Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

QUIZ - TGT

Ang Pamumuhay ng mga Igorot

1. Saan kilala ang mga Igorot?

2. Magbigay ng dalawang pagkain na kinahihiligan ng mga Igorot at taga Luzon.

3. Ano ang sinusuot ng mga babaeng Igorot?

4. Ano ang dalawang wika ng mga Kalinga Tribes?

-Wika

Bontoc Tribes:

Sila ay nagsasalita ng wikang Bontoc.

Ibaloi Tribes:

Sila ay nagsasalita ng wikang Ibaloi.

Isnag Tribes:

Sila ay nagsasalita ng wikang Isnag.

Ifugao Tribes:

Ang mga Ifugao ay nagsasalita ng Ifugao, Tuwali, Ayangan, Kalanguya, Ilocano, Tagalog, at Ingles.

Kalinga Tribes:

Sila ay nagsasalita ng wikang Kalinga at Limos.

Kankanaey Tribes:

Ang wikang kanilang ginagamit ay ang wikang Kankanaey.

Isang Igorot

Ang Pamumuhay ng mga Igorot

-Paniniwala II

Pagtawag ng Pangalan

Bago lumisan sa isang panibagong lugar, tinatawag ng mga katutubo ang kanilang anino. Maari daw kasing maiwang naglalakbay ang anino, o kaluluwa hiwalay sa katawan nito. Kapag nagkaganoon, ang katawan ay maiiwang sakitin at tulala. Sa ibang tao, palagi niyang mapapanaginipan ang lugar na pinuntahan niya. Makikita niya ang sariling libang na libang sa mga tanawin at mga bagay doon.

Mga Igorot

Lokasyon - Katangian

Ang Pamumuhay ng mga Igorot

Matatagpuan sila sa Cordillera, sa isla ng Luzon, sa Hilaga ng bansa. Mayroong anim na lalawigan sa Cordillera Administrative Region: ang Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, at Mountain Province. May anim na etnolinggwistikong grupo sa parte ng mga pook na tinitirhan ng mga Igorot: ang Bontoc, Ibaloi, Ifugao, Isneg (o Apayao), Kalinga, at Kankanaey.

Cordillera Mountains, Cagayan

Ang mga Igorot ay kilala sa kanilang pagiging masipag, matatag, at tapat sa kanilang pinagmulan.Mga ugaling hindi basta basta hinahayaang makuha ng iba ang kanilang mga namana o nakuhang mga kayamanan.

Mayaman sila sa kultura at paniniwala na hanggang sa ngayon, sa ibang lalawigan ay naisasagawa.

Sila ay may pango na ilong at hindi rin sila masyado maputi.

Rehiyon ng CAR

-Kasuotan

Ang mga babae ay nagsusuot ng mga makukulay na patadyong o mga mahahabang palda.

Nagsusuot din ang mga babae ng kwintas at palayok sa kanilang mga ulo.

Ang mga lalaki naman ay nagsusuot ng mga bahag.

-Pagkain

Mahilig ang mga Igorot at and mga taga-Hilagang Luzon sa mga pagkain tulad ng gulay, isda, manok, at karne. Partikular ang pagkain ng aso sa mga Igorot, mga Bontoc, mga Ifugao, at mga Ibanag. Kung minsan, pinakukuluan ang mga gulay na may kahalong mga karne o kaya inihaw na isda.

Ang Pamumuhay ng mga Igorot

Ang Mga Sinusuot Ng Igorot

-Paniniwala

Mga Ritwal

Ang kanyao (Canao) ay isang ritwal na ginagawa sa isang pagtitipon. Madaming pagkakaiba-iba sa bawat lupain, sa bawat angkan. Ito ay ginagawa para sa mga masasayang selebrasyon gaya ng masidhing pag-aani, pasasalamat sa pagkakagamot, at iba pa. Ngunit hindi dito nagtatapos ang gamit nito. Maari din itong gawin sa mga nakakalungkot na pangyayari gaya ng paglalamay. Madalas naman, ito ay ginagawa bilang pagkonsulta sa mga ninuno tungkol sa mga dapat na gawin ng isang bayan. Marami din talagang iba’t-ibang mga kaugaliang napapaloob sa kanyao.

Ang Mga Igorot ay Nagsasagawa ng Ritwal

Ang Mga Igorot

MGA IGOROT

Lianna Magsino - Ria Marasigan - 6 - Parañaque

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi