Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

ANG KABIHASNANG EGYPTIAN

No description
by

Yeppeun Saintly

on 7 September 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of ANG KABIHASNANG EGYPTIAN

ANG KABIHASNANG EGYPTIAN
ANG LOWER EGYPT AY NASA BAHAGING HILAGANG LUPAIN O KUNG SAAN ANG NILE AY DUMADALOY PATUNGONG MEDITERRANEAN SEA.
HEOGRAPIYA NG EGYPT
Sa pagunawa sa heograpiya ng sinaunang Egypt, mahalagang tandaan ang LOWER EGYPT at UPPER EGYPT.
ANG UPPER EGYPT AYNASA BAHAGING KATIMUGAN MULA LIBYAN DESERT HANGGANG SA ABU SIMBEL
Noon pa mang unang panahon, ang Egypt ay tinawag na bilang “Pamana ng Nile” dahil kung wala ang ilog na ito, ang buong lupain nito ay magiging isang disyerto.
Ang ilog na ito ay tila hinihiwa ang bahaging hilagang silangan ng disyerto ng africa.
Sa panahong neolitiko, ang taunang pag apaw ng Nile ay nagbibigay daan upang makapagtanim ang mga magsasaka sa lambak. Ang tubig baha ay nagdudulot ng halumigmig sa tuyong lupain at nagiiwan ng pataba sa lupaing mainam para sa pananim. Ang putik na dala ng ilog ay unti unting naiipon sa bunganga ng Nile sa hilaga upang maging latian na tinatawag na Delta.
DELTA
Ang matandang kasaysayan ng Egypt ay kadalasang hinahati sa mga panahong batay sa dinastiya ng naghaharing pharaoh.
Ang pharaoh ay tumatayong pinuno at hari ng sinaunang Egypt. Siya ay itinuturing din bilang isang diyos na taglay ang mga lihim ng langit at lupa. Para sa mga pharaoh sila ang tagapagtanggol sa kanilang nasasakupan.


PHARAOH
Ang mga eskribano ay nakapaglinang din ng kanilang sariling sistema ng pagsulatna tinatawag na hieroglyphics na nangangahulugang “sagradong ukit” sa wikang Greek. Ang sinaunang panulat na ito ay naging mahalaga sa pakikipagkalakalan at pagtatala ng mga kaganapan.

HIEROGLYPHICS
NOMES AT NOMARCHS
Sa pagsapit ng ikaapat na milenyo B.C.E., ang ilang mga pamayanan ay aging sentro ng pamumuhay sa sinaunang Egypt. Nang lumaon, ang mga ito ay tinatawag na mga nomes o malalayang pamayanan. Ang mga pinuno ng nomes na tinatawag na nomarchs ay unti unting nakapagbuklod ng isang estado sa Nile upang makabuo ng mas malaking panrehiyon na kaalaman.
Ang menes ay isa sa mga pinakaunang pharaoh sa panahon ng mga Unang Dinastiya ng Egypt. Maliban sa pagkakaroon ng isang pinag-isang pangangasiwa, nagtalaga rin siya ng mga gobernador sa iba’t ibang lupain. Ang Memphis ay naging kabisera ni Menes.

MENES
Old Kingdom(Matandang Kaharian – Ikatlo hanggang ika-anim na dinastiya.)
Tinawag itong panahon ng pyramid. Sa panahong ito nagsimula ang pagtatayong mga piramide sa Egypt na nagsilbing libingan ng mga pharaoh. Ang mga pyramids na ito ay nagsilbi ring monumento ng kapangyarihan ng mga pharaoh. Ang pagtatayo ng mga ganitong uri ng istruktura ay nangangailangan ng husay mula sa mga arkitektong nagdisenyo, gayundin para sa libo-libong taong nagtayo nito. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang Great Pyramid ni Khufu o Cheops sa Giza.

PEPI II
Kahuli-hulihang pharaoh ng ika-anim na dinastiya. Pinaniniwalaang namuno sa loob ng 94 na taon, ang pinakamatagal na naghari sa kasaysayan ng daigdig. Siya ay anim na taong gulang lamang nang maupo sa trono at namatay sa edad na 100.
Unang Intermedyang Panahon – ika pito hanggang ika-labing-isang dinastiya
Sa panahon ng 2160 B.C.E, tinangka ng mga panibagong pharaoh na pagbuklurin muli ang Lower Egypt mula sa kabisera nitong Heracleopolis.Sa kabilang dako, ang kanilang mga katunggali sa Thebes ay binuo naman ang Upper Egypt.
Dulot nito, nagsagupaan ang dalawang magkaribal na dinastiya sa Egypt.
Ang mga pinuno mula sa Heracleopolis ay nagmula sa linya ng mga Pharaoh na si Akhtoy samantalang ang unang apat na pinuno mula sa Thebes ay pinangalanang Inyotef o Antef.

Middle Kingdom(Gitnang Kaharian – ika-12 at ika-13 na dinastiya)
Ang kaguluhang politikal ay nagtapos nang manungkulan si Mentuhoteo. Sa mga sumunod na naghari, napag-isa muli ang lupain. Nalipat ang kabisera sa Lower Egypt.

Senusret o Sesostris I – Nakipagtunggali siya sa bahaging Nubia.

Senusret o Sesostris III – Ipinagpatuloy niya ang kampanya sa Nubia. Sa una ring pagkakataon, tinangka niyang palawakin ang kapangyarihan ng Egypt hanggang Syria.

Amenemhet II – Pinakamahusay na pinuno nang Gitnang Kaharian na namuno sa loob ng 34 na taon.


HYKSOS
Kaguluhan at pagdating ng mga Hyksos ang namayani sa panahong ito.
Ang katagang Hyksos ay nangangahulugang “Mga prinsipe mula sa dayuhang lupain”

Second Intermediate Period(Ikalawang Intermedyang Panahon – ika-14 at ika-17 na dinastiya)
Ayon sa mga tala, ang ika-13 dinastiya ay nagkaroon ng 57 na hari. Ito ay nagpapahiwatig ng kawalan ng kapanatagan at katatagan sa pamamahala.
Ang pangingibabaw ng dinastiya ng mga Hyskos noong Ika-16 ng dinastiya na tinawag na Great Hyskos Dinasty ay nagtapos sa pag-usbong ng ika-17 dinastiya.
Ang mga pinuno ng ika-17 dinastiya ay nagawang mapatalsik ang mga Hyskos mula sa Egypt.
Full transcript