Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

PANULAANG PILIPINO (Maikling kasaysayan ng pagunlad)

No description
by

Niko Carrasco

on 3 February 2016

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of PANULAANG PILIPINO (Maikling kasaysayan ng pagunlad)

PANAHONG
PRE-KOLONYAL
KASTILA
PANAHON ng
HIMAGSIKAN AT PROPAGANDA
PANAHON NG
PANAHON
PANAHON NG
HAPON
PANAHONG
PANAHON NG
KALAYAAN
Aralin 4
PANULAANG PILIPINO
Maikling Kasaysayan Ng Pagunlad
PANAHON NG
ng
AMERIKANO
BAGONG LIPUNAN
KOTEMPORARYO
Bago pa sinakop ng malalakas na bansa ang Pilipinas, mayaman na ang panitikan sa tula.
Naging libangan ng ating ninuno ang pagsulat ng tugma.
Nabuo ang mga tula sa pamamaraan ng pagbigkas at hindi pasulat.
Ako ay tutula mahabang mahaba
PANUGMAANG-BAYAN
1. Tugmaang Pambata
-maiksing tula na walang diwa.
Ex.
Ulan-ulan pantay kawayan
Bagyo-bagyo pantay kabayo
Tugmaang Matatalinghaga
-maiikling tugma na may sukat at tugma. Malalim na paksa na humahasa sa kaisipan. May layuning mangaral, magpaalala at magbigay ng babala.
ex
Bugtong, kawikaan o kasabihan at salawikain
Tugmang ganap na tula
-isang tanaga ng katagalugan ng mga taga-Mindoro. tula na may pitong pantig kada taludtod at apat na taludtod kada saknong
Ex
Ang tubig na malalim
Malilirip kung libdiw
Itong birheng magaling
Maliug paghanapin
Awiting Bayan
MAYAMANG KULTURA NG ATING MGA NINUNO. NAGLALARAWAN ITO KUNG ANONG URI NG PAMUMUHAY MERON SILA. MAYAMAN ITO SA KAUGALIAN AT TRADISYON. MAY SUKAT AT TUGMA NA KINAPAPALOOBAN NG IBA’T IBANG DAMDAMIN NA MAY MARIKIT NA PANANALITA
UYAYI O HELE
AWIT SA PAGPAPATULOG NG BATA.
Sa madaling salita, ito ay lullaby.
SOLIRANIN
AWIT SA PAGGAOD O PAMAMANGKA
KALUSAN
AWIT SA SAMA-SAMANG PAGGAWA.
DIONA
AWIT sa kasal.
KUNDIMAN
AWIT SA PAG-IBIG. MAARI RING PAG-IBIG SA MAGULANG, KAPATID, ANAK O KAIBIGAN.
KUMINTANG O TIKAM HILIRAW O TAGUMPAY
AWIT NG PAKIKIDIGMA. INAAWIT ITO BAGO, habang O PAGKATAPOS NG PAKIKIDIGMA
DALIT
AWIT PARA SA MGA ANITO, PAGSAMBA AT PAGGALANG ANG HIMIG NITO.
DUNGAW
AWIT PARA SA PATAY BILANG PAGDADALAMHATI. MAARING PURIHIN ANG MGA NAGAWA NOONG SIYA’Y NABUBUHAY PA.
Umbay
AWIT NG NANGUNGULILA DAHIL SA KAWALAN NG NAGMAMAHAL NA MAGULANG
Ditso
AWIT NA MULA SA MGA BATANG NAGLALARA SA LANSANGAN
EPIKO
TINATAWAG NA TULANG PASALAYSAY. NAGSASALAYSAY ITO NG KABAYANIHAN NG PANGUNAHING TAUHAN. NAPALOOB DITO ANG KULTURA NG ISANG LALAWIGAN KUNG SAAN NAGMULA ANG EPIKO.
Mga halimbawa ng epiko
Biag ni Lam-ang (Ilokano)
Handiong (Bicol)
Hudhud at Alim (Ifugao)
Hinilawod (Bisaya)
Bantugan (Maranaw)
Indarapatra at Sulayman (Maguindanao)
Layuning palaganapin ang Katolisismo at ang kanilang imperyalismo sa ngalan ng krus at espada.
Panahon ng Kastila
Lumaganap ang tinawag na Ladino o ang mga nagsasalita ng magkasamang wikang Kastila at Tagalog.
Tomas Pinpin
“Ama ng Palimbagang Pilipino”
Unang Pilipino-Intsik na manunulat.
Isinulat niya ang "Librong Pagaaralan nang manga Tagalog nang Uicang Castilla" noong 1610 ito ang kaunaunahang aklat na isinulat nang isang Tagalog.
Siya ay tagasalin at tumutulong sa mga prayle sa EBANGHELISASYON(Kristiyanismo) ng mga katutubong Pilipino. 
Fernando
Bagonbanta
Jose Dela Cruz
Kilala bilang “Huseng Sisiw”.
Guro ni Francisco Balagtas sa pagsulat ng tula.
FRANCISCO BALAGTAS
“Ama ng Panulaang Pilipino”.
Kilala bilang Kiko.
Florante at Laura ang kanyang Obra Maestra.
Florante at Laura
Ito ay binubuo ng tatlong bahagi: Una ay paghandog niya kay Selya, pangalawa ay ang paghingi ng paumanhin sa mga mambabasa at ang pangatlo ay ang tulang pasalaysay.
Ito ay isang tula laban sa mga Kastila.
Isa itong awit na nagbunga sa kasawian ni Kiko sa pag ibig niya kay Maria Asuncion Rivera na tinawag niyang Selya at pinaghandugan niya ng obra maestra.
1942-1945
Lumabas ang malayang taludturan o free verse.
Kasabay na lumabas ang “Haiku” ng Hapon sa pagbuhay muli sa tanaga na tulain na ng lumipas na panahon.
Ildefonso Santos
1897-1981
Kabibi
Kabibi, ano ka ba?
May perlas, maganda ka,
Kung idiit sa tainga
Nagbubuntong hininga

