Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Filipino (abby)

No description
by

eban cortez

on 1 April 2011

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Filipino (abby)

“Gramatikong Kamalian at Kahinaan ng mga Mag-aaral sa Filipino” Kabanata I I. Panimula Ang pag-aaral na ito ay masusing tumatalakay sa mga gramatikong kahinaan at kamalian sa wikang Filipino ng mga mag-aaral partikular na ang mga nasa unang taon sa kolehiyo.

Ito ay nakatuon sa kung anu-ano ang mga salik na paghina ng kakayahan ng mga mag-aaral sa kanilang “grammar” sa Filipino, mapaberbal man o pasulat. Naglalayon din ito na masolusyunan ang problemang ito.
II. Paglalahad ng Suliranin Tanong:
Natutugunan ba ng mga guro sa Filipino ang kahinaan ng mg estudyante sa kanilang “grammar” sa wikang Filipino? Sapat at napapanahon na aklat
Maayos na pasilidad sa pagtuturo
Mainam na kapaligiran at walang destraksyon sa pagkatuto
B. Paraan ng pagtuturo ng mga guro Gumagamit ng interesanteng paraan sa pagtuturo
Hinahayaang maipahayag ng estudyante ang sarili
Nagpapatupad ng patakarang bawal magsalita ng “Taglish” upang matuto ang estudyanteng magsalita ng wikang Filipino
C. Sistema ng Edukasyon Marubdob na ipinatupad ng DepEd. ang Patakarang Bilingwal
Ipinapatupad ang paggamit ng wikang Ingles bilang 2nd language
Mas pinagtutuunan ng ibang mga paaralan ang paggamit ng wikang Ingles kaysa Filipino D. Kakayahang panggramatikal ng mga estudyante Mas mahirap pag-aralan ang Filipino kaysa Ingles
Madalas magsalita ng Taglish ang mga estudyante
Mababa ang antas panggramatikong kakayahan ng mga estudyante sa wikang Filipino
III. Depinisyon ng mga Terminolohiya Patakarang Bilingual- paggamit ng dalawang wika bilang midyum sa pagtuturo. Gagamitin ang wikang Filipino at Ingles
Wika- isang masistemang balangkas na sinsalitang tunog, na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga tao sa komunikasyon na kabilang sa isang tiyak na kultura
Filipino- ang pangunahing wika sa bansang Pilipinas. Ito ay nakasalig sa pangunguna ng Tagalog kasunod ng iba pang umiiral na mga pagbigkas sa Pilipinas
Ingles- isang wika na nagmula sa mga wikang Alemanya na isang sangay ng Indo-Europeong Pamilya ng mga wika
Taglish- pinaghalong Tagalog at Ingles
Tagalog- isa sa mga pangunahing wika ng Republika ng Pilipinas
Pre-test- isang pagsusulit na ibinibigay bago pasimulan ang isang kurikulum ng edukasyon upang masukat ang mga tinataglay nang kaalaman ng isang mag-aaral
Post-test- isang pagsusulit na ibinibigay pagkatapos ng isang kurikulum ng edukasyon o ng isang talakayan
Mastery of the subject matter- ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman at kagamayan sa isang ispesipikong asignatura
Grammar- ponolohiya, morpolohiya at sintaks ng isang wika IV. Haypotesis Pagtutuunan ang wikang Filipino upang mapaunlad ang kakayahan ng mga mag-aaral sa kanilang “grammar” sa wikang Filipino. V. Saklaw at Limitasyon Ang pag-aaral na ito; “Gramatikong Kahinaan at Kakulangan ng mga mag-aaral sa Filipino” ay tumatalakay lamang sa mga gramatikong kahinaan at kakulangan sa Filipino ng mga mag-aaral na nasa unang taon sa antas tersyarya sa Pamantasang Normal ng Pilipinas. Sinusubukan rin na talakayin sa pag-aaral na ito ang mga salik na nakakaapekto sa pagkatuto o hindi pagkatuto ng mga mag-aaral pagdating sa kanilang grammar sa Filipino, gaya na lamang ng sistemang pang-edukasyon, mga pamamaraan o istratehiya sa pagtuturo ng mga guro, mga patakarang pangwika, maayos na pasilidad, napapanahong aklat, antas ng pagtuturo sa Filipino, mga wikang pokus at antas ng panggramatikong kakayahan ng mga mag-aaral. Ninais din na mabatid ng mananaliksik kung papaano masusulusyunan ang mga mali “grammar” sa Filipino ng mga mag-aaral. At upang malaman ito ay isinagawa ang isang descriptive survey na may mga respondente na mga nasa unang taon sa antas tersyarya sa Pamantasang Normal ng Pilipinas. A.Sitwasyon sa Klasrum VI. Batayang Konseptwal Ipinakikita ng modelong ito na binuo ng pananaliksik na naglalarawan ng mga salik ng pagkatuto at hindi pagkatuto ng mga mag-aaral sa unang taon sa antas tersyarya sa kanilang grammar sa wikang Filipino. Kabanata II I. Kaugnay ng Pag-aaral Ayon sa kompilasyon ni Bb. April M. Bagon na pinamagatang “Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika” ay: Ang wika ay nakaugat sa ating karanasan. Ang mag-aaral na may sapat na kabatiran sa mga nagaganap sakanyang kapaligiran ay inaasahang magiging matataas sapaglalahad ng kanyang mga ideyao kaisipan tungkol sakapaligirang ito. Kaya sa pagtuturo ng wika, nararapatlamang na ihantad ang mga mag-aaral sa iba’t ibangmakatotohanang gawain upang “iparanas” sa kanila angtunay na gamit ng wika. Maaaring bigyan sila ngmaraming babasahing aklat at mga magasin, palikhain ngtula na malalapatan ng himig, pasulatin ang isang maikling dula, paguhitin ng magagandang tanawin,pasalihin sa mga interaktibong talakayan- lahat ng mgakaranasang ito’y magsisilbing matibay na pundasyon sapagkakaroonng mag-aaral ng isang maunlad na wika. Ang pagtuturo ng wika sa mga bata ay hindi bastanagaganap sa pamamagitan ng pagbibigay ng maramingkaranasang pangwika sa loob ng klasrum. Kailangan ngguro ng tanging kasanayan at intwisyon na kaiba kungmga may edad na mga mag-aaral ang tuturuan niya.

Inilahad sa ibaba ang liamng kategorya na maykinalaman sa paglaki at pag-unlad ngmga mag-aaral namaaaring makatulong sa guro sa pagpili ng mga praktial na teknik at istratehiya sa pagtuturo ng wika.
Ang Mga Tinedyer at ang Pagtuturo ng Wika Mahalaga ring isaalang-alang sa alimang pagtuturo ang pangkat ng mga mag-aaral na nagbibinata o nagdadalaga na mga tinedyer o “bagets” na may edadmula 12-19 ang tawag sa pangkat na ito ng mga mag-aaral sa sekundarya. “Sakit ng ulo”, ang tawag ng ilang guro sa mgamag-aaral na nasa ganitong edad. Ito ang yugto ngpaglaki na sila’y lito, kimi at kakikitaan ng maramingpagbabago sa kanilang anyong pisikalat intelektuwal.Ito ang edad tungo sa pagbibinata at pagdadalaga.Samakatuwid, kailangan ang isang tanging set ng mgakonsiderasyon kung ang ganitong pangkat ng mag-aaralang inyong tuturuan. Bagamat kakaunti kung mayroon mantayong mababasa tungkol sa pagtuturo ng mga mag-aaralsa ganitong edad, makabubuti siguro kung pagtutuunan natin ng pansin ang mga ilang paalala: 1. May kakayahan na ang mga mag-aaral sa ganitongedad na gamitin ang mga proseso sa abstraktongpag-iisip kaya’t maari nasilang ilayo nang unti-unti mula sa kongkretong paglalahad ng mga Gawain tungo sa sopistikadong pagpoproseso ng mgakaisipan subalit mahalaga pa ring isaisip na angpagtatagumpay sa anumang gawaing intelektuwal aynaksalalay sa antas ng kawilihan o atensyong ibinibigay dito; kaya nga kung ang isang mag-aaral ay maraming pinagkakaabalahan tulad ngbarkada, pagpapaganda sa sarili, disco, parti at iba pa, maaaring ang mga gawaing pangklase at mgabagay hinggil sa kanilang pag-aaral ay maaaringmaisantabi. 2. Ang tagal o haba ng kanilang pagkawili (attentionspan) ay tumatagal na rin bunga ng kahustusan ngkanilang pag-iisip subalit maari itong magingpanandalian din dahil maraming pabagu-bagong nagaganap sa pag-iisip at buhay ng isang tinedyer. 3. Maglaan din ng iba’t ibang input na pandamdam (sensory input) sa mga pagkakataong kailangan itong mag-aaral. pag-iwas na iahiya sa klase;
pagpapahalaga sa kanilang iwi at pansarling talino at kalakasan;
pagiging maluwag sa mga pagkakamalingnagagawa sa pagkaklase;
pag-iwas sa mga kompetisyong pangklase na maaaring mauwi sa di-pagkakaunawaan; at
paglalaan ng mga gawaing pangkatan sa loob ng klase kung saan maari silang makipagsapalaran sa paglahok na hindi totoong magiging kahiya-hiya kung magkamaili man sila sa pagsagot.
5. Hangga’t maari’y maging maingat sa pagbibigay ngpuna at mahihirap na gawain lalo na doon sa maykahinaan sa pag-aaral. 4. Tandaan na ang mga kabataan sa yugtong ito ng paglaki ay nasa karurukan ng kanilang pagpapahalaga sa sarili. Masyado silang sensitibosa kanilang mga naririnig na puna lalo’t higittungkol sa kanilang mga pagbabagong pisikal, mgaemosyon at kanilang kakayahang pangkaisipan. Isasa mga mahalagang tungkulin ng guro sa paaralangsekundarya ang mapanatiling mataas ang pagpapahalagang-pansarili ng kanyang mga tinuturuan sa pamamagitan ng mga sumusunod: Isang malaking dagok sakanilang katauhan kung sila’y maiinsulto lalona’t sa harap ng klase. MANINDIGAN PARA SA FILIPINO BILANG WIKANG PANTURO Mahalaga ang naging papel ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) sa pagpapatibay ng Konstitusyon sa wikang Filipino bilang wikang pambansa at wikang panturo. Bilang pagsasabuhay sa isinasaad ng Konstitusyon, pinagtibay ng Lupon ng mga Rehente ang UP PATAKARANG PANGWIKA simula noong Mayo 29, 1989.
Sa pamamagitan ng patakaran sa wika ng UP :
1. Pinayabong ang akademikong disiplina ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas mula antas di-gradwado hanggang gradwado;
2. Pinasigla ang intelektuwalisasyon sa Filipino sa pamamagitan ng mga saliksik at publikasyon;
3. Itinatag ang Sentro ng Wikang Filipino (SWF) na nagtataguyod ng pananaliksik sa wika, pagsasalin at paglalathala ng orihinal na materyales sa iba't ibang disiplina na nakasulat sa wikang Filipino;
4. Nagdaos ng mga seminar, kumperensiya at fora na nagtatasa sa antas ng paggamit ng wikang Filipino; at
5. Nanguna ang Unibersidad sa mga kilusan sa wika gaya ng Pambansang Samahan sa Wika (PSW), Kaguro sa Filipino, LEDCO, at SANGFIL.
Nawawalan ng halaga ang mga inisyatiba at tagumpay ng UP sa paggamit ng Filipino dahil sa salungat na patakaran ng Administrasyong Arroyo. Napipigil ang pagsulong ng wikang Filipino bilang panturo dahil sa Executive Order 210, pahayag ni Kalihim Jeslie Lapus ng Dep. Ed., HB 4701, at mga panukala ng ibang ahensiyang panggobyerno. Tahasang lumalabag ang mga ito sa itinatakda ng Konstitusyong 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 6 :"Dapat magsagawa ng hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon." Hinihingi ng pangyayaring ito na muli tayong manindigan at manguna sa pagtataguyod ng Filipino bilang wikang panturo sa pamamagitan ng :

