Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Ang Paglakas ng Europa

No description
by

Shiana Scarlet

on 6 January 2015

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Ang Paglakas ng Europa

Bourgeoisie
Ang Paglakas ng Monarkiya
Sa halos kabuuuan ng Gitnang Panahon sa Europa, ang isang malakas at pambansang gobyerno ay hindi pa kilala.
Sa Pransiya halimbawa, mga 10,000 na piraso ng mga lupain ay parang mga magkakahiwalay na bansa. Ang Pransiya ay may hari na sa teorya ay pinuno, ngunit ginagawa ng mga maharlika ang nais nila.
Sa kabilang dako, ang isang nasyon ay isang pangkat ng tao umuokupa sa parehong bansa sa ilalim ng iisang gobyerno at nagsasalita ng iisang wika.
Merkantilismo
isang patakarang pang-ekonomiya na umiral sa Europa noong ika-16 hanggang ika-18 na siglo kung saan kontrolado ng gobyerno ang industriya at kalakalan.
Ay ang patakarang pangkabuhayan na ang batayan ng yaman ay ang dami ng ginto at pilak.
Nanguna sa pagtangkilik sa sistemang ito ang mga bansang Spain at Portugal na sinundan pa ng iba pang mga bansang Europeo tulad ng France at England.
Aralin 8
Ang Paglakas ng Europa
Ang paglakas ng mga Bourgeoisie
Pagsilang ng Merkantilismo
Ang paglakas ng Monarkiya
Renaissance
Repormasyon

- ay tumutukoy sa mga malalayang tao sa mga bayan sa Europa noong gitnang panahon .
- ang salitang ito ay unang inukol sa mga nakatira sa mga bayan ng france noong gitnang panahon .
- makapangyarihan at maimpluwensiya sa ekonomiya.
- panggitnang uri ng lipunan
Ito ay binubuo ng mga sumusunod:
Mangangalakal
Banker
Shipowner
Negosyante
Namumuhunan
Ang mga
mangangalakal
ay isa sa mga pangunahing bumubuo sa bourgeoisie o gitnang uri sa Europa. Bumuo sila ng mga ekspedisyon upang humanap ng pamilihan at magkaroon ng mas malaking kita.

-Ang mga
banker
naman ang nagmamay-ari o namamahala ng bangko.

-Ang mga
shipowner
ang nagmamay-ari ng mga barkong ginagamit sa pangangalakal.

-Ang mga
negosyante
ang mga tagagawa o tagabenta ng mga produktong maaaring gamitin o ikalakal ng mga mangangalakal.

-Ang mga
namumuhunan
naman ang namamahala sa kung magkano ang patong o tubo ng isang produktong kanilang ipagbibili.
Sa pag-unlad ng mga lungsod noong Panahong Medyibal bilang mga sentro ng kalakalan at komersiyo, ang mga bourgeoisie ay naging mahalagang pangkat sosyo-ekonomiko. Kadalasan, nagpangkat pangkat sila upang bumuo ng korporasyon at
guilds
upang mapangalagaan ang kanilang interes.
2 Uri ng Guild

1. Merchant Guild
-mga mangangalakal

2. Craft Guild
- tagagawa ,sariling serbisyo sa pagbuo ng produkto
Habang nagiging isang kapitalistang lipunan ang dating lipunan piyudal sa Europa, ang mga bourgeoisie naman ay ang nangunguna sa pag-unlad ng industriya, agham, at mga panlipunang pagbabago

Sila ang nanguna sa Rebolusyong Ingles (English Revolution) noong ika- 17 siglo at sa Rebolusyong Amerikano at Pranses (American at French Revolution) noong huling bahagi ng ika- 18 siglo upang tumulong sa pagtatag sa karapatang politikal at kalayaan ng bawat tao.
Noong ika- 19 siglo, nagdulot ng mahalagang pagbabago sa kalagayang ekonomiko ng bansa. Sa panahong ito, lubos nang lumakas ang mga bourgeoisie na iba sa orihinal na bourgeoisie na tinawag na kapitalista at lumalaking bilang ng mga maliliit na bourgeoisie na binubuo ng mga shopkeeper,
Mga Kontribusyon ng mga Bourgeoisie
Kapitalista - nagmamayari ng mga industriya

Shopkeeper - mga manggagawang teknikal at klerikal.
Karl Marx - bumuo sa Teorya ng Class Struggle.

