Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

EL FILI- KABANATA 19: ANG MITSA

No description
by

xyra engkong

on 23 January 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of EL FILI- KABANATA 19: ANG MITSA

EL FILI- KABANATA 19: ANG MITSA
Buod
Galit na galit si Placido nang lisanin ang kanyang Klase. Parang naririnig niya pa ang tinig ng propesor at halakhak ng mga kaklase. Gusto niyang maghiganti ng 1,001 na beses. Binubulong niya sa sarili: "Placido, ipakilala mong ikaw ay may karangalan, na ikaw ay matapang at maginoo. Taga-Batangas ka na ang paglait ay hinuhugasan ng dugo." Nakita niya si Padre Sibyla at Don Custodio. Nanuot ang galit niya. Gusto niyang sunggaban ang pari at ihagis sa ilog.
Napadaan siya sa Escolta at nakita ang basar ni Quiroga. Mayroong dalawang Agustinong pari sa pinto na nakikipagtawanan sa iba pang prayle sa loob. Sa dakong malayu-layo ay may nakita siyang dalawang kadete na may kausap na kawani. Tinungo sila ni Placido upang sapilitang buksan nila ang daan. Niyaya siya ng away. Hiniling niya na sana'y makita siya ng mga ''lintik'' na mga opisyal ng kanyang unibersidad. Hiniling niya ito dahil wala na siyang pakialam at akala niya'y di na siya makakabalik sa Santo Tomas o makakapasok sa alinmang paarlan, maging sa
Ateneo.
Habang patungo sa kanyang dormitoryo ay iniisip na niya kung paano ipagtatapat sa kanyang ina ang kalagayan niya. Subalit nagulat siya nang madatnan niya doon ang inang si
Kabesang Andang
na galing pa sa Batangas at lumuwas para bigyan siya ng pera. Napansin agad ng ina ang pagkabagabag ng anak at di na man naglihim si Placido at sinabi ang katotohanan. Nalungkot ang ina at naghinagpis. Hindi siya pinakinggan ni Placido at nagpaalam na lamang na siya aalis.
Nagpalipas siya ng oras sa paglalakad sa
San Nicolas, Sto. Kristo, Tondo at Sibakong.
Nakaramdam siya ng gutom at naisipang umuwi. Nadatnan niyang naroon parin ang kanyang ina at sinabihan siya na humingi ng paumanhin sa mga prayle. Ayaw ito ni Placido. Tatalon daw muna siya sa ilog Pasig o magtutulisan bago mag-aral na muli. Nagsermon uli ang ina ukol sa pagtitiis. Di na kumain muna, muli siyang umalis at nagtungo sa daungan ng mga bapor. Inisip niyang magtungo sa
Hongkong
, magpayaman at kalabanin ang mga prayle.
Mga Tauhan
Placido Penitente
Don Custodio
Padre Sibyla
Kabesang Andang
Simoun
Quiroga

Ginabi siya sa paggagala sa
San Fernando.
Walang natagpuang kaibigan. Napatungo siya sa perya at nakita doon si
Simoun
. Sinabi niya dito ang nangyari sa kanya at ang hangad niyang magpasa- Hongkong. Nagpatulong siya sa mag-aalahas. Isinama siya ni Simoun sa kanyang pupuntahan at di sinasadyang nakita nila si
Isagani
at
Paulita
kasunod si
Donya Victorina
na kausap si
Juanito Pelaez
.
"Iyan ang maligaya" bulong ni Placido.
"Diyan lamang siya magaling, mabuti na ang lagay ng kabataan" bulong naman ni Simoun.
Bumaba sila sa karwahe at naglakad. Pasikut-sikot sila sa gitna ng mga bahay na napapalibutan ng mga puno ng saging. Di nagtagal ay narating nila ang bahay na sadya ni Simoun. Pinatuloy sila ng isang lalaking mahusay mangastila.
"Tuloy po kayo. Nasa mga sako na ang inyong mga kailangan at kulang na lang ang mga bala," wika ng lalaki
"kasama na rin ba ang pulbura?" tanong ni Simoun.
"Nakalagay na po sa bayong. Hinihintay ko na lamang po ang bumbong."
"At ang mga pasabog?"
"Nakahanda na rin po" ...
"Magaling! Kausapin niyo ngayong gabi ang tinyente at ang kabo. Magtungo rin kayo sa dalampasigan. Makakakita kayo ng isang namamangka roon. Batiin niyo siya ng 'kabesa' at siya ay sasagot ng 'Tales'. Sabihin niyong kailangang naririto siya bukas. Huwag na tayong mag aksaya ng panahon."
Nakita ni Placido na inabutan ng pera ni Simoun ang lalaki at sinabing hindi na pwede iurong ang paglusob dahil baka di na maabutang buhay si Maria Clara. Nagulat si Placido sa mga narinig.

Nilisan ng dalawa ang bahay na iyon at nagtungo sa isa pang bahay. Nakatira rito ang isang Kastilang iika-ika kung lumakad habang gamit ang saklay.
"Magsipaghanda na kayo!" ani ni Simoun
"nakahanda ako sa lahat ng sandali!" sagot ng kastila.
"Sa linggong darating!"
"Matutuloy na ba?"
"Kapag narinig mo ang unang putok ng kanyon!"
Umalis na sila doon at nagtungo sa bahay ni Simoun.
Makalipas ang 2 oras ay lumisan na si Placido at naiwang nag-iisa sa Simoun sa kanyang silid. Abala siya sa pag-iisip ng mga hakbang na gagawin. Maaari niya pa itong iurong ngunit agad nagbago ang isip dahil baka siya ay matulad sa iba.
Si Placido naman ay biglang nagbago sa lahat ng kanyang binabalak.
Full transcript