1. Aktibong paglahok sa pagpapairal ng Patakarang Pangwika ng Sistemang UP;
2. Agarang pagpupulong ng Konseho ng Wikang Filipino na binubuo ng mga direktor ng SWF at mga tagapangulo ng mga departamento ng Filipino sa Sistemang UP upang bumuo ng programa ng pagkilos;
3. Paninindigan ng University Council ng iba’t ibang kampus sa Sistemang UP hinggil sa usapin ng wikang Panturo; at
4. Pagtipon ng lakas sa loob at labas ng UP upang ganyakin ang mga humahawak ng kapangyarihan na magtataguyod sa wikang Filipino.
MGA ADMINISTRADOR, KAGURUAN, ESTUDYANTE, AT KAWANI NG UP Patakarang Bilingual “While reaffirming the Bilingual Education Policy and the improvement in the
teaching of English and Filipino, this proposal aims to introduce the use of the regional
lingua franca or vernacular as the medium of instruction in Grade One. Studies have
shown that this change will make students stay in rather than drop out of school, learn
better, quicker and more permanently and will, in fact, be able to use the first language
as a bridge to more effective learning in English and Filipino as well as facilitate the
development of their cognitive maturity. (PCER, 2000)”.
Noong 1999 sa panahon ng panunungkulan ni dating kalihim ng Kagawaran ng
Edukasyon Bro. Andrew Gonzalez, nagkaroon ng proyektong Lingua Franca Education.
Sa 16 na rehiyon sa bansa , nagkaroon ng experimental class sa grade one na gumamit ng
lingua franca bilang midyum ng pagtuturo sa lahat ng asignatura, at ang control class ay
ang bilingual education.
Kaugnay pa rin ng isyu sa edukasyong multilinggwal, mababanggit dito ang resulta ng 2006 NAT Grade 3 reading test sa dibisyon ng Kalinga. Sa sampung distritong ito, tanging ang Lubuagan lamang ang may First Language Component, ibig sabihin, ang unang wika ang ginamit na midyum ng pagtuturo sa lahat ng asignatura maging sa science at math. Ang natitirang siyam na distrito ay sumailalim sa regular ng edukasyong bilinggwal. Ipinakita sa resulta ng reading test na ang distrito ng Lubuagan ang nakapagtala ng pinakamataas na marka sa English (76.5%) at Filipino (76.44%). Ang pumangalawa na distrito ay ang Tinglayan na nakaiskor ng 64.5% sa English at 61.4% sa Filipino. Ang pumangatlo naman ay ang Pasil, na nakaiskor ng 51.9% sa English at 47.7% sa Filipino.
Ang mga programang katulad ng Lubuagan First Langauge Component ay nagpapahiwatig na ang mga pagbabagong ibinatay sa pamayanan gamit ang unang wika ng mga mag-aaral ay matagumpay na maisasakatuparan. Mahalaga sa ganitong programa ay ang pagkakaroon ng konsultasyon sa pamayanan na maaaring pasimulan ng pakikiisa ng mga miyembro ng pamayanan sa pagpaplano, pagbuo, pagpapatupad at pagtaya ng programa. Sa Pilipinas, ang isyu sa pagbuo at pagpapatupad ng mga patakarang pangwika sa bansa ay patuloy na nababahiran ng pulitika. Kayang-kayang dalhin ng nakapangyayaring uri ang wika sa direksyong naaayon sa kanilang preperensya at paniniwalang pangwika. Naaayon din ito sa kanilang adyendang nais isulong para sa bansa. Sa sitwasyong waring higit na pinapaboran ang English dahil sa tinatawag na globalisasyon, higit din namang lumalakas ang tawag sa lokalisasyon para sa lokal na panlasa at kapakinabangan. Batay sa inilahad na mga pag-aaral, ang globalisasyon at lokalisasyon ay maaaring magkatuwang na maisakatuparan sa pamamagitan ng maaayos, tama at angkop na patakarang pangwika sa bansa.
Kabanata III. Metodolohiya I. Disenyo ng Pananaliksik Kabilang na rin dito, nais mabatid ng mananaliksik ang epekto ng sistemang pang-edukasyon na ipinatutupad ng Kagawaran ng Edukasyon at ng Komisyon sa Mataas na Edukasyon sa ikauunlad ng pag-aaral sa wikang Filipino, lalo na ang pagpapatupad ng Patakarang Bilingual na gagamitin ang wikang Ingles bilang pangalawang wikang midyum sa pagtuturo.

Ang guro ang siyang gumagabay sa mga mag-aaral sa kanilang pagkatuto. Kaya naman nais ding suriin ng mananaliksik kung epektibo ba ang mga paraan ng pagtuturo ng mga guro sa Filipino upang mabawasan ang mga kahinaan ng mga pag-aaral sa kanilang “grammar” sa Filipino.
Ang pag-aaral na isinasagawa ng mananaliksik ay masusing sinusuri kung anu-ano nga ba ang mga salik na nakaapekto sa kakayahang panggramatiko ng mga mag-aaral na nasa unang taon sa Pamantasang Normal ng Pilipinas. Ninanais ding mabatid ng pag-aaral na ito kung bakit mahina sa kanilang “grammar” sa Filipino ang mga mag-aaral. Sinusubukang alamin ng mananaliksik ang saloobin at damdamin, kakayahan at kaalaman ng mga mag-aaral na nasa unang taon sa antas tersyarya. Batid ng mananaliksik na ang mga mag-aaral na ito ay nagsipagtapos at nagkamit ng kanilang edukasyon sa lebel ng sekundarya at sila’y nakakuha at nakapag-aral ng sabjek na Filipino. At dahil doon ay nais din na mabatid ng mananaliksik kung ang antas ng edukasyon sa Filipino na nakuha ng mga mag-aaral noong sila ay nasa sekundarya ay sapat upang sila ay matanggap sa mas malaking mundo ng kolehiyo at kung sapat na ba ang kanilang kaalamang natanggap kung kaya’t sila’y mahusay na sa kanilang grammar sa wikang Filipino. Pinakamahalagang parte ng pag-aaral na ito ay ang kabatiran ng mananaliksik kung paano isinasabuhay ng mga mag-aaral ang kanilang mga natutunan sa Filipino upang mapaunlad ang kanilang gramatikong kakayahan. Batid ng mananaliksik na nakasalalay ng mahigit ang pagkatuto ng mga estudyante sa kanilang mga sarili din at hindi lamang nakasalalay sa ibinibigay ng guro. Kung kaya’t nais suriin ng mananaliksik ang isyu ng paggamit ng mga mag-aaral ng wikang “Taglish” at pati na rin ang kahirapang pag-aralan ng wikang Filipino kaysa Ingles.