Teoryang Class Struggle - Itinuring ni Karl Marx ang mga bourgeoisie na mga kapitalista, isang puwersang humahawak ng kapangyarihan na siyang dahilan ng hindi pag-unlad ng mga proletariat.

Proletariat - pangkat ng mga manggagawa
Mga Salik sa Pag-angat ng Bourgeoisie
Ang Pagbabago sa Sining ng Pakikidigma
Nang maipakilala ang pulbura, ang makakapal at mga konkretong dingding ay hindi imposibleng gibain. Nang tumagal, ay naging posible na ring paurungin ang mga kabayuhang mananalakay na naglalakad na lamang sa tulong ng sibat.
Ang Pagdami ng mga Mersenaryo
Mersenaryo - mga bayarang kawal na palagiang maglilingkod sa hari.
3 paniniwala ng sistemang Merkantilismo
ang pagluwas ay mainam sa kalakalan para sa loob ng bansa at sa mga karatig na lugar.

ang kayamanan ng bansa ay nakasalalay sa taglay nitong ginto at pilak.

ang pakikialam ng gobyerno sa pambansang ekonomiya ay makatwiran upang matamo ang kaunlaran ng bansa.
ang
guild
ay isang asosasyon ng mga artisano o mga na kumokontrol sa pagsasagawa ng kanilang kagalingan o kasanayan habang nasa loob ng isang bayan.
Ayon sa teorya ng merkantilismo , may dalawang paraan upang mapalaki ang yaman at kapangyarihan ng isang bansa.

Sa pamamagitan ng pagkuha ng maraming ginto at pilak.

Ang pagkamit ng balance of trade

Balance of trade – dapat mas malaki ang halaga ng mga ibinibentang produkto ng isang bansa kaysa sa binibili nito.
May mga hakbang na isinasagawa upang mawala ang mga sagabal na siyang namayani noong Gitnang Panahon tulad ng pagpapataw ng buwis sa mga kargamento na dumaraan sa bawat lungsod ng bansa.

Pinasigla ang industriya dahil ito ang nagbibigay ng buwis sa siyang sumusuporta sa mga gastusin ng gobyerno.

Ang isinagawang eksploytasyon sa mga kolonya ay makatwiran upang mabigyan ang Inang bansa ng mahahalagang metal at hilaw na produkto na siyang sandigan ng industriya.

Mahalagang bahagi ng merkantilismo ang kolonyalismo.
Sa pagsasakatuparan nito ginagalugad at sinakop ng mga merkantilista ang mga lupain na makapagtutustos sa kanila ng ginto o maging ang mga kalakal na likas na wala sa kanilang mga hawak na bansa.
Hindi pinahintulutan ang mga kolonya na magtatag ng industriya na maaring kakompetensiya nila sa paglikha ng mga produkto na nilikha ng nananakop na bansa.
Naging tungkulin ng mga kolonya ang pagtustos ng mga panangkap at pagkonsumo ng mga kalakal na ginawa ng bansang mananakop.
Kolonyalismo
- pananakop ng mga lupain.

Lumawak ang dati na maliit na kalakalan sa Mediterranean dahil sa mga pagtuklas at paggagalugad. Sa katagalan, naging pandaigdig na rin ang lawak ng kalakalan. Nagwakas ang monopolyo ng Venice, Genoa, at Pisa.
Naging mahahalagang daungan ng mga kalakal ang Lisbon, Bordeaux,Liverpool,Bristol, at Amsterdam.

Nagbunga ito ng pagdami ng mga uri ng kalakal na ipinagbibili sa pandaigdig na pamilihan sa Europa:

Mais ng Hilagang Amerika
Pulot at rum ng Kanlurang Indies
Kakaw at quinine ng Timog Amerika.
Mula naman sa Aprika ang garing, balahibo ng ostrich, at alipin
Quinine
-nagmula sa salitang Peru na kina na nangagahulugang punong kahoy.
– puting substance na nakukuha sa balat ng punong kahoy.
Epekto ng Merkantilismo
Nagkaroon ng labis na bilang ng salapi ang mga tao. Dahit dito, tumaas ang halaga ng bilihin na nagresulta sa inflation.
Ginamit ng mga bansang Europeo ang yaman ng mga kolonya upang ipantustos sa digmaan nila sa mga kalabang bansa. Nangailangan din na maghirang ng mga bagong kawani sa pamahalaan.
Ang pagbuo ng isang ekonomiyang nakasalalay sa pangangailangan at kagustuhan ng mga tao. Ang pagtugon sa pangangailangang ito ang tumulong sa patuloy na paglago ng sistemang pangkabuhayan na tinatawag na kapitalismo.
Inflation
- ang pagtaas sa pangkalahatang antas ng mga presyo ng mga kalakal(goods) at mga serbisyo sa isang ekonomiya sa loob ng periodo ng panahon
Kapitalismo
- isang sistemang pangkabuhayan na nasa kamay ng isang pribadong tao o kumpanya ang proseso ng produksyon.
Binigyang daan ng pagdami ng metal ang pagsulong ng kapitalismo.

Ito ay dahil sa ginamit ng mga tao ang ginto at pilak bilang salapi. Bunga nito, nagbago ang sistema ng palitan ng mga kalakaat nalinang ang bagong konsepto ng paghahangad ng tubo at pangangalakal.
Renaissance
Mula sa salitang Pranses na nangangahulugang "muling pagsilang".
Ito ang panahon sa muling pagsibol ng mga pagbabagong kultural.
Sa panahong ito, muling pinanumbalik ang mga klasikal na kultura ng Gresya at Roma.
Ito ay nagbigay-daan sa maraming pagbabago sa larangan ng sining, arkitektura, at eskultura.
Ito ay isang panahon na nabuhay muli ang interes ng mga mamamayan sa kalikasan ng tao.
Ang diwa ng Renaissance ay nagbigay ng kalayaang intelekwal na nagsilbing tuntungan sa pagpasok sa sumunod na panahon.
Repormasyon
Matagumpay na pinaunlad ng merkantilismo ang industriya at mga pook kolonyal pero hindi ito naging positibo sa lahat ng tao, nagdulot ito ng negatibong reaksiyon at pagbabatikos tulad ng naganap sa Rebolusyong Amerikano.

Sa rebolusyong ito, iginiit ng mga katutubo ang kanilang kalayaan. Ang mga industriya sa Europa na napaunlad sa ilalim ng sistemang merkantilismo ay ging malakas upang makatakbo kahit walang proteksiyon mula sa sistemang merkantilismo.
Adam Smith - nagsulat ng aklat na " An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nations"

Sa pananaw ni Adam Smith, kaylangang tanggalin ang kontrol ng pamahalaan sa kalakalan at bigyan ng kalayaan ang sektor ng komersyo. Mula sa aklat ni Smith, ipinayo niya na hindi dapat makialam ang pamahalaan sa mga kaganapang pangkomersyo at bigyang kalayaan ang mga negosyante na kumilos sa parang nais nila. Dapat din na malaya ang mga mangangalakal na piliin ang kanilang negosyo, bumo ng sariling pagawaan, at kumuha ng mga mangagawa.

Pagsapit ng ika-19 na siglo, humantong ito sa pagpapatupad ng patakaran na laisez faire.



Laissez-faire
- prinsipyo ng hindi pakikialam ng pamahalaan sa kalakalan
Ang Pilipinas bilang isang kolonya ng Espanya ay naging kabahagi ng patakarang merkantilismo sa pamamagitan ng Kalakalang Galyon.

