Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

PAGSASANAY PARA SA SARILING PAMAMAHALA (1907-1921)

No description
by

Marla Arellano

on 26 January 2015

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of PAGSASANAY PARA SA SARILING PAMAMAHALA (1907-1921)

KABANATA 17

REORGANISASYON NG PAMAHALAAN

Isang komiteng binubuo ng : - dalawang abogadong Pilipino at ,
- tatlong Amerikanong opisyal ng militar
Ang komiteng ito ang nagbalangkas ng plano para sa reorganisasyon ng pamahalaang munisipal sa lahat ng lugar na
nasa pamamahala ng mga Amerikano.


ANG SERBISYO SIBIL
1900- ipinasa ng Komisyon ng Pilipinas ang Batas sa Serbisyo Sibil.
-lahat ng empleyado ng gobyerno, maging sa munisipyo, lalawigan, o pambansang pamahalaan ay isasaalim sa pangangasiwa ng Kawanihan ng Serbisyo Sibil.
nasa kontrol at superbisyon ng gobernador-heneral.
layunin ng batas na mabawasan, kundi man tuluyang maalis , ang palakasan as pagsisilbi sa gobyerno.
nagkaroon din ng sistema ng pagkilala sa kahusayan ng isang empleyado mula nang maitatag ang serbisyo sibil at ang isang tao ay itinataas ng posisyon dahil sa sariling magagandang katangian at kakayahan at hindi dahil sa kung anu pa man.

Mahahalagang Probisyon

Itinakda rin ng Batas Jones na ang pamahalaan ng Pilipinas ay itutulad sa pamahalaan ng Estados Unidos.
Magkakaroon ito ng tatlong sangay:
-ang ehekutibo,
-ang lehislatibo, at
-ang panghukuman
Sangay na ehekutibo -pamumunuan ng gobernador-heneral na itatalaga ng Pangulo ng Estados Unidos at aaprubahan din ng kanilang Senado

PAGSASANAY PARA SA
SARILING PAMAMAHALA (1907-1921)
Ang Konseho ng Estado

Sa payo ni Ispiker Osmena, itinatag ni Gobernador-Heneral Harrison ang Konseho ng Estado.
Binubuo ito ng:
-Gobernador-Heneral na siyang tagapangulo
-Ispiker ng Kapulungan
-Presidente ng Senado at ng,
-mga miyembro ng gabinete
Ispiker Osmena-naging pangalawang tagapangulo ng Konseho
Tungkulin ng Konseho na payuhan ang Gobernador-Heneral sa mahahalagang usaping pambansa.
Nang umalis si Harrison noong 1921, ang mga Pilipino na ang namamahala sa kanilang sarili.
Mahalaga ang administrasyon ni Harrison dahil binuksan niya ang daan tungo sa mas malawak na partisipasyon ng mga Pilipino sa gobyerno.
Kaaramihan sa mga nagsisilbi sa gobyerno ay nagmula sa uring may-kaya at mga nakapag-aral, ang Pilipinasyon ay nangangahulugan ng paglalagay ng burukrasya sa kamay ng mga ilustrado at dating uring principalia.
Ang Lehislatura

Nang napasinayaan ang Asambleya ng Pilipinas noong 1907, nakihati na ang mga Pilipino sa responsibilidad ng paggawa ng batas.
Inalis na ang Komisyon ng Pilipinas at itinatag ang Senado ng Pilipinas na naging Mataas na Kapulungan.
Ang Asambleya ang naging Kamara de Representante.
Sergio Osmena- Ispiker ng Kapulungan
Manuel L. Quezon- naging senador at kalaunan ay naging Presidente ng Senado
Sa ilalim ng Batas Jones,ang Lehislatura ng Pilipinas ay napasinayaan noong ika-16 ng Oktubre, 1916.
Pilipinasyon sa Pamamahala ni Harrison

Nang maitalaga si Harrison ng Partidong Demokratiko, at naging gobernador-heneral noong 1913,kaagad niyang inasikaso ang Pilipinisasyon ng pamahalaang pambansa.
Dinagdagan ang bilang ng mga Pilipino sa Komisyon ng Pilipinas, at mula tatlo ay naging lima.

ANG BATAS JONES

William Atkinson Jones - nagharap ng dalawang panukalang batas sa Kongreso ng Amerika na nagtataguyod ng kalayaan.
Batas Jones ng 1916- nagsasaad sa Preambulo na bibigyan ng kalayaan ang Pilipinas "kapag naitatag na rito ang isang matatag na pamahalaan."
-isinasaad sa Batas Jones na kailangang pamahalaan ng mga pilipino ang kanilang mga usaping pambansa "upang sila'y maihanda sa pag-ako ng mga responsibilidad at matikman ang mga kabutihang dulot ng totoong kalayaan."

Nireorganisa rin ng Komisyon ng Pilipinas ang pamahalaang panlalawigan sa pagpapasa ng Batas sa nangangasiwa sa mga lalawigan.
Ayon sa nasabing batas, ang mga lalawigan ay pamamahalaan ng isang lupon na binubuo ng :
- gobernador
- ingat-yaman
- tagamasid

Katangian ng kwalipikadong botante:
- lalaking may edad na 23 pataas,
- naninirahan sa munisipyo sa loob ng anim na buwan,
- nakahawak na ng posisyon sa pamahalaang bayan noong panahon ng Espanyol, o nagmamay-ari ng ari-ariang nagkakahalaga ng 500 pesos o kaya'y nagbabayad ng buwis na umaabot sa 30 pesos kada taon
- nakakapagsalita at nakasusulat sa wikang Ingles o kaya'y Espanyol.
Nilimitahan ng batas na ito ang karapatang bumoto sa kalalakihang may mataas na pinag-aralan o may ari-arian. hindi nabigyan ng parehong karapatan ang mga babae, ang mahihirap at ang mga hindi gaanong nakapag-aral. Ang epekto ng nasabing batas ay palawigin ang paghahari ng principalia o elitistang grupo.
Ihahalal ang gobernador ng mga kwalipikadong botante ng probinsya para sa terminong dalawang taon.
Itatalaga naman ang ang ingat-yaman at ang tagamasid.
Noong una mga Amerikano ang naitalaga sa mga posisyong ito pero di naglaon ay napalitan ang isang tagamasid na Amerikano ng isang Pilipinong nahalal sa posisyon
1916 - puro Pilipino na ang bumubuo sa pamahalaang panlalawigan
Batas na Nangangasiwa sa mga Munisipyo (Municipal Code Act) - batas na nagtatadhana na ang pamahalaang munisipal ay patatakbuhin ng mga sumusunod na halal na opisyal: -presidente ng munisipyo -pangalawang pangulo ng munisipyo -konseho ng munisipyo
Ihahalal ang mga opisyal na ito tuwing ikalawang taon
PAGTATALAGA NG MGA PILIPINO

Bilang pagsunod sa atas ni Mckinley tungkol sa pagsasanay sa mga Pilipino sa sariling pamamahala, binigyan ng mga opisyal na Amerikano ang mga Pilipinong may mataas na pinag-aralan at pabor sa mga Amerikano ng posisyon sa Komisyon ng Pilipinas.
1901- tatlong Pilipinong kilalang kakampi ng mga Amerikano ang naitalaga sa Komisyon.
- Trinidad Pardo H. De Tavera, ang nagtatag ng maka- Amerikanong Partido Federal
- Jose Luzuriaga
- Benito Legarda.
Nang naging gobernador-heneral si Francis Burton Harisson, dinagdagan niya ang bilang ng mga Pilipino sa Komisyon. Sila ay sina :
- Rafael Palma, Jaime C. De Veyra, Victorino Mapa, Vicente Ilustre, at Vicente Singson Encarnacion
nagkaroon din ng mga Pilipinong kinatawan sa Korte Suprema
Cayetano Arellano- unang Punong Mahistrado.
Ang Pagtatalaga kay Harisson

Ang partidong Demokratiko na kontra sa imperyalismo ay nanindigan para sa kalayaan ng bansa, samantalang ang Partidong Republikano na panig sa imperyalistang tunguhin ng Estados Unidos ay pabor na sanayin muna ang mga Pilipino sa pamamahala ng sarili bago sila bigyan ng kalayaan.
Republikano na ang mga namahala sa bansa mula ng tumuntong sa bansa ang mga Amerikano noong 1898 hanggang noong 1912.

Noong eleksiyon para sa pagkapresidente taliwas naman ang ipinahayag ng kandidato ng Partidong Demokratiko na si Woodrow Wilson. Pabor siya sa pagbibigay ng kalayaan sa Pilipinas.
Nahalal na pangulo si Wilson at di nag tagal ay nagpadala siya ng mag-iimbestiga sa kalagayan ng bansa.
Henry Ford Jones-imbestigador na pinadala ni Wilson na nagreport sa kanya na may kakayahan na ang mga Pilipino na pamahalaan ang kanilang sarili.

Upang ipakita ang kanyang magandang intensyon sa pagbibigay ng kalayaan sa bansa, itinalaga ni Wilson si Francis Burton Harisson ng New York bilang gobernador-heneral ng Pilipinas.

Maraming Amerikano sa serbisyo sibil ang nagbitiw o kaya'y nagretiro dahil ayaw nilang mapasailalim ng mga hepeng Pilipino, na nagbigay daan sa patakaran ni Harrison na isalin sa mga Pilipino ang pamamahala ng pambansang gobyerno.
1921- sa pagtatapos ng termino ni Harrison dahil sa pagkatalo ng Partidong Demokratiko sa halalang pampanguluhan sa Estados Unidos, halos anim na porsiyento na lamang ang natitirang Amerikano sa kabuuang bilang ng mga opisyal at empleyado ng pamahalaang nasyonal.
Bise-Gobernador - ang magiging Kalihim ng Edukasyong Pampubliko.
Lehislatura ng Pilipinas- may kapangyarihang gumawa ng batas.
-binubuo ito ng dalawang kapulungan:
-ang Mataas na Kapulungan o Senado
-ang Mababang Kapulungan o Kamara de Representante
--ang mga miyembro ng dalawang kapulungan, maliban sa mga kumakatawan sa tribung di-Kristiyano, ay ihahalal ng mga kwalipikadong botanteng Pilipino
Ang kapangyarihang panghukuman naman ay nasa kamay ng :
-Korte Suprema, at
-mga mababang korte
Mahistrado ng Korte Suprema - itatalaga ng Pangulo ng Estados Unidos at aaprubahan ng kanilang Senado.
Marahil, ang pinakamahalagang probisyon ng Batas Jones ay ang batas tungkol sa mga Karapatan.


Trinidad Pardo H.
De Tavera
Jose Luzuriaga
Benito Legarda
Rafael Palma
Cayetano Arellano
Woodrow
Wilson
Henry Ford Jones
Francis Burton Harrison
"Ipinalalagay namin na kami'y katiwala lamang na nagtatrabaho hindi para sa ikabubuti ng Estados Unidos kundi para sa kapakanan ng mga mamamayan ng kapuluan ng Pilipinas.
Bawat hakbang na gagawin namin ay tungo sa pagkakamit ng kalayaan ng kapuluan at bilang paghahanda sa kalayaang iyon.
Kaagad gagawa ng isang hakbang ang Administrasyon at itatalaga ang mga katutubong mamamayan sa mas maraming puwesto sa Komisyon, at gayundin, ang mayorya sa Mataas at Mababang Kapulungan ay ibibigay sa kanila."

William Atkinson Jones
Mga pinangako ng mga lider ng Amerikano sa Washington D.C.:
-na ibibigay sa mga pilipino ang mga kabutihang dulot ng matino at makatarungang pamamahala,
-na bibigyan ang mga Pilipino ng mga kalayaang hindi nila natamasa msa pamahalaang kolonyal ng mga Espanyol
-na sasanayin ang mga Pilipin0 sa sariling pamamahala bilang paghahanda sa pagkakaroon ng kalayaan, na hindi narinig kailan man sa panahon ng mga Espanyol.

Ginawang hakbang ng mga Amerikano upang sanayin ang mga Pilipino sa sariling pamamahala bago bigyan ng kalayaan:
-Batas Cooper o ang Batas ng Pilipinas ng 1902
-Batas Jones noong 1916
-sa pamamahala ni Gobernador-Heneral Francis Burton Harrison ay lalong nagkaroon ng pagkakataon ang mga Pilipino na makapaglingkod sa pamahalaan.
-Batas Tydings-Mc Duffie noong 1934, na nagtakda ng pagkakaroon ng pansamantalang pamahalaan na tinawag na Commonwealth.
Full transcript