Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
ay pagpapahayag ng ating nakikita ,naririnig at nadarama. Ang pagbuo ng isang malinaw na larawan sa isip ng mga mambabasa o tagapakinig ang pangunahing layunin ng paglalarawan.Ang sumulat ng isang paglalarawan ay maihahambing sa isang pintor na gumuguhit ng mga tanawin at mga larawan. Ang tanging kaibahan lamang ay pinsel at pintura ang ginagamit ng pintor samantalang mga salita ang ginagamit ng isang manunulat o nagpapahayag nang pasalita.
4. Wastong pagpili ng mga sangkap
-ang mga sangkap na isasama ay tiyaking makatutulong sa pagpapaklala ng kaibahan o katangian ng inilalarawan .Hindi dapat isama ang napakaraming sangkap na magiging kapansin-pansin at makapagbibigay ng malinaw na larawan.
5. Maingat na pagsasaayos ng mga sangkap
- ang pangunahing larawan ay dapat mapalitaw sa pamamagitan ng maingat na pagsasama-sama ng mga sangkap .Naiiba ang paglalarawan sa pagsasalaysay na kailangang sunud-sunod ang mga pangyayari kaya ang isang naglalarawan ay malayang pumili ng paraang sa palagay niya'y magiging mabisa sa pagbuo ng kakintalang nais niyang mapagitaw sa isipan ng bumabasa o nakikinig.
Pangkaraniwang Paglalarawan :
1. Maingat na pagpili ng paksa- makabubuting piliin ang paksang may lubos na kaalaman ang mga mag-aaral sapagkat ito'y palagi nilang nakikita at may kaugnayan sa kanilang karanasan.
2. Pagpili ng sariling pananaw- tinutukoy nito ang pagtingin ng isang naglalarawan.
sa paksang kanyang inilalarawan.
3. Pagbuo ng isang pangunahing larawan- ito'y nangangailangan ng maingat at masusing pagmamasid .Ito ang unang kakintalanng paksang inilalarawan.Ang tao at bagay ay may kakanyahan at ang naturang kakanyahang ikinaiiba nito ay dapat na bigyang diin na bantay sa pagmamasid ng naglalarawan.
*Siya'y isang dalagang naninirahansa magandang bundok na naghihiwalay sa mga lalawigan ng Laguna at Tayabas .
* Noong siya'y bata pa ,ay nakita niya buhat sa malayo si Mariang Makiling.Ito nagdaan noon sa ibabaw ng kagunan lamang nababaluktot ang malalambot na dahon ng kugon.
*Si Mariang Makiling ay hindi naman lagi nang mapagbigay at mairugin sa mga mangangaso .Naghihiganti rin siya ,bagaman't ang kanayang paghihiganti'y hindi naging malupit kailanman.Lagi nang naghahari sa kanaya ang malambot na pusong babae.
* Madalas akong nagpagala-gala sa mga paa ng Makiling ,at sa halip na mamuksa ng mga kahabag-habag na kalapating nagsasalaysayan ng kanilang mga pag-ibig sa mataas na sanga ng mga punong-kahoy ,kapag nagunita ko si Maria Makiling ,ay sinasambit ko siya.
* Nakaklta kami ng mga nagtataasa't tuwid na mga punong-kahoy na nilulumot na .Sa pagitan ng mga sanga-sanga nito'y may magagandang engkaheng binurdahan ng mga bulaklak .Nakakita kami ng mga dapong lalong bihira ,na mya iba't ibang hugis,buhat sa mga dahong malasinulid hanggang sa mga naglalakihang dapo, lahat ng uring mga palmerang nagtataasan at naggagandahan ,na nagkakadkad sa kalawakan ng kani-kanilang magsinsukat na mga dahon na bumubuo ng tila isang magandang katipunan ng mga balahibo ng ibon.
b. Si Leoncio ay laging malinis-patiang kanyang damit,bagaman ang karamihan sa mga ito ay hindi agpang sa kanya.Ang ilan ay totoong mahahaba at ang ilan ay maiikli naman -na tila pinagkalakhan
Mula sa : Walong Taong Gulang
ni : Genoveva D. Edroza
c Ang bata ay nakapantalon ng maruming maong na sa kahabaan ay pinag-ilang lilis ang laylayan. Nakasuot ito ng libaging kamiseta ,punit mula sa balikat hanggang pusod na iknalitaw ng kanyang butuhan at maruming dibdib.
Mula sa: Ang Kalupini:
ni :Benjamin P. Pascual
2. Masining na paglalarawan
.-ang guniguning bumabasa ay pinagagalaw upang makita ang isang buhay na buhay na ng larawan.Naglalaman ito ng damdamin at pananaw ng sumulat . Ibinibigay niya ang isang buhay na larawan ayon sa kanyang namalas at nadama .
*basahin ang mga halimbawa sa p.200
1. Pangkaraniwan - ang uring ito'y nagbibigay lamang ng kabatiran sa inilalarawan ,hindi ito naglalaman ng damdamin at kuru-kuro ng naglalarawan. Ang ibinibigay lamang nito ay ang karaniwang anyo ng inilalarawan ayon sa pangmalas na panlahat .
Mga halimbawa:
A. "Noong huli akong dumalaw sa tahanan ni Tiya Pilyar sa lalawigan ay ganito rin ang ayos ng bakuran nila. Sariwa at malalago ang mga halaman, naghuhunihan ang mga ibon sa sanga ng punungkahoy at nalalanghap sa hangin ang halimuyak ng mga bulaklak .Ang kanilang malaking bahay sa loob ng bakod ng mga alambreng may tinik ay halos wala pa ring ipinagbago. Naroon din ang mga hawla ng kanaryo na nagsabit sa bintana . Naroon din ang mga puno ng halamang nakahalayhay sa may pagpanhik ng hagdanan .Kaytulin ng mga araw ! Isang buong taon na ang nakalipas ay parang hindi ko napansin."
Mula sa: Panata ni Pilar
ni : Amado V. Hernandez
Masining na Paglalarawan
*Samantalang may mangilan-ngilang nagsasabing ang kanyang tirahan ay isang magandang palasyo, na kumikinang na tulad ng isang gintong relikaryo at naliligid ng mga halaman at nagdirilagang liwasan .
*Siya'y isang dalagang matangkad at mainam ang tindig.May mga matang malalaki't maiitim at may buhok na mahaba't malago .Ang kulay niya'y kayumanngging -kaligatan .Ang kanyang mga kamay at mga paa ay maliit at makinis ,at ang bukas ng kanyang mukha'y nagpapahayag ng katimpian at katapatan.
* Siya'y isang nilalang na parang likha ng guniguni,kalahating sa hiwaga ng kanyang kagalang-galang na kagubatan at sa ugong ng mga alon ng kanugnog na lawa.
*Upang ang pagtulong na ito'y maisagawa ay nag-aanyo siyang karaniwang magbubukid at inaabutan sila ng mga butil ng ginto ,salapi relikaryo ,at hiyas.
*Sa loob ng ilang sandali lamang ay nilamon ng mga halimaw ang mga baboy-ramo at mga usa na kanilang natagapuan sa lupa,at pagkakain ay nagsitungo uli sa bundok.Noong lamang pinagsaulan ng ulirat ang mga mangangaso,at bagaman ang lalong matapang ay nagpaputok ,ngunit ay hindi lumabas ,at biglang nawala ang mga halimaw.
TAPOS na :D