Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

ANG TALAMBUHAY NI LUCIO TAN AT ANG KAYANG TAGUMPAY SA KANYAN

No description
by

Cristopher Adelante Felira

on 30 October 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of ANG TALAMBUHAY NI LUCIO TAN AT ANG KAYANG TAGUMPAY SA KANYAN

ANG TALAMBUHAY NI LUCIO TAN AT ANG KAYANG TAGUMPAY SA KANYANG BUHAY...
LUCIO TAN AT KUNG PAANO SIYANG NAG SUMIKAP
Si Lucio Tan ay naging bilyonaryo sa pamamagitan ng tiyaga at sipag. Totoo na nag-aral siya at nakatapos ng chemistry sa Far Eastern University. Baka trabaho sa araw at aral sa gabi.

Nag-umpisa siya bilang isang ordinaryong kawani sa Bataan Cigar and Cigarette Factory. Dito na marahil natutunan ang negosyong paggawa ng sigarilyo hanggang sa duma¬ting ang panahon na itayo niya ang Fortune Tobacco sa Parang, Marikina. May panahon na halos 10,000 ang nagtatrabaho sa Fortune.
Lucio Tan
Lumakas ang kanyang sigarilyo sa pagbibigay sa Fortune ng lisensya ng gumagawa ng brands n R.J. Reynolds sa America. Dumating ang panahon na gumawa na ang Fortune ng sariling brand. Isa rito ay ang Hope Cigarettes.
Bago pa lamang naging matatag na kaibigan ng Pilipinas ang Tsina, alam na niya na ang dating komunistang bansang ito ang mangingibabaw sa maraming industriya, lalo na ang textile.

Kaya hindi siya sumali o naging aktibo sa Federation of Chinese Chambers of Commerce and Industry. Una siya sa mga Filipinong Intsik na nagtayo ng negosyo sa Shanghai at pinagmulang bayan, ang Xiamen na malapit sa Taiwan.

Ang Eton Property ni Lucio Tan ang may pinakamataas na building - 82 palapag sa Dalian, China. Ang pagkakaalam ko matatapos ito at handang ipagamit kanino man sa buwang ito.

Ang Philippine National Bank ang ikaapat sa malalaking bangko sa Pilipinas. Isinama niya rito ang kanyang sariling bangko, ang Allied Bank na halos kanyang lahat.
Pagkatapos ay...
Ibang klaseng negosyante si Lucio Tan. Marami siyang pinapasukan na hindi iniisip ng mga kaibigan at kalaban man sa pagtingin sa kinabukasan ng negosyo.
Pero alam din niya ang hanapbuhay ng maliliit na tao at tumutulong siya na magpalaki ng pagkain para sa bayan. Kay Lucio Tan ang Foremost Farm sa Tanay. Ito ang nagbibigay ng sobra pa sa 10 porsyento na pangangailan ng baboy sa mga publiko at pribadong palengke sa Kalakhang Maynila. Matalim ang isip ni Lucio Tan sa pagtanaw ng mangyayari sa kinabukasan. Alam niya na darating ang panahon na mauubos ang kahoy sa bansang ito. Kaya nagpatanim siya ng maraming giant bamboo sa Talim Island sa Rizal. Maunlad na at puwede ng anihin.

Sino ang mag-aakala na maraming nalalaman si Lucio Tan tungkol sa honey bee. Alam niyang lahat. Sinasabi niya sa pakikipag-usap sa maraming kaibigan lalo na ang mga classmate niya sa high school sa Chiang Kai-Shek High School, na malaki ang kita sa pulot ng laywan o honey bee. Pero mas malaki ang kita sa tinatawag na pollen ng honey bee.
Malapit si Lucio sa kalikasan. Sinabi ng kaniyang kaibigan sa reporter na kailangan daw kausapin ang laywan o honey bee araw-araw para hindi ito maging masungit at mangagat kung kukunin ang pulot nila.

Sobra pa sa P100 milyon ang nagastos ni Lucio sa pagkukumpuni ng mga water dam sa Norte. Halos sira na itong lahat pero alam niya na lubhang kailangan ng tabako na ginagamit ng Fortune Tobacco.

Kaya inayos niya ang pinagkukunan ng tubig na pandilig sa halaman kung dumating ang tag-araw. Baka akala ninyo ginawa niya ito para sa sariling kapakanan o ng Fortune Tobacco.


Mukhang hindi. Wala naman siya sa negosyong palay o bigas. Pero malaki ang ginastos na sariling pera sa pagpapatubig ng maraming lugar sa Ilocos Norte para taniman ng palay. Wala siyang hinihinging kapalit, tulong lang.

Maraming milyong piso ang ginagastos ng Tan Yan Kee Foundation ni Lucio Tan. Ito ang tumutulong sa mga biktima ng natural calamities. Ito rin ang tumutulong sa pagpapaaral ng mara¬ming scholar sa University of the East na matagal na niyang binili hindi para pagkitaan kundi para makatulong.
Ibang klaseng bilyonaryo si Lucio Tan. Hindi lamang sa pagpapalaki ng kayamanan ang iniisip niya. Mahalaga rin sa kanya ang makatulong sa mahihirap.
HOPE CIGARRETTE
Hindi lang sigarilyo ang negosyo ni Lucio Tan kundi siya rin ang nagpapatakbo ng paliparang "PAL" O mas kilalang "Philippine Airlines".

At ayon sa kanya, "Mas mahalaga sa kanya ang puso at pagtanaw sa kapakanan ng mahihirap na pinagmulan niya."
WAKAS!!!
Full transcript