabisang Pagsulat

Report on Komunikasyon 1
by

grace imperial

on 15 September 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Copy of Mabisang Pagsulat

Mabisang Pagsulat
Kahulugan ng Pagsulat
Kahalagahan ng Pagsulat
Uri ng Pagsulat
Ang pagsulat ay isang natatanging kakayahan ng tao na malinaw na makapagtala o makapag-imprenta sa papel ng mga karakter at simbolo, tuloy, makaporma ng mga salita, pangungusap, at talata para makapagbigay ng mga ideya o mga impormasyon sa mga mambabasa sa tawag ng komunikasyon. (Arrogante, et al. 2007)
Ang pagsulat ay isang paraan upang ang kaisipan ng isang tao ay kanyang maipahayag sa pamamagitan ng mga simbolo. Ito ay isang paraan ng pagpapahayag kung saan naiaayos ang iba’t ibang ideya na pumapasok sa ating isipan.
Teknikal ang pagsulat sapagkat hindi basta’t sumusulat, may proseso itong pinadaraanan. Isinasaalang-alang ang paggamit ng bantas, angkop na gamit ng mga salita at maayos na pagbuo ng mga pangungusap.
Ang pagsulat ay isang prosesong sosyal, produkto sa sosyo-kultural na konteksto na nakaapekto sa pagkatuto (Lydia Lalunio).
Ang pagsulat ay isang mental at pisikal na aktibidad para sa iba’t ibang layunin.
Naipapahayag ang sariling damdamin
Naipararating ang mga impormasyon sa iba.
Nalilinang ang malikhain at lohikong pag-iisip. Bago pa man magsulat, karaniwan nang nag-iisip, nag-aanalisa at nagsusuri ng mga datos na napakinggan o nabasa ang tao.
Nakapag-iingat ng kultura at kabihasnan ng isang lahi. Kailangan ang pagtatala ng mga pangyayari nang nakalipas upang patuloy na ito’y maingatan at mabuhay sa alaala ng mga tao sa kasalukuyan, kinabukasan at ng hinaharap.
Kung marunong tayong sumulat makaaangat tayo sa iba dala na rin ng mahigpit na kompetisyon sa ngayon.
Makasasagot tayo sa mga pagsusulit na pasanaysay, pagbibigay ng ulat, pagtatala ng resulta ng mga eksperimentasyon at paglikha ng mga papel pananaliksik dahil ito ay bahagi ng pananagumpay.
Sa daigdig ng edukasyon,kailangang sumulat tayo ng liham ng aplikasyon, paggawa ng balangkas pangkaunlaran, gumawa ng anunsyo, umapila sa paglilikom ng pondo, sumagot sa pakiusap ng mga kliyente at maramipang iba.
sulating pormal
sulating di-pormal
Ang sulating pormal ay mga sulating may malinaw na daloy at ugnayan ng pangunahing paksa at detalyadong pagtalakay ng balangkas ng paksa.
Ito ay galing o bunga ng leksyon na pinag-aralan at tinakay sa klase, forum, seminar. Piling-pili ang mga salitang ginagamit sa pagsulat ng mga sulating pormal.
Ang mga di-pormal na sulatin ay mga sulatin na malaya ang pagtalakay sa paksa, magaan ang pananalita, masaya at may pagkapersonal na parang nakikipag-usap lamang sa mga mambabasa.
Ang mga pagsasanay sa pagsulat o paglikha ng kathang di-pormal ay siyang gagawing paghahanda at basehan para sa pagsulat ng kathang pormal.
Iba pang klasipikasyon ng mga sulatin:
personal
transaksyunal
malikhain
Proseso ng Pagsulat
BAGO MAGSULAT (PRE-WRITING)
Ito ang unang bahagi kung saan pinaplano ng manunulat ang paksang kanyang isusulat. Kasama ang pangangalap ng impormasyon o datos na makakatulong nang malaki sa paglalaman ng kanyang isusulat.
PAGSUSULAT NG BURADOR O RAF DRAFT
Sa bahaging ito pansamanatalang isinusulat ang pagbabalangkas ng ideya at maaaring revisahin nang paulit-ulit.
PAGREREVISA
Ito ang yugto ng pagbabasang muli ng burador. Maaaring paulit-ulit ito depende sa pangangailangan. Sa yugtong ito, maaaring magpalit, magdagdag o magbawas ng mga impormasyon ang isang manunulat.
PAG-I-EDIT
Gawain sa pag-i-edit ang pagrerevisa sa nilalaman at isitilo ng pagkakasulat, gayundin, pinakatitiyak sa yugtong ito na maitama ang mga nagawang kamalian sa grammar/balarila at sa mekaniks gaya ng gamit ng bantas, ng malalaking titik, at ispeling.
PAGWAWASTONG-BASA O PROOFREADING
Ang pagwawastong-basa ay dili’t iba kundi ang masinsinang pagbasa sa pinal na kopya ng manuskripto para makatiyak sa kalinisan nito, na wala nang anupamang kamaliang makikita pa sa kopya gaya ng ispeling, mga gamit ng bantas, mga kamaliang tipograpikal, atbp., sa gayon, makatitiyak sa kalidad ng anumang akda at naaayon sa kahilingan ng istandard.
FINAL NA DOKUMENTO
Ito ang kinalabasan o awtput ng mga ideya.
Mekanismo ng Pagsulat
Pag-asinta (Triggering)
Kailangang may isang bagay na magsisilbing daan upang tayo’y sumulat. Kung tayo’y may paniniwala sa ating sarili, matutuklasan natin ang mga paraan upang magtagumpay sa pagsulat. Makalilikha ng mabuting sulatin ang sinuman kung nailalagay niya ang kanyang sarili sa paksa.
Pagtipon (Gathering)
Anumang paksang napili, kasilangan pa ring magdaan sa masusing pagsasaliksik at pagtuklas. Kailangang makapangalap ng sapat na materyales at ebidensyag magpapatunay. Bukod sa ating sariling karanasan, maaari tayong magsaliksik sa dyornal, magazine, ensayklopedya, pahayagan, interbyu at maging sa panonood ng sine at telebisyon.
Paghugis (Shaping)
Habang nangangalap tayo ng mga materyales, binbigyan na natin ng hugis an gating paksang susulatin. Maaari na nating sulatin ang burador na maaari ring maging batayan sa pangangalap ng mga kagamitan. Kailangan Makita natin ang pokus n gating paksa sa pamamagitan ng pagtatanong sa sarili kung ano ang tunay na paksa.
Pagrebisa (Revising)
Ang isang sulatin ay hindi nakukuha sa isang upuan lamang. Ang isang mabuting papel ay nagdadaan ng ilang yugto ng pag-unlad mula sa mga di-formal na tala tungo sa unang burador, hanggang sa paynal na papel. Karamihan sa mga nalathalang sulatin ay dumaan ng mga pagbabago at muling pagsulat hanggang sa maabot nito ang pinakawasto at tumpak na pamaraan ng pagsulat.
M
Mga Elemento ng Retorika
PAGBUO NG MGA SALITA
PAGBUO NG PANGUNGUSAP
ANG TALATA
1.Karaniwang iisang pantig ang kataga, walang tiyak na kahulugan kung nag-iisa ngunit nagkakaroon ng saysay kapag napapsama sa ibang salita.
Ang bahagi ng pananalitang kinauukulan at ang kahulugan ay nababatay sa salita o pahayag na sinasamahan.
2.Ang salitang-ugat ay binubuo ng dalawang pantig lamang, bagaman mayroon ding tatlong pantig. Ang mga salitang ugat ang ginagawang saligan sa pagbubuo ng mga salitang inuulit, nilalapian, o tinatambalan.
3.Sa salitang inuulit, ang maaaring ulitin ay ang pantig, ugat, kataga o ang buong salita.
4.May mga salitang ugat na ang mga kataga’y inuulit. Ang mga ito’y hindi nararapat na lagyan ng gitling. Ito ang madalas na ipinagkakamali ng marami
5.Ang mga salitang tambalan ay binubuo ng dalawang salitang magkaiba na pinagsama. Ang mga ito’y may dalawang uri:
a.Malatambalan – may dalawang salitang pinagsasama na ang dating kahulugan ay hindi nawawala. Nilalagyan ito ng gitling sa pagitan.
b.Ganap na Tambalan – ang pinagsamang salita ay dala pa rin ng sariling kahulugan ngunit nagkakaroon ng pangatlong kahulugan; walang gitling.
