Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

No description
by

Rolf Ivan Mariano

on 26 October 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA
Ebolusyon ng Wikang Filipino
2014
Thank you!
1895
“Ang Wikang Tagalog ang magiging opisyal na wika ng Pilipinas.”
- Saligang Batas ng Biak-na-Bato

1931
Iminungkahi na gamitin ang vernacular ng iba’t iaabng lugar sa pagtuturo sa primaryang antas.
- George C. Butte (bise gobernador, kalihim ng pampublikong edukasyon, 1930)

1925
Napagalamang mayroong pagkukulang ang paggamit ng wikang Ingles sa mga pangunahin o basic na level ng edukasyon.
- Ayon sa sarbey ng Monroe Komisyon

1935
“Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hanggang hindi nagtatadhana ng iba ang batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy ng gagamiting mga wikang opisyal.”
- 1935 Saligang Batas, Art. XIV, Sek. 3

1936
13 Nobyembre. Itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa (SWS) “na mag-aaral ng mga diyalekto sa pangkalahatan para sa layuning magpaunlad at magpatibay ng isang pambansang wikang batay sa isa sa mga umiiral na wika.”
- Batas Komonwelt Blg. 184


Mga delegadon g Surian ng Wikang Pambansa 1936:
Jaime C. de Veyra (Samar-Leyte)
Santiago A. Fonacier (Ilokano)
Filemon Sotto (Sebwano)
Casimiro F. Perfecto (Bikol)
Felix S. Salas Rodriguez (Panay)
Hadji Butu (Moro)
Cecilio Lopez (Tagalog)

1937
30 Disyembre. Iprinoklamang ang wikang Tagalog ang magiging batayan ng Wikang Pambansa. Magkakabisa ang proklamasyong ito dalawang taon matapos itong mapagtibay (1939).
Mga delegadon g Surian ng Wikang Pambansa 1936:
1. Ginagamit ng nakararaming Pilipino

2. Ginagamit sa pagsulat ng pinakadakilang panitikang Pilipino

3. Wikang may pinakamaunlad na balangkas at mayamang mekanismo at madaling matututuhan ng mamamayang Pilipino

Sa walong (8) wika na kinonsidera ng Komisyon – Tagalog, Sebwano, Ilokano, Hiligaynon,Bikol, Waray, Kapampangan at Pangasinense – lumabas sa pagsusuri na Tagalog ang nakatugon sa krayterya.

1940
Sinimulan ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa ikaapat na taon sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan at sa mga pribadong institusyong pasanayang pangguro sa buong bansa.
- Alinsunod sa Sirkular Blg. 26, s. 1940
Inilathala ng SWS ang A TagalogEnglish Vocabulary at Balarila ng Wikang Pambansa

1942
Itinakda na ang kapuwa Nihonggo at Tagalog ang magiging mga opisyal na wika sa buong kapuluan.
- Ordinansa Militar Blg. 13, Komisyong Tagapagpaganap ng Filipinas [Philippine Executive Commission]

1946
04 Hulyo. Pinagtibay ng Pambansang Asamblea ang Batas Komonwelt Blg. 570 ang pagkilala sa Pambansang Wikang Filipino [Filipino National Language] bilang isa sa mga opisyal na wika ng Filipinas

Isinalin sa wikang Filipino ang pambansang awit nang ilang beses bago naging opisyal noong 1956 1950
Binuo ang Panatang Makabayan.

1954
26 Marso. Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 12 na nagbigay daan sa pagdiriwang ng Linggo ng Wika noong Marso 29 – Abril 4 ng nasabing taon.
1901
Ingles ang naging wikang opsiyal ng bansa; ito rin ang midyum na ginamit sa mga paaralan.
- Philippine Commission, Batas 74


1955
23 Setyembre. Inilabas ang Proklamasyon Blg.186 na naglipat sa petsa ng Linggo ng Wika sa Agoto 13 – 19.
1959
“Ang Wikang Pambansa ay tatawaging Pilipino upang mailagan na ang mahabang katawagang ‘Wikang Pambansang Pilipino’ o ‘Wikang Pambansa Batay sa Tagalog’.”
- Kautusang Pangkagawaran Blg. 7, Kagawaran ng Edukasyon

Pinangalanan sa Pilipino ang mga opisina at gusali ng gobyerno; isinalin di sa wikang ito ang mga panggobyernong dokumneto

1971
Napawalang bisa ang Konstitusyon 1935.
Itinatag ang Komite ng Wikang Pambansa na namahala sa mga isyung mayroong kinalaman sa Wikang bansa.

