Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Ang Ikaapat na Republika

No description
by

Gwyneth Ross Bukuhan

on 23 November 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Ang Ikaapat na Republika

Ang Ikaapat na Republika
By: Gwen Bukuhan
Ang Simula
A
ng Ikaapat na Republika ay nagsimula noong nilagdaan ni Ferdinand Marcos ang Proklamasyon 2045 noong ika-17 ng Enero 1981 na nagwakas sa walong taon at apat na buwan ng Batas Militar sa bansa. Nagkaroon ng plebisito noong Abril 17, 1981 tungkol sa ilang susog (article) sa Saligang Batas ng 1973. Ang mga taong naging pangulo noong Ikaapat na Republika ay sila Ferdinand Marcos, Corazon “Cory” Aquino, Fidel V. Ramos, Joseph Estrada, Gloria Macapagal Arroyo, at Benigno Simeon Aquino III.
Nagkaroon ng eleksyong pampanguluhan noong Hunyo 16, 1981. Ito ang kauna-unahang halalan na ginanap sa bansa mula noong 1969. Si Marcos ay tumakbo bilang presidente sa partidong Kilusang Bagong Lipunan (KBL). Siya ang muling nanalong pangulo ng Pilipinas. Pinasinayaan ang Ikaapat na Republika sa Rizal Park noong Hunyo 30, 1981. Tinawag din itong “Bagong Republika ni Marcos.”
Marami siyang nagawang proyekto na tunay na napakinabangan tulad ng elektripikasyon, patubig, irigasyon, kalasada, tulay at komunikasyon. Ilan dito ay tulay ng San Juanico na nagdudugtong sa Samar at Leyte, pagpapatayo ng tanghalang Francisco Balagtas, CCP (Cultural Center of the Philippines), PICC (Philippine International Convention Center), at iba pa. Sa kabilang banda, naging problema ng kanyang pamahalaan ang pagbabayad sa labis na utang sa ibang bansa, sinisi rin ang pagmamalabis ng kanyang mga cronies, paggamit ng terorismo, pananakot ng kanyang tauhan at talamak na kahirapan. Siya ay napatalsik noong Pebrero 1986 sa pamamagitan ng People Power Revolution at pinalitan ni Corazon Aquino.
Ang unang presidente
Si Marcos ay presidente na ng Pilipinas bago maitatag ang ikaapat na republika. Ang Pilipinas ay napasailalim sa batas-militar bago ang nasabing republika. Si Ferdinand Marcos ang natatanging pangulong nahalal sa pangalawang beses na pagtakbo niya sa isang pambansang halalan. Ang pagkahalal niya sa pangalawang pagkakataon ay katunayan lamang na kinilala ng taumbayan ang husay na ipinakita niya sa pamumuno.
Ang unang babaeng pangulo
Sa panahon ng pamumuno ni Pangulong Corazon Aquino, naging malawakan ang programa ng pamahalaan sa reporma sa lupa. Nakilala ito sa taguring Batas sa Malawakang Reporma sa Lupa. Ipinautos ang pagkamkam sa mga itinuturing na illegal na yaman ng pamilyang Marcos at kanyang mga cronies. Naging maluwag din ang pamahalaan sa pagpasok ng mga dayuhang produkto dahil sa pag-iral ng mga programang liberalisasyon. Ito ay nagpapahintulot sa malayang pakikipag kumpetensya na mga angkat na produkto sa mga produktong lokal. Dahil dito, pagbubutihin ng mga producer na Pilipino na maitaas ang uri ng kanilang produkto. Natapos ni Pangulong Cory Aquino ang kanyang termino na pinalitan at kinampanya niya si Fidel V. Ramos.

Ipinagpatuloy ni Pangulong Ramos ang programa ng liberalisasyon ng administrasyong Aquino. Pinayagan ng kanyang pamahalaan ang pagpasok sa bansa ng maraming bangkong dayuhan. Nagkaroon din ng deregulasyon sa industriya ng eroplano, telepeno, at langis kaya nabawasan ang monopolisasyon sa maraming larangan ng negosyo. Natapos ang kanyang termino at sumunod si Pangulong Joseph Estrada.
Ang Ikatlong Pangulo ng Ikaapat na Republika
Bagama’t hindi natapos ni Joseph Estrada ang naitakdang panahon ng kanyang panunungkulan dahil sa EDSA II, nakagawa rin siya ng maraming bagay para sa mahihirap. Napalakas niya ang Pambansang Komisyon Laban sa Kahirapan. Nakapagpagawa siya ng maraming pabahay, mga tulay, daan, at patubig. Nalunsad din niya ang programang Linis Bayan na naglalayong maging kaagapay ng bansa ang ma pribadong kompanya sa pagbibigay ng trabaho at pagpapaganda ng Metro Manila. Sa ilalim ng kanyang administrasyon, naipagpatuloy niya ang pakikipagugnayan sa ibang bansa at ang pagpaapalakas sa koleksyon ng mga buwis. Binigyan niya ng pantay na atensyon ang agrikultura at industriyalisasyon. Naging maganap ang pagpapatalsik sa kanya sa pamamagitan ng EDSA II at pumalit bilang legal na pangulo si Gloria Macapagal- Arroyo ayon sa itinadhana ng Konstitusyon.
Ang panglawang EDSA Rebolusyon
Ang pangagasiwa ni Gloria Macapagal-Arroyo sa pamahalaan upang tapusin ang termino ni Joseph Estrada ay naging maayos naman. Ang unang taon ng kanyang pamumuno bilang pangulo ng bansa matapos ang eleksyon noong 2004 ay napuno ng mga balakid. Ito ay bunga ng pag-amin niya sa pakikipag-usap sa isang opisyal ng COMELEC kaugnay ng resulta ng halalan, na nakapaloob sa isang tape na tinawag na Hello Garci tape. Kinilala si COMELEC commissioner Garcilliano ba kanyang kausap. Ilan sa programang pangkabuhayan ng kanyang administrasyon ay ang mga pag-approba sa Revised Value-Added Tax, pagpapagawa ng daan at tulay, karagdagang trabaho taun-taon, at pakikipag-ugnay sa ibang bansa.
Ang pagpapatuloy ng termino ni Estrada
Ang Kasalukuyan
THE END!

Sa kasalukuyan, ang ating pangulo ay si Benigno Simeon Aquino III. Siya ay anak ni Corazon Aquino at Benigno Aquino Jr. Sa kanyang sona ngayong 2014, ang ilan sa mga proyektong sinabi niya ay wala nang kakulangan sa bigas at mga silid ng mga pampublikong pampaaralan at lupa para sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita. Ang kanyang termino ay matatapos sa 2016.
SOURCES:
Mga litrato : http://homeworks-edsci.blogspot.com/search/label/Mga
Ang tatlong proyekto ni Benigno Aquino na nabanggit: http://newsinfo.inquirer.net/450363/aquino-enumerates-accomplishments-in-4th-sona
Ang mga presidente at ang kanilang proyekto: Ang Lahing Pilipino sa Nagbabagong Panahon ni Laura Z. Mendoza, Ela Sablaon at Lazelle Pelingo
Ang simula ng Ikaapat na Republika: Ang Pag-Unlad ni Ronaldo V. Uriarte at John Paul E. Andaquig
Full transcript