Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Mga Kasanayan sa akademikong pagbasa

No description
by

Christian Puno

on 14 November 2012

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Mga Kasanayan sa akademikong pagbasa

Mga Kasanayan sa Akademikong pagbasa Sa pag-uuri ng mga detalye ng isang teksto, makatutulong nang malaki ang kaalaman sa (1) paksang pangungusap na isang sentro o pangunahing tem/pokus sa pagpapalawak ng ideya (2) at mga suportang detalye na tumutulong, nagpapalawak, nagbibigay-linaw sa paksang pangugusap.
Ang paksang pangungusap ay ang pangunahing tema sa anumang tekstong ekspositori. Ito ang batayan ng mga detalyeng inilalahad sa isang teksto. Kadalasay makikita ito sa unang talata at huling talata ng tekstong ekspositori. Maaring implayd o ekspresd and paksang pangungusap kung ito ay nasa unahan. Kung ito ay nasa hulihan, nagiging kongklusyon ang paksang pangungusap bilang pagbibigay diin sa pokus o sentrong tema Pag-uuri ng mga ideya at detalye Mahalagang malaman ng mambabasa ang layunin ng tekston binabasa. Tumutukoy ang layunin ng teksto sa kung ano ang nais mangyari ng isang awtor sa kanyang mambabasa. Mahihinuha ito sa mga salitang ginagamit sa teksto at sa paraan ng pagkakaorganisa nito. May mga teksto na may layuning manlibang, manghikayat, mang-aliw, magbigay ng opinyon, magpaliwanag o magbigay ng impormasyon, magbahagi ng isang paniniwala o prinsipyo, magtanggol, mangaral at iba pa. Tandaan lamang na may mga tekstong may dalawa o higit pang layunin. Halimbawa, may mga tekstong nagbibibgay ng impormasyon habang nanghihikayat. Pagtukoy sa Layunin ng Teksto Sa pamamagitan ng mga tiyak ng salitang ginamit ng awtor sa isang teksto, maaring matiyak kung ano ang damdamin, tono at pananaw sa teksto. Ang damdamin ng teksto ay tumutukoy sa kung ano ang naging salooobin ng mambabasa sa binasang teksto. Samakatuwid, maari itong saya/tuwa, lungkot, takot, galit, pagkabahala at iba pa. Ang tono naman ay tumutukoy sa saloobin ng awtor sa paksang kanyang tintalakay. Kung gayon, maaring ito ay masaya, malungkot, seryoso, mapagbiro, mapangutya at iba pa.
Ang pananaw naman ay tumutukoy sa punto de vistang ginamit ng awtor sa teksto. Makikita ito sa pamamagitan ng mga panghalip na kanyang ginamit. Smakatwid, unang panauhan ang pananaw kung gumamit ng mga panghalip na ako, ko, akin, kita, tayo, natin, atin, kami, namin at amin. Nasa ikalawang panauhan ang pananaw kung gumamitng ikaw, ka, mo, iyo, kayo, ninyo at inyo. Nasa ikatlong panauhan naman kung ang ginamit na mga panghalip ay siya, niya, kanya, sila, nila at kanila.
Pagtiyak sa Damdamin, Tono at Pananaw ng Teksto Mahalagang makilatis ng sinumang mambabasa ang opinyon at katotohanan. Ano ang opinyon at ang katotohanan? Ang opinyon ay pahayag ng isang tao hinggil sa isang paksa at batay sa kanyang paniniwala at prinsipyo. Maari ito, kung gayon, na sang-ayunan o tutulan ng ibang tao, Ang katotohanan ay mga paktwal na kaisipan o pahayag na hindi na mapasusubalitan at samakatwid ay tinatanggap na ng lahat. Pagsusuri kung Valid o Hindi ang ideya o pananaw Bilang isang indibidwal na may malaking gampanin sa lipunan, kailangang lagi nating kinikilatis ang anumang ideya o pananaw kung iyon ay valid o hindi. Samakatwid, hindi laht ng ideya o pananaw ng ating mambabasa ay dapat tanggapin agad.
May ilang batayan upang masuri natin ang ang validity ng mga ideya o pananaw. Narito ang ilang mga katanungang dapat na masagot upang masuri kung valid o hindi ang isang partikular na ideya o pananaw.
1. Sino ang nagsabi ng ideya o pananaw?
2. Masasabi bang siya ay awtoridad sa kanyang paksang tinatalakay?
3. Ano ang kanyang naging batayan sa pagsasabi ng ideya o pananaw
4. Gaano katotoo ang ginamit niyang batayan? Mapananaligan ba iyon? Pagbuo ng Lagom at kongklusyon Ang lagom o buod ay tumutukoy sa pinakapayak at pinakamaikling anyo ng diskurso na batay sa isang binasang teksto. Taglay nito ang pinakadiwa at mahalagang kaisipan ng teksto.
Samantala, ang kongklusyon naman ay tumutukoy sa mga implikasyong mahahango sa isang binasang teksto. Pagbibigay-interpretasyon sa mapa, tsart, grap at talahanayan Ang mapa, tsart, grap at talahanayan ay mga presentasyong biswal na kadalasang ginagamit bilang pantulong sa isang teksto. Sa tulong ng mga ito, nagagawang payak at mas madaling unawain ang mga datos na inilalahad sa isang teksto.
Ang isang mahusay na mambabasa ay kailangang nakapagbibigay ng wastong interpretsyon ng mga mapa, tsart, grap at talahanayan. Pagtukoy sa layunin ng teksto
Full transcript