Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Patakarang Piskal

No description
by

justy padua

on 15 January 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Patakarang Piskal

*
Ang pamahalaan ay nagsusumikap na bawasan ang sobrang kasiglahan ng ekonomiya dahil ang labis namataas na demand kaysa suplay ay nagdudulot ng
inflation.
Kung hindi kayang palawakin ng mga prodyuser ang kanilang produksyon, tataas ang presyona hahantong sa mataas na inflation.
Constractionary Fiscal Policy
*
May kaukulang buwis na ipinapataw ang pamahalaan sa karamihan ng mga pang kabuhayang gawain ng mga mamamayan. Hindi maaaring maisakatuparan ng pamahalaan ang napakarami nitong mga gawaing pangkabuhayan kung walang pondonggagamitin. Ang malaking bahagi ng pondo ng pamahalaanay nanggagaling sa buwis.
Ang Sistema ng Pagbubuwis
Naglalayong mapataas ang output ng ekonomiya
Expansionary Fiscal
Policy
Ang pamahalaan ay nangongolekta ng salapi sa pamamagitan ng buwis.
Ang patakarang piskal ay ang paggamit ng pamahalaan sa pagbubuwis at paggasta nito upang mapatatag ang ekonomiya.
Patakarang Piskal
Ito ay tumutukoy sa paggamit
ng pamahalaan sa pagbubuwis
at paggasta nito upang
mapatatag ang ekonomiya.
Ang patakarang piskal
na naglalayong mapataasang
output ay tinatawag na
expansionary fiscal policy.
Samantala, ang patakarang naglalayong mapababa ang output ay tinatawag na
contractionary fiscal policy.
Ginagawa sa panahon ng recession at
upang mapigilan ang recession.
Maaaring isagawa sa pamamagitan ng
pagdagdag sagastos ng pamahalaan o
pagbabawas sa ibinabayad nabuwis
Kapag dinagdagan ang gastos ng
pamahalaan o bumibili ang pamahalaan ng
mas maraming kalakal at paglilingkod,
magdudulot ito ng mga pangyayaring magpapataas ng output at lilikha ito ng empleyo.

Ang mataas na demand ay magdudulot ng pagbaba ngantas ng walang trabaho at karagdagang
output
. Ito ay humihikayat upang palawakin ang ekonomiya
Kung babawasan ng pamahalaan ang
singil sa buwis, ang mga tao ay
magkakaroon ng karagdagang
salapi upang gastahin.
Kikita ang mga bahay-kalakal
na magagamit upang gastusin sa lupa,
paggawa, at kapital.Ang ganitong
gawain ay magpapataas sa
demand,presyo, at
output.
*
Binabawasan ng pamahalaan ang gastusin ng pamahalaan at pagtaas ng singil sa buwis upang mapabagal ang pagsulong ng ekonomiya.
*
Kapag ang pamahalaan ay nagbawas ng gastos o bumili ng kaunting kalakal o paglilingkod, magdudulot ito ng pagbaba kabuuang demand. Ang mababang demand naman ay magbubunga ng pagbaba ng pesyo.
*
Ang pagtaas ng singil sa buwis ay nangangahulugan ng kabawasan sa perang gagastusin ng mga tao.
*
Ang buwis o tax ay maaaring ipataw
ng pamahalaan sa mga ari-arian, kalakal,
serbisyo, at iba pa.
*
Ayon sa Saligang Batas, ang pagpataw ng buwis ay sakop ng kapangyarihan ng sangay ng lehislatura.
?
Ayon kay Adam Smith, ang
pagpapataw ng buwis ay may apat
na pamantayan. Ito ay ang
pagkakapantay-pantay, katiyakan,
ekonomiya, at kaginhawahan.
Pamantayan na Pagbubuwis ayon kay Adam Smith
Pagkakapantay-pantay (equity)-
may equity sa pagbubuwis kung parehong buwis ang ipinapataw sa mga mamamayang nasa parehong kalagayan.Makakatulong ito ng malaki upang mabawasan ang malaking agwat (income gap) sa pagitan ng mahihirap at mayayamang mamamayan, lalung-lalo na sa kaso ng Pilipinas na may ganitong suliranin.
Katiyakan (certainty)-
dapat ay tukoy ng mamamayan kung anong buwis ang dapat niyang bayaran, halaga ng bawat bayaran, at paraan ng pagbayad. Ito ay upang maiwasan ang kalituhan sa Bahagi ng mga mamamayan at maging ng mga pamahalaan. Sa pamamagitan nito ay maiiwasan ang maling halaga sa pagbabayad ng buwis. May mga pagkakataon na kulang o kung minsan naman ay sobra ang halaga ng ibinayad na halaga (overpayment o underpayment of taxes) bunga ng hindi malinaw na impormasyon ukol sa sistema ng pagbubuwis.
Ekonomiya (economy)
-
hindi dapat lubhang magastos ang pagbubuwis para sa pamahalaan. Mawawalan ng saysay ang pangungulekta ng buwis kung mas malaki pa ang ginagastos ng pamahalaan sa proseso ng pangungulekta kaysa aktwal na halaga ng nalikom na buwis.
Kaginhawahan (convenience)
-
hindi dapat maging pabigat ang
pagbubuwis sa puntong makaaapekto
na ito sa pangkalahatang operasyon ng pribadong negosyo. Kung magiging masyadong mabigat na pasanin ang pagbubuwis tatamlay ang pagnenegosyo na maaaring magresulta sa tanggalan sa trabaho at pagkakaroon ng matamlay na ekonomiya.