At bilang kasagutan sa mga suliraning ito ay nagsagawa ang mananaliksik ng isang sarbey. Ang sarbey na ito ay isang “Descriptive Survey Research Design” na gumagamit ng mga palatanungan (Survey Questionnaire) upang makalikom ng datos. Gumawa ang mga mananaliksik ng sampung (10) palatanungan. Ang mga katanungang ito ay mga nasa ayos obhetibo at maari lamang sagutin kung sa tingin ng kinakapanayam ay katotohanan ito o hindi katotohanan. Sasalungguhitan niya lamang ang salitang Katotohanan kung sang-ayon siya sa pahayag at sasalungguhitan niya lamang ang Hindi Katotohanan kung siya ay salungat sa pahayag.
II. Respondente Ang pag-aaral na ito; “Gramatikong kahinaan at kakulangan ng mga mag-aaral sa Filipino” ay naglalayong matuklasan kung bakit nga ba tila humihina na ang kakayahang panggramatiko sa Filipino ng mga mag-aaral. At ang napiling respondente nito ay ang mga nasa unang taon sa antas tersyarya particular na ang mga mag-aaral sa unang taon sa Pamantasang Normal ng Pilipinas. Sila ang napili ng mananaliksik batay na rin sa kanilang mga karanasan sa pag-aaral lalo na sa sabjek na Filipino. Batid nating lahat na ang mga “freshmen” na ito ay, na bago tumuntong sa pamantasan ay nagkaroon na sila ng apat na taong pag-aaral sa lebel sekundarya. Ngunit sapat nga ba ang natamo nilang edukasyon sa Filipino upang makatuntong sa PNU? Ang mga respondenteng ito ng mananaliksik ay dumaan na sa maraming proseso ng edukasyon at pagkatuto kaya naman nais na mabatid ng mananaliksik ang kanilang kakayahan kung sa sistema ng edukasyon na kanilang pinagdaanan ay nagabayan naman sila nito tungo sa mas mainam na kabatiran at pag-unawa sa wikang Filipino lalo na pagdating sa “ grammar”.

Ang ilan sa mga respondente ay mga kakatapos lamang ng pag-aaral mula sa lebel ng sekundarya at ang iba naman ay mga nagsipagtapos na, ilang taon na ang nakakaraan ngunit pasamantala lamang na tumigil sa pag-aaral kung kaya’t sila’y nagkakaiba-iba rin ang kanilang lebel ng pagkatuto.

Sa sarbey na inihanda ng mananaliksik ay inilatag ang mga katanungang makakatulong upang matugunan ang mga suliranin sa gramatikong kahinaan at kakulangan sa Filipino ng mga respondente.
III. Instrumento ng Pananaliksik Upang maging matagumpay ang pag-aaral na ito at upang masolusyunan ang mga suliranin ay gumamit ang mananaliksik ng mga kaparaanan gaya na lamang ng pagkuha ng mga datos sa pamamagitan ng pagsasarbey ng naglalayong makita ang dahilan o aspeto ng paghina ng “grammar” sa Filipino ng mga mag-aaral sa unang taon. At upang maging posible ito ay inobserbahan at sinuri ng mananaliksik ang kalagayang pang-edukasyon sa larangan ng pagtuturo ng Filipino. Sinusubukang isa-isahin at intindihin ang bawat aspektong matuklasan gaya ng antas ng edukasyon, mga istratehiya ng guro, mga patakarang pang-edukasyon at ang wikang Filipino at Ingles – mga salik na nakakaapekto sa pagkatuto ng isang mag-aaral sa wikang Filipino. Sinusuri din kung paano isabuhay ng mga mag-aaral ang mga natutunan sa asignaturang Filipino. Ang mga mag-aaral ang nakababatid ng kanilang antas ng pagkatuto sa wikang Filipino, mapaberbal man o mapasulat kaya naman ninais ng mananaliksik na mabigyang pansin ang saloobin ng mga mag-aaral na nasa unang taon sa antas tersyarya ukol sa kanilang pagsulong at pagkatuto sa wikang Filipino. Sa kanila nakasalalay ang kanilang pagkatuto sa tulong ng gabay ng kanilang mga guro. Ngunit ang makaking pagbabahagi ukol sa asignatura ay nasa pagbabahagi na ng guro kaya minabuti rin ng mananaliksik na mabatid kung epektibo ba ang mga guro sa Filipino sa pamamagitan ng pakikipagpanayam sa mga mag-aaral kung totoo bang sila ay nabahaginan ng sapat na kaalaman sa Filipino upang karapat-dapat na makaakyat sa antas tersyarya. Gayunpaman, ang mananaliksik ay maige na tinitimbang ang mga datos na nakalap na ayon sa katotohanan lamang upang ang maging resulta ay kapaki-pakinabang at magagamit para sa kabutihan at kapatiran ng lahat. Kabanata IV. Paglalahad ng mga Datos Sa kabanatang ito ay masusing ilalahad ng mananaliksik ang mga datos na nakalap sa isinagawang sarbey na ipinasagutan sa mga respondente. Nakasalig dito ang mga kinalabasan ng isinagawang sarbey. At upang masusing maipakita ang mga datos ng may kalinawan ay gumamit ang mananaliksik ng mga kaparaanang pangmatematika na istatistiks sa pagkokompyut ng bawat porsyento o bahagdan na kinalabasan ng isang datos.

Ang mga datos ay malinaw na ipinahahayag sa pamamagitan ng paggamit ng mananaliksik ng pie grap. Hinati-hati ang part eng pie grap ayon sa bahagdan na mayroon ang isang datos. Nahahati sa dalawang parte ang pie grap- ang isang parte ay para sa bahagdan ng mga respondente na sumsang-ayon na katotohanan ang isang pahayag ayon sa mga palatanungan sa isinagawang sarbey at ang kabilang bahagi naman ay para sa mga respondente na sumasalungat. Kaugnay nito ay inilagay ang mga nararapat na bilang ng porsyento sa bawat parte na kinalabasan ng pag-aaral.

Bawat pie graph ay nagtataglay ng titulo upang mabigyang pokus ang nais na ipakitang datos. Inilahad din ang “Background” ng mga datoss a pie graph. At sa huli ay ipapakita ang mga paliwanag ukol sa kinalabasan ng mga datos.

Matapat at obhetibong isinaayos ng mananaliksik ang mga datos upang maging batay lamang sa mga impormayong natural nang lumabas sa isinagawang sarbey ang matunghayan sa paglalahad ng mga datos ng mananaliksik.

Sa paglalahad ng mga datos ay nais na mabatid ng mananaliksik kung paano nakakaapekto ang mga “variable”na nakalahad sa sarbey sa mga respondente nito na mga nasa unang taon sa antas tersyarya sa Pamantasang Normal ng Pilipinas.
Grap blg. 1

Antas ng Pagtuturo ng mg Guro sa Filipino

Sa grap na ito ay ipinapakita ang kinalabasan ng datos sa sarbey sa tanong na: “Mataas ang antas ng pagtuturo ng mga guro sa Filipinosa lebel sekundarya at elementarya – katotohanan o hindi katotohanan." Sa isinagawang sarbey tinimbang ng mga respondente ang katanungan kung katotohanan ba ang pahayag o hindi katotohanan ayon na rin sa kanilang karanasan sa edukayong natamo noong sila ay nasa lebel ng sekundarya pati na rin noong sila ay nasa elementarya.

Ang mga datos ay ipinakita sa pamamagitan ng paghahati sa parte ng Pie graph na mayroong karampatang parte ng bahagdan na siyang kinalabasan ng pagsasarbey.
Grap blg. 4.1

Pagsukat sa Kakayahan ng mga Guro sa Filipino:
Ang Pagtatama ng “maling grammar”

Ang mananaliksik ay ipinapakita ang naging resulta ng nakalap ng datos ukol sa ginawang pagsasarbey, particular sa tanong na: “Ang mga guro ay itinatama ang mga pagkakamaling panggramatiko ng mga estudyante sa wikang Filipino – katotohanan o hindi katotohanan.’ Tinimbang ng mga respondente ang kanilang mga kasagutan batay na rin sa kanilang mga naging karanasan sa pagtuturo sa kanila ng mga naging guro nila sa Filipino.

Ipinakita ang resulta ng datos sa pamamagitan ng paghahati-hati sa parte ng pie graph at sa bawat parte ay naroon ang sukat ng bahagdang mayroon ang isang datos.
Grap blg. 4.2

Pagsukat sa Kakayahan ng mga Guro sa Filipino:
Kasapatan ng kaalamang naibabahagi


Sa grap na ito ay ipinapakita ang kinalabasan ng datos sa isinagawang pagsasarbey ayon sa katanungang: “Sapat ang kaalamang naibabahagi ng mga guro sa Filipino sa lebel ng sekundarya at elementarya upang makaakyat sa antas tersyarya ang mga mag-aaral – katotohanan o hindi katotohanan.: Sinubukang mabatid ng mananaliksik ang kakayahan ng mga guro sa Filipino sa pamamagitan ng pagsukatkung sapat ba ang kaalamang naibabahagi ng mga guro upang maging karapat-dapat na umakyat sa mas mataas na lebel ang isang mag-aaral. Tinimbang ng mga respondente ang kanilang kasagutan ayon na rin sa kanilang karanasan sa naging pagtuturo ng kanilang mga guro sa Filipino.

Sa pamamagitan ng paghahati sa parte ng pie graph ay ipinakita ang naging resulta ng kasagutan ng mga respondente ukol sa hinihingi ng katanungan. Sa bawat bahagi ng pie graph ay nakasaad ang sukat ng bahagdan mayroon ang isang datos.
Grap blg. 5.1

Pagsukat sa Kakayahang Panggramatikal ng mga Mag-aaral:
Ang Kadalasang Pagkakamali sa Grammar

Sa pamamagitan ng grap na ito ay sinusukat ng mananaliksik ang kakayahang panggramatikal ng mga mag-aaral ayon sa pagsagot ng mga respondente sa tanong na: “Madalas magkamali ang mga mag-aaral pagdating as kanilang “grammar” sa Filipino, mapaberbal man o mapasulat – katotohanan o hindi katotohanan.” Tinimbang ng mga respondente ang kanilang kasagutan sa pamamagitan ng pagsukat na rin ng sariling gramatikal na kakayahan pati na rin ang pagsukat sa kakayahan ng kapwa mag-aaral.

Ipinapakita ang naging resulta ng mga nakuhang datos sa pamamagitan ng parte ng pie graph na kung saan ay nakasaad sa bawat parte ng pie graph ang sukat ng bahagdan mayroon ang isang datos.
Grap blg. 5.2

Pagsukat sa Kakayahang Panggramatikal ng mga Mag-aaral:
Ang Kadalasang Pagsasalita ng “Taglish”

Sa pamamagitan ng grap na ito ay nasusukat ng mananaliksik ang kakayahan ng mga mag-aaral pagdating sa kanilang “grammar” sa Filipino. Sinusubukang mabatid ito ng mananaliksik batay na rin sa kasagutan ng mga respondente sa tanong na: “Madalas magsalita ng “Taglish” ang mga estudyante – katotohanan o hindi katotohanan.” Sa tanong na ito ay nais malaman ng mananaliksik ang damdamin ng mga respondente sapagkat ang mga mag-aaral ang mismong nakakabatid ng hinihingingsagot ng katanungang ito.

At upang maipakita sa maayos na paraan ang mga datos ay hinati ang parte ng pie graph ayon sa sukat ng bahagdan na nakuha ng isang datos mula sa isinagawang sarbey.
Grap blg. 5.3

Pagsukat sa Kakayahang Panggramatikal ng mga Mag-aaral:
Ang Pag-intindi sa Wikang Filipino

Ipinakikita ng grap na ito ang sukat ng kakayahang panggramatikal ng mga mag-aaral pagdating sa pag-aaral at pag-intindi sa wikang Filipino. At upang masukat ito ay pinagkumpara ng mananaliksik ang pag-aaral ng wikang Filipino at ang pag-aaral ng Ingles ng mga mag-aaral. Ipinakita ng mananaliksik ang pagkukumparang ito sa pamamagitan ng tanong na tinugunan ng mga respondente: “Mas mahirap gamitin ang wikang Filipino kaysa sa wikang Ingles – katotohanan o hindi katotohanan.” Tinimbang ng mga respondente ang kanilang mga kasagutan sa pamamagitan na rin ng kanilang karanasan sa pag-aaral at paggamit ng wikang Filipino.

