Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

LINGGUWISTIKONG KOMUNIDAD

No description
by

Aimil Pineda

on 19 July 2016

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of LINGGUWISTIKONG KOMUNIDAD

LINGGUWISTIKONG KOMUNIDAD
LINGGUWISTIKONG KOMUNIDAD
termino sa
sosyolingguwistiks

na tumutukoy sa
isang grupo ng mga taong

gumagamit sa
iisang uri ng barayti
ng wika at nagkakaunawaan sa mga ispesipikong patakaran o mga alituntunin sa paggamit ng wika.
Nagkakasundo ang mga miyembro sa kahulugan ng wika at interpretasyon nito, maging ang kontekstong kultural na kaakibat nito.
Teorya
Ayon kay Yule(2014)
ang wika at pamamaraan ng paggamit nito ay isang porma ng panlipunang identidad at ginagamit, malay man o hindi upang ipahiwatig o maging palatandaan ng pagiging kasapi ng isang tao sa isang tiyak na grupong panlipunan
Etimolohiya
MGA HALIMBAWANG SITWASYON
TALASALITAAN
Sosyoligguwistiks - pag-aaral ng wika na may kaugnayan sa panlipunang mga kadahilanan , kabilang ang mga pagkakaiba ng mga rehiyonal , class , at occupational dialect, mga pagkakaiba ng kasarian , at bilingualism .

SANGGUNIAN
Lingguistiko or Linguistics
(Linguist) + (-ics)

Ang linggwistiko ay ang pag-aaral sa wika ng tao at tinatawag na isang linggwista ang mga dalubhasa dito

Komunidad
(comunidad) Espanyol

Ang pamayanan o kumunidad ay pangkaraniwang tumutukoy sa isang yunit na panlipunan o pakikipagkapwa na mas malaki kaysa sa isang tahanan, mag-anak, o pamamahay (kabahayan) na may pinasasaluhang karaniwang mga pagpapahalaga at may matibay na pagsasamahang panlipunan.

-Youtube
-https://en.wikipedia.org/wiki/Sociolinguistics
-https://en.wiktionary.org/wiki/linguistics
-aklat sa komunikasyon at pananaliksik

Kapampangan-
Ang Wikang Kapampangan ay isa sa mga pangunahing wika ng Pilipinas. Ito ang pangunahing wika ginagamit sa Pampanga. Ang naturang wika ay tinatawag ding Pampango, Capampan͠gan/Capampañgan,Pampangueño, at Amanung Sisuan (wikang pinasuso).

Mga halimbawa:
saan - nukarin
panaginip - paninap
maliit - malati
malaki - maragul
ilalim - lalam


Mga ilang wika sa komunidad sa Pilipinas
Cebuano

- Ang wikang Sebwano (Sebwano: Sinugboanon; Kastila: idioma cebuano) ay isang wikang Awstronesyo na sinasalita sa Pilipinas ng humigit kumulang 33 milyong tao at nasa ilalim o kasapi ng pangkat ngmga wikang Bisaya. Ito ang may pinakamalaking bilang ng katutubong mananalita sa Pilipinas, kahit na ito ay hindi pormal na itinuturo sa mga paaralan at mga pamantasan.[2] Ito ang katutubong wika saGitnang Kabisayaan at sa ilang bahagi ng Mindanao. Nanggaling ang pangalan ng wika mula sa pulo ng Pilipinas ng Cebu, na hinulapi ng Kastilang -ano (nangangahulugang likas, o isang lugar). May tatlong letrang kodigo ito sa ISO 639-2 na ceb, ngunit walang ISO 639-1 na dalawang letrang kodigo.

Mga halimbawa
: usà- isa
Duhà- daalwa
Tulò- tatalo
Upàt-apat
Limà-lima
Unòm-anim
Waray
-Ang Wináray, Win-áray, Wáray-Wáray o Waráy (karaniwang binabaybay bilang Waray; tinutukoy din bilang Winaray o L(in)eyte-Samarnon) ay isang wika sa mga lalawigan ng Samar, Hilagang Samar, Silangang Samar,Leyte (silangang bahagi), at Biliran sa Pilipinas.
Ang pangkat ng mga wikang Waray ay binubuo ng Waray, Waray Sorsogon at Masbate Sorsogon. Bisakol ang tawag naman sa mga wikang Waray Sorsogon at Masbate Sorsogon dahil komplementaryo sila ng mga wikang Bisaya at Bikolano. Lahat ng wikang Waray ay kabilang sa grupo ng mga wikang Bisaya at may kaugnayan sa mga diyalektong Hiligaynon at Masbatenyo.

