Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

Mga Paaralan Kung Saan Nag-aral si Dr. Jose Rizal

Taong 1872 naman ng pumasok si Rizal sa Ateneo Municipal de Manila. Nakamit ni Rizal ang kanyag Batsilyer sa Artes dito noong 1877. Tungkol sa kanyang pag-aaral sa Ateneo sinabi ni Rizal, " Iyon ang masasayang araw".

Sa Ateneo sobresaliente ang grado ni Rizal sa lahat ng kanyang mga kurso:

  • Aritmetika,Algebra,Geometry at Trigonometry;
  • Mga wikang Latin, Espanyol, Griyego, at Pranses;
  • Retorika at Pagtula;
  • Heograpiya, Pangkalahatng Kasaysayan, at Kasaysayan ng Espanya at Pilipinas; at
  • Minerolohiya at Kemistri, Pisika, Botany at Zoology

Ateneo Municipal de Manila

Noong 1877, Pumasok si Rizal sa Unibersidad ng Santo Tomas upang mag-aral ng medisina. magaganda rin ang mga marka niya ngunit hindi niya natapos ang pag-aaral sa UST. Noong 1882, kinailangan niyang umalis ng Pilipinas dahil:

  • Unti-unti siyang nagiging mainit sa mata ng mga Espanyol dahil sa ilang akdang isinulat niya; at
  • Nakaaway niya ang isang guwardiyang sibil sa isang insidente sa Calamba.

Unibersidad ng Santo Tomas

Ang Edukasyon ni Rizal

Ulat nila:

  • Ahlex Francezca Fajardo
  • Angelica Almocera
  • Gabriella Silorio
  • John Chester Gonzales
  • Aljhen Mateo
  • Honey Dhane Niemes
  • Selwyn Cyruz De Guzman

Unang nag-aral si Rizal sa kanyang bayan sa Calamba, Laguna. Ngunit bago pa siya pormal na pumasok sa paaralan, sinimulan na ng kanyang ina, si Teodora Alonso, ang kanyang edukasyon.

Nagsimula ang pormal na edukasyon ni Rizal sa Calamba noong siya ay humigit-kumulang apat na taong gulang lamang. Binayaran ng kanyang ama ang isang matandang lalake, si Leon Monroy, na turuan siya ng Latin.

Ipinagpatuloy ni Rizal ang kanyang pag-aral sa Biñan, Laguna noong 1870 sa pamamahal ni Justiniano Aquino Cruz. Nanatili siya rito ng isa at kalahating taon. Noong 1871 bumalik si Rizal sa Calamba at nag-aral sa ilalim ni Lucas Padua. Matapos ang isang taon, nagpasya ang kanyang pamilya na pagaralin siya sa Maynila. Kaya kumuha siya ng pagsusulit sa Colegio de San Juan Letran.

Upang maiwasan ang banta mula sa gobyerno, pumunta si Rizal sa Espanya at doon inituloy ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad de Madrid. Nagtapos siya ng medisina sa Madrid noong 1886.

Nakamit ang digri ng Medisina na may natamong

karangalan sa Unibersidad ng Madrid.

Unibersidad de Madrid

Colegio De San Juan

de Letran

design by Dóri Sirály for Prezi

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi