Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Kaligirang Pangkasaysayan ng Dulang Pantanghalan

No description
by

Noiram Sorolla

on 3 November 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Kaligirang Pangkasaysayan ng Dulang Pantanghalan

Bago dumating ang mga Kastila o Panahon ng mga Katutubo
Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, mayroon nang sining at panitikan ang mga sinaunang Pilipino. Ang mga pagtatanghal noon ay hindi masasabing dula dahil walang entablado o tanghalan.
Karamihan sa mga panitikan nila’y yaong mga pasalin-dila gaya ng mga bulong, tugmang-bayan, bugtong, epiko, salawikain at awiting-bayan na anyong patula; mga kwentong-bayan, alamat at mito na anyong tuluyan at ang mga katutubong sayaw at ritwal ng babaylan bilang pinakaunang anyo ng dula sa bansa.

Panahon ng Kastila
Nagbago ang takbo ng buhay ng mga katutubo gayundin ang panitikan, nang sakupin ng España ang kapuluan. Mahigit na 300 taon lumaganap ang impluwensya ng mga Kastila sa panitikang pilipino.

Marami sa mga kastila ang sumulat ng mga akda lalo na ang mga prayle.Dumating ang mga Kastila sa bansa taglay ang tatlong G's – GOD, GOLD at GLORY. Dumating sila na ang pangunahing layunin ay ihasik ang Kristiyanismo, maghanap ng ginto at upang lalong mapabantog sa pamamagitan ng pagdaragdag ng kanilang nasasakop.

Ang paraan ng panunulat ng ating mga ninuno na baybayin ay pinalitan ng alphabetong Romano. Noon lumaganap ang mga uri ng panitikang tulad ng awit at korido, karagatan, duplo, moro- moro, senakulo, tibag, karilyo at iba pa.
Mga unang akdang Panrelihiyon
Panahon ng Amerikano
Matapos ang panahon ng pananakop ng mga Kastila ay pumalit naman ang mga Amerikano. Naging mapagbigay ang United States of America [USA] o US at ipinalasap ang kalayaan ng demokrasya. Kung relihiyon ang naging pamana ng mga Kastila sa Pilipino, edukasyon naman ang naging pangunahing ipinamana ng mga Amerikano. Sa panahong ding ito isinilang ang mga ilang imortal na makatang Pilipino na nagsisulat sa Ingles at Tagalog.
MGA TANYAG NA MANUNULAT NG PANAHON
Panahon ng mga Hapones
Malaki ang pagnanasa ng Japan na maging makapangyarihan sa Asia. May lihim itong hangarin na itaboy ang mga bansang kanluraning sumasakop sa mga bansa sa kontinente tulad ng Pilipinas, Malaysia, Indonesia, at Vietnam.
MGA KILALANG AKDA
Kasalukuyang Panahon
Naging makasaysayan sa mga Pilipino ang pagbabalik ng kanilang kalayaan mula sa kamay ng mga Hapon. At dahil sa kalayaang natamo, higit ring sumigla ang kalayaang pampanitikan ng bansa.
Naging paksa nito ang tungkol sa kalupitan ng mga Hapones, kahirapan ng pamumuhay noon, kabayanihan ng mga gerilya, at iba pa.
Dito sumikat ang Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature Republic Cultural Award, at Taunang Gawad ng Surian ng Wikang Pambansa.
Sumilang din sa panahong ito ang aktibismo ng mga batang mag-aaral noong nagsisimula ang dekada ’80 at ang kanilang panitikang aktibista gaya nina Virgilio Almario (na may sulat-panulat na Rio Alma) at Quintin Perez.
Nagkaroon ng kani- kanyang pahayagan ang mga pamantasan at kolehiyo. Tinampukan din ng mga patimpalak at pagsulat ng tula, sanaysay, at kuwento. Umunlad ang pelikulang Pilipino. Nagbukas ng mga palimbagan para sa mga lingguhang babasahin gaya ng Bulaklak, Tagumpay, Ilang- Ilang, Malaya, at Kayumanggi kaya nangailangan ng mga manunulat ng dula at nobela. Itinatag ang mga samahang pampanitikan gaya ng Taliba ng Inang Wika [TANIW], Kapisan ng Diwa at Panitik [KADIPAN], Kapisanan ng mga Mandudulang Pilipino[KAMPI], Panitikan Panitik ng mga Kababaihang Manunulat, at Samahang Balagtas. Itinatag din ang ilang samahan sa English gaya ng Philippine Writers Association, Dramatic Philippines, Philippines Educational Theater Association[PETA], Arena Ticket, at The Baranggay Writers Guild.
END!
Kaligirang Pangkasaysayan ng Dulang Pantanghalan
Mga Dulang Pantanghalan
- Bago dumating ang mga Kastila
- Panahon ng Kastila
- Panahon ng Amerikano
- Panahon ng mga Hapones
-Kasalukuyang Panahon