Ang resulta ay ipinapakita sa pamamagitan ng paghati sa parte ng pie graph, na kung saan sa bawat bahagi ay nakasaad ang sukat ng bahagdan na nakuha ng isang datos mula sa naging resulta ng katanungan sa sarbey na isinagawa.
Grap blg. 5.4

Pagsukat sa Kakayahang Panggramatikal ng mga Mag-aaral:
Ang Antas ng Gramatikong Kakayahan

Ipinapakita ng mananaliksik ang resulta ng datos mula sa pagsasarbey ukol sa kakayahang panggramatikal ng mga mag-aaral, particular na ang pagsukat ng antas ng panggramatikong kakayahan ng mga mag-aaral sa Filipino. Ang kasagutan ay ibinatay ng mananaliksik sa kasagutan ng mga respondente sa tanong na: “Mataas ang antas ng gramatikong kakayahan ng mga estudyante sa wikang Filipino – katotohanan o hindi katotohanan.” Ang kasagutan ay tinimbang ng mga respondente sa pamamagitan ng pagsukat at pag-eebalweyt ng sariling antas pagdating sa grammar sa Filipino, kasama na rin ang pag-eebalweyt ng kakayahan ng kapwa kamag-aral.

Makikita sa pie graph sa ibaba ang resulta ng isinagawang sarbey ukol sa suliraning ito. Ang pie graph ay hinati at sa bawat parte ay nakasaad ang sukat ng bahagdan na nakuha ng isang datos mula sa sarbey na isinagawa.
Grap blg. 2

Pagbibigay – pansin sa Asignaturang Filipino

Ipinapakita ng mananaliksik sa Grap na ito ang kinalabasan ng datos sa ginawang pagsasarbey sa tanong na tinugunan ng mga napiling respondente: “Sa bawat paaralan maging hayskul, elementarya at sekundarya ay binibigyang pansin ang asignaturang Filipino – katotohanan o hindi katotohanan.” tinimbang ng bawat respondente ang kanilang mga nagging kasagutan ayon na rin sa kanilang nalalaman at nagging karanasan sa natamong edukasyon.

Ang mga datos ay ipinakita sa pamamagitan ng paghahati-hati sa parte ng pie graph at sa bawat parte ay nakasaad ang karampatang bahagi ng bahagdan ng isang datos na kinalabasan ng ginawang pagsasarbey.
Grap blg. 3

Ang Paggamit ng Ingles sa mga Asignatura

Sa grap na ito ay ipinakikita ng mananaliksik ang kinalabasan ng datos sa isinagawang pagsasarbey. Dito ay ipinakita ang naging kasagutan ng mga respondente sa isang katanungan sa sarbey: “Ngayong semestreng ito ay mas marami ang asignaturang ginagamitan ng Ingles kaysa sa Filipino – katotohanan o hindi katotohanan.” Tinimbang ng mga respondente ang kanilang mga kasagutan ayon na rin sa bilang ng mga asignaturang ginagamitan ng wikang Ingles ngayong semestreng ito.

Ipinakita ang mga datos sa pamamagitan ng paghahati-hati sa parte ng pie graph at sa bawat parte ay nakasaad ang karampatang bahagi ng bahagdan ng isang datos na kinalabasan ng ginawang pagsasarbey.
Kabanata V I. Paglalagom Ang pag-aaral na ito, na tumatalakay sa gramatikong kahinaan at kamalian sa wikang Filipino ng mga mag-aaral, na nagpopokus sa mga mag-aaral na nasa unang taon sa antas tersyarya. Tinalakay sa pag-aaral na ito ang mga salik na nakaaapekto sa pag-unlad o hindi pag-unlad ng grammar ng mga estudyante sa Filipino. Tinalakay rin ang dahilan kung bakit mahina sa grammar pagdating sa wikang Filipino ang mga mag-aaral. Binanggit din ang ilan sa mga salik na nakakaapekto sa pagkatuto ng isang estudyante gaya ng mga sitwasyon sa klasrum, sapat at makabagong mga aklat, paraan ng pagtuturo ng mga guro, ang paggamit ng Taglish ng mga estudyante, ang sistemang pang-edukasyon , ang pagpapatupad ng mga patakarang pangwika gaya ng Patakarang Bilingual at ang paggamit ng wikang Ingles at Filipino. Nagsagawa ng sarbey ang mananaliksik. Sa pamamagitan ng ginawang pagsasarbey ay tinuklas ng mananaliksik ang mga saloobin ng mga mag-aaral ukol sa antas ng edukasyon na natatanggap nila at sa proseso ng pagkatuto na kanilang pinagdaanan. Sinubukan ring matugunan ng pag-aaral na ito ang mga suliranin ukol sa kahinaan ng mga mag-aaral sa kanilang grammar. Ang pananaliksik na ito ay nagging posible sa pamamagitan ng pagsangguni sa iba’t-ibang mga pag-aaral batay na rin sa realidad na kaganapan sa sector ng edukasyon, particular na ang pag-aaral sa wikang Filipino. Nakasalig din sa pag-aaral na ito ang mga kaugnay na pag-aaral gaya ng: “Common Errors in Filipino”, “Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika”, “Mga Patakarang Pangwika”, “Ang Paninindigan sa Filipino bilang Wikang Panturo” at marami pang iba.


Sa pagsasagawa ng sarbey ay gumamit ng pagsasarbey na deskriptib. Ang Deskriptib na sarbey ay binubuo ng mga palatanungan upang makalikom ng datos. Kinompyut ang mga bahagdan sa bawat datos na makuha. Ipinagkumpara ang mga saloobin ng mga estudyante sa pamamagitan ng pagpili kung ang pahayag ay katotohanan o hindi katotohanan. Sa pag-aaral na ito ay naging mahalaga ang saloobin ng mga respondente dahil sila ang nakakaranas at ang dumadaan sa proseso ng pagkatuto. Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa gramatikong kahinaan ng mga mag-aaral kung kaya’t sinukat din ang antas ng edukasyon. Sinukat ang antas ng edukasyon sa pamamagitan ng pagsukat sa lebel ng pagtuturo ng mga guro sa antas sekundarya at elementarya. Sapagkat ang mga nasa unang taon sa antas tersyarya na respondente ng pag-aaral na ito ay galling sa mga lebel na iyon at ditto nakasalalay ang kanilang maagang pagkatuto na dadalhin sa kanilang pag-aaral sa antas tersyarya.

Binigyang pansin din ng pag-aaral na ito ang kalagayan ng pag-aaral sa wikang Filipino. Tinalakay ang kaibahan ng pag-aaral sa wikang Filipino sa wikang Ingles. Sa parting ito ay tinalakay ang patakarang pangwika na Patakarang Bilingual na nagtatakda na ang wikang Filipino ang gagamitin bilang pangunahing midyum na wikang panturo at ang wikang Ingles ay gagamitin naman bilang pangalawang midyum na wikang panturo. Sa pagtalakay nito ay tinuklas ng mananaliksik ang epekto ng patakarang ito sa pag-unlad ng kakayahang panggramatiko ng mga mag-aaral. Binanggit din ang kinalabasan ng pagsasarbey na mas maraming asignatura ang ginagamitan ng wikang Ingles kaysa Filipino. Sa pagsukat ng antas ng edukasyon ay sinusukat rin ditto ang antas ng kakayahan ng isang guro sa Filipino. Tinalakay ang kinalakasan ng sarbey na itinatama ng mga guro ang mga pagkakamaling gramatikal ngunit hindi pa rin sapat ang kanilang mga paraan ng pagtuturo dahil maraming estudyante ang nahihirapan sa pag-unawa ng wikang Filipino. Isa sa pinakamahalagang parte ng pag-aaral na ito ay ang kabatiran ng mananaliksik kung sa tingin ng mga respondente ay sapat ang kaalamang naibabahagi ng mga guro. Tinugunan naman ito kaya’t binanggit din ditto na ang lebel ng pagtuturo ay hindi pa sapat upang ang isang mag-aaral ay makaakyat ng kanyang lebel sa edukasyon.

Mahalaga rin sa pag-aaral na ito na mabigyang pokus ang pagsukat sa kakayahan ng mga mag-aaral sa kanilang “grammar” sa wikang Filipino, mapaberbal man o mapasulat. Binanggit sa pag-aaral na ito ang kadalasang pagsasalita ng “Taglish” ng mga mag-aaral na nagiging dahilan ng hindi pagkatuto sa wikang Filipino. At dahil din dito ay mas nahihirapan ang mga estudyante sa wikang Filipino kaysa sa pag-aaral ng Ingles na nagging dahilan ng mababang antas ng gramatikong kakayahan ng mga estudyante.

Nagkaroon din ang mananaliksik ng nga rekomendasyon na makakatulong na masagutan ang mga suliraning nakita ng mananaliksik sa panahon ng isyung ito
II. Kongklusyon Batay sa isinagawang pag-aaral ng mananaliksik ay nagkaroon ng katugunan ang ilang mga inilahad na suliranin. Sa tulong ng mga isinagawang pagsasarbey at pananaliksik ay narito ang mga kongklusyon ng mananaliksik: 1. Ang antas ng edukasyon sa ating bansa ay hindi sapat. Idagdag pa ang mga kakulangan ng Gobyerno sa pagbibigay – pansin sa sektor ng edukasyon. Ngunit sa katotohanan ay hindi rin sapat ang mga pasilidad, klasrum at kung iaanalisa ay mayroon pa ring mga klasrum na hindi kaaya-aya upang maging silid-aralan ng mga mag-aaral para sa mas epektibong pagkatuto.

2. Mayroong mga guro na kwalipikado at may kakayahan sa pagtuturo ngunit mayroon din na mga gurong mahina ang kakayahan at hindi sapat ang kaalaman sa ispesipikong asignatura na kanyang itinuturo. Ngunit ayon sa kinalabasan ng pag-aaral at pagsasarbey ayon sa saloobin ng mga mag-aaral: Ang mga guro sa Filipino ay itinatama ang mga nakikitang kamalian sa grammar ng mga estudyante sa wikang Filipino, ngunit hindi pa rin sapat ang kanilang mga kaalamang naibabahagi upang maging karapat-dapat ang isang mag-aaral na magsipagtapos sa lebel ng sekundarya upang makaakyat sa mas malawak na mundo ng antas tersyarya.
3. Karamihan sa mga guro sa Filipino ay gumagamit naman ng interesanteng mga aktibidades at kakaibang paraan ng diskusyon upang mapukaw ang interes ng mga mag-aaral na matuto ng ispesipikong asignatura. At hinahayaan din na maipahayag ng mga estudyante ang kanilang sarili upang mas maging malalim ang kanyang pagkakaintindi sa asignatura.

4. Marami sa mga mag-aaral ang nagsasalita ng Taglish na nagiging dahilan ng mas lumalalang pagkakamali sa “grammar” sa wikang Filipino.

5. Ang Patakarang Bilingual ay marubdob na sinusuportahan ng DepEd. Ang patakarang ito ay parehong may positibo at negatibong epekto. Positibo ang epekto nito sa aspektong pakikipagkomunikasyong internasyonal. Ngunit negatibo rin ang epekto nito. Dahil sa dalawang wikang ginagamit bilang midyum ng pagtuturo ay hindi naiiwasan ang pagkakasantabi ng pangunahing wika. Sa ilang mga paaralan at lebel ng edukasyon ay mas pinagtutuunan ang wikang Ingles.
6. Sa maraming asignaturang mayroon ang pangkurikulum na edukasyon ay mas maraming asignatura ang ginagamitan ng wikang Ingles at kakaunti lamang ang ginagamitan ng wikang Filipino.

7. Dahil sa kadalasang paggamit ng wikang Ingles ay mas nahihirapan ang mga estudyante sa pag-aaral ng sariling wika na nagiging sanhi ng kadalasang pagkakamali sa kanilang “grammar” sa Filipino.

8. Dahil sa kadalasang paggamit ng wikang Ingles ay napapag-iwanan na ang pag-aaral ng wikang Filipino at bumababa ang antas ng panggramatikong kakayahan ng mga mag-aaral.
III. Rekomendasyon Batay sa mga kinalabasan ng pag-aaral, ang ilan sa mga katanungan at suliraning kinaharap ng mananaliksik ay natugunan sa tulong na rin ng isinagawang sarbey, ilang pag-aaral at pagsusuri, kasama na rin ang pagtitimbang ng bawat pahayag at pagpapakita ng mga datos at impormasyon ng walang kahalong pahayag na subhektibo upang makapagbigay ng mga impormasyong magbibigay kalinawan.

Ang isinagawang pag-aaral na ito ay nagpopokus sa mga aspektong nakakapagpaunlad o nakakapagpabagsak ng gramatikong kakayahan ng mga mag-aaral na nasa unang taon sa antas tersyarya. Sinubukan din na matutugunan ng mananaliksik sa pamamagitan ng pag-aaral na ito na matulungang mapataas ang lebel ng pagtuturo sa Filipino na siya ring magpapataas ng antas ng “grammar” ng mga mag-aaral sa wikang Filipino, mapaberbal man o mapasulat.
At bunga ng isinagawang pag-aaral ay narito ang mga rekomendasyon ng mananaliksik:

1. Ang pag-aaral ng dalawang wika sa isang kurikulum na pang-edukasyon ay hindi masama. Ang pag-aaral ng wikang Filipino, pati na rin ng wikang Ingles ay mayroong positibong epekto sa pagtataguyod sa sistema ng edukasyon. Ngunit huwag kakalimutan na pagbalansehin ang dalawa o ang pagkakaroon ng prayoridad dahil ang wikang ito ay mas pangunahin. Mainam ang pag-aaral pa ng pangalawang wika ngunit huwag bale-walain ang kahalagahan ng pangunahing wika.
2. Ayon sa kinalabasan ng pag-aaral ay mas maraming mga asignatura ang ginagamitan ng wikang Ingles kung kaya’t marapat na mas bigyang – pansin pa ang pagtuturo ng wikang Filipino para sa ikauunlad ng pagkatuto ng mga mag-aaral.

3. Malayang gamitin ang wikang Filipino sa lahat ng sabdyek lalo na kung kinakailangan. Mas madaling maiintindihan ng mga magaaral ang isang aralin kung gagamitin ang pangunahing wika. Kung malayang gagamitin ang wikang Filipino sa talastasan at pagpapahayag ay mas malaki ang ikakaunlad ng pagkatuto sa wikang Filipino.
4. Dahil kailangang mapataas ang antas ng edukasyon sa Filipino ay nararapat na magkaroon ng guro na talagang nararapat at kwalipikado na magturo ng wikang Filipino. Ang mga guro sa Filipino ay marapat na magtaglay ng mataas na kasanayan at kaalaman sa pagtuturo ng isang ispesipik na asignatura. Siya ay marapat na mayroong “mastery of the subject matter”, upang makapagturo siya ng epektibo.

5. Magkaroon ng mga makabagong kagamitan, libro at epektibong paraan sa pagtuturo. Gawing mas interesante ang bawat diskusyon ng klase. Kadalasang magkaroon ng mga aktibidades at mga pangkatang gawain na magtutulak sa mga mag-aaral na lalo pang paigtingin ang kanilang pagunawa sa asignatura. Sa ganitong paraan lamang mapupukaw ang atensyon at isipan ng mga estudyante na matuto.
6. Dapat na maghanda ang mga guro ng mga pagsasanay at pagsusulit na susubok sa kakayahan ng mga estudyante pagdating sa kanilang “grammar” sa Filipino. Mahalaga rin na magsagawa ng dayanostikong pagsusulit upang malaman kung ano ba ang nalalaman na ng mga estudyante ukol sa asignatura, kasabay na rin ang pagkakabatid kung alin pa ba ang nararapat na ituro at ipokus ng guro sa mga mag-aaral. Nararapat din na itama ng mga guro ang mga kamaliang panggramatiko ng mga estudyante habang maaga pa lamang, upang hindi niya makasanayan at madala ang kamaliang ito sa proseso ng kanyang pagkatuto. Kung napapansin na ang guro ang mga maling grammar na ito ay dapat na ibigay ng guro ang eksaktong salita, pangungusap o parirala na nasa tamang grammar na. Dapat na magbigay siya ng nararapat na impormasyon para sa pagkatuto ng mga mag-aaral. 7. Ang mga guro ay dapat na magsilbing ehemplo ng mga estudyante pagdating sa pagsasabuhay at paggamit ng wikang Filipino. Sa kanyang pananlita at kilos ay natural lang niyang ginagamit ang wikang Filipino sa tamang paraan. Sapagkat ang guro ang gumagabay sa isang mag-aaral tungo sa kanyang pagkatuto ay mahalaga na mismong sa sarili ay isinasabuhay niya ang paggamit ng wikang Filipino.

8. Ang mga mag-aaral ay dapat na makibahagi at makiisa sa talakayan ng klase. Kaugnay nito ay marapat na hayaang maipahayag ng mag-aaral ang kanilang saloobin ukol sa aralin upang mas magkaroon siya ng malalim na ugnayan at mas malalim na pag-unawa sa aralin. Kung ang mga mag-aaral ay may mga katanungan ay bigyan ng karampatang kasagutan ang kanilang mga katanungan. Bilang guro na mayroong sapat na kaalaman ay dapat na mayroong linaw ang bawat niyang itinuturo sa mga mag-aaral.
9. Magkaroon ng ebalwasyon ang mga guro ukol sa kalagayang pang-akademiko ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagkakaroon ng “post-test” ay dapat na i-ebalweyt ng guro ang kanyang mga mag-aaral kung nagkaroon ba ng pagunlad ang antas ng pag-unawa ng estudyante sa wikang Filipino at pati na rin sa antas ng kaalaman sa “grammar” ng wika.

10. Pagpatupad ng alintuntuning pagsasalita ng wikang Filipino sa loob at labas man ng klasrum. Ang sarili mismo ng estudyante ang makakatulong sa kanyang sarili upang matuto. Kung isasabuhay ng mga mag-aaral ang natutunan mula sa maga guro ay magiging tulay ito tungo sa mas epektibong pagkatuto. Dahil sa limitasyon ng pag-aaral na ito, iminumugkahi rin ng mananaliksik ang pagkakaroon ng karagdagang pagsasaliksik na siyang tutugon sa mga katanungang hindi natugunan ng pag-aaral na ito.
Full transcript