Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Copy of ANG UNANG KABIHASNAN SA AFRICA

No description
by

Juster Lloyd XD XD

on 10 August 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Copy of ANG UNANG KABIHASNAN SA AFRICA

Pre-dynastic Period o Bagong Panahon ng Disnatiya
Panahon bago ang 3100 B.C.E.
HIEROGLYPHICS - ang sistema ng pagsulat ng sinaunang Egypt na ginagamit nila sa pakikipagkalakalan at pagtatala ng mga pangyayari at nangangahulugang "sagradong ukit" sa wikang Greek.
Nomes - malalayang pamayanan at nagsilbing batayan ng mga binuong lalawigan ng mga sinaunang estado ng Egypt.
Nomarchs - mga pinuno ng Nomes at unti-unting nakapagbuklod ng isang estado sa Nile upang makabuo ng panrehiyong pagkakakilanlan.
Old Kingdom o Matandang Kaharian
Early Dynastic Period o Panahon ng Unang Dinastiya
Una at Ikalawang Dinastiya circa 3100-2670 B.C.E.
Dalawang kaharian ang nabuo sa kahabaan ng Nile - ang Lower Egypt at Upper Egypt.
MENES - pinakaunang pharaoh ng Unang Dinastiya at sumakop sa Lower Egypt na nagbigay daan upang mapagisa ang lupain sa mahabang panahon.
Gobernador - tagapangasiwa sa iba't-ibang lupain.
Memphis - kauna-unahang kabisera ng Egypt sa panahon ni Menes.
Ikatlo hanggang Ikaanim na Dinastiya circa 2670- 2150 B.C.E.
Pyramid o piramide ng Egypt - nagsilbing monumento ng kapangyarihan ng Pharaoh at huling hantungan sa kanilang pagpanaw at itinuturing na pinakamagandang arkitektura sa mundo (Seven Wonders of the Ancient World). Gaya ng Great Pyramid ni Khufu o Cheops sa Giza.
Pepi II - pinakabatang pharaoh (6 taong gulang), pinakamatagal na naghari (94 taon) at pinakahuling pharaoh ng Ika-6 na Dinastiya.
ANG UNANG KABIHASNAN SA EGYPT
Sinaunang Egypt
Heograpiya:
Ang Lower Egypt ay nasa hilagang bahagi ng lupain kung saan ang Nile ay dumadaloy patungong Mediterranen Sea samantalang ang Upper Egypt ay nasa bahaging katimugan mula sa Libyan Desert hanggang sa Abu Simbel.
The Gift of Nile - 4,160 milya o 6,694 kilometro at nagsilbing mahusay na ruta sa paglalakbay at kung wala ang ilog ang buong lupain ay magiging disyerto.
Aswan High Dam - itinayo noong 1970, nagbibigay ng elektrisidad at isinaayos ang suplay ng tubig
First Intermediate Period o Unang Intermedyang Panahon
Ika-7 hanggang Ika-11 Dinastiya circa 2150-2040 B.C.E.
2160 B.C.E. tinangkang pagbuklurin ng mga pharaoh ang Lower Egypt mula sa Heracleopolis sa pangunguna ni Akhtoy at sa kabilang dako mula sa Thebes ay binuo ang Upper Egypt sa pangunguna ni Inyotef o Antef.
Middle Kingdom o Gitnang Kaharian
Ika-12 at Ika-13 Dinastiya circa 2040-1650 B.C.E.
Mentuhotep I - tinapos niya ang kaguluhang politikal at napag-isa niyang muli ang Egypt.
Senusret o Senostris I - nakipagtunggali siya sa bahaging Nubia.
Senusret o Senostris III - ipinagpatuloy niya ang kampanya sa Nubia at tinangka niyang palawakin ang kapangyarihan ng Egypt sa Syria.
Amenemhet II - pinakamahusay na pinuno na namayani sa loob ng 45 taon (1929-1895 B.C.E.)
Kaguluhan at pagdating ng mga Hyksos na nagangahulugang "Mga Prinsipe mula sa mga dayuhang lupain" ang namayani sa panahonh ito at
Chariot - natutuhang sakyan ng mga Egypt sa panahong Ika-13 Dinastiya.
Second Intermediate Period o Ikalawang Intermedyang Panahon
Ika-14 hanggang Ika-17 Dinastiya circa - B.C.E.
Ayon sa tala, ang Ika-13 dinastiya ay nagkaroon ng 57 na hari na nagpapahiwatig ng kawalan ng kapanatagan at katatagan sa pamamahala.
Ang pangingibabaw ng dinastiya ng Hyksos noong ika-16 na dinastiya na tinatawag na Great Hyksos Dynasty ay nagtapos sa pag-usbong ng ika-17 dinastiya.
Ang mga pinuno ng ika-17 dinastiya ang nagpatalsik sa mga Hyksos mula sa Egypt.
New Kingdom o Bagong Kaharian
Ika-18 hanggang Ika-20 Dinastiya circa 1550-1070 B.C.E.
Empire Age - tawag sa New Kingdom at tinuring na pinakadakilang panahon ng kabihasnang Egypt.
Ahmose - naitaboy niya ang mga Hyksos mula sa Egypt noong 1570 B.C.E. at sinimulan niya sang dinastiya ng mga dakilang pharaoh.
Reyna Hatshepsut - asawa ni Thutmose II at kinilala bilang isa sa mahuhusay na na babaing pinuno sa kasaysayan at nagpagawa ng mga templo at nagpadala ng mga ekspedisyon sa ibang lupain.
Amenophis IV o Akhenaton - tinangka niyang bawasan ang kapangyarihan ng mga pari sa pamahalaan gayundin ang paniniwala ng mga tao ukol sa pagsamba sa maraming diyos.
Tutankhamen - humalili sa pamumuno kay Akhenaton sa edad na siyam na taon.
Rameses II - sa loob ng 20 taon ay kinalaban niya ang mga Hittite mula sa Asia Minor na unti-unting pumapasok sa silangang bahagi ng Egypt. Pinaniniwalaang ang Exodus ng mga jews mula Egypt ay naganap sa panahong ito.
Third Intermediate Period o Ikatlong Intermedyang Panahon
Ika-21 hanggang Ika-25 Dinastiya circa 1070-664 B.C.E,
Tanites - ang tawag sa Ika-21 Dinastiya ay pinasimulan ni Smedes ng Lower Egypt. Ang dinastiyang ito ay pinalitan ng mga hari ng Libya na nagpasimula sa Ika-22 Dinastiya.
Shosheng I - unang pinuno ng Ika-22 Dinastiya na isang heneral sa ilalim ng nagdaang dinastiya.
Piye - sumalakay pahilaga ng Egypt upang kalabanin ang mga nangingibabaw sa delta ng Nile at umabot ang kanyang kapangyarihan hanggang Memphis.
Tefnakhte - katunggali ni Piye na sumuko ngunit pinayagan ni Piye na mamuno sa Lower Egypt at sinimulan niya ang Ika-24 Dinastiya na hindi naman nagtagal.
Late Period o Huling Panahon
Ika-26 hanggang Ika-31 Dinastiya circa 664-330 B.C.E.
Psammetichus - nagawa niyang pagbuklurin ang Middle at Lower Egypt na nagpasimula ng Ika-26 Dinastiya at nakontrol niya ang buong Egypt noong 656 B.C.E.
Apries - nagpadala siya ng isang hukbo upang tulungan ang Libya na puksain ang kolonya ng Greece na Cyrene ngunit natalo sila na nagdulot ng kaguluhang sibil na humantong sa paghalili ni Amasis II. Sa kanyang pagkamatay noong 526 B.C.E. ay napasakamay ng Persia ang Egypt.
Cambyses II - pinuno ng Persia na unang naging hari ng Ika-27 Dinastiya.
Ika-30 Dinastiya - ang kahuli-hulihang dinastiya Egyptian na namuno sa kanilang lupain.
Ika-31 Dinastiya - itinatag ito sa panahon na panandaliang bumalik ang Persia.
Alexander the Great - sinakop niya ang Egypt noong 332 B.C.E. at ginawa niyang bahagi ito ng kanyang Imperyong Hellenistic.
Ptolemy - kaibigan at heneral ni Alexander na naging satrap o gobernador ng Egypt pagkamatay ni Alexander noong 323 B.C.E. Noong 305 B.C.E. ay itinalaga niya ang kanyang sarili bilang hari ng Egypt at naghari sa loob ng tatlong siglo sa Ptolemaic Dynasty.
Cleopatra Vii - ang kahuli-hulihang reyna ng Ptolemaic Dinastiya.
30 B.C.E. - naging bahagi ng Imperyong Roman ang Egypt sa panahon na ito.
Pamana ng Kabihasnang Egyptian
Ang kalendaryo na may 365 na araw sa loob ng isang taon na hinati sa 12 buwan ay mula sa mga sinaunang Ehipsyanong Astronomo noong 423 BCE. Ginawa nila ito upang masubaybayan ang pagbaha ng Nile.
Nabuo ang sistemang panulat ng mga sinaunang Ehipsyano na tinawag na Hierogliphics o hiroglipiko noong 3000 BCE. Ito ay binubuo ng mga salitang hiero, isang salitang Griyego na nangangahulugang sagrado o banal, at glype na ibig sabihin ay paglililok. Unang ginamit ng mga pari sa ritwal ang hiroglipiko. Binubuo ito ng mga ideogramo at ponogramo. Mayroon itong 24 na simbolo at ang bawat isa ay may tig-isang titik ng katinig. Bukod sa 24 na simbolo, mayroon pang 80 na simbolo na may tig-dalawang katinig
Ang piramide ang kauna-unahang monumentong bato na nananatili pa hanggang sa kasalukuyan. Ang pinakamalaking piramide ay ang piramide ni Khufu o Cheops na nasa Giza.
Ang pagkakaimbento ng papel mula sa dahon ng halamang papyrus ay nagmula rin sa sinaunang Ehipsyano.
Ang mummification o proseso ng pageembalsamo ay nagsimula noong 2600BC. sa ilalim ng pamumuno ni Khufu. Natagpuang ang pinakalumang mummy sa Medum ni Sir Flinders Petrie na tinatayang naembalsamo noong panahong ito.
Ang mastaba ay mga naunang bersyon ng piramide at una itong itinayo sa panahon ni Haring Djer noong 2900 BC.
Naimbento rin ang araro sa panahong ito.
Pagtatayo ng malalaking imbakan ng tubig na tinawag na faiyum na nagtutustos ng tubig sa panahon ng tagtuyot. Ginagamit pa rin ang sistemang ito sa mga irigasyon.
Amarna Art noong panahon ni Ikhnaton na nagpapahalaga sa pagiging makatotoanan ng mga bagay na inilalarawan.
Ang Unang Kabihasnan sa Africa
Sa araling ito, tutuklasin natin ang naging kontribusyon ng sinaunang Ehipto sa kabihasnan ng daigdig.
Anu-ano ang sumasagi sa iyong isipan kapag narinig mo ang Ehipto?
Alamin mo kung bakit naging maunlad ang sinaunang Ehipto.
Matapos ang araling ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:
1. Masusuri ang kahalagahan ng Ilog Nile sa sinaunang Egypt;
2. Maipaliliwanag ang pinakamahalagang pamana ng bansang Ehipto sa daigdig; at
3. Matatalakay ang mga naiambag at mahalagang nagawa ng mga pinunong naghari sa bansang Ehipto.
Full transcript