WAYANG ORANG AT WAYANG PURWA
MGA UNANG PANOORIN
Doctrina Cristiana
Isa sa pinakauna ng libro na nailathala sa Pilipinas noong pananhon ng mga Kastila . Libro na nauukol sa pananampalatayang Kristiyano o Kristiyanismo.

Ito ang kauna una unahang aklat na nailimbag sa Pilipinas noong 1593 na naglalaman ng mga aral at turo ng Kristiyanismo.

Ang ibig sabihin nito ay ang aral ng ating Panginoong Hesu Kristo na dapat nating sundin sa araw araw ng ating buhay na nakasulat sa Biblia.

Unang aklat na naisulat sa Pilipinas.
Ang Birhen ng Santo Rosaryo o Ina ng Santo Rosaryo ay ang titulo ng Birheng Maria na may kaugnayan sa rosaryo; na ayon sa tradisyon ng Simbahang Katoliko ay ibinigay at itinuro ng Birheng Maria ang pagdarasal nito kay Santo Domingo de Guzman, nang siya'y sinabing nagpakita rito noong 1208 sa simbahan ng Prouille sa Pransiya.
Nuestra Señora Del Rosario
Barlaan at Josaphat
Ang Barlaan at Josaphat (1708) ang una't pinakamakabuluhang salin sa Tagalog ng prosang umiinog sa buhay ng dalawang santo. Ang buong pamagat ng aklat ay Aral na tunay na totoong pag aacay sa tauo, nang manga cabanalang gaua nang manga maloualhating santos na si Barlaan ni Josafat na ipinalaman sa sulat ni S. Juan Damaceno na salin sa Tagalog ni Fray Antonio de Borja. Inilathala ng Lacompania de Jesus ang akda at may pahintulot ni Pablo Clain, ang pinunong probinsiyal ng Kompaya ni Hesus sa Filipinas, at ni Arsobispo Arebalo, matapos suriin ni Padre Fray Nicolas De San Pedro na priyor sa bayan ng Pasig.
Taong 1900 nang itatag ni Sergio Osmeña sa Cebu ang pahayagang "El Nuevo Dia" . Ito ay ipinagbawal dahil sa pagiging makabayan at pinagbantaang ipapatapon si Osmeña at kanyang mga kasama. Isa pa sa pahayagang lumitaw na makabayan din ay ang "El Renacimiento" na pinatnugutan ni Rafael Palma.
Lumaganap ang nasyonalismo at natakot ang mga Amerikano kaya hinigpitan nila ang sensura. Nagkaroon ng batas sedisyon laban sa pagtutuligsa at pagpuna sa pamahalaang Amerikano.
Ang mga Amerikano ang nagpakilala ng mga fairy tale sa mga Pilipino na ginamit ng mga gurong Tomasites sa pagtuturo.Ipinakilala rin ng mga ito ang iba pang uri (genre) ng panitikan gaya ng oda at nagpakilala sa pinilakang-tabing – ang pelikula.Dahil sa dala rin ng mga Amerikano ang pelikula sa bansa, ngunit nag-umpisa ito sa mga artistang gumagalaw lamang at nagsasalitang walang tinig (silent films); unti-unting naisantabi pansamantala ang dulang panteatro sa bansa dahil sa nakahiligan na ng mga Pilipino ang panonood ng pelikulang-tahimik.
Kastila