Tag-init
Alipatong lumapag
Sa lupa-nagkabitak
Sa kahoy-nalugayak
Sa puso-naglalagabgab
Alejandro Abadilla
1906-1969
1945-1950
Ang pagbabagong pampanitikan sa panahong ito matapos ng mga Amerikano ay naging kapansin-pansin. Noong 1946, ang aklat-katipunan ay isang sangkap na nagpasigla sa Panitikang Pilipino. Si Alejando Abadilla ay nakilala sa pagkakasulat ng aklat na nagtataglay ng antolohiya ng tula mula pa noong panahon ni Balagtas. Noong 1949, ang piling tula nina Baltazar at Jose dela Cruz ay ipinalimbag.
“Ang Paranasong Tagalog” – Alejandro G. Abadilla
“Buhay at iba Pang Tula” – Manuel Car Santiago
“Ang isang Dipang Langit” – Amado V. Hernandez
“Kadipan” – isang samahang pampanitikan ng iba’t ibang kolehiyo at pamantasan.

Sa samahang ito nakilala ang makatang Bienvenido Ramos, Benjamin Condeno, Marietta Dischoso, Rafael Dante at iba pa.
Isa pang aklat ni A.G. Abadilla na may pamagat na “Ako ay Daigdig” ang naging dahilan upang siya ay pagkalooban ng karangalang “Pangunahing Makata” noong 1957.
Noong 1961-1957 ang mga “Piling Tula” (1967) ni Rogelio Mangahas ay nakasama sa katipunan ng mga tula nila Rio Alma, Lamberto Antonio, Federico Licsi Espina, C.C. Marquez, Bienvenido Ramos, Pedro Ricarte, Orlando Rodriguez, Epifanio San Juan at Mar Al Tiburcio.
Sa taong 1967, nagtamo ng karangalan si Virgilio Almario sa pangalawang gantimpala sa tulang “Mga Huling Tala sa Pagdalawa sa isang Museo” at si Lamberto Antonio ay nagtamo ng karangalan sa “Gunitang Sa Puso’y Nagliliyab”.
1. Nakatatanda
-pangkat na ito na aral sa kastila
-kauna unahang nagpapahalaga sa panitikang pandaigdig,
na dumaloy sa bansa nang ikaw-dalawang daan taon.
2. Nakababata
-bagamat nagsisulat sa ingles ay lalong nagkagiliw kay
Balagtas dahil na rin sa natutuhan sa ingles na romantisismo
nina Byron, Keats, ate Goethe at sa mga akdang walang
kamatayan, nina dante, Shakespeare at Milton
Makatang nabibilang sa Nakatatanda
Lope K. Santos
Makata, nobelista, manunulat at peryodista
September 25,1879 – May 1,1963
“Ama ng Pambansang Wika at Balarila”
Governor of the Rizal – 1910 to 1913
Governor of Nueva Vizcaya – 1918-1920
Balarila ng Wikang Pambansa (Grammar of the National Language, the novel Banaag at Sikat (1906), the “Bible of working class Fiilipinos
Naghihimagsik at mapanuligsa – sagisag na “Sekretang Gala at Verdugo”
Pedro Gatmaitan
Pinakamagaling na makata ng mga tulang liriko
Higit na malalim ang diwa at mapilosopita
Unang gumamit ng lalabing-animin at lalabingwaluhing pantig sa panuluan
Naging mamahayag, reporter at editor din si Gatmaitan ng babasahing Alitaptap
Makatang nabibilang sa
Nakababata
Jose Corazon de Jesus
Huseng Batute , pepito
Sta. Cruz, Maynila - Nobyembre 22, 1896
Liceo Manila
Kauna-unahang “hari ng Balagtasan”
Sumulat ng mga tula upang ipahayag ang pagnanasa ng mga Pilipino na maging Malaya noong ng pananakop ng Estados Unidos
Demokrasya, Pagkakaisa, Taliba, Mabuhay at Sampagita
4,000 tula – kolum na buhay Cavite
800 kolum – Ang Lagit na Bagting
Mayo 26,1932 – Ospital Heneral : sakit sa Bituka
Ang Tren, Ang Posporo ng Diyos, Bayan ko
Florentino Collantes
Nayon ng Dampol, Pulilan, Bulacan – Oktubre 16,1896
Kuntil Butil
Makata at manunulat
Isa sa mga naunang makata na gumamit ng tula – political na kritisismo
Magaling na duplero
Unang tula – Nen
“Hari ng Baligtasan
Guro – 2 taon , Bureau of Lands
“ Parangal sa Bagong Kasal” , “Ang Magsasaka” , “Ang Patumpik-tumpik”.
Nagsimulang mag-ambag ng mga Tula – 15 gulang
Amado V. Hernandez
Unang liwanag sa Tundo, Maynila : Setyembre 13,1903
Batikang makata kwentista, mamamahayag, mandudula, nobelista, lider manggagawa at pulitiko.
25 – Makatang Laureado
“Pilipinas” –pinansinayan ang Pamahalaang Komonwelt : 1935
Mambabalagtas at mambibigkas : “Bonifacio” at “Guro ng Lahi”
“Makata ng Manggagawa”
Magasing Sampaguita at pahayagang Pagkakaisa at Mabuhay
Konsehal ng Unang Purok (Tundo) ng Maynila
Nabilanggo – 6 na taon
Realsita
Ildefonso Santos
Enero 23,1897 – nayon ng Baritan Malabon, Rizal
Kaisa-isang anak – Andres Santos at Atanacia Santiago
Kursong Edukasyon, kauna-unahang nagturo ng Pilipino sa National Teacher’s College.
Tulang inialay sa babaing lihim niyang iniibig – Leonardo Diangson
“Ang Mithi” – hinangaan ni Inigo Ed Regalado
“Ilaw Silangan”
Superbisor ng Wikang Pambansa
Galian sa Arte at Tula
ika-unang sabado ng agosto, 1973
Hangarin : upang ipagpatuloy ang kanilang komitment sa panitikang makabayan.
Noong 1975, Dalawang antolohiya ng tula ang lumabas. Ang "Kagilas-gilas na Pakikipagsapalaran ni Juan Dela Cruz" ni Jose Lacaba at ang "Doktrinang Anakpawis" ni Virgilio Almario. Nailimbag ang bagong edisyon ng Parnasong Tagalog, isang katipunan ng mga tula ni Alejandro Abadilla.
Sa mga panahong ito ang mga manunulat ay Malaya nang pumaksa ng mga pangyayaring panlipunan, ngunit wala ang sumubok ng tuwirang panunuligasa sa batas militar, ang mga epekto nito sa kalayaan, integridad, karapatang pantao, kalayaan ng bansa. Mababasa lang ito sa mga babasahin sa labas or underground publication. Kung mayroon man gustong tumalakay sa gayong mga paksa ay malamang nagkaroon ng takot at pangamba.
HIndi na maapoy at mapanuligsa ang mga inakdang tula sa panahon ng Batas Militar, lalong kilala sa tawag na panahon ng bagong lipunan.
Handog ng Kalayaan
Isang tulang-epikong sinulat ni gloria villaraza-guzman
nakakamit ito ng dakilang gantimpala
Dito maisasalaysay ang maikling kasaysayan ng pag unlad ng panulaang Pilipino
Nabibigyan ng pansin ang mga makata at manunulat ng tula na nakilala sa kani-kanilang panahon
Napahahalagahan ang naiambag ng panulaan sa pag unlad ng panitikang Pilipino
Nagising pagkatapos nang higit sa tatlong daang taong pagkakahimlay ang mga natutulog na damdamin ng mga Pilipino nang isangkot sa digmaan sa Kabite ang tatlong paring sina Gomez, Burgos at Zamora at patayin sa pamamagitan ng pagkakagarote ng WALANG MATIBAY NA KATIBAYAN NG PAGKAKASALA.
Pag-asam o pag nanais ng KALAYAAN.
Ang mga makata ay nagpahayag ng pag nanais na magkaroon ng PAGBABAGO.
