Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

MGA MALIKHAING KOMPOSISYON

No description
by

Symon Sioson

on 31 August 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of MGA MALIKHAING KOMPOSISYON

MGA MALIKHAING KOMPOSISYON
talumpati
editoryal
maikling kwento
revyu
Itinuturing na isa sa mahalagang bahagi ng isang pahayagan o magazin ang editoryal. Tinatawag din itong pangulong-tudling. Masasalamin dto ang kalakaran, programa at paninindigan ng isang pahayagan, lalo na sa isang pangyayari o isyu na may malaking kahalagahan sa bayan. Ito’y hindi lamang nagpapahayag ng opinyon o damdamin hinggil sa isang isyu o pangyayari; ito rin ay nagsusuri sa isang napapaksang isyu o kaya’y nagpapaliwanag sa isang malabong pangyayari.

Ang editoryal ay nagpapaliwanag, pumupuri o pumupuna, umaaliw o nagpapangaral at nanghihikayat na umaaksyon din sa isang suliranin na kailangan ng madaling solusyon. Samaktwid, ang editoryal ay sanaysay rin, ispesifiko lamang ang sumusulat nito. Kung gayon ang editoryal ay isang paglalahad ng mga kuru-kuro ng patnugot ng isang pahayagan, mga kuru-kurong bunga ng isang pag-aaral tungkol sa isa o ilang pangyayari sa bayan, sa pamahalaan, sa tanghalan at iba pa.
mga uri ng
1. Nagpapabatid
nagpapaliwanang tungkol sa isyu.
2. Nangangatwiran –
lojikal na pinangangatwiran ang isang panig ng isyu upang patunayan ang isang paninindigan.
3. Umaamuki –
tuwirang nananawagan sa mga mambabasa na suportahan ang isang programa, balak o kilos.
4. Pagpapakahulugan o Komentaryo –
ipinapaliwanag ang kahulugan ng balita kaugnay ng iba pang pangyayari.
5. Pamumuna –
ibinibigay ang mga puna at mungkahi hinggil sa isang isyu.
6. Nagpapahalaga –
pinapahalagahan ang nagawa ng isang tao, pinupuri ang kalagayan ng institusyon o gawain o pinaparangalan ang isang dakilang adhikain.
7. Nanlilibang –
naglalayong libangin ang mambabasa habang nagmumungkahi ng isang makatwirang gawain.
8. Nagbabalita –
nagpapahayag ng isang natatanging balita na siyang laman ng usap-usapan sa buong kapuluan.
9. Sumasalungat –
tuwirang pagsalungat sa opinyon ng ibang editor na inilalathala sa ibang pahayagan.
mga uri ng
1. Talumpating pampalibang
Ang mga ganitong uri ng talumpati ay kadalasang sa mga salu-salo, mga pagtitipong sosyal, mga miting ng mga klab at mga bangkete.

2. Talumpating nagbibigay-kabatiran
Layunin ng talumpating ito na maipabatid sa mga nakikinig ang isang bagay. Ganitong uri ng talumpati ang ginagamit sa pagbibigay ulat, mga panuto o kaya’y panayam.

3. Talumpating pampasigla
Sa aniversaryo ng mga bantayog na pang-alaala, sa pagtatalaga ng mga gusali, sa pagtatapos sa mga paaralan at sa mga rali at kunvensyon.
4. Talumpating panghikayat
Ito’y talumpating nagmamatwid. Ang ito sa sermon sa simbahan, sa pagkampanya sa panahon ng halalan, sa pakikipagtalo, sa talumpati sa kongreso o ng talumpati ng abogado sa hukuman.
5. Talumpating nagbibigay-galang
Kabilang sa mga ito ang talumpati ng pagsalubong sa mga kaanib sa isang kapisanan, sa mga bagong dating na dalaw, talumpating tugon sa talumpating pagsalubong, talumpati ng pagtanggap sa isang tungkulin o sa isang alaalang handog.

6. Talumpating papuri
a. Parangal (eulogy)
Talumpating papuri sa isang namatay, na karaniwa’y kilala ng mga nakikinig. Ganito rin ang talumpating binibigkas sa araw ng ating bayani.

b. Talumpati ng pagtatalaga
Naririnig kung may isang bantayog o gusaling bubuksan bilang
Parangal sa alaala ng isang yumaong bayani, pilantropo o dakilang tao. Nararapat na banggitin ditto ang mabubuting katangian ng taong pinag-uukulan

c. Talumpati ng pamamaalam
Talumpati sa paghihiwalay. Kapag malilipat sa ibang opisina ang isang pinunong matagal na nakasama o kaya’y mamamahinga na sa tungkulin, siya ay tinatalumpatian ng pamamaalam ng mga nagging kasama niya.

d. Talumpati ng paghahandog
Pagaalay ng isang alaala sa isang punong papaalis nang kanyang mga nakasama sa isang tanggapan o bahay-kalakal.

e. Talumpati ng pagmumungkahi
Kung nagkakaroon ng halalan sa isang kapisanan o sa isang kunvensyon, naging kaugaliang magpasok ng pangalan ng taong kakandidato. Ang lider na nagpasok ng pangalan ay bumibigkas ng isang talumpati ng papuri sa kanyang kandidato.

PAGSULAT AT PAGBIGKAS NG TALUMPATI
Sa paghahanda ng talumpati, unang tiyakin kung anong klase ng tagapakinig mayroon ka, halimbawa’y grupong intelektwal, mga kabataan o kagawad ng isang grupong relihiyoso. Iakma sa mga tagapakinig ang paksa at pag-aralan kung sa anong paraan dapat bigkasin ang gagawing talumpati. Sa ganito, maisusunod ang tempo ng pagsulat sa tempo ng pagbigkas niyon.

Kapag nakakuha nang paksa, gumawa muna ng balangkas. Ito’y mahalaga sapagkat matitiyak mo kung gaanong materyales ang iyong kailangan.

Madali maisusulat ang talumpati sapagkat may balangkas nang susundin. Ganito humigit-kumulang ang balangkas ng isang talumpati:

A. PANIMULA
Isang paraan ito ng pagpapasok ng paksa na ang gamit ay pumukaw o panggulat na pananalita upang tawagin ang pansin ng tagapakinig. Kaya lamang, iwasang maging bombastiko dahil baka kainisan ng mga tagapakinig.

B. PAGLALAHAD
Isunod ang paglalahad pagkaraang maikondisyon na sa paksa ang isip at damdamin ng tagapakinig. Kailangan ditto ang sistematiko at malinaw na paghahalayhay ng mga kabatiran, pagpapaliwanag at panghihikayat.

C. BIGAY-DIIN O EMFASIS
Pagkaraang mailahad nang kabuuan ng ideya o paninindigan, bigyan agad iyon ng diin upang ang bigkas niyon ay malalim na tumalab sa isip at kalooban ng tagapakinig. Dito nakikilala kung forceful o malakas ang panghikayat ng isang tagapagsalita.
D. IMPRESYON
Wakasan ang pagsulat ng talumpati sa pamamagitan ng pagbibigay ng impresyong ang inilalahad ng ideya o paninindigan ay katotohanan o kalagayan na hindi nababago. Sa gayon, buong-buo ang paniwala at simpatya ng tagapakinig sa iyong talumpati kapag nagwakas ka na.

Dapat ding tandaan na kailangang iwasan ang pagsulat ng mahabang talumpati dahil mahirap ang magpaikli nito kaysa ang magdagdag kung sakaling bigyan ng takdang oras ang tagapagsalita sa oras ng pagharap niya sa tagapakinig. Sa makabagong kalakaran ng pagtatalumpati, ang maikli, makinis at malamang obra ang higit na pinapupurihan.

PAGBABASA O PAGMEMEMORYA
Kung kailangan ang detalye at diin sa isang talumpati, dapat basahin ito ng tagapagsalita nang maiwasan ang pagkakamali. Ngunit kung ang kailangan lamang naman ay ang nilalaman niyon at madali namang masakyan ng tagapakinig, buuin na lamang sa isip ang pagkakahanay ng mga kabatiran, paliwanag at paninindigan sa isang talumpati at saka bigkasin iyon. Kadalasan, ang nagsasaulo ng talumpati ay umaasa sa nakasulat at nawawalan ng tiwala sa kakayahang gunitain kung ano ang kanyang isinulat.

May mga tagapagsalita naming isinasaulo ang ilang bahagi ng talumpati, lalo’t yaon ay hinggil sa isang magandang sipi o quotation. Ngunit kadalasan, kumbinasyong basa-memorya ang ginagawa ng isang tagapagsalita. May kabutihan ito; una, masasabing pinaghandaan ang isang okasyon kaya may nakasulat at binabasang talumpati at ikalawa, maipalalagay na maari ring isantabi ng tagapagsalita ang kanyang nakasulat na talumpati kung kanyang gugustuhin.

Isinaulo man o binasa ang talumpati, ang dapat maipakita sa tagapakinig ay kayang-kaya ng tagapagsalita ang sitwasyon at may tiwala siya sa pagpapaabot ng mensaheng kanyang mga sinasabi.

Ang revyu ay isang akdang sumusuri o pumupuna sa isang likhang-sining. Mingat ditong binibigyang-pansin ang mga sangkap o elemnto ng genre na nirerevyu upang ang isang kritiko ay makapaglahad ng objective at matalinong analisis.
Kung tutuusin, kahit na anong likhang-sining ay pwedeng gawan ng revyu. Maaaring gawan ng revyu ang mga akdang nababasa tulad ng tula, maikling katha, nobela, sanaysay o aklat. Maaring magsuri ng mga awral na sining tulad ng awit o drama sa radyo. May mga nagsusuri rin ng ibang mga viswal na sining tulad ng eskultura at painting.
Hindi isang pangkaraniwang gawain ang magsuri ng isang likhang-sining. May ilang mga katangiang dapat taglayin ang isang kritiko upang maging ganap na kapani-paniwala ang kanyang revyu. Ang mga katangiang ito ay ang sumusunod:
1. Sapat na kaalaman sa genre na kanyang sinusuri at sa paksa niyon,
2. Sapat na kakayahang magsuri o kakayahang kumilala ng mga kahinaan at kalakasan ng genre na sinusuri,
3. Pagiging tapat, objektiv at kawalan ng bahid impluho ng damdaming pansarili, at
4. Pagkakaroon ng likas na kuru-kuro o hindi pagpapadala sa iba’t ibang influwensyang may kiling.
MAHAHALAGANG BAGAY NA DAPAT TANDAAN SA PANUNURI
Sa kanyang aklat na Malikhaing Pagsulat, si Arrogante (2000:226) ay naglista ng ilang bagay na dapat tandaaan sa panunuri:
1. Liwanaging mabuti kung anong uri ng katha ang sinusuri kung ito’y nobela, maikling kwento, tula, dula, pelikula, programang pagtelevisyon o iba pa.
2. Basahin o panoorin ito nang masinsin at igawa ng lagom. Ang lagom ay maikli lamang, sapat ang haba upang maunawaan ng babasa ang paksang diwa ng kathang sinusuri. Hindi dapat pag-ukulan ang lagom ng kung ilang pahina. Ang kailangan lamang dito ay ang buod ng nilalaman.
3. Bigyang-halaga hindi lamang ang nialalman kundi pati ang istilo o paraan ng pagkakasulat ng katha.
4. Bukod sa pagbanggit ng kahusayan at kahinaan ng katha, mag-ukol din ng karampatang pagpapakahulugan.
5. Lakipan ng mga sipi (quotations) makapagbibigay-kabuluhan sa ginagawang panunuri. Maingat itong piliin at samahan ng maikling pagbibigay-katuturan.
6. Iwasan ang pagbibigay ng anumang kapasyahan nang walang lakip na batayan o patunay. Hindi sapat na sabihing “ang akda ay maganda at kawili-wili.” Kailangang ipaliwanag kung bakit ito maganda at kawili-wili.
7. Kailangang nababatay din ang anumang pagpapasya sa mga takdang pamantayan, bagamat maaaring isama rin ang sariling pagkilala ng sumulat ayon sa matapat niyang paniniwala.
Sa mga ito ay maaring idagdag ang mga sumusunod:
8. Gamitin ang pananalitang makakatulong sa mambabasa na makapagpasya kung ang akda ay karapat-dapat niyang basahin o hindi. Dapat iwasan ang mahabang paglalahad upang hindi naman malaman ng lahat ng mambabasa ng revyu ang kalahat-lahatang bagay at ‘di na niya kakailanganing basahin pa ng akda.
9. Iwasang makulayan ang revyu ng palagay at kuro ng mga profesyunal na mamumuna na nakapagpahayag ng kanyang kuru-kuro sa akda.
10. Pag-ukulan din ng pagpapahalaga ang estilo ng pagkakasulat bukod sa nilalaman. Maaaring dahilan sa estilo ay maiba ang akda sa ibang tumatalakay sa gayon ding paksa. Maaring estilo ay maging lalo itong mahalaga kaysa ibang akda.
Ang maikling kwento o maikling katha ay nakilala na libu-libong taon pa bago naipanganak si Hesus. Patunay rito ang kwentong Alibughang Anak, Ester, at Lazaro na mababasa natin sa Banal na Aklat ng mga Kristiyano. Ang mga ito ay tumutugon sa mga tuntunin at pangangailangan ng pagiging isang maikling kwento.
Ang sinasabing katha ay mauugat natin sa panitikang Filipino partikular ang mga sinaunang salaysay tulad ng alamat, mga mito, mga pabula, mga epiko at mga kwentong bayan.
Ang maikling kwento bilang isang tunay na sining ay unang naipakilala sa pamamagitan ni Edgar Allan Poe. Siya rin ang bumuo ng patnubay na dapat sundin ng isang nagnanais lumikha ng maikling kwento – ang maikling kwento ay may banghay, ito ang dahilan kung bakit tinagurian siyang Ama ng Maikling Kwento ng mga kritiko at mga manunulat.
MGA KATANGIAN NG MAIKLING KWENTO
Ang maikling kwento ay sagnay ng salaysay na may isang kakintilan o impresyon. Hindi ito pinaikling nobela o buod ng isang nobela. May katangian itong tinataglay sa ganang sarili:
(1) isang madulang bahagi ng buhay na tinatalakay.
(2) isang pangunahing tauhang may mahalagang suliranin at kakauntian nito,
(3) isang pangunahing tauhang may mahalagang tagpuan o kakuntian nito,
(4)mabilis ang galaw ng pangyayari tungo sa kawilihan hanggang kasukdulang sinusundan agad ng wakas,
(5) iisang kakintilan,
(6) maikli ang kaanyuan at
(7) nababasa sa iisang upuan lamang.
Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ang mga sumusunod ay mga katangian ng maikling kwento.
1. May maayos at wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na tinatawag na banghay,
2. Gumagamit ng iisang paningin na tumutukoy sa kung sinong tauhan ang dapat magsalaysay ng mga pangyayaring nakikita at naririnig niya.
3. Ang pangunahing tauhan ay may suliraning tinataglay na dapat niyang bigyan ng kalutasan sa pagwawakas ng maikling kwento,
4. May mahalagang ideya o paksang-diwa na iniikiran ng mga pangyayari sa akda,
5. Nagtataglay ang maikling kwento ng kulay ng damdamin tulad ng kasiyahan, kalungkutan at iba pa,
6. Natural na usapan o diyalogo ng mga tauhan,
7. Nagkakaroon ng tunggalian ang pangunahing tauhan laban sa kapwa tauhan sa kalikasan o sa mismong damdamin niya,
8. May kapananabikan, kasukdulan at kakalasan,
9. May paggalaw o pag-unlad ng pangyayari sa kwento mula sa pagkakalahad ng suliranin tungo sa pagkalutas ng suliranin.
ANG PAGSULAT NG MAIKLING KWENTO
Ayon kay Terisita C. Sayo sa kanyang aklat na Malikhaing Pagsulat, may misyon ang manunulat na nais niyang maabot sa kanyang pagsusulat maging ito man ay sanaysay, tula, nobela, drama, o maikling kwento, hayagan o di man tuwirang tanggapin ng may-akda. Ang maikling kwento ay maaaring gumanap ng alinman sa mga tungkuling ito:
1. Umaliw,
2. Magbigay ng imformasyon sa masining at di-hayagang pamamaraan.
3. Maging lunsuran ng mga ideya tungo sa isang ninanasang pagbabago para sa kabutihan ng nakararami o ng bayan,
4. Magpakita ng isang larawan ng buhay na hindi pa gaanong napag-uukulan ng pansin at sa kuro ng manunulat ay nararapat lamang na bigyang pagpapahalaga, at
5. Lunsuran ng sining. Ito ay tinatawag sa Ingles na Art for Art’s Sake.
KARANIWANG BALANGKAS SA PAGSULAT NG MAIKLING KWENTO
1. Isang pangunahing tauhang may suliranin,
2. Gagawa ng paraan ang tauhang ito upang malutas niya ang kanyang suliranin.
3. Siya ay makakatagpo ng mga sasagabal kaya magkakaroon ng tunggaliang lilikha ng kapanabikan,
4. Ang tunggalian ay iigting hanggang umabot sa kasukdulan na sinusundan naman kaagad ng kakalasan na siyang kinalabasan ng tunggalian, at
5. Kasunod kaagad ng kakalasan ang wakas.
MGA TULONG SA PAGSULAT NG MAIKLING KWENTO
1. Bagong Pagtalakay sa Paksa. Wala na raw bago sa ilalim ng araw. Ang lahat ay nagamit nang paksa. Kabilang dito ang pag-ibig at karalitaan.
2. Maingat na Paglalarawan ng Tauhan. Ipaubaya sa tauhang nasasangkot ang paglalarawan sa manunulat sa diyalogo, kilos, ayos at reaksyon sa isang pangyayari.
3. Ang Paggamit ng Sagisag. Nakakatulong nang malaki ang paraang ito upang maging masining ang isang katha. Ito ay umaakay sa gawi-gawi ng bumabasa na makibahagi sa kalikhaan ng manunulat.
4. Pumili ng Uri ng Maikling Kwentong Susulatin. Ito’y ginagawa upang mapagpasyahan kung ano ang palulutangin sa kwento: ang tauhan ba, ang pangyayari, ang damdamin kaya o Iba pa.
5. Ang Kaisahan sa Kwento. Ito’y makakatulong sa pag-iiwan ng iisang impresyon o kakintalan sa isipan ng mambabasa. Pansinin ang kaangkupan ng tagpuan, tauhan at pangyayari sa paksa na tinatalakay.
6. Mga Mabuting Pamagat. Ito’y ang unang tumatawag ng pansin ng mambabasa. Kailangang ito’y gumigising ng kawilihan, di-palasak o may orihinalidad. Ang pamagat ay maaaring ibatay sa pangalan o katangian ng pangunahing tauhan, tagpuan, mahalagang pangyayari o bagay sa katha.
7. Ang Pagsisimula at Pagwawakas. Ang isang makabagong kwento ay nagsisimula sa tuwiran at tiyak patungo sa katawan ng salaysay. Ang wakas ay sumusunod agad sa kasukdulan kaya hindi nagiging malawig. Gawing kawili-wili ang simula at wakas dahil ito’y umaakit at nagiiwan ng kintal sa mambabasa.
MARAMING SALAMAT SA INYONG PAKIKINIG ! ! !
Full transcript