- ay isang manananggol subalit di matatawaran ang kanyang kakayahan bilang makata sa wikang Kastila at Tagalog. Hindi lamang dito kinikilala si Cecilio Apostol sa pagiging makata, sa Espanya at Latin Amerika ay sinasabing lalong kilala siya bilang "the greatest Filipino epic poet in Spanish."
- Si Claro Mayo Recto, Jr. (8 Pebrero 1890 – 2 Oktubre 1960) ay isang Pilipinong politiko sa Pilipinas. Nakilala siya sa kanyang pagiging makabayan.Kilala bilang Don Claro, siya ay isinilang siya sa Tiaong, Tayabas (ngayon ay Quezon) noong 8 Pebrero 1890 subalit lumaki sa Lipa, Batangas. Ang kanyang mga magulang ay sina Claro Recto Sr. at Micaela Mayo, kapwa taga-Batangas.
Claro M. Recto
Cecilio Apostol
-Si Zoilo J. Hilario ay ipinanganak sa San Juan, San Fernando, Pampanga noong Hunyo 27, 1892. Siya'y kinilala bilang isang bantog na manunulat sa wikang Kapampangan at Kastila. Isa siyang makata, mananaysay at mambabatas. Naputungan ng karangalang Makatang Laureado sa lalawigan ng Pampanga noong 1917 dahll sa kanyang tulang Alma Española. Nang sumunod na taon ay muling nagtamo ng karangalan bilang Makatang Laureado dahil naman sa kanyang tulang Jardin at Epicureo.

Ang unang aklat ng tula ni Hilario na nalathala noong 1911 ay may pamagat na Adelfas. Naging patnugot at tagapaglathala siya ng babasahing New Day.

Ang Bayung Sunis (Bagong Simponiya) ang huhng aklat na ipinalimbag n1 Hilario na kinapalolooban ng 150 piling mga tulang Kapampangan.
English
-Si Jose Garcia Villa ay isinilang sa Singalong, Maynila noong Agosto 5, 1908. Kilala siya sa sagisag na Doveglion. Kinilala sa pamahalaan bilang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan noong Hunyo 12, 1973. Ang unang koleksiyon ng kanyang mga tula na lumabas noong 1942 ay pinamagatang Have Come, Am Here na nalathala sa Estados Unidos ay umani ng malaking pagkilala.

