Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Untitled Prezi

No description
by

Eric Jhon Bantaculo

on 29 June 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Untitled Prezi

PAGKONSUMO
design by Dóri Sirály for Prezi
PAGKONSUMO
Ito ay tumutukoy sa pagbili, paggamit ng mga prdukto at serbisyo upang matugunan ang mga pangangailangan ng tao at magtamo ito ng kasiyahan.
Uri ng PAGKONSUMO
MAAKSAYA
MAPANGANIB
TUWIRAN
PRODUKTIBO
- binibili ang produkto upang gamitin sa paglikha ng ibang produkto.
- natatamo agad ang kasiyahan sa pagbili at paggamit ng produkto at serbisyo.
- ang pagbili ng produkto ay hindi tumutugon sa pangangailangan ng tao.
- ang pagbili at paggamit ng produkto ay banta
sa kalusugan ng tao.
MGA SALIK NA NAKAKAIMPLUWENSYA SA PAGKONSUMO
KITA
PAG- AANUNSYO
PANGGAGAYA
PAGPAPAHALAGA NG TAO
- malaki ang epekto ng kita sa ating pagkonsumo. Ayon sa pagsusuri ng ekonomistang Aleman na si Ernst Engel, malaking porsyento ng kita ng tao ang ginugugol sa pagkonsumo ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain kapag maliit ang kita. Ngunit kapag lumaki ang kita, lumiliit ang gugol para sa pagkain, ay sapagkat napagtutuunan ng pansin ang pagkonsumo sa ibang produkto na bahagi ng mga hilig ng tao; ito ang tinatawag na ENGEL's LAW OF CONSUMPTION.
- ito ang pamamaraan upang hikayatin ang mga konsyumer na tangkilikin ang isang produkto. may ibat-ibang paraan upang ipakita ang pag-aanunsyo ng produkto. Maaaring gamitin ang BANDWAGON na nagpapakita ng dami ng tao na tumatangkilik sa produkto, TESTiMONiAL o pag-eendorso ng mga produkto ng mga kilalang tao at pagpapatunay ng kanilang paggamit nito at ang paraang BRAND o pagpapakilala ng katangian ng produkto.
- ang paghahangad ng tao na makabili ng produkto na ginagamit ng kapatid, kaibigan, o maging kapitbahay ang siyang dahilan kung bakit ang pagkonsumo ng tao ay nagbabago. Ang salik na ito ang dahilan ng pagkakaroon ng magkakatulad na produkto na kinokonsumo ng mga tao.
- ang ugali ng tao ay nakaiimpluwensya sa kanyang pagkonsumo. Ang tao na nagpapahalaga sa pagtitipid ay nagtitimbang-timbang muna ng mga bagay bago ito bilhin, mas prayoridad ang konsumo sa mga pangunahing pangangailangan.
- ang mga tao na nagbibigay halaga sa mga okasyon ay nagbibigay ng mga regalo bilang pag-alaala sa mga mahal
sa buhay.
PRESYO
- Ito ang salik na maglilimita o makadaragdag sa pagkonsumo ng mga produkto at serbisyo. Ang pag-alam sa presyo o halaga na katumbas ng produkto at serbisyo ay mahalaga upang mabatid kung kaya ng isang tao na bilhin ang isang produkto. Ang pagkakaroon ng mga BARGAiN SALE o DISCOUNT ay nakapagpaparami ng bibilhing produkto.
MGA BATAS NG PAGKONSUMO
Batas ng Imitasyon (Law Of Imitation)
Batas ng Bumababang Kapakinabangan
(Law Of Diminishing Utility)
Batas ng Pagkakaiba-iba (Law Of Variety)
Batas ng Pagkakabagay-bagay (Law Of Harmony)
Batas ng Pagpapasyang Ekonomiko (Law Of Economic Order)
- madalas sabihin na ang mga Pilipino ay GREAT IMITATORS. Ang pagiging mahilig na manggaya ang dahilan kung bakit nagbabago ang ating pagkonsumo ng mga produkto at serbisyo.
- ito ang nagpapaliwanag kung bakit ang mga tao ay nagtatamo ng higit na kasiyahan kapag kumokonsumo ng mga produkto na ginaya lamang sa iba.
- ito ang nagpapaliwanag kung bakit ang mga konsyumer ay bumibili at gumagamit ng ibat-ibang klase o uri ng produkto. Kung kaya sa pagbili, matagal na namimili ang konsyumer ng bibilhing produkto bunga na rin ng maraming pagpipilian.
- ayon sa batas na ito, higit na kasiyahan ang natatamo ng tao sa pagbili ng ibat-ibang produkto kaysa sa pagbili ng iisang uri ng produkto.
- likas sa tao ang pagnanais na matugunan ang mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain. Ang ganitong gawi ay nagbibigay-kasiyahan sa tao. Ang pagpapasya na bigyan ng prayoridad ang mas mahalagang bagay o pangangailangan kaysa sa kagustuhan o luho ang ipinaliliwanag ng batas na ito. Nakakamit ng tao ang kasiyahan kapag nakagawa ng mga pagpapasya na magbibigay pansin sa mga bagay na bahagi ng pangunahing pangangailangan ng tao. Higit ang kasiyahan kapag nagawa ang matatalinong pagpapasya ukol sa pagkonsumo.
- may mga pagkakataon na ang mga konsyumer ay nagnanais na bumili at gumamit ng mga produkto na babagay sa isat-isa. Higit na nasisiyahan ang tao na kumonsumo ng mga magkokomplementaryong produkto kaysa sa pagkonsumo ng isang produkto lamang.
- ang UTILITY ay tumutukoy sa kapakinabangan ng mga produkto. May tinatawag na MARGINAL UTILITY o ang pakinabang na babahagya lamang ang naidudulot na kasiyahan, at TOTAL UTILITY o kabuuang kasiyahan na nakukuha sa pagbili at paggamit ng mga produkto. Batay sa batas na ito ang kabuuang kasiyahan ng tao ay tumataas sa bawat pagkonsumo ng produkto ngunit kapag ito'y nagkasunod-sunod, ang karagdagang kasiyahan ay paliit na ng paliit bunga ng pagkasawa sa paulit-ulit na paggamit ng iisang produkto lamang.
REPORTED BY:
Eric Jhon Bantaculo
Michelle Barredo
Hanna Althea Dogilio
Full transcript