Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Pinaglahuan ni Faustino Aguilar

No description
by

Pauline Navarro

on 8 July 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Pinaglahuan ni Faustino Aguilar

Pinaglahuan ni Faustino Aguilar
Madilim, madumi, madaming magkakatapat na bahay at mapapansin ang lubos na kahirapan sa buhay ng mga taong naninirahan dito.
Epekto ng kapaligiran sa kaisipan ni Luis
Nasabi na sa panimula na lumaki sa hirap si Luis. Nabangon siya araw araw na dala-dala ang mukha ng kahirapan. Imbes na makapag-aral, maaring sa init ng araw siya nagtratrabaho. At kung ang paligid ng tao ay puno ng hirap, hindi na maiaalis sa isipan ng tao ang pagkanegatibo.
Ang kawalan ng edukasyon dahil sa hirap ay maaring maka-apekto sa kritikal na pag-iisip ng tao.
Epekto ng kapaligiran sa kaisipan ni Danding
Ang kabiguan ng tao ay dala ng mga bagay na nasa kapaligiran niya. Sa kapaligiran na kinalakihan ni Danding ay nagkaroon ng isang larawan ng kahirapan. Kung kaya't ganon na lamang ang kanyang paraan ng pag-iisip.
Epekto ng kapaligiran sa damdamin ni Luis
Labis na malumbay ang buhay ng isang mahirap. Alam ni Luis buong puso kung gaano kabigat ang buhay mahirap. Pasan pasan niya ang kalungkutan ng pagkakulang ng lahat. Kulang sa edukasyon, pagkain, pera... at pag-big. Kulang ang kanyang pag-ibig kay Danding sapagkat hindi niya matutugunan ang mga pamantayan ni Don Nicanor upang sila'y makasal. Masakit sa bahagi ni Luis dahil mahirap lang siya at iyon ang kanyang ikinalakihan. Masakit isipin na dinidikta ng estado mo sa lipunan kung sino ang dapat para sayo at kung ano ang matatamo mo sa buhay.
BUOD
Tulad ng nasabi namin bilang panimula, maaring bahagi na ng pagkakaroon ng negatibong pag-iisip ng tao ang kanilang nakikita, naririnig, o nararanasan sa kanilang kapaligiran. Sang-ayon dito ang na buong larawan ng aming grupo. Mapapansin sa kwento “Pinaglahuan” na ang kanilang kapaligiran ang pinakadahilan ng buong suliranin.
Epekto ng kapaligiran sa damdamin ni Danding
Malaki ang impluwensya ng kapaligiran sa buhay ng isang tao. Sa bawat pagpatak ng ulan ay siya ring pagkaguho ng damdamin ni Danding. Labis niyang minamahal si Luis ngunit hindi niya maipaglaban ang kanilang pag-ibig dahil salat sa kayamanan.
Ang kapaligiran ni Danding ay puno ng larawan ng hirap.
Epekto ng kapiligiran sa sarili ni Luis
Dahil sa kinasadlakan na kahirapan ni Luis, kanyang napagtanto na kaaway niya ang salapi at pananampalataya. Sapagkat ang sukat ng kahirapan ay kung gaano karami ang meron ka o wala ka. Pananampalataya sapagkat nagtiwala siya kay Danding na hanggang sa huli ang pag-ibig nila ang mag wawagi. Ngunit napatunayan ni Danding sa kanya na ang kaligayahan ay pwedeng mabili ng pera.
Napagtanto na niya na hindi niya mapagkakatiwalaan ang tao at sa pera na lang dahil nabibili ng pera ang lahat ng iyong gusto.


Epekto ng kapaligiran sa sarili ni Danding
Malaki ang impluwensya ng kapaligiran sa paniniwala ng isang tao na siyang humuhubog sa kanyang indibidwal na paninindigan. Sa pagnanais ni Danding na matakasan ang kahirapan, niyakap niya ang desisyon ng kanyang magulang na magpakasal kay Rojalde. Ipinapakita niya na kaya niyang isakripisyo ang kanyang pangsariling kaligayahan kapalit ng kaginhawaan na buhay. Sinasalamin nito ang kapaligirang kahirapan ay nag iwan ng mapaiit na karanasan sa kanyang katauhan.
Epekto ng kapaligiran sa kaisipan ng magulang ni Danding
Dahil si Don Nicanor ay napaliligiran ng iba't ibang tukso at bisyo, naging iresponsable at pabaya siya sa pera ng kanyang pamilya. Ang pera niya ay unting unti naglagas hanggang kahirapan na ang nakahain sa kanya. Sa kanyang mga maling gawi, nagbago ang kanyang kapaligiran mula sa maaliwalas na buhay patungo sa mahirap na buhay. Ang pagbago na ito ang nakaapekto kung bakit naging negatibo ang solusyon sa problema niyang kahirapan.


Papatunguhan ng tauhan sa kwento:
Tatlong pangkalahatang tanong:
Ang patutunguhan ni Danding ay buhay na walang ligaya kasi mananatili na siyang kasal sa isang lalaki hindi naman niya mahal.
Magpapatuloy mamuhay si Luis bilang isang mahirap na mamamayanan. Baon niya ang paniniwalang ang salapi at pananampalataya ay kanyang kaaway na nakaapekto sa kanyang tiwala sa ibang tao. Sa rason na sa mismong kasintahan niya pa naramdaman ang pangingibabawa ng pera sa pananampalataya sa pag-ibig nilang dalwa.
Full transcript