Sa bawat taludtod ng kanilang mga tula ay sumisigaw ang damdaming NASYONALISMO
MGA HALIMBAWA
MGA NANGUNA SA MGA MAKABAYANG PILIPINO NG MGA AKDANG PATULA AT KINILALANG PINAKATALUKTOK NG MGA PROPAGANDISTA AT MAG HIHIMAGSIK AY SINA:
Andres Bonifacio
Dr. Jose Rizal
Marcelo H. del Pilar
“Pahimakas ni Dr. Jose Rizal”
Sa salin ni Andres Bonifacio
Huling tulang naisulat ni Rizal sa Fort Santiago bago siya barilin sa Dapitan
Ayon kay Mauro Garcia sa kaliitan ng papel na 15 ½ sentimetro at 9 ½ sentimetro at sa labing apat na saknong ng tula na nakasulat sa wikang Kastila ay hindi na nalapatan ng pamagat.
Si Padre Mariano Dacanay ang naglapat ng “Mi Ultimo Adios” na ngayon ay gamit na pamagat sa tula sa huling tula ni Dr. Jose Rizal.
Ang pinakatanyag na naisulat ni Dr. Jose Rizal.
Dr Jose Rizal
Ang mga nabuong nobela ni Dr. Jose Rizal ay naghayag ng kamangmangan, pagmamalupit at kasakiman ng karamihang mga kastilang naninirahan sa Pilipinas at binatikos ang kahinaan at kahangalan ng kanyang mga kababayan.
“Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas”
ni Marcelo H. Del Pilar
Isa sa maipagkakapuring akdang patula ni Del Pilar.
Isang tula na tugon sa tula ni Herminigildo Flores.
Ang tulang ito ay hangad sa paghingi ng mga reporma ngunit nagsasabing ang Espanya ay napakatanda at napakahina na upang magbigay ng anumang tulong sa Pilipinas.
“Pag-ibig sa Tinubuang Bayan”
ni Andres Bonifacio
Ito ay isinulat ni Andres Bonifacio na kanyang ginamit para himukin ang mga Pilipinong maging makabayan.
Si Bonifacio ay mas magaling na mandirigma kaysa sa isang manunulat ngunit pinatunayan niya na kaya niyang gumawa ng isang tula para sa kanyang minamahal na bayan.
Layunan ng mga kilusang Propaganda
Una ay magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Kastila sa ilalim ng mga saligang Batas.
Ibigay ang kalayaan ng mga Pilipino sa pamamahayag, pananalita, pagpupulong o pagtitipan, at pag papahayag ng kanilang mga karaingan.
Nagkaroon na ng malawak na pananaw at kamalayang panlipunan ang mga makatang isinisigaw ng panahong ito.
Naranasan na nila ang makilahok sa mga nagaganap sa paligid na naging dahilan upang maimpluwensiyahan ang kanilang mga tulang inaakda
Naging malaya na ang taludturan na siyang kinahuhumalingan hindi lamang ng mga makata kundi maging ng mga mambabasa
Karamihan sa mga tulang ito ay wala nang lambing na dulot ng mga piling salita, tugma at bilang ng pantig
para sa ating mga makata sa panahong ito ng sining ng panulaan tulad ng isang bukal na patuloy na titighaw sa nauuhaw na diwa ng mga pilipino sa mga akda o tulang tunay na maglalarawan ng kanilang mga simulain.
Halimbawa ng isang tulang mla sa isang kabataang makata na hinubog ng makabagong panahon
TEO T. Antonio
Babang luksa
Masasabing ang tula
ay kusang paglihis sa nakagawian na nating anyo o porma ng tula, na may sukat at tugma, hindi naman awala ang taginting at timyas ng diwa sapagkat naipahayag ng may akda ang kanyang puso at kaluluwa, isang damdaming nagugat na sa kanya dahil na rin sa mga karanasan nya.
Full transcript