Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Unang Digmaang Pandaigdig

No description
by

Shane Capili

on 14 September 2012

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Unang Digmaang Pandaigdig

Mga Mahahalagang Pangyayari
Noong Unang
Digmaang Pandaigdig Matapos ang asasinasyon sa Saravejo, nagpadala ang Austria-hungary ng isang ULTIMATUM

Sinikap ng mga pinuno ng Serbia na ibigay ang lahat ng kahilingan ng Austria.

Dahil sa pagtulong ng Germany ay ninais na ng Austria-Hungary na agad maparusahan ang Serbia.
Hulyo 28, naideklara ang digmaan laban sa Serbia.
UNANG HAKBANG NG AUSTRIA-HUNGARY Bagama’t mahina ang Serbia,ito ay mayroong malakas na kapanalig, ang RUSSIA.

Bilang tagapagtanggol ng mga lahing Slavic sa Timog-Silangang Europe,nakahanda ang Russia sa pagtulong nito sa Serbia.

Naging malaking suliranin ng Russia ay ang mga daang-bakal na maaari nitong gamitin sa pagpapadala ng mga sundalo at kagamitan sa hangganan ng Austria, Germany, at Russia.

Agosto 1, 1914, nagdeklara na ng digmaan ang Germany laban sa Russia. PAGHAHANDA NG RUSSIA SA DIGMAAN
Naganap na ang kinatatakutan ni Bismarck para sa Germany- ang digmaan sa
magkabilang panig ng bansa.
Kakailanganin nitong harapin ang France sa kanluran at ang Russia sa silangan.

1890, si Heneral Alfred von Schlieffen ay bumuo ng isang plano na nangangailangan ng mabilis na pag-atake laban sa France habang naghahanda ang Russia na lumaban sa silangan.

Schlieffen Plan sa ilalim ng planong ito ay ibubuhos ng Germany ang lakas ng hukbo nito sa kanluran upang agad na talunin ang France bago pa makarating ang mga Ruso sa silangan. MAHAHALAGANG LABANAN SA
UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG Mahalaga ang mabilis na pagkilos para sa mga Aleman.

Batid ng mga Aleman na ang pagpasok dito ay lubhang matatagalan. Subalit mayroon pang isang maaaring madaanan sa hilagang hangganan ng France, ang Belgium.

Tumanggi ang Belgium na padaanin ang mga Aleman at iginiit nito ang patakarang neutrality o hindi pagkampi sa anumang bansa na sangkot sa digmaan.

Agosto 4, sapilitang pinasok ng Germany ang Belgium at binalewala ang patakarang neutrality.
KANLURANG EUROPE Tinawag ang Austria-Hungary at Germany na Central Powers dahil sa kanilang
estratehikong lokasyon sa gitna ng Europe.

Nasa kabilang panig naman ang Great Britain, France at Russia na tinawag
na Allied Powers o mga Allies.

Sa pagdating ng Oktubre, ang Turkey ay kumampi sa Central Powers
gayundin ang Bulgaria pagkalipas ng isang taon.

Ang Italy naman ay kumampi sa mga Allies laban sa Germany at Austria. Buwan ng Agosto, may 1.5 milyong sundalong Aleman ang
dumaan sa Belgium papasok sa hilagang France. Nakasagupa nila ang
halos magkaparehong bilang ng pinagsanib na hukbo ng Britain at France.

Tinawag ang mga labanan na naganap sa rehiyon na ito na Western Front.

Nagawang itulak ng mga Aleman ang mga Pranses sa Western Front.

Sa loob ng maraming taon, ang mga Pranses ay naniniwala sa kahalagahan ng espiritu sa pakikipaglaban. Kailangan lamang ng katapangan upang magwagi sa labanan
FRANCE Setyembre, halos nakalapit na ang mga Aleman sa Paris subalit sa silangan
ay mabilis ng kumikilos ang Russiapara sa digmaan.

Labanan sa Marne ay ang pinakamahalagang labanan ng mga Allies sa Western Front.

Sa isang lambak sa Paris ay nagawang paatrasin ng mga Allies
ang mga Aleman. Dahil dito ay lubhang naging imposible ang mabilis na tagumpay para sa Germany.
Masyadong malaki ang Russia para magapi ng Germany. Dahil dito ay
hinarap ng heneral ng Germany ang hindi inaasahan – ang isang mahabang
digmaan para sa magkabilang panig.

Pinasok ng Russia ang Austria at Germany subalit ito ay napaalis at
nagapi sa Labanan sa Tannenberg.

Hindi na muling nakabawi pa ang Russia subalit mayroon itong kalamangan sa
lahat, ang kanilang dami.
SILANGANG EUROPE Oktubre 1914, ang mga Turkong Ottoman ay sumali sa digmaan sa panig ng Central Powers.

Gallipoli Campaign ang pagsalakay ng mga Allies sa kipot na nagdudugtong sa Black Sea at Mediterranean Sea.

Nakakita ang Britain ng isang di-tuwirang pakikipaglaban sa mga Ottoman. Ito ay sa pamamagitan ng pagtulong sa mga nasyonalistang kilusan sa gitnang silangan na naghahangad na lumaya sa mga Ottoman. OTTOMAN FRONT Hindi masyadong nakilahok ang Italy sa mga labanan dahil sa kakulangan sa mga kagamitan

Karamihan din sa mga Italyano ay tutol sa pagpasok ng kanilang bansa sa digmaan.

Ang labanan na naganap sa Italy ay nakatulong upang ibaling ng Austria ang ilan sa mga sundalo nito sa Italy.

ITALIAN FRONT Nagdeklara ng digmaan ang Japan laban sa Germany. Pagkaraan ng ilang linggo
matapos sumiklab ang digmaan mula sa Europe, mabilis na kinuha ng Japan
ang mga teritoryo ng Germany sa China at sa mga isla sa Pasipiko.

Kinuha naman ng Britain at France ang mga sakop ng Germany sa Africa tulad
ng
East Africa at Tanzania.
ASYA AT AFRIKA Sa lahat ng bansa na nasangkot sa digmaan, ang Russia lamang ang nakadama
ng higit na epekto nito.

Naranasan ng mga sundalong Ruso ang kakulangan sa armas, bala, pagkain,
kasuotan at kawalan ng mahusay na mga pinuno sa digmaan.

Marso 1917, naganap ang isang rebolusyon sa Russia dahil sa kawalan ng
kasiyahan sa pamumuno ng kanilang czar. PAGHINA NG RUSSIA Enero 31, 1917, ipinahayag na Germany ang paglulunsad ng bagong
patakaran na tinawag na Unrestricted Submarine Warfare, kung saan ay
papalubugin ng walang babala ang anumang barko na nasa tubig
na sakop ng Britain.

Mayo 7, 1915, pinalubog ng U-Boat ng Germany ang isang sasakyang dagat ng
Britain, ang barkong Lusitania. Nasawi ang 1,198 katao kabilang ang 139 na
mamamayan ng United States. PAGPASOK NG UNITED STATES
SA DIGMAAN Ang pagkaharang ng telegrama ni Arthur Zimmerman para sa Mexico ay isang
pangyayari na lalong nagpaigting sa tensyon.

Nabunyag sa Zimmerman Note ang balak ng Germany na tulungan ang Mexico upang
mabawi nito ang dating mga lupain
tulad ng New Mexico, Texas at Arizona sa United States.
Bumuo ang mga Allies ng Convoy – mga malalaking barko na may kasangkapan upang magamit sa pagbabantay sa mga barkong pangkalakalan. Ito ang naging hadlang sa pag asa ng Germany na matalo ang Britain.

Vladimir Lenin, pinuno ng mga Bolsheviks – isang rebolusyonaryong pangkat sa Russia na nakiusap upang makipag ayos.
PAGWAWAKAS NG DIGMAAN Inayos ng Germany ang pagbalik ni Lenin sa Russia at katulad ng kanilang inaasahan ay mabilis nitong napamunuan ang pangingibabaw ng kanilang partido sa Russia.

Marso 1918, lumagda ang Germany at Russia sa isang kasunduan na tinawag na Brest Litovsk na nagwakas ng digmaan sa pagitan ng dalawang bansa.
Dahil sa digmaan, humina ang pang-sosyal at pang-ekonomikong pundasyon ng Europe.
Isang henerasyon ng kalalakihan ang halos nawala.
Naapektuhan din ng husto ang ekonomiya ng mga bansang napinsala ng digmaan. Maraming sektor ng ekonomiya tulad ng agrikultura, industriya, transportasyon at mga bangko ang nasira ng digmaan.
Nagkaroon din ng pagbabago sa larangan ng pamamalakad at pamumuno. Nagbigay daan ang digmaan sa pagbagsak ng apat na imperyo-ang Austria-Hungary, Russia, Germany at Ottoman. Kasabay din nito ang pagsibol ng mga bagong estado tulad ng Poland, Czechoslovakia, Yugoslavia at Finland. MGA EPEKTO NG DIGMAAN SULYAP SA KASAYSAYAN NG DAIGDIG
Nina:
Elisa D. Bustamante
Michael M. Mercado
(Mga May-akda)
At
Fredie V. Avendao
(Kasangguni o Tagapag-ugnay)
SANGGUNIAN The End ^^,
Sheena Pauline C. Capili


BSED 2-F (Social Studies)
Submitted By:
Full transcript