Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

TEORYANG PAMPANITIKAN

- Sosyolohikal

- Moralismo

- Realismo

Sosyolohikal

KONOTASYON

Kung mapapansin sa istorya, maraming problemang panlipunan ang naganap tulad ng matinding trapiko at mahinang pagsuway sa mga lumalabag ng batas trapiko. Maihahalintulad ito sa ngayon dahil maraming aksidente ang nangyayari sa lipunan at ang dahilan nito ay ang hindi pagsunod ng mga tao sa patakarang trapiko.

1. kumikinang - artista

2. impiyerno - apoy

3. magkasalikop - nagdadasal

4. dapithapon - matanda na

5. ahas - traydor

Moralismo

Takipsilim

sa

Jakarta

Mula sa istorya, mapapansin na naging matapobre si Radan Kaslan at naging mapagkumbaba si Pak Idjo. Nangyayari ang gawaing ito sa kasalukuyan. May mga tao talaga na hindi marunong umunawa ng kalagayan ng isang tao at basta- basta na lamang magsasabi ng hindi kaayaaya nang hindi nalalaman ang rason.

Realismo

6. walang mata - walang pakialam na tumingin sa mga nangangailangan

7. naalimpungatan - nagising sa katotohanan

8. nag-uusyoso - nakikinig sa paguusap ng mga tao

Sa istorya, mapapansin na kinakampihan ng mga pulis si Radan Kaslan ng hindi pa nalalaman ang pahayag ni Pak Idjo. Nakikita sa kasalukuyan na maraming madla ang laging kumakampi sa mga mayayaman at edukadong mga tao. Para sa kanila, ang taong mas may pinag- aralan at mas may-kaya ay laging tama dahil sa mas makapanipaniwala sila kaysa sa mga mahihirap lamang.

Gawa nina:

Chen Alcasid

Rizza Alvarez

Billie Cabildo

Senna Fajardo

Rojm Flores

Kirsten Ignacio

Ally Parlade

Xan Raymundo

PAG-UUGNAY

9. nakausli - naiiba

10. nangangatog - mahina na ang mga buto

Maiuugnay natin ang "Takipsilim sa Dyakarta" dahil sa panahon ngayon ay para bang minamaliit natin ang mga mahihirap. Para sa amin, pantay pantay lamang tayo, walang mas mababa, walang mas mataas. Makikita rin na ang ibang tao ay wala ng awa sa mga mahihirap. Katulad ng mga nanlilimos sa kalye, kahit minsan man ay bigyan natin ng kaunting pagkain o kaya naman ay barya para naman makakain sila para sa araw na iyon. At alam naman natin mga Pilipino na marunong tayong umintindi kaya dapat kung alam natin makakatulong tayo sa kanila, tulungan na natin. Tayo ang mas nakakaangat kaya gawin na natin ang kaya nating gawin para makaangat rin sila sa buhay.

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi