Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Mga Batas na naipatupad noong panahon ng Amerikano

No description
by

Justin Ching

on 18 November 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Mga Batas na naipatupad noong panahon ng Amerikano

Batas na naipatupad noong panahon ng Amerikano
Mga Batas na naipatupad noong panahon ng Amerikano
Batas Brigansya at Rekonsentrasyon
Batas Sedisyon
Batas ukol sa Watawat
Pilipinasyon
Philippine Organic Act of 1902
Payne- Aldrich Act
Batas ng Underwood Simmons
Parity Rights
Batas ng Pilipinas ng 1902
Ang Batas Hare-Hawes-Cutting at Batas Tydings-Mc Duffie
Batas Jones ng 1916
Ang Batas Hare-Hawes-Cutting at Batas Tydings-Mc Duffie
Sinasabing ang Batas Tydings-Mc Duffie ay halos kopya lamang ng Batas Hare- Hawes-Cutting.
Ang parehong Batas ay nagsasaad ng mga sumusunod:
(1) Pagbabago ng Kumbensyong Konstitusyonal na bubuo ng Saligang-Batas para sa Pilipinas;
(2) Ang nabuong Saligang-Batas ng Pilipinas ay lalagdaan ng Pangulo ng Estados Unidos;
(3) Pagdaraos ng isang plebisito upang maiharap at mapagtibay ng sambayanan ang Saligang- Batas;
(4) Pagpapahayag ng Kalayaan ng Pilipinas matapos ang 10 taong transisyon sa pamamahala.
Ayon Kay Quezon hindi mainam ang ilang probisyon ng Batas Hare-Hawes- Cutting tulad ng:
(1) Pananatili ng mga base-militar sa Pilipinas;
(2) Hindi patas na kalakaran sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos at:
(3) Ang mga limitasyong nakapaloob sa pagpasok ng mga Pilipino sa Estados Unidos ay luluwagan: at
(4)Pagkakaroon ng makapangyarihang Komisyonado mula sa Amerika.

Batas Brigansya at Rekonsentrasyon
Ang Batas sa Brigansiya
-
ay nagpalaganap ng katawagang bandido o ladrones (magnanakaw) sa mga Pilipinong Rebolusyonaryo
. Ipinahayag ni Henry T.Allen, Puno ng Konstabularya ng Pilipinas na ang mga Rebolusyonaryo ay tunay nanagnanais lamang na maghasik ng kaguluhan, at hindi upang magtatag ng kalayaan. Kaya’t dinarakip ang sinumang mapaghinalaan. Pinagbintangan din silang pagtatatag ng isang pamahalaang may Saligang-Batas at naghahangad ng kanikanilang pangsariling pamahalaan.


Ang Batas Rekonsentrasyon
-ay pinagtibay ng Komisyon ng Pilipinas noong Hunyo 1, 1903. Ang batas na ito’y nagbigay ng awtoridad sa Gobernador Heneral na Amerikano na
bigyan ng kapangyarihan ang mga gobernador sa mga lalawigan upang irekonsentra o ilipat ang mga residente ng mga bayan at lalawigang pinaniniwalaang pinamumugaran ng mga rebelde o ladrones (magnanakaw)
sa mga poblacion o mas malaking bayan ng munisipyo.
Macario Sakay
Batas Sedisyon
Batas Sedisyon na ipinasa noong
Nobyembre 4, 1901
,
Nagbibigay ng kaparusahang kamatayan at panghabang-buhay na pagkakabilanggo sa mga taong nagpapahayag ng paglaban at pagpuna sa pamamahala at pangangasiwa ng mga Amerikano
ang batas na ito. Naglalayon ito ng tunay na pagsikil sa pagpapahayag ng mga Pilipino sa lahat ng larangan kahit na sa teatro. Ilan sa mga naging biktima at nabilanggo sa ilalim ng patakarang ito ay ang mga makabayang artista sa iba’t ibang sining. Ito ay sina
Aurelio Tolentino
,kilalang manunulat sa literatura at naging sikat sa kanyang pagsulat ng dulang Kahapon, Ngayon at Bukas;
Juan Abad.
Batas 1696 o Batas ukol sa Watawat
Isa pa sa mga pamamaraang ginamit ng mga Amerikano upang sikilin ang Nasyonalismong
Pilipino ay ang pagpasa ng
Batas 1696 noong 1907
.
Ito ay nauukol sa pagbabawal ng pagdidispley o pagwawagayway ng watawat ng Pilipinas, at anumang simbolo, banner at mga kagamitan na nagpapahayag ng pagtutol sa pamamalakad ng mga Amerikano.
Sa paniniwala ng mga Amerikano ang kanilang watawat ay di gaanong pinahahalagahan ng mga Pilipino at bagkus ay nais nilang gamitin ang watawat ng Pilipinas gaya ng palagiang ginagawang pagdidispley ng Partido Nacionalista ng watawat ng Katipunan ng sila’y manalo sa eleksyon ng 1907. Ang batas na ito ay ipinatupad sa mahabang panahon hanggang sa magkaroon ng pag-amenda noong taong 1919.
Nagbago ang sa kaisipan ng mga Amerikano at pinayagang gamitin ng mga Pilipino ang ating sariling watawat sa anumang okasyon.
Patakarang Pilipinasyon
Pilipinasyon
- Unti- unting pinalitan ng mga Pilipino ang mga Amerikanong nanunungkulan sa pamahalaan. / Ang unti-unting pagsasalin ng pamahalaang Amerikano sa Pilipinas ng kapanyarihang mamahala sa mamamayang Pilipino.
Pagpapatupad ng Patakarang Pilipinisasyon:
-Inatasan ni Pangulong William McKinley ang Ikalawang Komisyon ng Pilipinas na ipatupad sa bansa ang Patakarang Pilipinisasyon.
Iniutos niya ang paglalagay ng mga Pilipinong kawani sa mga pamahalaang munisipal sa pamamagitan ng pagboto.
Kaalinsabay din, pinalawakang libreng primaryang edukasyon at ang paggamit ng wikang Ingles bilang midyum sa pakikipagtalakayan.
Ang mga ilustradong Pilipinong ito ang mga karaniwang nahalal sa posisyon sa mga Pamahalaang Munisipal.
Sa pamamagitan ng Municipal Code Act No. 82 ay nagging legal ang pagkakaroon ng mga kawani na maaring mahalal bilang pangulo;pangalawang pangulo at myembro ng konseho. Sang-ayon sa datos na ipinalabas noong 1903 ay 2.44 na porsyento lamang ng pangkabuuang populasyon ang bumoto.
Kwalipikasyon sa Pagboto
Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
Mga lalaking may edad 20-30 gulang lamang ang makaboboto
Nanirahan ng higit kumulang sa anim na buwan sa lugar na pagbobotohan;
Nakahawak na ng lokal na posisyon sa bayan; may ari-arian na nagkakahalaga ng limandaang piso
At nagbabayad ng taunang buwis na tatlumpung piso (Php 30.00)
At higit sa lahat ay nakababasa, nakasusulat at nakapagsasalita ng wikang Ingles o Kastila.
Pilipinasyon
Naging katulong ng pamahalaang Amerikano ang mga ilustradong Pilipino sa mabilis na pagpapatupad ng patakarang Pilipinisasyon.Naging kabilang sila sa Partido Federalista at kanilang isinulong ang mga patakarang maka-Amerikano. Nakatulong din sila sa pagpapatuloy ng mga adhikain ng pamahalaang Amerikano kabilang na ang pagpapasuko sa mga Rebolusyonaryong Pilipino.
Ang Philippine Organic Act ng 1902
Ang kaunaunahang
“organic act”
na ipinatupad sa Pilipinas ay tinawag na Philippine Organic Act ng 1902 (lalong kilala bilang
Cooper Act
sa dahilang si Kinatawan Henry Allen Cooper ang nagsumite nito sa Kongreso ng Amerika).
Nilayon nito ang pagkakaroon ng isang lehislatura na bubuuin ng Mababang Kapulungan o Asembliya ng Pilipinas na ihahalal ng mga botanteng Pilipino.
An g mataas na kapulungan ay tatawaging Komisyon ng Pilipinas at ang mga bubuo nito ay hihirangin ng Pangulo ng Estados Unidos. Ang dalawang kapulungang ito ay maghahati sa kapangyarihan sa lehislatura ngunit ang Mataas na Kapulungan ay may pananagutan sa pagpapasa ng mga batas na may relasyon sa mga Pilipinong Muslim at mga katutubo. Ang kautusan ding ito ang nagbigay ng pagkakataon sa pagpapadala ng dalawang Pilipinong residenteng Komisyoner sa Washington, E.U. upang dumalo sa mga sesyong gagawin sa Kongreso ng Estados Unidos.
Batas Brigansya at Rekonsentrasyon
Si
Macario Sakay
ay dating kasapi ng Katipunan at nakasama sa mga
pakikipaglaban nina Andres Bonifacio at Emilio Jacinto sa mga bulubundukin ng Morong, Rizal.Nagtatag si Macario Sakay ng Republika ng Katagalugan sa mga kabundukan sa Timog Luzon noong 1902. Siya ang humawak ng puwesto sa pagkapangulo at tinawag na Generalisimo.

Batas Underwood-Simmons

Taong
1913
ay ipinasa ang Batas Underwood Simmons sa Kongreso ng Amerika. Inalis ng batas na ito ang mga restriksiyon sa lahat ng produktong pumapasok sa dalawang bansa. Dahil dito,
naging depende ang Pilipinas sa mga kalakal na galing sa Estados Unidos.
Naging positibo din ito sa pagdami ng mga iniluluwas na produkto ng Pilipinas sa Estados Unidos. Lumaki ang bilang ng mga iniluluwas na produkto. Batay sa statistics noong taong
1914 at 1920
ay umabot ang iniluluwas na produkto sa limampu hanggang pitumpung porsyento. Nang taon 1939 ay walumpu’t limang porsyento ang ating nailuwas na produkto sa Estados Unidos ngunit animnapu’t limang porsyento naman ang ating inangkat. Nakinabang nang malaki ang Estados Unidos sa nasabing patakaran dahil kahit hindi mahahalagang produkto ay naipasok nila sa pamilihan ng Pilipinas at nagdulot ng mas malaking tubo sa kanila. Naging mahilig kasi ang mga Pilipino sa anumang produktong “stateside”

Parity Rights

Hindi lamang ang kalakalan ang pinakinabangan ng mga Amerikano sa
panahon ng kanilang pamamahala sa Pilipinas kundi maging ang ating mga likas na
yaman. Bago pinagkaloob ng mga Amerikano ang kalayaan ng Pilipinas ay itinali
muna tayo sa isa pang patakaran: ang Parity Rights.
Ang patakarang ito ay
nagbigay ng pantay na karapatan sa mga Pilipino at Amerikano na gamitin at
pakinabangan ang mga likas na yaman ng Pilipinas.
Madaling napaunlad nito ang
pangangalakal at industriyang itinayo ng mga Amerikano sa Pilipinas. Ang
pagtatatag ng mga industriyang Amerikano ay naging daan ng pagdagsa ng mas
maraming bilang ng mga produktong Amerikano sa pamilihan ng Pilipinas.

Ang Batas Ng Pilipinas 1992 O Batas Cooper

Noong
1902
, itinaguyod ni Kongresista
Henry Allen Cooper
ang panukalang
Batas na
nagtatadhana sa pagpapadala ng dalawang residenteng komisyonado.
Bibigyan sila ng karapatang makilahok sa mga debate o sesyon ng Mababang
Kapulungan sa Kongreso ng Estados Unidos ngunit walang karapatang bumoto sa
anumang isyu o batas ng Kapulungan.
Ang unang dalawang komisyonadong ipinadala
ay sina Pablo Ocampo at Benito Legarda bilang kinatawan ng Pilipinas.
Ang Batas Hare-Hawes-Cutting at Batas Tydings-Mc Duffie
Naging magkaiba ang pagtanggap nina Quezon at OSROX tungkol sa Batas Hare-Hawes-Cutting kaya nahati ang Partido Nacionalista. Ang
Anti ay pinamunuan ni Quezon
at ang
Pro ay pinamunuan nina Osmeña at Roxas (OSROX)
. Dahil dito, sinikap nina Osmeña at Roxas na iharap sa isang plebesito ang Batas Hare-Hawes- Cutting subalit sinalungat ito ni Quezon sa dahilang magastos. Sa halip ay inayos niya ang Lehislatura sa pamamagitan ng pagpapalit kina Osmeña bilang Pangulong Protempore ng Senado at Roxas bilang Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan. Inilagay din niyaang mga kaalyado niya. Sa pagtanggi ng Lehislatura sa Batas Hare-Hawes-Cutting ay kinailangan ni Quezon na maghanap ng mas mabuting batas para sa pinakahihintay na kalayaan ng Pilipinas.Pagdating ni Quezon sa Estados Unidos ay lubha siyang nahirapan sa kanyang misyong pangkalayaan dahil may mabigat na isyung pangkabuhayan sa Estados Unidos. Ngunit sa kabila noon ay nagsikap si Quezon na makakuha ng suporta mula kina Senador Millard Tydings at Kinatawan John Mc Duffie. Noong Marso 24, 1934,nilagdaan ni Pangulong Roosevelt ang Batas Tydings-Mc Duffie.

Ang Batas Jones
Noong 1916, napagtibay ang batas na
nagbigay ng pag-asa sa mga Pilipino sa
pagkakamit ng kalayaan kung mapapatunayan nilang may kakayahan na sila sa
pagsasarili.
Sa pamamagitan ni Kinatawan
William Atkinson Jones
ng Virginia ay
nilagdaan ni Pangulong Woodrow Wilson ang batas noong
Agosto 29, 1916
.


Batas Payne-Aldrich

Noong taong
1909
ay ipinasa sa Kongreso ng Amerika ang Batas Payne-
Aldrich. Ito’y naglalayong
papasukin ang mga piling produkto ng Pilipinas sa
Estados Unidos
. Naglagay ng limitasyon sa pagpasok ng bigas, asukal at tabako sa
Estados Unidos dahil sa pagtutol ng mga magsasakang Amerikano. Ito’y kanilang
ginawa dahil sa posibleng malaking kompetisyon ang mangyayari sa mga nabanggit
na produkto. Samantalang ang produkto ng mga Amerikano ay malayang
makapapasok sa ating pamilihan ng walang limitasyon sa bilang o dami nito.



Ang Pilipinisasyon ay isang prinsipyo ng pamahalaang Amerikano na naglalayong ng unti-unting punan ang pamahalaan ng mga Pilipinong kawani.
Ang mga Pilipinong ilustrado ay naging mabisang instrumento sa pagpapatupad ng Patakarang Pilipinisasyon.
Ang kauna-unahang “organic act” na ipinatupad sa Pilipinas ay tinawag na Philippine Organic Act ng 1902
Tandaan Mo!
Tandaan Mo!
Ang Batas Payne-Aldrich ay naipasa noong taong 1909 ng Kongreso ng Amerika at naglayong papasukin ang produktong Pilipino sa Amerika maliban sa bigas, asukal at tabako.
Ang Batas Underwood- Simmons ay naipasa noong 1913 ng Kongreso ng Amerika at naglayong alisin ang mga restriksiyon sa lahat ng produktong pumapasok sa pamilihan ng Pilipinas at Amerika.
Ang Parity Rights ay nagbigay ng pantay na karapatan sa mga Pilipino at Amerikano na gamitin at pakinabangan ang mga likas na yaman ng Pilipinas.
Tandaan Mo!
Maraming misyong pangkalayaan sa Estado Unidos at ilan sa mga nakilalang pinuno nito ay sina Manuel L. Quezon , Sergio Osmeña, Manuel Roxas, at Claro M. Recto.
Ang Batas Hare-Hawes-Cutting at Batas Tydings-Mc Duffie ay halos may parehong mga probisyon tungkol sa paglaya ng Pilipinas subalit tinutukoy sa Batas Hare-Hawes-Cutting ang ilang usapin tulad ng pananatili ng base militar , hindi patas na kalakaran, limitasyon sa pagpasok ng mga Pilipino sa Estados Unidos, at ang pagkakaroon ng makapangyarihang Komisyonado mula sa Amerika.
Nagkaroon ng matinding sigalot sa pagitan ni Osmeña at Quezon dahil sa usapin ng “Pro-Hare-Hawes-Cutting Law” at “Anti-Hare-Hawes-Cutting “.

Thanks For Listening!!!
Tandaan Mo!
Ang Batas Sedisyon ay ipinatupad upang sikilin ang kalayaan ng mga Pilipino sa pagpapahayag.
Ang Batas sa Brigansiya ay ipinatupad upang sugpuin ang pag-aalsa ng mga Rebolusyonaryong Pilipino na tinaguriang mga rebelde o bandido.
Ang Batas Rekonsentrasyon ay ipinairal upang ilipat sa ibang lugar ang mga residente ng mga bayan at lalawigang pinaniniwalaang pinamumugaran ng mga rebeldeng Pilipino.
Ang Batas 1696 noong 1907 ay nagbawal ng pagdidispley o pagwagayway ng watawat ng Pilipinas, gayundin ang mga simbolo at mga kagamitang nagpapahayag ng pagtutol ng mga Pilipino sa pamamalakad ng mga Amerikano.
Full transcript