Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

SINAUNANG PANAHON SA TIMOG ASYA

No description
by

Yhannie Mendoza

on 10 August 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of SINAUNANG PANAHON SA TIMOG ASYA

SINAUNANG PANAHON SA TIMOG ASYA
Ang pagtatapos ng kabihasnang Indus ay kinakitaan ng ibat-ibang pananalakay at pananakop. Ibat-ibang katutubong imperyo rin ang naitatag. Ang mga kaganapan ito ay tumulong sa paghubog ng isang bukod tanging kabihasnan.
ANG MGA INDO-ARYAN
Noong 1500 B.C.E., tinawid ng iba't ibang tribo ng mga mananalakay ang hilagang-kanlurang bahagi ng India. Sila ay ang mga Indo-Aryan. Kalahi nila ang mga sumalakay sa Persia, Greece, at Italy sa mga panahon ding iyon.

Panahong Verdic
Ang unang kabihasnang Indo Aryan ay tumagal nang humigit kumulang 600 taon, mula 1500 hanggang 900 B.C.E. Ang tawag sa panahong ito ay hango sa salitang Vedas, ang pangalan ng unang panitikan ng mga Indo Aryan.

Ang Panitikan ng mga Indo Aryan


Dinala ng mga Indo Aryan sa India ang kanilang wika. Sa loob ng mahigit na isang libong taon sa India, ang wika na ito na umunlad na sa ngayon ay tinatawag na Sanskrit. Ang mga naunang literatura na nakasulat sa sanskrit ay tinatawag na Vedas. Ang pinakamahalaga sa kalipunan ng mga sulatin sa Vedas ay tinatawag na Rig-Veda na ang ibig sabihin ay "Awit ng Karunungan". Ito ay mga awit ng pagpupuri sa mga diyos.
Dalawang magaling na epikong tula ang isinulat sa Panahong Epiko. Ang una ay ang Mahabharata na tungkol sa malaking digmaan. Ang pangalawa ay ang Ramayana na tungkol naman sa paglalagalag ni Rama habang matiyagang naghihintay ang kaniyang butihing asawa.
Si Alexander the Great
Si Alexander the great ay hari ng Macedonia, isang kaharian sa hilagang greece. Ang kanyang pangarap ay lupigin ang persia. Napabagsak niya ang persia noong 328 B.C.E. Subalit hindi nasiyahan si Alexander sa pagkakalupig ng Persia. Hinangad niyang manakop ng karagdagang lupain. Pagkatapos ng dalawang taon, tinawid niya ang Indus River at tinalo ang isang hukbong indian. Ngunit ayaw ng kaniyang mga sundalo na magpatuloy sa India kung kaya napilitan sa Alexander na lisanin ang India.
Imperyong Maurya
Noong 321 B.C.E, inagaw ni Chandragupta Maurya ang isang kaharian at iniluklok ang kanyang sarili sa kapitolyo ng Pataliputra bilang bagong hari. Lumawak ang kaniyang kapangyarihan. Nilupig niya ang kaharian sa hilagang bahagi ng India. Siya ang unang hari ng Dinastiyang Maurya
Noong 273 B.C.E, humalili si Asoka, apo ni Chandragupta Maurya, bilang emperador. Pinangunahan niya ang isang kampanyang militar na ang pakay ay palawakin ang imperyo. Nagtagumpay si Asoka na sakupin ang lahat ng India maliban sa bahaging timog. Subalit nasindak si Asoka sa kalupitan ng kanyang kampanya at sa pagkawala ng maraming buhay.
Ang mga Kushan

