Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

196

"Anhin kong saysayin ang tinamong tuwa

ng kabataaan ko'y malawig ng lubha,

pag-ibig ni ama'y siyang naging mula

lisanin ko yaong gubat ng payapa."

197

"Pag-ibig anaki't aking nakilala

di dapat palakhin ang bata sa saya,

at sa katuwaa'y kapag namihasa

kung lumaki'y walang hihinting ginhawa."

198

"Sapagkat ang mundo'y bayan ng hinagpis

mamamaya'y sukat tibayan ang dibdib,

lumaki sa tuwa'y walang pagtitiis

anong ilalaban sa dahas ng sakit?"

199

"Ang taong magawi sa ligaya't aliw

mahina ang puso't lubhang maramdamin,

inaakala pa lamang ang hilahil

na daratni'y di na matutuhang bathin."

200

Para ng halamang lumaki sa tubig

daho'y malalanta munting di madilig,

ikinaluluoy ang sandaling init

gayundin ang pusong sa tuwa'y maniig."

201

"Munting kahirapa'y mamalakhing dala

dibdib palibhasa'y di gawing magbata,

ay bago sa mundo'y walang kisapmata

ang tao'y mayroong sukat ipagdusa."

202

"Ang laki sa layaw karaniwa'y hubad

sa bait at muni't sa hatol ay salat,

masaklap na bunga ng maling paglingap

habag ng magulang sa irog na anak."

203

"Sa taguring bunso't likong pagmamahal

ang isinasama ng bata'y nunukal,

ang iba'y marahil sa kapabayaan

ng dapat magturong tamad na magulang."

204

"Ang lahat ng ito'y kay Amang talastas

kaya nga ang luha ni Ina'y hinamak,

at ipinadala ako sa Atenas

bulag na isip ko'y nang doon mamulat."

LAKI SA LAYAW

Saknong 196-204

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi