Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Kabanata 11

No description
by

Camille Basi

on 22 January 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Kabanata 11

El Filibusterismo Mga Tauhan Kabanata 11: Los Baños Talasalitaan Buod IV - Perseverance Nangaso sa Bosoboso ang Kapitan Heneral ngunit wala siyang nahuli kahit isang bubwit o ibon. Nais na niyang pagsuotin na tulad ng usa ang isang tao. Mabuti na raw iyon sapagka’t maawain siya sa hayop. Ikinatuwa niya rin ito dahil baka raw magkataong 'di niya tamaan ang usa. Ano na nga lang ba ang sasabihin ng mga Indiong sanay sa pangangaso? Kapitan Heneral. pinakamataas na opisyal sa bansa Nagbalik sila ng Los Baños. Noo'y huling araw na ng Disyembre. Naglalaro ng tresilyo sa sala ang Kapitan Heneral, si Padre Sibyla at Padre Irene. Galit na galit naman si Padre Camorra na walang kamalay-malay sa pakanana nina Padre Irene at Padre Sibyla na magpatalo sa Kapitan Heneral. Ngunit tiyak na matutuwa ito kapag nalamang ang taya sa sugal na iyon ay ang pag-unlad ng kaisipan ng mga Pilipino at pagtuturo ng wikang Espanyol. Samantalang nagsusugal ay pinag-aralan at pinasyahan ng Kapitan ang mga papeles ng pamamahala na inisa-isa ng kalihim pagpapalit ng tungkulin, pagbibigay ng biyaya, pagpapatapon at iba pa. Saka na ang ukol sa paaralan ng kastila. Naroon si Don Custodio at isang prayleng Dominiko na si Padre Fernandez. Tumindig at nagalit na si Padre Camorra dahil sa isang sinadyang maling sugal ni Padre Irene na ikinapanalo ng Kapitan. Inaya naman ng heneral si Simoun upang maglaro. Sinabihan ni Padre Irene na ang mga brilyalte ni Simoun ang itaya. Pumayag naman si Simoun. Nag-alangan naman ang pari sa kanyang taya. Kapalit daw ng kanyang mga brilyante ay ang mga kondisyon ni Simoun. tresilyo. isang laro sa baraha Sa kakaibang kundisyong ito ng pagsusugal ay napalapit sina Don Custodio , Padre Fernandez at ang Mataas na Kawani. Ang huli ay nagtanong kung ano ang mapapala ni Simoun sa kanyang mga hiling. Para raw luminis ang bayan at maalis na lahat ang masasamang damo, tugon ni Simoun.
Ipinalalagay ng nangakarinig na ang gayong kaisipan ni Simoun ay gawa ng pagkaharang sa kanya ng mga tulisan. Sinabi naman ni Simoun na nang pigilan siya ng mga tulisan ay walang kinuha sa kanya kundi ang dalawa niyang rebolber at mga bala. Kinumusta pa raw ang heneral. Marami raw baril ang tulisan . Anang heneral ay ipagbabawal niya ang mga sandata. Tumutol si Simoun. Ang tulisan raw ay marangal. Sila raw ang tanging marangal na kumikita ng ikabubuhay nila. Halimbawa raw, pawawalan ba siya ng mga ito nang di man lang kukunin ang kanyang mga alahas? Ang kasamaan raw ay wala sa mga tulisan sa bundok nasa mga tulisan daw sa bayan at siyudad. Gaya raw nila. Sila nga raw lamang ay mga di-hayagang tulisan. Ipinatigil na ang biruan at sugal. Marami pa raw problemang dapat lunasan. Ipinasiya ng heneral na ipagbawal ang armas de salon. Tumutol ang Mataas na Kawani. Wala raw bansa sa daigdig na nagbabawal niyon. Walang nangyari sa pagtutol. Nagbigay ng payo si Simoun. Huwag ipagbawal ang armas de salon liban sa iisang sukat na kasalukuyang nabibili noon. Ito ang nasunod. Sunod na pinag-usapan ang suliranin ng paaralan sa Tiani. Ang maestro ng Tiani ay humihingi ng bahay-paaralan. Filibustero raw ang guro sa Tiyani, ayon kay Padre Camorra. Ipinasiya ng heneral na pigilin sa pagtuturo ang guro. Tumutol ang Mataas na Kawani. Walang nangyari sa pagtutol. Nang magtayuan, bumulong ang mga Kawani sa Heneral. Ang anak noong si Kabesang Tales ay humihiling na palayain ang kanyang nuno na napipiit kapalit ng ama. Sinegundahan ni Padre Camorra. Sumang-ayon ang heneral. Nagsalita si Padre Fernandez na isa ring Dominiko. Sa halip daw na labanan sila, purihin daw ang mga balak nito. Mahina raw ang bayan ngayon. Ngunit bukas-makalawa’y lalakas din ito. Matuwid ang mga kahilingan ng mga estudyante. Kikilala pa raw sila ng utang na loob sa kanila. Gayahin daw nila ang mga Heswita. Lalong nagalit si Padre Sibyla nang mabanggit ang Heswita. Nagtalo na ang lahat. Pumasok ang kura ng Los Baños at sinabing handa na ang pananghalian. Sa himagas na raw pag-usapan ang mga ito. Baka raw di matunawan, wika ng sekretaryo, kaya bukas na lang pag-usapan. Simoun. mag-aalahas; tagapag-payo ng heneral Padre Camorra. kura ng Tiano; tutol sa Akademya ng Wikang Pilipino Padre Irene. kalaro ng heneral sa tresilyo; nagpapatalo sa heneral Padre Sibyla. kalaro ng heneral sa tresilyo; nagpapatalo sa heneral Padre Fernandez. nagsabing gayahin ang mga Heswita; purihin daw ang balak ng kabataan at wag labanan ang mga ito. Don Custodio. nagpayong gawing bahay-paaralan ang sabungan. Mataas na Kawani. hangad ay katarungan para sa lahat, Indio man o Espanyol rebolber. uri ng baril tulisan. rebelde; magnanakaw Ipinayo ni Don Custodio na gawing paaralan ang sabungan. Pinagtalunan ang panukala. Ang paggamit daw sa sabungan ay tila insulto sa pamahalaan kaya inako nito ang pag-iisip pa ng iba bago magpasya. Nabuksan ang petisyon ng mga estudyante sa pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Espanyol. Pinuri ng kawani ang balak ng kabataan. Tutol naman si Padre Sibyla. Wala raw sa panahon at isang paghamak sa mga Dominiko. Ayon kay Simoun ay kahina-hinala ang balak. Iniisip ni Padre Irene na tagapagsalita ng kabataan para sa paaralan na wala nang pag-asa ang paaralan. Inisa-isa ang kabataang may panukala ng paaralan. Tutol din si Padre Camorra dito. Di raw dapat matuto ang mga Indio ng Espanyol. Magiging kalaban daw kasi ito ng Espanya kapag nagkataon.
Full transcript