Bagama’t may pagtatalo, ang Samarnon-Lineyte ay tinatawag lamang na Waray dahil iisa lamang ang kanilang lingguahe na sinasalita. Gayumpaman, nagkakaiba naman sila sa mga ideya at proposisyon, at konstuksyon ng pangungusap. Dahil doon, ay may tinatawag na Samarnong Waray at Lineyteng Waray. Kahit pa na may pagkakaiba ang dalawang ito, nananantili pa rin ang kanilang wikang Waray bilang pangunahing wika sa mga probinsiyang ito.

Mga Halimbawa:

Magandang (umaga/tanghali/hapon/gabi): Maupay nga (aga/udto/kulop/gab-i)
Nakakaintindi ka ba ng Waray?: Nakakaintindi/Nasabut ka hin Winaray? (hin o hiton)
Salamat: Salamat
Ang ganda-ganda mo talaga: Kahuhusay nimo hin duro
Mahal kita: Hinihigugma ko ikaw o Ginhihigugma ko ikaw o Pina-ura ta ikaw
Tagasaan ka? : Taga diin ka? o Taga nga-in ka? o Taga ha-in ka?


Bicol
- Ang mga wikang Bikol ay mga wikang Austronesyano na ginagamit sa Pilipinas tangi sa tangway ng Bikol sa silangan ng pulo ng Luzon, sa pulo ng Catanduanes, Burias at sa lalawigan ng Masbate. Bicol-Naga ang isa sa mga halimbawa nito.

Ang Gitnang Bikol
ay ang pinakasinasalitang wika sa Rehiyon ng Bikol sa timog ng Luzon. Ginagamit ito sa hilaga at kanlurang bahagi ng lalawigan ng Camarines Sur, sa ikalawang distrito pangkinatawan ng Camarines Norte, silangang bahagi ng Albay, hilagang-silangang bahagi ng Sorsogon, sa bayan ng San Pascual sa Masbate, at timog-kanlurang bahagi ng Catanduanes. Nakabatay ang pamantayan nito sa diyalektong sinasalita sa bayan ng Canaman.
Mga halimbawa
Magayon (maganda)
Marinsalun (makulit)
Patal (bobo)
makaurag(nakakabwusit)
bua-bua (baliw)

Hiligaynon
- Ang Wikang Ilonggo ay tumutukoy sa wika at kultura na may kaugnayan sa Negros Occidental, Bacolod, Iloilo at Capiz. Kilala rin sa tawag na Wikang Hiligaynon. Ginagamit rin ito sa mga grupo ng isla sa Panay, at probinsiya na rin tulad ng Capiz, Antique, Aklan, Guimaras, at mga parte ng Mindanao tulad ng Koronadal, Timog Cotabato, Sultan Kudarat at gayundin ang malalaking parte ng Hilagang Cotabato. Meron itong mahigit 7,000,000 katao sa loob at maging sa labas ng Pilipinas na bihasa sa wikang Hiligaynon, at ang karagdagang 4,000,000 katao naman na marunong nito at karagdagan lang sa kanilang lingua franca. Kabilang ito sa pamilya ng Wikang Bisaya na kung saan ay kabilang din ito sa mga pangunahing diyalekto ng Pilipinas.
Mga halimbawa-
Maayong aga/gab-i
Magandang umaga/gabi
Tagbalay
Tao po
Malakat ka na
Aalis ka na
Karon na lang
Mamaya na lang
Ilocano
- Ang Iloko (o Iluko, maaari ring Ilokano o Ilocano) ay isa sa mga pangunahing wika ng Pilipinas. Ito ang wikang gamit (lingua franca) ng halos kabuaan ng Hilagang Luzon lalo na sa Rehiyon ng Ilocos, sa Lambak ng Cagayan at sa maraming bahagi ng Abra at Pangasinan. Marami ring mga nagsasalita ng Iloko sa Nueva Ecija, Tarlac, Mindoro at sa ilang lalawigan sa Mindanao.
Tinatayang may mahigit 9 milyong gumagamit ng wikang Iloko sa Pilipinas.

Mga halimbawa:
napintas = maganda/napungga/nasantak
naimas = masarap
napudot = mainit/nabara
papanam = saan ka pupunta
manganen = kain na
Full transcript