Sinalakay ng malakas na tribong lagalag ang timog at silangang bahagi ng Gitnang Asya. Sa pagsapit ng ikaunang siglo C.E., sinalakay ng isa sa mga tribong ito ang Kushan, ang malaking bahagi ng hilagang-kanlurang India. Ang kanilang paghahari ay tumagal nang humigit kumulang hanggang 200 C.E
Ang orhihinal na Buddhism ay tinawag na Hinayana o Theravada Buddhism. Ang Mahayana Buddhism ay lumaganap sa China, korea, Mongolia, Tibet at Japan. Samantala, ang Hinayana o Theravada Buddhism ay lumaganap sa Burma, Thailand, Laos, Cambodia at Sri Lanka.
Imperyong Gupta
Pagkatapos ng pagbagsak ng mga Kushan, ang hilagang Insia ay nahati sa maraming maliit na estado. Nagkaroon ng paghina ang kultura na tumagal nang humigit-kumulang sa 100 taon. Sa pagsapit ng ikaapat na siglo C.E., isang bagong dinastiya, ang gupta ang naging makapangyarihan.
Naganap ang Ginintuang Panahon ng India sa ilalim ng Imperyong Gupta. Umunlad ang agham sa panahong ito. Tinalakay ni Aryabhata, isang matematiko at astronomo, ang halaga ng pi at pagikot at hugis sphere ng daigdig.
Mga Muslim na Mananalakay
Noong ika-11 hanggang ika-12 siglo, tinawid ng mga Muslim na mananalakay ang mga bulubundukin sa hilagang kanlurang bahagi ng India. Ang ilang sa kanila ay mga Afghan habang ang iba ay mga Turk.
Noong una, ang kanilang pakay ay palaganapin ang Islam. Ang iba ay nais mandambog ng ginto at mamahaling alahas sa mga lungsod ng India. Nang makita nila ang malaking yaman ng India, sinikap nilang maging mga hari at prinsipe.
Noogn 1398, nilusob ni Tamerlane ang India. Sinalakay rin niya ang Delhi at kinuha ang lahat ng kayamanan nito.
Ang Ambag ng mga Mogul
Dinala ng mga Mogul sa India ang isang mayamang estilo ng sining Muslim. Ito ay ang Miniature Painting o maliliit na larawang ipininta na hango sa sining ng Persia.
Ang mga Mogul at ang Imperyong Mogul
Noong 1500, mga bagong Muslim na mananalakay ang dumating sa India. Sila ay pinangngunahan ni Babur, isang Turk na kaanak ni Tamerlane at Genghis Khan. Noong una, inakala ng mga Indian na si Babur ay Mongol kung kaya tinawag ito Mogul, ang salitang Indian para sa Mongul.


Panahong Epiko
Ang mga Indo Aryan ay nagtatag ng mga lungsod-estatdo na napaliligiran ng mga palibot-bambang at mataas na pader. Sa gitna ay ang palasyo ng hari o raja. Malawak ang kapangyarihan ng raja. Ito ay dahil siya ay may hukbo at pinapayuhan ng isang konsehong binubuo ng kanyang mga kamag anak at mga dugong bughaw, Isang gutang uri ang lumitaw bunga ng kalakalan
Pagkakatatag ng Sistemang Caste
Dahil sunod sunod ang kasong nabalitaan na ang mga Indo Aryan ay nakikipagasawahan sa mga Dravidian, lumikha sila ng isang mahigpit na sistema ng paghahati ng lipunan sa mga pangkat. Ang tawag sa sistemang ito ay caste.
Ang sistemang caste ay may apat na pangkat. Ang una at pinakamataas ay ang brahmin o pari. Ang pangalawa ay ang kshatriyas o mandirigma. Ang pangatlo ay ang mga vaishya o magsasaka at mangangalakal. Ang pang apat ay mga sudras o alipin.
Presented by:
Pascual, Sean Gere V.
Monton, Vianne M.
Lomibao, Christianne Joy
Grade 8-Aristotle
THANK YOU FOR WATCHING :) :)

Pagbubuod
Nakaranas ang Timog Asya
ng iba't ibang pananalakay noong sinaunang panahon
Ang mga mananalakay ng Timog Asya sa panahong ito ay mga Indo-Aryan, Greek, Kushan at mga Mogul.
Dalawang katutubong imperyo ang umusbong sa Timog Asya sa panahong ito: ang Maurya at Gupta
Tinangkilik ng Imperyong Maurya ang Buddhism at pinalaganap ito sa ibang bahagi ng Asya samantalagang tinagkilik ng Imperyong Gupta ang Hinduism.
Sa panahon ng Dinastiyang Kushan nagkaroon ng dalawang sangay ang Buddhism: ang Mahayana at Therevada o Hinayana
Sinalakay ng mga grupong Muslim, Afghan at Turk ang India noong ika-11 hanggang ika-12 na siglo.
Ang mga Muslim na nanalakay sa India ay nagtayo ng mga sultanato o kahariang Muslim sa hilaga. Ang pinakatanyag at pinakamalakas sa mga sultanatong ito ay ang Sultanatong Delhi.
Itinatag ni Babur, isang Turk ang Imperyong Mogul Si Babur at ang mga sumusunod na hari ay tinawag na Mogul sa pag-akalang sila ay mga Mongol. Si Akbar ay ang pinakadakila sa lahat ng mga haring Mogul.
Proyekto sa Araling Panlipunan
Pascual, Sean
Tanyag ang mga Mogul sa magagarang gusali na ipinatayo nila.
Monton, Vianne
Lomibao, Christianne
Ipinasa nina:
Pascual, Sean Gere V.
Monton, Vianne M.
Lomibao, Christianne Joy
Ipinasa kay: Bb. Imelda Biglang-awa
Full transcript