Ang Footnotes to Youth ay isa ring koleksiyon ng mga tula ni Villa na lumabas naman noong 1933. Kilala si Villa bilang manunulat ng maikling kuwento at makata sa wikang Inggles.
Jose Garcia Villa
-Si Nestor Vicente Madali Gonzalez (1915-1999), kilala bilang N.V.M. Gonzalez, ay isang makata, guro, at Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan. Isa siya sa mga pinakakilala na Pilipinong manunulat sa Pilipinas. Makikita sa kanyang mga akda ang buhay ng mga Pilipino, hindi lamang sa bansa, ngunit maging sa buong mundo.
N.V.M Gonzales
Nag-aral siya sa Mindoro High School mula 1927 hanggang 1930 at bagaman na pumasok siya sa National University sa Maynila, hindi siya nagtamo nang anumang titulo. Habang nasa Maynila, nagsulat si Gonzalez sa Philippine Graphic at kinalaunan ay sa Evening News Magazine at Manila Chronicle. Ang una niyang naisulat na sanaysay ay nailathala sa Philippine Graphic at ang kanyang unang tula ay lumabas naman sa Poetry noong 1934.
TAGALOG
-Si Lope K. Santos (25 Setyembre 1879 – 1 Mayo 1963) ay isang tanyag na manunulat sa wikang Tagalog noong kaniyang kapanahunan, sa simula ng ika-1900 dantaon.[1] Bukod sa pagiging manunulat, isa rin siyang abogado, kritiko, lider obrero, at itinuturing na "Ama ng Pambansang Wika at Balarila" ng Pilipinas.
Lope K. Santos
-Si Amado Vera Hernández (13 Setyembre 1903 – 24 Marso 1970) ay isang makata at manunulat sa wikang Tagalog. Kilala rin siya bilang "Manunulat ng mga Manggagawa", sapagkat isa siyang pinuno ng mga Pilipinong manggagawa at sa kaniyang mga pagpuna at pagsusuri sa mga kawalan ng katarungang naganap sa Pilipinas noong kaniyang kapanahunan. Nakulong siya dahil sa pakikipagugnayan niya sa mga kilusang makakomunista. Siya ang punong tauhan sa isang bukod-tanging kasong panghukuman na tumagal ng 13 taon bago nagwakas.
Amado V. Hernandez
Jose Corazon De Jesus
- Si Jose Cecilio Ramon Augusto Pangilinan de Jesus o mas kilala sa pangalan na Jose Corazon de Jesus (1894-1932), may palayaw na Pepito Matimtiman, Huseng Batute, Huseng Katuwa, Anastacio Salagubang, Sundalong Lasing, Viterbi, Paruparong Asul, at Bayaning May Sugat, ay isang mamamahayag, makata at manunulat, at tulad din ni Balagtas at Rizal ay nakapagsulat ng maraming tula.
Sa pambobomba ng Amerika sa Hiroshima, gumanti ang Hapon sa paglusob nito sa Pearl Harbor noong Disyembre 7, 1941. Dahil nasa isalalim ng kolonya ng Estados Unidos kaya’t sinakop ng Hapon ang Pilipinas. Ngunit para sa karamihang manunulat na Pilipino, isang biyaya sa larangang panitikan ng bansa ang pangyayaring ito. Sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa sa panahong ito dahil ipinagbawal ng namumunong Hapon ang paggamit ng wikang Ingles at itinaguyod ang pagpapayaman sa panitikan gamit ang mga katutubong wika sa bansa. Sinunog din ang mga aklat na nasusulat sa Ingles upang masigurong hindi mababahiran ng kanluraning ideya ang panitikang nililikha.
Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at ng panitikan ang tinaguriang Gintong Panahon ng Panitikang Filipino dahil higit na malaya ang mga Pilipino (kaysa noong sa Amerikano) sa pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura, kaugalian at paniniwalang Pilipino sa mga ito.

Sa panahon ding ito kinilala ang mga manunulat na babaeng Pilipino sa pangalan nina Liwayway A. Arceo at Genoveva Edroza-Matute dahil sa mga makintal na maka-feministang maikling-kwento.
Maikling Kuwento
* Lupang Tinubuan- Narciso Reyes


* Uhaw ang Tigang na Lupa- Liwayway Arceo

*Lungsod, Nayon, at Dagat- N.V.M Gonzales
DULA
Sino ba kayo?
- Julian C. Balmaceda
NOBELA
*Tatlong Maria- Jose Esperanza Cruz
*Pamela- Adriano Laudico
*Lumubog na Butuin- Isidro Z. Castillo
Ilan sa mga Kilalang akda na nagkamit ng Gawad Palanca
Punong Kahoy- Buenaventura Medina, Jr.
Kinagisnang Balon- Andres Cristobal Cruz
Mabangis na Lungsod- Efren Abueg
Impeng Negro- Rogelio Sikat
Tata Selo- Rogelio Sikat
Mga Aso sa Lagarian- Dominador Mirasol
Ang Kamatayan ni Tiyo Samuel- Efren Abueg
Kuwento ni Mabuti- Genoveva Edroza
Mangingisda- Ponciano Pineda
Banyaga- Liwayway Arceo
-Marion Ian Sorolla
Full transcript