Larawang Diwa
"Kamatayan ng pag-ibig"
"Kamay ng Birhen"
Kamatayan ng Pag-ibig
Tulang isinulat ni Lorie Jen Rojo
Ang bawat hakbang, kilos at desisyon,
nasusulat sa itinakdang komposisyon…
Bawat nota, bawat timbre o hagis ng himig
kalakip ay kamatayan ng pag-ibig.
Nagdurusa sa usal ng kapalaran.
Bawat pag-ibig, sadyang may katapusan.
Sakit, lamig at pag-iisa,
sa hinaharap ng tulad mong umaasa.
Sintang nawala nang bigla,
dulot ay pighati at luha.
Harapin ang katotohanan:
ang pag-ibig ay may kamatayan,
magpakailan man.
KAMAY NG BIRHEN
Mapuputing kamay, malasutla’t lambot,
kung hinahawi mo itong aking buhok,
ang lahat ng aking dalita sa loob
ay nalilimot ko nang lubos na lubos.
At parang bulaklak na nangakabuka
ang iyong daliring talulot ng ganda,
kung nasasalat ko, O butihing sinta,
parang ang bulakiak kahalikan ko na.
Kamay na mabait, may bulak sa lambot,
may puyo sa gitna paglikom sa loob;
magagandang kamay na parang may gamot,
isang daang sugat nabura sa haplos.
Parang mga ibong maputi’t mabait
na nakakatulog sa tapat ng dibdib;
ito’y bumubuka sa isa kong halik
at sa aking pisngi ay napakatamis.
Ang sabi sa k’wento, ang kamay ng birhen
ay napababait ang kahit salarin;
ako ay masama, nang ikaw’y giliwin,
ay nagpakabait nang iyong haplusin.
imagery
Ano ang Larawang Diwa?
Imagery, in a literary text, is an author's use of vivid and descriptive language to add depth to their work. It appeals to human senses to deepen the reader's understanding of the work.
- Ito ang mga salitang kapag binabanggit sa tula ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa.