Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Copy of Kasaysayan ng pag unlad ng wikang pambansa ng Pilipinas

No description
by

Dannahcaye Palces

on 5 July 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Copy of Kasaysayan ng pag unlad ng wikang pambansa ng Pilipinas

Kasaysayan ng Pag-unlad ng Wikang Pambansa sa Pilipinas (Continuation)
1971 (Marso 4)
Pinalabas ng Kalihim Tagapagpaganap ang
Memorandum Sirkular Blg. 443 na hinihiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng palatuntunan
sa alaala ng ika-183 anibersaryo ng kapanganakan ni
Francisco (Balagtas) Baltazar sa Abril 2, 1971.
1971 (Hulyo 29) – Nilagdaan ang Memorandum Sirkular Blg. 488 na humihiling sa lahat ng tanggapan ng Pamahalaan na magdaos ng Palatuntunan sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa, Agosto 13-19.
1973- Sa Saligang Batas, Artikuloo XV, Sekyon 3, ganito ang sinasabi.
"Ang Saligang Batas na ito ay dapat ipahayag sa Ingles at Piipino, ang dapat na ang Wikang Opisyal, at isalin sa bawat dayalektong sinasalita ng mahigit sa limampung libong taong-bayan, at sa Kastila at Arabik. Sakaling may hidwaan, ang tekstong Ingles ang mananaig.
2006- Sinuspende ng Komisyon ng Wikang Filipino
ang "2001 revisyon ng Ortograpiyang Filipino at
Patnubay sa Ispeling ng wikang Filipino" at samantalang nagsagawa ng pagsasaliksik, pag-aaral, konsultasyon at
hangat walang nababalangkas na mga bagong tuntunin
sa pagbabaybay, magsisilbing tuntunin ang "Patnubay
sa Ispeling ng Wikang Filipino" ng taong 1987.
1971 (Marso 16) - Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang kautusang Tagapagpaganap Blg. 304 na nagpapanauli sa surian ng Wikang pambansa at nililiwanag ang kanyang mga kapangyarihan at tungkulin.
Surian ng Wikang Pambansa:
1. Maghayag ng mga kinakailangang panuntunan
at mga alituntunin na alinsunod sa mga pamantayang umiiral at tumutugon sa mga pinakabangong kaunlaran sa agham ng linggwistika tungo sa pagpapalawak at pagpapalakas ng Wikang Pambansa.
2. Ialinsabay sa panahon ang gramatika ng Wikang Pambansa.
3. Magpanukala ng diksyunaryo, tesauro, ensayklopedya o ano mang kasangkapang linggwistik ayon sa mga pinakabagong leksikograpiya, pilosopiya at pagkatha ng ensayklopedya.

4. Magpanukala at Maghayag ng mga patakarang pangwika
na naaangkop sa progresibong pagpapaunlad ng edukasyunal, kultural, sosyal, at ekonomikal ng bansa.
5. Pag-aralan at pagpasyahan ang mga pangunahing kinilaman sa Wiakang Pambansa.
6. Magpanukala ng mga patakarang naglalayon ng maramihang produksyon ng mga aklat, pamphlet, at katulad ding babasahin sa Wikang Pambansa sa uri at obrang orihinal.
7. Isagawa ang iba pang kaugnay ng Gawain.

1972 (Disyembre 1) - Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Kautusang Panlahat Blg. 17, na nag-uutos na limbagin sa Pilipino at Ingles sa Official Gazette at gayon din sa mga pahayagang may malawak na sirkulasyon bago idaos ang plebisito para sa ratipikasyon ng Saligang Batas noong Enero 5, 1973.
1972 (Disyembre)- Nag-atas ang Pangulong (Blg. 73) Ferdinand E. Marcos sa Surian ng Wikang Pambansa na ang saligang batas ay isalin sa mga wikang sinasalita ng may limampung libong (50,000) mamamayan, alinsunod sa probisyon ng Saligang Batas (Artikulo XV, Seksyon 3 [1])
Ang Pambansang Asemblea ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na adapsyon ng panlahat na Wikang Pambansa na makikilalang Pilipino.
1974 (Hunyo 19) - Nilagdaan ni Kalihim Juan L. Manuel ng Edukasyon at Kultura ang Kautusang Pangkagawarann Blg. 25 na nagtatadhana ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng patakarang edukasyong bilinggwal sa mga paaralan na magsisimula sa taong paaralan 1974-1975. Ang Kautusang ito ay alinsunod sa mga tadhana ng saligang batas ng 1972.
1978 (Hulyo 21)- Nilagdaan ng Ministro ng Edukasyon at Kultura Juan L. Manuel ang kautusang Pangministri Blg. 22 na naguutos na isama ang Pilipino sa lahat ng kurikulum ng Pandalubhasang antas. (Tertiary)
-Wikang Pilipino lamang ang pwedeng ipang-turo sa mga aralin.
1986 (Agosto 12)- Nlagdaan ni pangulong Corazon C. Aquino ang Proklamasyon Blg. 19 na kumikilala sa Wikang Pambansa na gumawa ng napakahalagang papel sa himagsikang pinasiklab ng Kapangyarihang Bayan na nagbunsod sa bagong pamahalaan.
1987 (Pebrero 2)- Pinagtibay angBagong Konstitusyon ng Pilipinas. Sa Artikulo XIV, Seksyon 6-9, nasasaad:
Sek 6"Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samatalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa uniiral na wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng Opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.

Sek. 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hanggat walang itinatadhana ang batas, Ingles.
Ang mga wikang pangrehiyonn ay pantulong sa mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong sa mga wikang panturo noon.
Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal ang Kastila at Arabik
Sek. 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang pangrehiyon, Arabik at Kastila.
Sek. 9. Dapat magtatag ang kongreso ng isang Komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba`t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili.
1987- Pinalabas ng Kalihim ng Departamento ng Edukasyon at Kultura at Palakasan ang kautusan Blg. 52 na naguutos sa paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa lahat ng antas sa mga paaralan kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa patakarang edukasyong bilinggwal.
1988 (Agosto 25)- Nilagdaan ng Pangulong Corazon C. Aquino ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 na nagtatagubilin sa lahat ng departamento, kawanihan, tanggapan, ahensya, at kaparaanan ng pamahalaan na gumawa ng mga kinakailangang hakbang para sa paggamit ng wikang Pilipino sa mga opisyal na transaksyon, kominikasyon at korespondensya
1989 (Setyembre 9)- Pinalabas ng kalihim g Edukasyon, Kultura at Palakasan ang kautusang Pangkagawaran Blg. 84 na nag-aatas sa lahat ng opisyal ng DECS na isakatuparan ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335.
1990(Marso 19)- Pinalabas ng Kalihim ng Departamento ng Edukasyon, Kultura, at Palakasan ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 21 na nagtatagubilin na gamiting wika ang Filipino sa pagbigkas ng panunumpa ng katapatan sa Saligang Batas at sa bayan natin.
1996- Pinalabas ng CHED ang CHED Memorandum Blg. 59 nagtatadhana ng siyam na yunit na pangangailangan sa Filipino sa pagkalahatang edukasyon at nagbabago sa desripsyon at nilalaman sa Filipino 1(Sining ng pakikipagtalastasan), Filipino 2(Pagbasa at pagsulat sa Iba`t ibang Disiplina), at Filipino 3(Retorika).
1997(Hulyo)- Nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Proklama Blg. 1041 na nagtatakda na ang buwan ng Agosto taun-taon ay magiging Buwan ng wikang Filipino at nagtatagubilin sa iba`t ibang sangay/tanggapan ng pamahalaan at sa mga paaralan na magsasagawa ng mga gawain kaugnay sa taunang pagdiriwang
2001- Tungo sa mabilis na instandardisasyon at intelekwalisasyon ng Wikang Filipino, ipinalabas
ng Komisyon ng Wikang Filipino ang 2001
revisyon ng Ortograpiyang Filipino at
Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino.
Full transcript