1973
Inirekuminda ng Komite na palitan ang wikang Pilipino ng isang komon na wikang pambansa na tatawaging Filipino alinsunod sa Saligang Batas 1973 “na linangin, paunlarin, at pagtibayin ang Filipino alinsunod sa umiiral na mga katutubong wika at diyalekto nang di- alintana ang pagtanggap ng mga salita mula sa mga dayuhang wika.”
Saligang Batas 1973 (ukol sa Wikang Pambansa):
Ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pormal na adopsiyon ng isang panlahat na wikang pambansa na tatawaging Filipino.
- 1973 Konstitusyon, Art. XIV, Sek. 3

1986
Pebrero. Napawalang bisa ang 1973 Konstitusyon matpos mapatalsik si dating Pangulong Ferdinand Marcos.
1987
Filipino na ang ngalan ng wikang pambansa, alinsunod sa Konstitusyon na nagtatadhanang “ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.” Ito ay hindi pinaghalu-halong sangkap mula sa iba’t ibang katutubong wika; bagkus, ito’y may nucleus, ang Pilipino o Tagalog.
1991
Nilusaw ang SWS (at ang pansamantalang ipinalit dito na Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP)) nang pagtibayin at pairalin ang Saligang Batas ng 1987:
14 Agosto. Naipasa ang Batas Republika 7104 na nagtatag sa Komisyon sa Wikang Filipino.

Artikulo XIV ng Saligang Batas 1987: WIKA
SEK.6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.

SEK.7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wika ng rehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing opisyal na pantulong na midyum ng pagtuturo. Dapat itaguyod nang kusa at opsiyonal ang Kastila at Arabic.

SEK.8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila.

SEK.9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t-ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili sa Filipino at iba pang mga wika.

Ebolusyon ng Alpabetong Filipino
Nang dumating ang mga Kastila, may sarili nang palatitikan ang ating mga ninuno, ang Alibata o Baybayin, na binubuo ng 14 katinig at 3 patinig.









Pinalitan ito ng mga Kastila ng alpabetong Romano.
Ebolusyon ng Alpabetong Filipino
1940
Binuo ni Lope K. Santos ang Abakada, na may 20 titik: a, b, k, d, e, g, h, i, I, m, n, ng, o, p, r, s, t, u, w, y.
1971
04 Oktubre. Pinagtibay ng Sanggunian ng SWP ang pinayamang alpabeto, na binubuo ng 31 letra: a, b, c, ch, d, e, f, g, h, i, j, k, l, ll, m, n, ñ, ng, o, p, q, r, rr, s, t, u, v, w, x, y, z

Matapos ang Repormang Ortograpiko, nabuo ang sumusunod na Alpabetong Filipino, na may 28 letra: a, b, c, d, e, f, g, h, i, j, k, I, m, n, ñ, ng, o, p, q, r, s, t, u, v, w, x, y, z
2001
Muling nagkaroon ng rebisyon sa alpabetong Filipino. Itinaguyod nito ang leksikal na pagpapayaman ng Filipino sa pamamagitan ng pagluluwag sa panghihiram ng salita at pagsasalin, karamihan mula sa Ingles at Kastila, gamit ang walong karagdagang letra ng alpabeto, ang mga letrang c, f, j, ñ, q, v, x, z.
2007
Agosto. Inilabas ng KWF ang borador ng Ortograpiya ng Wikang Pambansa.
2008
Inilabas ng KWF ang Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Pambansa.
Sanggunian:
Anonuevo, R. (n.d). Paglingon sa Ugat ng Komisyon s Wikang Filipino. Kasaysayan. kwf.gov.ph

Wika at Panitikan. (2012, September 9). Blogger.com

2006
06 Oktubre. Sa kahilingan ng KWF, ang DepEd ay nagpalabas ng isang memorandum na pansamantalang nagpapatigil sa implementasyon ng “2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino”.
Full transcript