Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

Intensib na Depinisyon

Pangangahulugan

Ang El Niño, tinatawag ring Oskilasyong Pantimog (sa Ingles, El Niño- Southern Oscilliation o ENSO), ay isang katawagang naglalarawan sa isang likas na kaganapang nangyayari sa Karagatang Pasipiko.

Ang El Niño ay ang katuyuang nagaganap kapag ang temperatura ng tubig sa dagat ay tumataas sa mga kalatagan ng mga tubig ng tropikal na Karagatang Pasipiko.

Sa simpleng sabi, ang El Niño ay ang panahon ng matinding tagtuyot.

Ayon sa Webster ay ang pagdaloy ng hindi pankaraniwang mainit-init na tubig sa kanluraning bahagi ng Timog America na nagdadala ng matitinding mga epekto sa panahon sa iba't-ibang lugar.

Ang kahulugang ito ay sumasangguni sa paglalarawan ng NOAA na ang El Niño ay isang biglang pagbabago sa sistema ng atmospera at karagatan sa Tropical Pacific na siyang nagdudulot ng malalaking epekto sa klima at panahon ng mundo.

http://tl.wikipedia.org/wiki/El_Ni%C3%B1o

merriam-webster.com/dictionary/el%20ni%C3%B1o

oceanservice.noaa.gov

El Niño

Pinagmulan

Ekstensib na Depinisyon

Ang mga salitang 'El Niño' ay nagmula sa wikang Español. Sa literal, ito ay nangangahulugang 'Ang batang lalaki'. Pasimbolo, ito ay tumutukoy sa batang Hesus.

Pinangalan ang penomenang ito ng 'El Niño' sapagkat ang pangyayaring ito ay karaniwang nagaganap sa panahon ng Pasko kung saan naipanganak ang batang Hesus.

Ang El Niño ay nangyayari bawat tatlo hanggang pitong taon, dulot ng pagdaloy ng mainit-init na tubig sa Karagatang Pasipiko.

Malubha ang mga epekto nito. Hindi lamang sa panahon, kung hindi pati na rin sa pamumuhay ng mga tao at sa ekonomiya.

http://tl.wikipedia.org/wiki/El_Ni%C3%B1o

enotes.com

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi