Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Thesis Defense

No description
by

Ramilyn Joyce Marco

on 14 March 2011

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Thesis Defense

Isang Pananaliksik Tungkol Sa Mga Epekto ng Pagkamulat sa 'Broken Family' ng Isang Kabataan sa Kanyang Paguugali at Akademikong Kasanayan Kahalagahan ng Pag-aaral Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa iba’t ibang uri ng tao. Sa tulong nito, maiintindihan niya ang pag-uugali ng isang estudyanteng galing sa broken family at mas mapapadali ang pakikihalubilo niya sa estudyante. Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral Marami ang makikinabang sa pananaliksik at pag-aaral na ito. Hindi lang mga kabataan, kundi mga magulang rin ay maaaring makinabang. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, matutulungan nila ang kanilang mga sarili kung paano makibagay sa kanilang problema, at kung paano nila ito dadalhin ng maayos.

Makikinabang rin sa mga mananaliksik ang pag-aaral na ito. Malalaman nila ang mga epekto sa suliranin na ito, sa pag-uugali at sa akademikong kasanayan ng isang kabataan, at gagawa ng solusyon para maiwasan ang mga ganitong problema sa buhay. Lilimitahan ang pag-aaral na ito sa Unibersidad ng Centro Escolar sa Makati, sa Gil Puyat at Legaspi. Ang Unibersidad ng Centro Escolar sa Makati ay nabuo noong Hunyo 2005 sa Gil Puyat Avenue at nagkaroon ng isa pang yunit sa Legaspi Village sa Makati rin noong taong 2007. Sa kasalukuyan, meron itong 14 na kurso sa unibersidad na ito. Sa kasalukuyan, meron itong higit kumulang na apat na libong mga mag-aaral at dito kukunin ng mga mananaliksik ang kanilang respondente. Binubuo ng walong palapag ang unibersidad at makakikita ng malinis at organisadong kapaligiran. Hindi kabilang sa pag-aaral ang Unibersidad ng Centro Escolar sa Mediola at sa iba pang institusyon. Kasama sa pananaliksik na ito ang mga mag-aaral na nasa una hanggang ikapat na taon sa kolehiyo ng iba’t ibang kurso sa Unibersidad ng Centro Escolar na kasalukuyang dumaranas ng pagkasira sa pamilya. Ang mga kabataang kasangkot sa pag-aaral na ito ay yaong mga nasa gulang na 16 hanggang 20. Pipili ang mga mananaliksik ng 50 respondente sa isang unibersidad at kakapanayamin din ang kani-kanilang mga magulang patungkol sa pag-aaral na ito. Hindi kabilang sa pag-aaral na ito ang mga estudyanteng nagtatrabaho. Matututunan din ng bawat taong magbabasa ng pananaliksik na ito na maging sensitibo sa pananalita at galaw. Ang pananaliksik na ito ay tatalakay din sa mga epekto sa pag-uugali, kakayahang akademiko, mental, emosyonal, at pisikal na aspeto ng pagkatao ng mga kabataang nasasadlak o nakakaranas ng suliraning pampamilya. Malalaman din dito kung ilang porsiyento ng kabataan ang naaapekthan ng may ganitong klaseng suliranin. Bukod pa rito, sa pananaliksik na ito mas magiging malinaw kung bakit ganito kalaki ang epekto nito sa mga kabataan, na humahantong pa sa pagrerebelde. (c) Biogesic group, BSPSY1B 2010-2011
Full transcript