Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Kabanata 5: Ang

No description
by

Gerald John Guillermo

on 9 November 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Kabanata 5: Ang

Kabanata 5: Ang “ Isang Tala sa Gabing Madilim”
Sa Gabi, sino ba ang nagsisilbing tala mo o sino ang iniisip mo na nagsisilbing mo ilaw sa gabing madilim?
Ang Ikalimang kabanata ng Noli Me Tangere ay ang pag-iisip ni Ibarra tungkol sa sinapit ng kanyang ama.“. Sa kanyang silid ay nagmuni-muni ang binata tungkol sa sinapit ng ama. Kalaunan ay napadako ang tingin nito sa durunguwan, at sa kabila ng ilog ay tanaw na tanaw niya ang nagliliwanag na bahay ni Kapitan Tyago. Dumating ang nag-iisang anak nito na si Maria Clara. Si Padre Salvi na mahilig sa mga magagandang dilag ay masayang masaya at kadaupang palad niya ang mga dalaga roon. Madaling nakatulog si Ibarra ng gabing iyon, kabaligtaran naman ni Padre Salvi na hindi dinalaw ng antok sapagkat hindi mawala sa kanyang isipan si Maria Clara.
Mga Tauhan sa Ikalimang Kabanata
-Crisostomo Ibarra - naghihinagpis si Ibarra sa sariling silid habang nagsasaya sa kabilang bayan ang may kagagawan sa pagkamatay ng kanyang ama.
- Maria Clara - tinaguriang pinakamaganda sa bayan ng Binundok at lahat ng tao ay humahanga sa kanya.
-Padre Sibyla - siyang siya sa pagmamasid sa mga kadalagahang naroroon, lalong lalo na sa kagandahan ni Maria Clara.
Maikling Clip tungkol sa Kabanata 5
Ang Kabanata 5: Isang Tala sa Gabing Madilim
Mga Pagpapaliwanag
Ano nga ba ang silfide?
Ano ang ibig ipahiwatig ng mga linyang ito?
"sumisibol sa kaniyang harapan ang mga bulaklak, ginigising ang tugtugin, at koro ng mga diablo"

Ang pagkikita ni Padre Sybila at Maria Clara
Pumanhik si Ibarra patungo sa kanyang silid, na nasa tabi ng ilog, pabagsak na umupo sa isang silya, nakatingin sa walang katapusang kalawakan, na nasa kanyang harapan, sa bukas na bintana.
Ang bahay sa tapat, na nasa kabilang panig ng ilog, ay labis na naliliwanagan. Umaabot hanggang sa kaniyang kinaroroonan silid, ang masasayang musika na mula sa mga panugtog na kuwerdas. Kung hindi nagwawalang bahala ang isipan ng binata, at naging mapag-usisa nang kaunti, at tinanaw sana sa tulong ng isang larga vista ang nangyayari sa gitna ng liwanag na iyon, ay hinangaan sana niya ang isang malikmata. Na katulad sa kahanga-hangang panoorin na makikita sa malalaking tanghalan sa Europa. Ngunit ang panooring ito, ngayon ay nagaganap sa bahay na nasa harapan ng kaniyang silid.
Kasabay sa mga timping tugtog ng orkesta ay nakikitang lumilitaw sa gitna ng liwanag na katulad ng buhos ng diyamante at ginto sa kagayakang silanganin. Nababalutan ng manipis na habi; ang isang diwata, isang
silfide
, na dumarating na halos hindi tumutuntong sa sahig, na nalilibutan ng isang maningning na sinag sa kaniyang ulunan:
sumisibol sa kaniyang harapan ang mga bulaklak, ginigising ang tugtugin, at koro ng mga diablo
, mga ninfa, mga satiro, mga genio, mga dalagang may hiyas na bulaklak, mga anghel, at mga pastol ay nagsasayawan, iniwawagayway ang kanilang mga pandereta, nakapaligid at bawat isa ay naghahandog ng isang alay sa paanan ng diwata.
Nakita sana ni Ibarra ang isang napakaganda at balingkinitang binibini, nadadamitan nang magandang kasuotan ng mga anak sa Pilipinas, sa gitna ng isang bilog na binubuo ng iba’t ibang lahi ng taong nagkukukumpas at di mapakali
: doon ay may Insik, Kastila, Pilipino, militar, kura, matatandang babae, kabinataan, atbp. Si Padre Damaso ay nasa tabi ng dilag na iyon.
Si Padre Damaso ay nakangiting parang isang taong pinagpala
;
pati na si Pray Sibyla, ay nakikipag-usap sa binibini
, at inaayos ni Donya Victorina sa malagong buhok ng dalaga ang isang tuhog ng kumikinang na perlas at brilyante.
Ang dalaga ay maputi, marahil ay napakaputi; ang mga mata niyang palaging nakatungo ay nagpapakita ng isang malinis na kaluluwa kapag itinataas, at kapag siya ay ngumingiti ay makikita ang kanyang mapuputi at maliliit na ngipin, ay masasabing ang rosas ay isang halaman lamang at ang garing ay pangil lamang ng elepante. Sa pagitan ng manipis na pinyang hinabi, at sa paligid ng kanyang maputi at makintab na leeg ay nagkukurapan, ayon sa kasabihan ng mga Tagalog, ang masasayang mata ng isang collar na brilyante.
Iisang tao lamang ang parang hindi naaakit ng kanyang kagandahan; ito ay isang batang Pransiskanong payat, mukhang maysakit, putlain, na nakamasid lamang na walang kakilos-kilos, buhat sa malayo, at halos hindi humihinga.
Ano ang ibig ipahiwatig ng mga linyang ito?
"Nakita sana ni Ibarra ang isang napakaganda at balingkinitang binibini, nadadamitan nang magandang kasuotan ng mga anak sa Pilipinas, sa gitna ng isang bilog na binubuo ng iba’t ibang lahi ng taong nagkukukumpas at di mapakali"
Ano ang ibig sabihin ng mga linyang ito?
"Si Padre Damaso ay nakangiting parang isang taong pinagpala"
Ano ang ibig sabihin ng mga linyang ito?
"pati na si Pray Sibyla, ay nakikipag-usap sa binibini"
Sino kaya ang taong ito?
Iisang tao lamang ang parang hindi naaakit ng kanyang kagandahan; ito ay isang batang Pransiskanong payat, mukhang maysakit, putlain, na nakamasid lamang na walang kakilos-kilos, buhat sa malayo, at halos hindi humihinga.
Mga Katanungan
Sino ang pinapangarap sa gabing madilim?
Sino ang palihim na nagmamanman sa dalaga?
Ito ay isang diwata na nakalutang sa hangin - katawagan din sa isang balingkinitan at magandang babae.
Sino ang may akda ng "Le Juif errant o The Wandering Jews"?
Sino ang pinaparehas ng may akda ng "Le Juif errant o The Wandering Jews" sa Noli me Tangere sa kanyang libro?
Mga Katanungan
Sino ang nag aayos ng buhok ng dumating na dalaga?
Ano ang iwinawagayway ng mga ninfa, mga satiro, mga genio, mga dalagang may hiyas na bulaklak, mga anghel, at mga pastol ay nagsasayawan na nakapaligid at bawat isa ay naghahandog ng isang alay sa paanan ng diwata?
Saan pumunta si Ibarra?
Sino ang inaalala ni Ibarra?
Ano ang inilagay ng taga-ayos ng buhok sa buhok ng dalaga?
Mga sagot
1. Maria Clara
2. Padre Salvi
3. Silfide
4. Eugene Sue
5. Padre Rodin
6. Donya Victorina
7. pandereta
8. Fonda de dala
9. Ang kanyang ama
10. isang tuhog ng kumikinang na perlas at brilyante
Maramimg
salamat sa
pakikinig at
Magandang umaga
sa inyong lahat!
Full transcript