Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Uri at Katangian ng Tekstong Expositori

No description
by

Winona Rose Yabut

on 17 November 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Uri at Katangian ng Tekstong Expositori

Tekstong Expositori
Ang tekstong ito ay may layuning magpaliwanag at maglahad ng mga impormasyon at ideya.
Ito ay anumang teksto na nagpapaliwanag o naglalahad ng mga kaalaman hinggil sa anumang paksang pasaklaw ng kaalaman ng tao.
Nililinaw rin nito ang mga katanungan sapagkat tinutugunan nito ang pangangailangan ng mga mambabasa na malaman ang mga kaugnay na ideya o isyu.
Sinabi naman ni Rubin (1995) na sinasaklaw ng pagpapahayag na ito ang malawak na bahagi ng sinusulat at binabasa ng mga karaniwang tao.
Uri at Katangian ng Tekstong Ekspositori:
Pagbibigay Katuturan
Pag-iisa-isa
Pagsusunud-sunod
Paghahambing at pagkokontras
Sanhi at Bunga
Ito ay may layuning ipaliwanag o bigyan ng kahulugan ang isang termino o parirala.
Depenisyon o Pagbibigay-Katuturan
1. Denotasyon/Formal – Dimensyon na karaniwang kahulugang dala ng diksyunaryo o salitang ginagamit sa pinakakaraniwa at simpleng pahayag.
Halimbawa: Ayaw ko ng bola. (laruan)

2. Konotasyon/Informal – Dimensyon na di-tuwiran ang kahulugan. Nagkakaroon ng ikalawang kahulugan ang salita o pahayag. May mga paniniwala na sa dimensyong ito, pansariling kahulugan ng isang tao ang maaaring ibigay.
Halimbawa: Ayaw ko ng bola. (niloloko o binibiro lamang)

Dalawang dimension ng depinisyon
• Enumerasyon o Pag-iisa-isa
Ang hulwarang ito ay maaaring maglahad ng mga halimbawa na nabibilang sa isang uri o klasipikasyon.
Halimbawa: Isa-isahin ang mga uri ng pagpapahayag

Pag-iisa-isa o Enumerasyon : Mga Uri ng Pagpapahayag
1. Pagsasalaysay (naratib)
2. Paglalarawan (deskriptib)
3. Paglalahad/pagpapaliwanag (ekspositori)
4. Pangangatuwiran (argumentatib)
Dalawang uri ng Enumerasyon:
1. Simple – Ito ay ang pagtatalakay sa pangunahing paksa at pagbanggit ng mga kaugnay at mahahalagang salita.

2. Kumplikadong pag-iisa-isa - Ito ang pagtatalaky sa pamamaraang pagtalata ang pangunahing paksa at may kaugnay na kaisipan na naglilinaw sa paksa.

• Pagsusunud-sunod o order
Nagpapakita ito ng serye ng mga pangyayari na maaaring humantong sa isang konklusyon o pagkakasunud-sunod ng pangyayari. Maaari din ang hakbangin o proseso. (mga salitang gagamitin: una, pangalawa…, matapos, habang, sumunod, and susunod na, sa ngayon at iba pa.)
Tatlong uri ng Pagsusunud-sunod:
1. Sekwensyal
2. Kronolohikal
3. Prosejural
1. Sekwensyal – Karaniwang ginagamitan ng mga salitang una, pangalawa, pangatlo, sunod at iba pa. karaniwang sekwensyal ang pagsusunud-sunod tulad sa mga kwento, talambuhay, balita at iba pa.

Halimbawa: Sekwensyal ng kwento sa pamamagitan ng picture frame.
2. Kronolohikal – uri ng pagsusunud-sunod ng mga impormasyon at mahahalagang pangyayari ayon sa kung kalian nangyari ang mga ito. Halimbawa ay ang kasaysayan ng isang bansa o mahahalagang pangyayari sa mundo.

Halimbawa: Karaniwang may petsa gaya ng tiyak na araw at taon upang malaman kung kalian nangyari and kasaysayan.
- 1965 Nobyembre 9, nahalal si Ferdinand Marcos bilang pangulo ng Pilipinas.
- 1967 Agosto 8, itinatag ang ASEAN o Association of South East Asian Nations sa pagpupulong ng mga punong bayan (summit) sa Manila.
- 1968, itinatag ni Jose Maria Sison ang CCP o Communist Party of the Philippines, kapalit ng PKP o Partido Komunista ng Pilipinas.
3. Prosejural – Ito ay nagbibigay nang kaalaman para maayos na pagkakasunud-sunod nang isang gawain mula umpisa hanggang wakas.

Halimbawa: Paggawa at pagluluto ng Quekiam

Mga sangkap: ½ kilo dalagang bukid , ¼ kilo laman ng hipon, 1 itlog, binating mabuti, ½ tasa tinadtad na singkamas, ½ tasa tinadtad na sibuyas, ½ tasa tinadtad na celery, ½ tasa tinadtad carrot, ½ tasa harina, ½ kutsaritang paminta, 1 ½ kutsarang asin, 3 pirasong taupee (pambalot)

Paraan ng paggawa:
1. Himayin ang isda, alisin ang balat at tinik.
2. Tadtarin (o gilingin) nang magkasama ang hipon at isda.
3. Pagsama-samahing lahat ang mga sangkap.
4. Pasingawan nang 20 minuto.
5. Ibalot sa taupee o aluminum foil.
6. Iprito sa mainit na mantika.
7. Hiwain sa nais na laki at ihain na may sarsa (sweet-sour sauce)

Sweet-Sour sauce

Mga sangkap: ¾ na tasang tubig, 1 kutsarang cornstarch, betsin, 3/5 na tasang asukal, 2 kutsarang toyo

Paraan ng paggawa: Pagsama-samahin ang sangkap at initin hanggang matamo ang nais na lapot.
Reference:
Internet
• http://www.scribd.com/doc/235730/Ang-Tekstong-Ekspositori-2
• http://jaysonbsed1bfilipino.blogspot.com/2012/tekstong-ekspositori.html
• http://prezi.com/xvo5fv5ffcjx/sekswensyalkronolohikalat-prosidyural/
Libro
• Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
F. Castro , A. Pura, J. Cusi, H. Ruzol
• Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
T. Galang, L. Samson, A. Agapay, C. Tagala, Y. Bingcang, Y. Valencia, V. Tacbad, L. Yambao,
N. De Guzman, R. Daenos, D. Infante
Maraming Salamat sa pakikinig!
Katangian ng Tekstong Ekspositori:
• Obhetibo ang pagtalakay sa paksa
• Sapat na mga kaalamang ilalahad
• Malinaw ang pagkakahanay ng mga ideya
• Analitiko ang pagsusuri ng mga kaisipan at datos
Full transcript