Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Mga Tauhan sa Florante at Laura

No description
by

See More

on 2 February 2016

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Mga Tauhan sa Florante at Laura

Florante at Laura
ni Francisco Balagtas

Anak nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca ng kahariang Krotona. Siya ang magiting na mandirigma ng kahariang Albanya.
Si Florante ang kasintahan ni
Laura at ang mahigpit na
karibal ni Konde Adolfo.
Florante
Ang prinsesa ng kahariang Albanya na anak ni Haring Linceo. Isang dilag na nagtataglay ng mala-
Venus na kagandahan na hinangaan at hinangad ng maraming kalalakihang tulad nina Adolfo at Emir. Tapat ang pag-ibig kay Florante subalit
biktima ng pagtataksil ni
Konde Adolfo.
Ang buti at mapagmahal na ina ni Florante, asawa ni Duke Briseo,
at anak ng hari ng kahariang
Krotona.
Ang dakila at makatarungang hari ng
Albanya. Ama ni Laura. Una pa
lamang makita si Florante ay
natiyak na niyang ito ang
magiging tagapag-
mana ng kanyang
trono't setro.
Ang dakilang at butihing ama ni Florante. Kaibigan at tagapayo ni Haring Linceo.
Haring Linceo
Prinsesa Floresca
Laura
Duke Briseo
Mga Tauhan sa Florante at Laura
Mga Tauhang
Kristyano
Menalipo
Pinsan ni Florante. Nakapagligtas sa buhay niya mula sa isang buwitre
noong siya'y sanggol
pa lamang.
Menandro
Ang matalik na kaibigan at kaklase
ni Florante. Naging matapat na kanang kamay ni Florante sa mga digmaan at nakapagligtas din sa kanyang buhay
sa unang kapahamakang
idinulot ni Adolfo.
Antenor
Ang mabuting guro nina Florante, Adolfo, at Menandro habang sila'y nag-aaral sa Atenas. Amain ni Menandro. Ang naging tagapayo ni Florante sa mga pagbabanta ni Adolfo.
Siya ang gurong gumabay at nagturo
ng maraming bagay kay
Florante.
Konde Adolfo
Isang palamarang anak ng mabunying Duke Silano. Nagpanggap na mabait at mahinahon sa panahon ng pag-aaral sa Atenas subalit dahil sa inggit at panibugho kay Florante ay lumantad din ang pagbabalatkayo. Nagdulot ng kapighatian sa
puso nina Florante at Laura at nagpadilim
ng buong kahariang Albanya.
Konde Sileno
Ama ni Adolfo na taga-Albanya
Mga Tauhang Moro
Heneral Osmalik
Magiting na heneral ng Persya
na namuno sa pananakop ng
kaharian ng Krotona.
Heneral Miramolin
Heneral ng Turkiyong
namuno sa pagsalakay sa
kahariang Albanya
Heneral Abu Bakr
Heneral ng Persya. Nagbantay kay Flerida.
Emir
Gobernador ng mga Moro na nagtangka kay Laura subalit tinanggihan at sinampal sa mukha ng dalaga. Humatol na pugutan ng ulo si Laura subalit nakaligtas dahil sa maagap na pagdating ni Florante.
Sultan Ali-Adab
Ang mabangis at malupit na ama ni Aladin at naging kaagaw niya sa kasintahang si Flerida. Sultan ng Persya.
Aladin
Isang generong Moro na
nagligtas at tumulong kay Florante.
Anak ni Sultan Ali-Adab. Kasintahan
niya ang magandang si Flerida na
naging sanhi ng kasawian ng
kanyang puso.
Flerida
Isang magandang dalaga na kasintahan ni Aladin. Nagpanggap na lalaki upang makatakas
sa buhong na sultan ng Persya na si Ali-Adab. Napilitan siyang sumang-ayon sa pagpapakasal
sa sultan upang iligtas na mapugutan ulo ang
kasintahang si Aladin. Nailigtas niya si
Laura sa kamay ni Adolfo.
Kay
Selya
Sa pag-iisa ni Balagtas ay bumalik sa kanyang isipan ang masasaya at malulungkot na karanasan niya kapiling si Selya. Ibinahagi ni Francisco ang lahat ng kanilang masasayang nangyari sa buhay nila ni Selya sa Ilog Beata. Nakuha niyang iguhit sa pamamagitan ng sintang pinsel ang larawan ni Selya. Si Selya na naging dahilan ng pagdurusa niya sa piitan, na kung maagap lamang siya, maaaring sa sandaling ito kapiling niya ang kanyang sinisinta at hindi na ito naagaw ni Nanong Kapule.
Sa kanyang paggunita sa nakaraang araw ay napaiyak na lamang ang binata at dahil sa malabis na kalungkutan, nilikha niya ang tula at ito’y buong pagmamahal niyang iniaalay sa dalaga. Pakiusap niya sa dilag na sana’y basahin niya ito at kahit na laitin nito ang tula, laking tuwa at pasasalamat pa rin ni Kiko dahil pinag-ukulan ito ng panahon ni Selya. Tinuran ni Francisco na bagamat sumakabilang buhay na si Selya ay hinahangad pa rin niya na ang tapat nilang pag-iibigan ay dapat tumagal. Si M.A.R. na tinawag na Selya ang kanyang unang pag-ibig.
Sa Babasa
Nito
Ang kabanata ay payak. Sa unang bahagi nito, ang mambabasa ay higit na pinasasalamatan ni Francisco Balagtas, at ipinahahayag niyang kung papahalagahan ang awit ay totoong magiging nakakapakinabang ito. Ang nilalaman naman nito ay maiibigan ng mga pantas; sa ibang salita sinasabi ni Balagtas na kung nakakaalam ang mambabasa, malamang ay maiiibigan ito.
Sa ikalawa sa huling saknong, itinuturo naman ni Balagtas kung paano higit na madaling magagamit at maiiintindihan ang awit sa pamamagitan ng mga talababaan.
Ngunit higit sa lahat, sa lahat ng saknong, mariing iginigiit ni Balagtas na kailanman, huwag baguhin ang awit. Ito ay para hindi ito matulad sa iba-ibang salaysay at kuwentong-bayang sa katandaan at muling pagsasalaysay mula sa iba-ibang labi ay nagkaroon na ng iba-ibang bersyong taliwas sa nauna.
Ang mga Hinagpis
ni Florante
Nagsimula ang kuwentong patula sa isang madilim at masukal na kagubatan. Nakatali si Florante, isang taga-kaharian ng Albanya, sa isang puno ng Higera. Nananghoy at dumaraing sa paghihirap na dinaranas. Ang mga punongkahoy ay nagdudulot ng kalungkutan sa kapaligiran. Ang mababangis na mga hayop tulad ng hyena, tigre, basilisko ang naglipana rito. Ang buong akala niya ay pinagtaksilan siya ng kasintahang si Laura at ipinagpalit sa buhong na si Konde Adolfo. Nabihag siya ni Konde Adolfo at ipinatapon sa kagubatan upang doon mamatay.
Subalit hindi lamang ang nagbabantang kamatayan ang labis na ipinagdaramdam ni Florante kundi ang kinahantungan ng bayang Albanya na kanyang pinaglingkuran at maging kasintahang si Laura. Humihingi si Florante ng katarungan sa ating Panginoon dahil sa nangyayaring kasamaan sa Albanya. Walang magawa ang taong bayan sa nangyari at naiiyak na lamang sila. Kagagawan lahat ito ni Konde Adolfo dahil sa paghahangad niya sa kapangyarihan ni Haring Linceo. Nilinlang siya ng mga pagtataksil at pagbabalatkayo.
Maraming Salamat sa
Iyong Pakikinig!
Mga Nilalaman:
Mga Tauhan sa Florante at Laura
Kay Selya
Sa Babasa Nito
Ang mga Hinagpis ni Florante
Proyekto sa
Filipino 8


LT 3
Full transcript