6.Ang mga salitang maylapi ay pagsasama ng ugat at panlapi at ang bawat panlapi ay may dalang kahulugan sa ugat at panlapi at ang bawat panlapi ay may dalang kahulugan sa ugat na sinamahan.
Ang pangungusap ay binubuo ng mga salitang nagpapahayag ng buong diwa o kaisipan.
AYOS NG PANGUNGUSAP
May dalawang ayos ang pangungusap: karaniwan at di-karaniwan. Nagsisimula sa panaguri ang pangungusap sa karaniwang ayos samantalang ang di karaniwan ay kakikitaan o ginagamitan ng ay.
URI NG PANGUNGUSAP AYON SA PARAAN NG PAGPAPAHAYAG
1.Paturol – nagsasaad, nagsasalaysay
2.Patanong
3.Pautos
4.Padamdam
Binubuo ang alinmang sulatin ng paksang pangungusap at ng mga talata na naglalaman ng mga palagay o pagkukuro at iba pang mga kaisipang bahagi ng kabuuang paksang tinatalakay.
PAKSANG PANGUNGUSAP
Ang paksang pangungusap na kailangan mayroon sa bawat talata ang nagsasaad ng pangunahing kaisipan o ng pinakadiwa ng talata na agarang ipinapakita o tahasang ipinahihiwatig ng may-akda sa mambabasa. Ito’y kadalasang sa panimulang pangungusap pa lamang.
ANG TALATA
Isang pangunusap na nagsasaad ng isang buong diwa o lipon ng mga pangungusap na ang bawat inihahayag na kaisipan ay napopokus sa pagbuo ng iisang diwa ang talata.
Apat na Uri ng Talata
Panimulang Talata
Talatang Ganap
Talatang Paglilipat-diwa
Talatang Pabuod
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGBUO NG ISANG TALATA
Kaisahan
Kakipilan
Imfasis
Ang mahigpit na hinihingi dapat bawat pangungusap ay tumutulong sa pagbuo ng nasabing pangunahing kaisipan. Magsisilbing mga detalye itong maaaring magbigay-impormasyon, o di kaya’y magpaliwanag.
Kaugnayan at kaiklian ng mga pananalita ang tinutukoy ng salitang kakipilan. Kipil, sa diksyunaryo, ito’y nangangahulugan ng mahigpit na paghawak tulad sa putik upang madikit o mabuo, o sa simpleng pananalita, kompresyon.
Nasa pagpili ng tama’t tiyak na salitang idinidetalye sa pangungusap, o dili kaya’y tahas na tinutukoy ang salita o lantarang ipinahihiwatig, obvious, sabi sa Ingles, para sadyang lumutang ang kalinawan at kaibahan nito sa mga kasama, at para bigyang-diin ang dating nito’t hitsura.
Gabay sa Pagsulat ng Komposisyon
ORGANISASYON NG TEKSTO
Ang lahat ng sulating pang-akademiko ay binubuo ng apat na bahagi:
Titulo o Pamagat
Naglalaman ito ng titulo o pamagat ng papel; pangalan ng sumulat, petsa ng pagkasulat o pagpasa, at iba pang impormasyon na maaaring tukuyin ng guro.
Introduksyon o Panimula
Karaniwang isinasaad dito ang paksa, kahalagahan ng paksa, dahilan ng pagsulat ng paksa at pambungad na talakay sa daloy ng papel.
Katawan
Dito matatagpuan ang mga pangunahing pagtalakay sa paksa. Ang pangangatwiran, pagpapaliwanag, pagsasalaysay, paglalarawan at paglalahad ay matatagpuan sa bahaging ito.
Kongklusyon
Dito nilalagom ang mga mahahalagang puntos ng papel. Isinasaad din sa bahaging ito ang napatunayan o napag-alaman batay sa paglalahad at pagsusuri ng mga impormasyong ginagamit sa papel o pananaliksik.
KATANGIAN NG KOMPOSISYON
Kaisahan
Pagkakaroon ng iisang paksang tinatalakay na hindi napapsukan ng mga detalye o kaisipang nalilihis sa paksa.
Kaugnayan
Maayos na pagkakasugpong-sugpong ng mga pangungusap na nagbibigay ng lohikal na pagkakabuo ng kaisipan.
Kalinawan
Paggamit ng payak na pangungusap, mga salitang angkop sa babasa at maingat na paghahanap ng kaisipan kung magpapaliwanag.
GABAY SA PAGSULAT NG SULATIN
Pakinggan ang mga ideya habang isinusulat.
Iwasan ang matatayog na salita.
Huwag gagamit ng mga salitang balbal.
Iwasan ang mga gasgas nang idioma.
Gumamit ng mga salita o pariralang sariwa pa’t mapang-akit na kaiinteresan ng bumabasa.
Sabihin lang ang dapat sabihin.
Isaalang-alang ang mahahalagang detalyeng makasasapat sa paglalarawang-diwa o pagpapatunay sa punto.
Maging limitado sa panuring (pang-uri o pang-abay) nang hind imaging redundant.
Isakongkreto ang mga pangngalan at isaaktiv ang mga pandiwa para mabawasan ang pagdaragdag ng mga panuring.
Ipagpatuloy ang pagsulat hanggang maramdamang sapat na.
Magwakas sa inaakalang kinikintal sa isip at damdamin ng mambabasa ang binasa.
Pakatingnan ang ispeling, ang gamit ng mga salita kung naaangkop o hindi , ang gamit ng mga bantas, at ang istruktura ng mga pangungusap para maging pulido ang final na kopya ng manuskripto.
GABAY SA PAGLIKHA NG PAMAGAT
Ang pamagat ay dapat na magbigay ng tiyak at may hangganang indikasyon ng nilalaman ng sulating tinatahak.
Ang pamagat ay dapat na maging kaakit-akit at kawili-wili sa mambabasa sa pamamagitan ng pagiging orihinal nito o dili kaya’y sa pagtataglay ng makatawag-pansing parirala.
Ang pamagat ay dapat na magbigay ng kapanabikan sa mambabasa. Dapat itong mag-iwan ng palaisipan.
Ang pamagat ay hindi nangangailangang maging mahaba.
Mga Anyo ng Pagpapahayag
PAGLALAHAD
Ang paglalahad ay isang paraan ng pagpapahayag na naglalayong magbigay ng kabatiran at paliwanag o kaya’y tumugon sa anumang pangangailangang panlipunan, pambayan o kaya’y pangkarunungan. Hangarin nito na magpakilos, magpasiya, bumuo at pumukaw ng isipan sa di sinasadyang paraan o pagkakataon.
MGA KAILANGAN NG PAGLALAHAD
Paksang nais ipahayag sa paglalahad.
Katangian ng bagay, pangyayari, gawain o tao na saklaw ang pagkakatulad at pagkakaiba-iba ng mga ito.
Panahon at pook na pinangyarihan at mga kasangkot na pangyayari.
Katayuan o kalagayan ng anumang saklaw ng paglalahad.
Magiging bunga ng paglalahad sa mga nakikinig o bumabasa.
Pangangailangan at mga suliraning dapat lutasin.
ANYO NG PAGLALAHAD
PAGBIBIGAY-KAHULUGAN
Ang pagbibigay-kahulugan ay isang paraan ng paglalahad na nagbibigay ng katuturan o kabatiran sa isang bagay, paksa o kaya’y katawagan na nais pakahuluganan.
Dalawang pamamaraan ang magagamit sa Pagbibigay-kahulugan:
Maanyo o Simpleng Depinisyon – sa pamamagitan ng isang pangungusap ay ibibigay ang pakahulugan ng salita.
Pagsasanay – higit na mahaba kaysa isa o dalawang pangungusap ang kinakailangan upang matukoy ang kahulugan. Masinsinan ang pamamaraan ng pagtukoy sa katangian at kaibahan nito sa mga kauri.
PAG-UULAT
Ang pag-uulat ay isang paraan ng pagpaparating at pagbibigay ng kaalaman sa mga nakikinig ng anumang bagay na nais ipahayag bunga ng pananaliksik, pag-aaral, karanasan, pakikipanayam, talakayan o isyu na nabasa o narinig na isinasagawa ng isang tagapag-ulat sa paraang pasalita.
Tatlong uri ng ulat:
a.Ulat Pananaliksik
b.Ulat Tekniko
c.Ulat sa Panayam o Pagbasa
Katangian ng isang mabisang ulat:
a.Kapani-paniwala
b.Kapaki-pakinabang
c.Nauugnay
d.Kawili-wili
Kailangan ng isang mabuting tagapag-ulat:
a.Tiwala sa sarili
b.Kahandaan
c.Katimpian at kakinisan
d.Masining na pamamaraan
SANAYSAY
Malawak ang maaaring maging tema nito sapagkat ang pinapaksa ay buhay. Ang mga nakapaloob na kaisipan dito ay mula sa manunulat kaya’t makatutulong ito sa pagpapayaman ng kaisipan, madagdagan ang karanasan at mapalalim ang pag-unawa.
Dalawang estilo ng sanaysay:
Formal (Pormal) – lohikal ang paraan ng paglalahad ng mga kaisipan, ang pagbuo ay sumusunod sa isang balangkas, himig seryoso at tila may awtoridad kung saan mababanaag ang panahong iniukol sa pag-aaral ng mga detalyeng ipinahayag.
Informal (Di-pormal) – mas malaya at maluwag ang tono at himig, halos nakikipagbiro at animo’y nakikipagpalitan lamang ng kuru-kuro. Kawili-wili itong basahin bagama’t nakatanim pa rin ang kaisipang nais ipahatid.
PANUTO
Ang mga anyo nito ay resipi, handbook sa pagbuo ng isang kasangkapan, placard ng direksyon, ang mga paalala sa panimula ng pagsusulit o pagsasanay.
PANUNURI O KRITISISMO
Pinahahalagahan, tinitimbang at pinagpapasyahan ang konseptong nakapaloob sa akda. Nangangailangan ito ng sapat na kakayahan, husay at panahon upang mapagtagumpayan. Karaniwang sumasailalim sa prosesong panunuri ang mga akdang literature.
PAGSASALAYSAY
Isang paraan ng maanyong pagpapahayag ang karaniwang nag-uugnay ng mga pangyayari sa paraang pagkukuwento at paghahatid-kasaysayan batay sa kung ano ang nabasa, narinig, nakita at naranasan o naramdaman. Ito ang pinakamatandang paraan ng pagpapahayag.
DALAWANG PARAAN NG PAGSASALAYSAY:
1.Paraang Patula
2.Paraang Tuluyan. Sa paraang ito, ang mga kaisipan ay isinasalaysay nang tuluy-tuloy na kawangis ng isang talata.
MGA URI NG SALAYSAY
1.Salaysay na Batay sa Katotohanan. Kabilang dito ang mga akdang pangkasaysayan kung saan ang mga datos at tala ay hango sa mga totoong pangyayari. Itinuturing na objektiv ang ganitong uri.
2.Salaysay na Likhang-isip
ELEMENTO NG MABISANG SALAYSAY
1.Panahon
2.Kahulugan. Ito ang siyang diwa ng salaysay.
3.Kaayusan. Ito ang bumubuo sa kasiningan at pagka-epektibo ng salaysay.
4.Pananaw. Tatlo ang punto de vista ng tagapagsalaysay: Unang panauhan (Ako), Ikalawang Panauhan, at Ikatlong Panauhan (Omniscent Point of View)
5.Dyalogo
KATANGIAN NG MABISANG SALAYSAY
1.May kaakit-akit na pamagat.
2.Mahalaga ang paksang tinatalakay.
3.Kawili-wili ang panimula.
4.May angkop na utilisasyon ng mga salita.
5.Maayos ang ugnayan at pamamaraan ng pagkakabuo ng teksto.
PAGLALARAWAN
Ang paglalarawan ay isang paraan ng pagpapahayag na naghahangad ipakita sa mga mambabasa o nakikinig ang katangian ng isang bagay, tao, pook at pangyayaring nais ilarawan. Gumagamit ang paraang ito ng paghahambing at pagtutulad para lalong maging mabisa ang paglalarawan.
KAILANGAN SA ISANG MABISANG PAGLALARAWAN
1.Bagay o anupang nais ilarawan.
2.Pagbibigay ng pangunahing katangian sa ilalarawan – dito ay kailngan ang pagbibigay ng kahit pahapyaw na paglalarawan sa anupamang nais ilarawan.
3.Iisang pagkakakilala sa inilalarawan
MGA URI NG PAGLALARAWAN
1.Objektib o Konkreto. Layunin nito ang makapagpabatid. Itinatala ang mga hayag na katangian gamit ang mga payak at direktang salita.
2.Sabjektib o Masining. Ninanais nitong makapukaw ng damdamin at paganahin ang hiraya ng bumabasa o nakikinig. Ito ang nagbibigay-kulay sa iang paglalarawan.
3.Teknikal. Madalas na gamitin sa ganitong paglalarawan ang mga ilustrasyon o grap na ispesipikong matutukoy ang katangian na nais ipaliwanag. Ang ganitong uri ang ginagamit sa mga panahong mahalaga ang akyurasi at presisyon.
MGA SALIK SA PAGLALARAWAN
1.Wika
2.Organisasyon ng Detalye
3.Pananaw. Ito ang damdamin ng naglalarawan ukol sa inilalarawan.
4.Kakintalan. Ito ang pangkalahatan o pangkabuuang impresyon.
MGA PAMAMARAAN
1.Progresibong Paglalarawan. Sumusunod sa isang tiyak na balangkas na mula sa isang pangkalahatang impresyon papunta sa mga ispesipikong detalye.
2.Piktoryal o Grapiko. Ang larawan o ilustrasyon ay nakahayag at nakatala ang mga tiyak na salitang naglalarawan o tumutukoy dito.
3.Hambingan at Contras
4.Masining o Indirekta. Gingamit dito ang mga patalinghagang pahayag at idyoma.
5.Sayentipik o Teknikal
PROSESONG PAGLALARAWAN
1.Mangalap ng kaukulang tala o datos.
2.Bumuo ng isang pangkalahatang impresyon o kabuuang larawan.
3.Piliin ang pananaw na gagamitin. Maaring kronolohikal, heograpikal, ayon sa kahalagahan o sa posisyon ng naglalarawan.
4.Isualt ang burador
5.I-edit ang isinulat.
PANGANGATWIRAN
Ang pangangatwiran ay paraan ng pagbibigay at pagdudulog ng sapat na katibayan sa anumang talakay na nais patunayan para maging kapani-paniwala ang isang kontrobersyal na isyu o paksa sa iba. Sa pagbibigay-katwiran ay maaari ring gamitin ang iba pang anyo ng pagpapahayag upang maging madali ang pagpapaliwanag sa bagay na nais bigyang-katwiran.
Ang paksa ay sentro ng kaalaman na dapat talakayin samantalang ang proposisyon ay nakahanay sa anyong pangungusap na siyang pinatutunayan sa pagmamatwid bilang isang paninindigan na ipinakikipaglaban ng nagmamatuwid. Ang proposisyon ay hindi nagsasaad ng pagtutol at pagkatig. Ito’y dapat pagtalunan at pangatwiranan.
PARAANG GINAGAMIT SA PANGANGATWIRAN
1.Paraang Lohikal
2.Paraang induktibo o pabuod
3.Paraang deduktibo o pasaklaw
KATANGIAN NG MABISANG PROPOSISYON
1.Proposisyong kawili-wili
2.Proposisyon o paksang napapanahon
3.Kakikitaan ng pagtatalo at mapapatunayan ng mga ebidensya
4.Malinaw at di maligoy para sa isang tiyak na argument
5.Walang pagtatangi o pagkiling.
MAAARING PAGKUNAN NG EBIDENSYA:
1.Pangyayari
2.Pagmamasid
3.Magpapatotoo
4.Awtoridad
5.Aklat at mga babasahin, lathalain at polyeto
MGA ANYO NG PANGANGATWIRAN
1.Formal. Seryoso ang tono at malalim ang tema ng paksa.
2.Informal. Personal, madaling unawain at naaangkop sa karaniwang buhay.
MGA URI NG PANGANGATWIRAN
Pagbuod
Ang daloy ng pangangatwiran sa uring ito ay nagsisimula sa mga maliit na detalye patungo sa isang pangkalahatang kaisipan.
Pasaklaw
Ang pamamaraang kinasasangkutan ng silohismo. Ang silohismo ay nagsisimula sa isang pahayag na susundan ng simulaing panlahat at ng konkulsyon.
Tatlong klase ng silohismo:
Kategorikal
Katangian nito ang pagiging tiyak, ganap at kawalan ng mga kondisyon.
Haypotetikal
Ang pangunahing batayan ay isang palagay lamang, na susundan ng sekundarya o minor premise na tutuloy sa konkulsyon.
Disjanktib
Sa anyong ito ang panag-uri ay mga parirala na di nagasanib o naglalapat, kung saan ang major premise ay disjanktib, at ang minor premise at konklusyon ay agad na sumusunod.
Full transcript