Ang pagbubuwis ay hindi dapat maging isang mabigat na pasanin para sa binubuwisan. Hindi dapat patawan ang isang empleyado ng napakabigat na buwis sa puntong halos wala nang matira para
sa pang-araw-arawv niyang gastusin at makapag-impok, Ang pagpataw ng buwis ay hindi dapat lalabis sa kakayahan ninuman na magbayad. Samakatwid, ang pagbubuwis ay hindi dapat mapang-abuso kanino man. Nagiging mapang-abuso ang pagbubuwis kapag ang babayarang buwis ay higit na mas malaki sa halaga ng bagay na binubuwisan.
Pinanggagalingan ng kita ng pamahalaan
Kahalagahan at layunin ng pagbubuwis
Pangunahing layunin ng pagbubuwis ang makalikom ng sapat na pondo upang maitaguyod ang pangkalahatang kagalingan ng mga mamamayan. Kung sistema ng pangungulekta ng buwis, mapaparalisa ang pagpapatakbo ng pamahalaan, hindi makakapag patuloy ng operasyon ang sandatahang lakas ng bansa, hindi mapopondohan ang mga lokal at pambansang halalan,hindi makakapagbigay ng serbisyong panlipunan ang pamahalaan sa mga mamamayan.
Nagsisilbi rin ang buwis na mekanismo upang iregularisa ang anumang labis na gawain
ng mga mamamayan o negosyo. Halimbawa nito
ay ang produksyon o pagkonsumo ng sigarilyo at alak, at maging ang mga lugar-aliwan tulad ng mga sabungan, sugalan, at iba pa.
Ang pagbubuwis ay nagsisilbi ring proteksyon sa mgahindi matatag na industriya na maaaring masagasaan ng operasyon ng malalaking korporasyong multinasyunal.

Iba’t Ibang uri ng Buwis

Ang buwis ay may iba’t ibang klasipikasyon.
May mga buwis na tuwirang ipinapataw sa mga indibidwal obahay-kalakal at paglilingkod. Tuwirang pinapasan ng mga manggagawa o kawani ang pagbabayad ng buwis sa pamahalaan sa pamamagitan ng pagkaltas o pagbawas sa kanilang sweldo.
Samantala, may mga sitwasyon naman kung
saan ipinapasa ng ilang mga negosyo ang pagbabayad ng buwis sa kanilang mamimili sa pamamagitan ng mas mataas na presyo ng produkto o serbisyo.
Sa pamamagitan ng progresibong pagbubuwis o
progressive taxation,
inaasahang mababawasan ang agwat sa pagitan ng mamamayan at mahihirap na mamamayan.
Mas malaki ang buwis na ipinapataw sa mga mamamayang mas may kakayahang magbayad nito dahil sa estado nila sa lipunan. Ang progresibong pagbubuwis ay isa ring paraan ng proteksyon sa interes ng mahihirap na mamamayan. Malaki ang agwat ng mamamayan at mahirap na mamamayan sa bansa kaya mahalaga ang papel ng pagbubuwis upang ang suliraning ito ay masolusyunan.
Iba't ibang uri ng buwis
MGA ISYU TUNGKOL SA PAGBUBUWIS
Pagpapataw ng Karagdagang Buwis- upang solusyunan ang budget deficit.

*mas mababang alokasyon sa mga batayang serbisyong panlipunan.
*higit na pagkabaon sa dayuhang pagkakautang.
*matagalang debate ukol sa tamang alokasyon ng pondo.
*maaaring resulta ng pagkatamlay sa pagnenegosyo.
MABABANG KOLEKSYON NG PAGBUBUWIS
* di makatotohanang deklarasyon ng mga ari-arian
* di pagdedeklara o di tamang pagdedeklara ng halaga ng kinikita
* tax evasion
* pandaraya sa pasasaad ng dapat sakupin ng exemption
PAMBANSANG PAGBABADYET
Apat na Yugto:
a. Executive Preparation - pagtukoy sa pangkalahatang direksyon at prayoridad ng pagbabadyet para sa bansa

b. Budget Amortization
- pagsasagawa ng deliberasyon sa Kongreso
- pagsasagawa ng deliberasyon sa Senado
- pagrepaso ng Pangulo sa badyet na pinagpasyahan ng lehislatura

c. Budget Execution - pagbibigay ng badyet sa mga kaukulang kagawaran o ahensya ng pamahalaan upang maisakatuparan ang mga plano nito para sa taon.

d. Budget Accountability - pagpapasa ng mga ulat sa DBM, Commision on Audit at lehislatura upang malaman kung saan nagastaang badyet ayon sa itinakda ng batas.
Klasipikasyon ng Gastusin
Batay sa Uri:
1. Personal Services
2. Maintenance and Other Operating Expenses
3. Capital Outlay
Batay sa Sektor:
1. Economic Services
2. Social Services
3. Defense
4. General Government
5. Transfer Payments
6. Net Lending
7. Debt Services
8. Debt Amortization
Paggasta ng Pamahalaan sa Sektor
1. Pambayad ng Utang o Interes ng Utang - 33.2%
2. Serbisyong Panlipunan - 28%
3. Serbisyong Ekonomiko - 17.5%
4. Pangkalahatang Serbisyong Pampubliko - 15.5%
5. Pambansang Pagtatanggol - 4.9%
6. Net Lending 0.8%
That's all!!!
Full transcript