Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Kasaysayan ng Pag-unlad ng Wikang Pambansa sa Pilipinas

No description
by

Kenneth Tomes

on 22 July 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Kasaysayan ng Pag-unlad ng Wikang Pambansa sa Pilipinas

Kasaysayan ng Pag-unlad ng Wikang Pambansa sa Pilipinas
Batas Komonwelt Blg. 184 (1936)
Itinatag ang SWP alinsunod sa Batas Komonwelt Blg. 184 na nilagdaan ng Pangulo ng Komonwelt, si Manuel L. Quezon noong Nobyembre 13, 1936. Ang layunin ng surian ay pilitin ang katutubong wika na gagamiting batayan ng pagpapalaganap at pagpapatibay ng wikang pambansa ng Pilipinas.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 (1937)
Noong Disyembre 30, 1937 alinsunod sa Batas Komonwelt Blg. 184 sa bisa ng Saligang Batas 1935, ipinahayag ng Pangulong Quezon na ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 (1940)
Nagbibigay pahintulot sa pagpapalimbag ng isang diksyunaryo at balarila ng wikang pambansa, at itinatagubilin din ang pagtuturo ng wikang pambansa sa mga paaralan,pambayan man o pribado.
Batas Komonwelt Blg. 570 (1946)
Pinagtibay na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay maging isa sa mga wikang opisyal ng Pilipinas.
Mga Batas Pangwika
Aritkulo 14, Seksyon 3 (1935)
Sa Saligang Batas ng Filipinas nagtadhana na "Ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa na ibabatay sa isa sa mga umiiral na wika".
Proklama Blg. 12 (1954)
Nilagdaan ni Pangulong Magsaysay ang batas na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika simula Marso 29 hanggang Abril 4 ayon sa mungkahi ng Surian ng Wikang Pambansa.
Proklama Blg. 186 (1959)
Nilagdaan ni Pangulong Magsaysay at sinusugan ang Proklama Blg. 12 (1954), itinakda ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika simula ika-13 ng Agosto hanggang 19 taon-taon.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 (1959)
Nilagdaan ni Kalihim Jose Romero at itinagubilin na kailanman at tinutukoy ang wikang pambansa, ang salitang Filipino ang itatawag.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 24 (1962)
Nilagdaan ni Kalihim Alejandro Roces at iniutos na simula ng Taong-Aralan 1963-64, ang mga sertipiko at diploma ng pagtatapos ay ipalilimbag sa wikang Filipino.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60 (1963)
Nilagdaan ni Pangulong Macapagal ang pag-utos ng awitin ang Pambansang awit ng Pilipinas sa titik nitong Filipino.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 (1967)
Nilagdaan ni Pangulong Marcos at itinadhana na ang lahat ng edipisyo, gusali, at tanggapan at pamahalaan ay pangangalanan sa Filipino.
Memorandum Sirkular Blg. 172 (1968)
Nilagdaan ni Kalihim Rafael Salas at ipinag-utos na ang mga letterhead ng mga tanggapan at pamahalaan ay isulat sa Filipino.
Memorandum Sirkular Blg. 199 (1968)
Itinagubilin ang pagbuo ng seminar sa Filipino ng mga kawani ng pamahalaan. Ang seminar ay idaraos ng Surian ng Wikang Pambansa sa iba't ibang pook panglingguwistika ng kapuluan.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 (1969)
Nilagdaan ni Pangulong Marcos at inutos sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang Filipino hangga't maaari sa Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan man nito sa lahat ng opisyal na transaksiyon at komunikasyon.
Memorandum Sirkular Blg. 384 (1970)
Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap Alejandro Melchor ang pagtatalaga ng may kakayahang tauhan upang mamahala sa lahat ng komunikasyon sa Filipino sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 304 (1971)
Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang pagpapanauli sa dating kayarian ng Surian ng Wikang Pambansa at niliwanag ang mga kapangyarihan at tungkulin nito.
Atas ng Pangulo Blg. 73 (1972)
Nilagdaan ni Pangulong Marcos at nag-atas sa Surian ng Wikang Pambansa na isalin ang Saligang Batas sa mga wikang sinasalita ng may limampung libong mamamayan alinsunod sa probisyon ng Saligang Batas, Artikulo XV, Seksiyon 3.
Artikulo XV, Seksiyon 3 (1973)
Ang pambansang asemblea ay dapat gumawa ng hakbang sa pagpapaunlad at pormat na adapsiyon ng panlahat na wikang pambansa na makikilalang Filipino.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 (1974)
Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ang pagpapatupad sa patakarang Edukasyon Bilingguwal sa mga paaralan.
Artikulo XIV, Seksiyon 6-9 (1957)
"Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin sa salig na umiiral na wika sa Filipinas at iba pang mga wika..."
Kautusang Blg. 52 (1987)
Nilagdaan ni Kalihim Lourdes Quisumbing ang pag-uutos sa wikang Filipino bilang wikang panturo sa lahat ng antas ng paaralan kaalinsabay sa Ingles.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 21 (1990)
Iniutos ni Kalihim Isidro Carino na gamitin ang wikang Filipino sa pagbigkas ng panunumpa ng katapatan sa Saligang Batas at sa bayan natin.
Proklama Blg. 1041 (1997)
Nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel Ramos na ipagdiwang ang Buwan ng Wikang Pambansa taon-taon sa iba't ibang sangay at tanggapan ng pamahalaan at sa mga paaralan.
Praymer sa Revisyon ng Ortograpiyang Filipino (2001)
Inilabas ng komisyon ng Wikang Filipino ng rebisyon sa mga Tuntunin ng Ortograpiyang Filipina tungo sa estandardisasyon at intelektuwalisasyon ng wikang pambansa.
Gabay sa Ortograpiyang Filipino (2009)
Ipinatigil ang rebisyon sa alpabeto noong 2001 dahil sa maraming kalituhan sa tuntunin. Ito ang kasalukuyang ipinatutupad ng Komisyon sa Wikang Filipino ayon sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 104 serye ng 2009.
Full transcript