Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Pagtatalo o Debate

No description
by

Rio Mari Gomez

on 15 September 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Pagtatalo o Debate

Ang Pagtatalo o Debate
Mga Katangian ng Isang Mabuting Kapasiyahan o Proposisyon
1. May nilalamang isang diwa lamang.

2. Nakawiwili sa mga kalahok sa pagtatalo at sa mga nakikinig.

3. Payak at di-napakalawak.

4. Dapat magbigay sa panig ng pasang-ayon ng bigat ng pagpapatunay.

1. Dapat siyang magtanong ng mga tanong na nasasagot ng Oo o Hindi.

2. Huwag niyang hayaang magtanong ang kalaban kung siya ang nagtatanong.

3. Huwag niyang payagang gamitin ng kalaban ang kanyang oras.

4. Dapat siyang magtanong tungkol lamang sa paksang kanilang napagkasunduan.

5. Dapat ipaalam sa tagapangasiwa ng pagtatalo kung ang isa sa kanila ay lumalabag sa alituntunin ng pagtatanong.

Ang Takdang Panahon
Ang mga Tagahatol
Ano ang Pagtatalo /Debate?
Ang pagtatalo o debate ay isang paligsahan sa pagbibigay ng mga katwiran ng dalawang pangkat na magkasalungat tungkol sa isang isyu o paksa. Ito ay isang sining, kung saan ang kasangkapang gamit ay wika. Ito rin ay pormal at sumasailalim ng mga tiyak na tuntunin gaya ng:

• Takdang oras
• Bilang ng mga tagapagsalita o magkasalungat na panig
• Pagkakaroon ng mga tagahabol
• Pagkakaroon ng pangunahing talumpati
• Pagkakaroon ng talaumpating mapanuligsa

[Reference: http://bestdelegate.com/model-united-nations-of-the-university-of-chicago-munuc-liveblog-educating-the-midwest/dsc_2831/]
Mga uri ng Pagtatalo
1. Pagtatalong Impormal o Di-pormal

Ang tagapangulo ay magpapahayag ng paksang pagtatalunan, pagkaraan ay bubuksan niya ang pagtatalo. Ang sinumang nais magsalita ay malayang tumayo at magmatuwid, maging sa panig ng sang-ayon o salungat. May mga pagkakataong nagkakasabay sa pagtayo ang dalawang tao, sa gayon ang tagapangulo ay may kapangyarihang magpasya kung sino sa dalawa ang unang magsasalita.

2. Debateng Lincoln- Douglas

Ang bawat panig ay may tig-isang tagapagsalita. Ang panig ng sang-ayon ang unang magsasalita na susundan naman ng panig ng salungat. Ang unang nagsalita ay magbibigay ng ganting matuwid o magpapabulaan pagkatapos magsalita ng paning ng salungat. Pagkatapos magmamatuwid o magpapabulaan naman ang panig ng salungat. Sa pagwawakas, ay magbibigay ng pagbubuod ang dalawang panig at ang ayos ng pagkakasunod-sunod ay katulad din noong una.

3. Tipong Oregon-Oxford

Ang bawat koponan ay binubuo ng dalawa o tatlong kasapi. Ang oras ng talumpati ng bawat isa ay walo o sampung minuto. Pagkatapos ng pagmamatuwid ng bawat isa, magkakaroon ng tatlong sandali ng pagtatanungan. Pagkatapos ng lahat ng pangunahing talumpati at tanungan ay magkakaroon naman ng tatlong sandali ng pagtuligsa ang mga kasapi. Limang sandali naman ang iuukol sa pagtuligsa ng puno ng bawat koponan.

4. Balagtasan o Batutian

Ang Balagtsan at Batutian ay kapwang pagtatalong patula na ang karaniwang paksa ay mga suliraning panlipunan. Ang Balagtsan ay nanggaling sa pangalan ni Francisco Baltazar, samantalang ang Batutian naman ay nanggaling kay Jose Corazon de Jesus na kilala sa sagisag na Joseng Batute.

Mga Dapat Tandaan sa Pagtuligsa
1. Ilahad ng maayos ang mga mali sa katwiran ng kalaban.

2. Ipahayag ang mga walang katotohanang sinabi sa kalaban.

3. Ipaliwanag ang mga kahinaan ng mga ebidensya ng kalaban.

4. Ipaalam na labas na sa paksa ng pagtatalo ang mg katwiran o katibayan ng kalaban.

5. Dapat na tapusin ang pagsasalita sa pagbubuklod ng sariling mga katwiran at katunayan tungkol sa panig ng kanyang ipinagtatanggol.

Mga Dapat Tandaan sa Pagtatalo
1. Dapat na may isang kapasyahan o proposisyon, na nakasaad sa positibong pangungusap.

2. Dapat malaman ng mga kalahok sa pagtatalo ang katuturan ng bawat salita sa kapasiyahan. Halimbawa: sa paksang “Pasyahang gawing legal ang diborsyo sa Pilipinas,” dapat malaman ng mga kalahok ang ibig sabihin ng diborsyo.

3. Dapat na angkop sa mga nakikinig ang mga salitang gagamitin ng mga kalahok.

4. Dapat na nasa mabuting ayos ang mga pahayag at may katumbas na katibayan ang bawat katwiranin ng tagapagsalita.

Ang Balotang Ginagamit sa Pagtatalo
Ang balotang ginagamit sa pagtatalo ay nilalaman ng mga sumusunod:

A. Proposisyon
B. Mga pangalan ng mga kalahok sa magkabilang panig
C. Katibayan 30%
D. Pagbigkas 10%
E. Pagkilos sa Entablado 10%
F. Pagkakaisa ng Pangkat 10%
G. Pagtatanungan
Tanong 10%
Sagot 10%
H. Pagtuligsa 20%
I. Kabuuan 100%

Sa ibaba ay nakalagay ang mga sumusunod:

J. Koponang Nagwagi
K. Pinakamagaling na Nakipagtalo
L. Lagda ng Tagahatol
M. Lagda ng Tagapangasiwa
N. Petsa

Mga Dapat Malaman ng Isang Nagtatanong sa Oras ng Tanungan o Interpellation Period
Kailangan sa alinmang pagtatalo ang takdang panahon:

• Ang unang kampana ay isang hudyat, ang ikalawang kampana ay hudyat na tapos na ang panahon ng tagapagsalita.

• Ang tagapagsalita ay pinapayagang tapusin ang pangungusap na kanyang binibigkas, pagkatapos siya’y uupo na.

• Ang karaniwang pagtatalo ay isang oras at kalahati.

• Karaniwang bilang ay tatlo

• May mga karanasan na sa pagtatalo

• Mga debatista at maaring mga mangagalakal at iba pang propesyonal

• Nakaaalam ng mga pangangailangan at pamamaraan sa isang pagtatalo

• Ang mga sumusunod ay mga tagubiling karaniwang ginagamit ng mga tagahatol sa isang pagtatalo:

1. Kaalaman sa paksang pinagtatalunan
2. Paraang ginamit sa pagsusuri
3. Dami ng mga katibayan
4. Kahusayang maglahad ng mga katwiran
5. Walang mga katwirang lihis sa katotohanan
6. Pagkakaisa ng mga magkakasama sa koponan
7. Kahusayan sa pagsasalita
8. Kahusayang manuligsa
9. Wastong pagbigkas, tinig, kilos ng katawan at iba pang mga katangiang nangangailangan ng liksi ng isip.
Full transcript