Ang parola sa Corregidor ay nagbibigay hudyat kapag dumarating na ang galyon. At pinatutugtog naman ng katedral ang Te deum habang dumadalong ito sa pantalan.
Kalakalang Galyon
- isang pampamahalaang monoplyo
- isang uri ng kalakalan na nagmumula sa Mehiko papunta sa Pilipinas, at pabalik, na isinasagawa noong Panahon ng Kastila sa Pilipinas.
- Tinatawag din na kalakalang Pilipinas at Mehiko.
- nagtataglay ng dalawang galyon o barko, ang isa ay biyaheng Maynila-Acapulco( 90 araw ), at ang biyaheng Acapulco-Maynila ( 120 araw).
- ang pangangasiwa sa kalakalang galyon ay ipinatutupad sa tulong ng tiket o boleta na ipinagbibili sa halagang 250 pesos
Ang monarkiya ay isang anyo ng pamahalaan na ang kataas-taasang kapangyarihan ay lubusan o naturingang inilalagak sa isang indibiduwal, ang pinuno ng estado, na kadalasang panghabang-buhay o hanggang pagbibitiw, at "buong itong hinihiwalay mula sa lahat ng kasapi ng estado.
Ang isang nasyon ay may tatlong katangian:

May gobyernong sentral na kayang dumipensa sa kanyang sarili laban sa mga kaaway at kayang ipagtanggol ang kanyang hangganan.
Nakahiwalay sa mga katabing bansa sa pamamagitan ng wika, relihiyon, tradisyon, at mga gawi sa buhay.
Tapat at mahal ng tao ng pangkat. Ang damdaming ito ay tinatawag na nasyonalismo o patriotism.
Ang pinalawak na kalakalan sa pagitan ng estado ay nagpaunlad sa gobyerno.

Hindi nagustuhan ng mga Bourgeoisie ang kawalan ng batas at kaayusan dahil naaapektuhan ang kanilang negosyo at ari-arian. Hindi na nasisiyahan ang mga mamamayan sa obligasyong piyudal tulad ng buwis at serbisyong militar.

Lalo pang nakadagdag sa kanilang pagkadismaya ang iba pang sistemang legal ng magkakaribal na maharlika, ang monarkiya at simbahan.

Ang bawat maharlika ay may sariling hukuman katulad ng pagkakaroon din ng bawat hari at simbahan.

Ang hukuman ng simbahan ay naglilitis hindi lamang sa mga taong simbahan kundi pati na rin sa mga estudyante, krusador, at mga alipin
Ang isang maharlikang piyudal ay mag-isang nagdedesisyon kung ang daanan na bumabagtas sa kanyang fief ay nararapat na iayos.

Ang mga maharlika ay kadalasang naniningil ng mataas na buwis sa paggamit sa daang bumabagtas sa kanyang ari-arian.

Ang pinakamasama pa dito ay kawalan ng pulisya na magbibigay proteksiyon sa kanila.
Ang mabato at maputik na daan ay kadalasang pinamumugaran ng mga bandidong umaatake sa mga manlalakbay.
Halos lahat ng mga hari sa nagtatag ng sentralisadong gobyerno ay may sinundang
pattern.
Una, natamo ng hari ang kanilang kapangyarihan sa ngalan ng simbahan at ng mga maharlika.
Ikalawa, ang hari ay nangongolekta ng buwis mula sa lumalakas na pangkat ng ari-arian.
Ikatlo


Mga Salik na Nagbigay-daan sa Renaissance
Ang Italya ay sinilangan ng Renaissance dahil sa maraming dahilan:
Ang mga lungsod-estado na ito sa matagal na panahon ay siyang nagdomina sa daanang kalakalan sa pagitan ng Silangan at Kanlurang Europa at sa pagitan ng Europa at Gitnang pagitan ng Europa. Pagsapit ng 1300, ang mga lungsod na ito ay naging pinakamayamang lungsod sa Europa.
Ang Italya ay may magandang kinalalagyan sa larangan ng kalakalan.
Ang mahahalagang produkto na pumapasok sa Europa sa panahong ito ay binubuo ng mga paminta, luya, cloves, cinnamon, at mga alahas.
Ang estrukturang politikal ng Hilagang Italya ay nakatulong upang
Full transcript